You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Kabihasnan sa Africa-Songhai, Mali, Ghana

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Kabihasnan sa Africa-Songhai, Mali, Ghana
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gemma F. Depositario


Editor: Ma. June P. Villegas
Genel L. Babor
Tagasuri: Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
8
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Ang Kabihasnan sa Africa-Songhai,
Mali, Ghana

iii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Ang Kabihasnan sa Africa-Songhai,
Mali, Ghana!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa: Ang Kabihasnan sa Africa-Songhai, Mali, Ghana.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
Suriin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

v
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
Isaisip
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

vi
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Most Essential Learning Competency:

Nasusuriang pag-usbong at pagunlad ng mga klasikong kabihasnan sa:


• Africa – Songhai, Mali, atbp.
• America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
Mga Pulo sa Pacific – Nazca

Mga Layunin:
1. Nakikilala ang mga kabihasnang umusbong sa Africa;
2. Naihahambing ang mga imperyo sa Africa Songhai, Mali, at Ghana
3. Napahahalagahan ang mga nagawa ng imperyong Songhai, Mali, at Ghana.

Subukin
Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa ito sa iyong kwaderno.

1. Ito ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaon malapit


sa_______.
a. Prime Meridian b. Equator c. tropic of cancer d. tropic of Capricorn

2. Ang tawag sa kalakalang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at kanlurang Sudan.


a. kalakalang Trans-Sahara b. kalakalang Muslim
c. kalakalang Ehipto d. Kalakalang Europeo

3. Ano ang tawag sa lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig ?


a. Ilog b. lawa c. oasis d. talon

4. Anong kontinente ang tinawag na dark continent?


a. Asia b. Australia c. Africa d. Europe

5. Nagkaroon sa imperyong Ghana ng malaking pamilihan ng mga produkto. Alin ang hindi
kasama sa kanilang produkto?
a. ginto b. ebony c. ostrich d. asin

6. Ang tatlong imperyong sa kanlurang Africa. Alin ang hindi kasali?


a. Songhai b. Axum c. Mali d. Ghana

1
7. Siya ay isa sa mga pinuno ng imperyong Mali.
a. Mansa Musa b. Alexander the Great
c. Sunni Ali d. Julius Caesar

8. Sino ang lider ng imperyong Mali na umakyat ang imperyo sa kapangyarihan?


a. Chulalongkorn b. Sundieta c. Mansa Musa d. Al-Bakri

9. Sila ang nagpakilala ng relihiyong Islam sa imperyong Songhai.


a. Babor b. Songhai c. Berber d. Romano

10. Ito ay tawag sa malawak na damuhan o grassland na may mga puno.


a. disyerto b. savanna c. steppe d. rainforest

11. Sinong hari ang hindi tumanggap ng Islam sa kanyang imperyo?


a. Sundieta Kieta b. mansa Musa c. Sunni Ali d. Dia Kossoi

12. Ano ang pinakamalawak at pinakamalaking disyerto sa daigdig?


a. Gobi b. Mongolia c. Takla Makan d. Sahara

13. Tawag sa pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay na


kadalasang gamit ay kamelyo, dala-dala ang kanilang mga kalakal.
a. caravan b. adventurero
c. mangangalakal d. negosyante

14. Nakilala si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa _________.


a. karunungan b. Kalakalan c. pagpipinta d. pakikidigma

15. Anong imperyo ang tagpagmana ng imperyong Ghana?


a. Axum b. Songhai c. Mali d. Shanghai

Balikan
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. pilin ang tamang sagot sa loob ng kahon .
Isulat ang inyong sagot sa kwaderno/notebook.

Appian Way Twelve Tables Livius Andronicus Cicero Aqueduct

__________1. Ito ay batas ng Rome para sa lahat. Ginagamit ito upang alamin
ang krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa.
__________2. Ang tawag sa daan sa naitinayo sa imperyog Rome na nag-uugnay sa
Rome at timog Italy.
__________3. Siya ang nagsalin ng Odyssey sa Latin.
__________4. Ang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas.
__________5. Ito ang nagtustos ng tubig sa pampublikong paliguan, latian,
fountain, at pribadong kabahayan.

2
Tuklasin
Panuto: Suriin mabuti ang larawan sa
ibaba, pagkatapos ay sumulat ng dalawang
(2) pangungusap tungkol sa larawang inyong
nakita. Isulat ang inyong sagot sa inyong
kwaderno/notebook.

https://fthmb.tqn.com/pC5nDE3ssDPAlQoBMcfm192UXs=/1500x1000/filters:fill
(auto,1)/SaharaDesert-58c1a5603df78c353c3d525d.jpg

Suriin

Mga Kaharian at Imperyo sa Africa

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heograpiya kung bakit huling napasok at huling nahati-hati ng
mga kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga kanluranin na dark continent dahil hindi ito agad
nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa
kontinenteng ito hanggang ika-19 na siglo.

Pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Ang


rainforest o kagubatan kung saan sagana ang ulan at mga puno ay malalaki, matataas at
mayayabong na dahon.

Savanna-isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may puno.


Sahara - ay ang pinakamalaki at pinaka malawak na disyerto sa daigdig.
Oasis - lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng
halaman at hayop.

3
Kalakalang Trans-Sahara

Ito ay isang masaganang kalakalan na umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at


Kanlurang Sudan, ang timog ng Sahara. Ito ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag
na Kalakalang Trans -Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ng Sahara
sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba't-ibang uri ng kalakal. Caravan- pangkat ng
mga taong magkakasamang naglalakbay. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan.

Mga Kabihasnan sa Africa

Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong
ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Imperyong Ghana
Unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol sa isang malakas na estado
sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ngkalakalang Trans-Sahara.
Nagkaroon sa Ghana ng malalaking pamilihan ng iba't-ibang produkto tulad ng ivory, ostrich,
feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates,
sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

Mahalagang salik sa paglakas ng Ghana

Naging maunlad dahil naging sentro kalakalan sa Kanlurang Africa. Bumili ng mga
kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo. Ginamit ang sandatang gawa sa bakal
upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga pangkat na mahina ang mga sandata. Ang
mga kabayo ay nagbibigay ng ligtas at mabilis na paraan ng transportasyon para sa mga
mandirigma.

Ang Imperyong Mali

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa
sa mga outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali kapangyarihan ay sinimulan ni
Sundiata Kieta. Nong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong
Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang imperyong Mali ay lumawak
pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong
Timbukto, pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang ruta ng kalakalan. Noong
namatay si Sundiata Kieta noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at
pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Yumaman ang Imperyong Mali sa
pamamagitan ng kalakalan Mansa Musa ng namuno noong 1312. Higit pa niyang pinalawak
ang teritoryo ng imperyo.

1325- ang malalaking lungsod pangkalakalan ay nakilala tulad ng Djenne, Timbuktu,at Gao
ay naging bahagi ng Imperyong Mali.

Nakilala si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo


ng mga mosque o pook dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod at imperyo. Naging sentro
ng karunungan at pananampalataya ang Gao, Timbukto, at Djenne.

Imperyong Songhai

Ang mga Songhai ay nakipagkalakalan sa mga Berber taon-taon, noong simula pa noong
ika-walong siglo. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang
Islam. Pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng Songhai, ang Islam. Bagamat

4
hinikayat niya ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.
Nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria sa pamamagitan ng Gao at Timbukto. Dahil dito
nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam.

1325
- ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Hindi ito nagtagal sa pagiging
bihag ng Mali.

1335
- lumitaw ang bagong dinastiya, ang Sunni

1461-1492
-Ang Songhai ay naging isang malaking imperyo sa ilalim ni Haring Sunni Ali - sa
panahon ng kanyang paghahari , hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang
sapat na ang kanyang kapangyarihan at suportang mga katutubong mangingisda at
magsasaka. Iginalang at pinahalagahan niya ang mga mangangalakal at iskolar na muslim
na nananahanan sa loob ng kanyang imperyo. Hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang
kawani sa pamahalaan.

Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Ibigay ang mga imperyong umusbong sa Africa at magbigay ng tig-


dalawang katangian ng bawat imperyo. Gamitin ang organizer na nasa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno.

Mga Imperyo sa Africa

1. 2 3

Katangian: Katangian: Katangian:


a.___________ a.__________ a.__________
b.___________ b.__________ b.__________

5
Gawain B History Makers

Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong napag-aralan tungkol sa
mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

Pinuno Imperyong Pinamumunuan Mahalagang Nagawa


Sundiata Keita
Mansa Musa
Dia Kossoi
Sunni Ali

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang pangungusap na nasa loob ng cloud. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.

Ang aking mga natutunan ay


_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_____________________________________________

6
Isagawa

Panuto: Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga imperyo sa Africa.


Magbigay ng tig dalawang sagot bawat isa. Sundin ang Venn Diagram at isulat
ang sagot sa kwaderno.

Ghana

Songhai Mali

https://tinyurl.com/y9ydxlu6

Tayahin
Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa ito sa iyong kwaderno.
1. Ito ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit
sa_______.
a. Prime Meridian b. Equator
c. tropic of Cancer d. tropic of Capricorn

2. Ang tawag sa kalakalang umunlad sapagitan ng Hilagang Africa at kanlurang Sudan.


a. kalakalang Trans-Sahara b. kalakalang Muslim
c. kalakalang Ehipto d. Kalakalang Europeo

3. Ano ang tawag sa lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig ?


a. Ilog b. lawa c. oasis d. talon

4. Anong kontinente ang tinawag na dark continent?


a. Asia b. Australia c. Africa d. Europe

5. Nagkaroon sa imperyong Ghana ng malaking pamilihan ng mga produkto.


Alin ang hindi kasama sa kanilang produkto?
a. ginto b. ebony c. ostrich d. asin

6. Ang tatlong imperyong sa kanlurang Africa. Alin ang hindi kasali?


a. Songhai b. Axum c. Mali d. Ghana

7
7. Siya ay isa sa mga pinuno ng imperyong Mali.
a. Mansa Musa b. Alexander the Great
c. Sunni Ali d. Julius Caesar

8. Sino ang lider ng imperyong Mali na umakyat ang imperyo sa kapangyarihan?


a. Chulalongkorn b. Sundieta Kieta c. Mansa Musa d. Al-Bakri

9. Sila ang nagpakilala ng relihiyong Islam sa imperyong Songhai.


a. Babor b. Songhai c. Berber d. Romano

10. Ito ay tawag sa malawak na damuhan o grassland na may mga puno.


a. disyerto b. savanna c. steppe d. rainforest

11. Sinong hari ang hindi tumanggap ng Islam sa kanyang imperyo?


a. Sundieta Kieta b. mansa Musa c. Sunni Ali d. Dia Kossoi

12. Ano ang pinakamalawak at pinakamalaking disyerto sa daigdig?


a. Gobi b. Mongolia c.Takla Makan d. Sahara

13. Tawag sa pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay na kadalasang gamit


ay kamelyo, dala-dala ang kanilang mga kalakal.
a. caravan b. adventurero c. mangangalakal d. negosyante

14. Nakilala si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa _________.


a. karunungan b. Kalakalan c. pagpipinta d. pakikidigma

15. Anong imperyo ang tagpagmana ng imperyong Ghana?


a. Axum b. Songhai c. Mali d. Shanghai

Karagdagang Gawain

Panuto:
Gawin ang sumusunod. Pumili lamang ng angkop sa iyong gustong gawin.
Sumulat ng sanaysay na 40 words tungkol sa mga mahalagang pangyayari sa
kabihasnang klasikong Africa. Isulat sa iyong kwaderno.

8
RUBRICS

Pamantayan Puntos
Nagpapahayag ng matinding kaalaman sa
mga mahalagang pagyayari sa kabihasnang 10
klasiko ng Africa
Katamataman lamang ang ipinapahayag na
kaalaman sa mga mahalagang pagyayari sa 8
kabihasnang klasiko ng Africa
Walang kaalamang ipinapahayag tungkol sa
mga mahalagang pagyayari sa kabihasnang 5
klasiko ng Africa

Susi sa Pagwawasto

Subukin/Tayahin Pagyamanin:
1. b Gawain A:
2. a 1. Mali 2. Songhai 3. Ghana
3. c Mali
4 .c -tagapagmana ng imperyong Ghana
5. d - Yumaman sila sa pakikipagkalakalan
6. b Songhai
7. a - Nakikipagkalakaln sila sa mga Berber
8. b - Sinalakay at binihag ang imperyongMali
9. c Ghana
10. b - Unang kabihasnan na naitatag sa kanlurang Africa
11. c - naging sentro ng kalakalan noon
12. d
13. a
14. a
15. c

ISAGAWA
Balikan:
1. Twelve Tables
2. Appian Way Pagkakatulad ng tatlong Kabihasnan:
3. Livius Andronicus -Pareho silang umusbong sa kanlurang Africa
4. Ceciro - Pareho silang kalakalan ang pangunaging hanapbuhay
5. Aqueduct
Pagkakaibaiba
- ang Imperyong Songhai ay naging malaking imperyo sa panahon
ni Haring Sunni
Ali . Pinahalagahanat iginalang ang mga mangangalakal at iskolar
na muslim. Samantalang ang imperyong Mali ay pinhalagahan ang
karunungan at nagpatayo ng mga mosque. At ang Imperyong
Ghana ay bumili ng mga kagamitang yari sa bakal at mga
kabayo.Nagkaroon ng malaking pamilihanng mga produkto

9
Sanggunian

A. Aklat
Kasaysayan ng Daigdig , Modyul Para sa Mag-aaral , 201-212

B. Website
“Sahara Desert” July 21, 2020, https://fthmb.tqn.com/pC5nDE3ssDPA-
lQoBMcfm192UXs=/1500x1000/filters:fill(auto,1)/SaharaDesert-
58c1a5603df78c353c3d525d.jp

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like