You are on page 1of 25

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Globalisasyon: Perspektibo at Pananaw

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Globalisasyon: Perspektibo at Pananaw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Consolacion R. Gadayan at Jireh Joy R. Ramirez


Editor: Mary Ann M. Gordoncillo, Tito B. Jardiniano Jr.
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Globalisasyon:
Pananaw at Perspektibo

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Globalisasyon: Perspektibo at Pananaw!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Gobalisasyon: Perspektibo at Pananaw!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na kwaderno sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Most Essential Learning Competency (MELC)

Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon. AP10GKA- IIa-1

Mga Layunin:
✓ Nabibigyang kahulugan ang globalisasyon.
✓ Nasusuri iba’t-ibang konsepto at pananaw ng globalisasyon.
✓ Naipapabatid sa mga mag-aaral ang epekto globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

1
Paano mo ito ipinakita o
Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kwaderno ang titik ng
wastong sagot.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’tibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo.
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal
ng mga bansa sa mundo.

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Globalisasyon

3. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at sosyo-kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.

4. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng


globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller
Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.

2
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

6. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal

7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal


at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga
epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming
kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan
partikular ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?


A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

8. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
“perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na
aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang
mga malalaking industriya.

9. Ayon kay Therborn ang globalisasyon ay nagsimula sa Ika-4 hanggang ika-5 siglo
(4th-5th Century) - Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo. Ano ang mahihinuha mula
rito?
A. May tiyak na simula ang globalisasyon.
B. Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa.
C. Isang mahabang siklo ang globalisasyon.
D. Ito ay isang penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

10. Ano ang malaking hamon na nakapagbagal ng globalisasyon?


A. Kompetisyon B. Terorismo C. Pag-aagawan D. Panggagaya

3
Balikan

Binigyang-diin sa nakaraang modyul ang kahalagahan ng pagsasanib


ng oras, lakas, pondo, at kakayahan ng pamahalaan at ng mga mamamayan
sa pagbuo ng DRRM plan upang maging handa sa iba’t ibang suliranin at
hamong pangkapaligiran. Pakatandaan mo na kabahagi ka ng lipunan at ng
kapaligiran kung kaya’t may responsibilidad ka na ito ay pangalagaan.
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang globalisasyon at ano ang
kinalaman nito sa mga isyung pang-ekonomiya. Ang mga isyung pang-
ekonomiya ay mayroon ring epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino kung kaya’t
mahalaga na maging mulat ka sa mga ito.
Halina’t suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito.
Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga
esensyal na kaisipan patungkol sa globalisasyon.

4
Tuklasin

GAWAIN 1. Guess the Logo


Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Isulat ang
mga sagot sa iyong kwaderno.

https://tinyurl.co https://tinyurl. https://tiny https://tiny https://tiny


m/y6oj8jsg com/yy47tjgc url.com/y6 url.com/y6t url.com/y2
d48uqy 6r6om nhsoqw

1. _________ 2. _______ 3. ______ 4.______ 5. ________

https://tinyurl.co https://tinyurl.co https://tinyurl.co https://tinyurl.co https://tinyurl.co


m/y6rfbkzn m/y5mm6qof m/y4hbrxp4 m/y4btem9v m/y6bt6hxj

6. ___________ 7. ________ 8. ________ 9. ________ 10. ___________

5
Suriin
Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan
ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at
maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito. Ngunit, kailan at paano
nga ba nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito? Paano nito binago ang ating
pamumuhay? Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na
nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa mga
pagbabagong ito ay tinatawag na GLOBALISASYON.

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na
mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon
at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang
pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon. Hitik ang kasaysayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t-
ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan
ay may pagkakatulad sa globalisasyong nagaganap bago sumiklab ang Unang Digmaang
Pandaigdig ng taong 1914.

Sa mga nagdaang taon mabilis ang pag-unlad ng palitan ng kalakal at serbisyo,


pamumuhunan at maging ng migrasyon. Pansinin ang mga sumusunod na pigura: 1997 –
$468 bilyon; 1998 - $ 827 bilyon; 2015 - $16 trilyon. Kung ihahambing sa nagdaang
panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak,
mabilis, mura, at malalim’.

“Any job- blue or white collar- that can be broken down into a routine and transformed into bits
and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number
of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a
comparable American worker.”
The World is Flat, 2006

Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng karagdagang mga


tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito. Isulat ang mga kasagutan sa
kwaderno.

1. Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic


gadgets, makina o produktong agrikultural?

2. Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled workers at


propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver?

3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific findings and
breakthroughs, entertainment o opinyon?
4. Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang paraan?

6
5. Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa mauunlad
na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran nito?
6. Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China, Germany,
Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas?
7. Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit?

Mahalagang Maunawaan:

Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang


pangmalawakang integrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.
Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga
pangyayaring nakapagpapabagal nito. Isa na rito ang terorismo. Dahil sa
mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang
terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian
at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng
terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na
naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol
sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyokultural. Nariyan ang
iba’t ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito
sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

Maituturing ba ng isyung panlipunan ang globalisasyon?


Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago,
binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang
naitatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang
mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang
gampanin nito.

PERSPEKTIBO AT PANANAW
Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang kontemporaryong isyung
panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito.

May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon.


1. Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o
maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.
2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming
‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang
globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa

7
hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya
higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
3. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o
epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak
na simula ang globalisasyon.
✓ Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century) - Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo
✓ Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century) - Pananakop ng mga Europeo
✓ Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo (late
18th-early 19th century) - Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-
daan sa globalisasyon Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 - Rurok ng
Imperyalismong Kanluranin
✓ Post-World War II - Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo.
✓ Post-Cold War - Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya
4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap
sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang
globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:
A. Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)
B. Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Roman
C. Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
D. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at
Hilagang America
E. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
F. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
✓ Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
✓ Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs)
✓ Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
✓ Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar nang talunin ang
Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang France at
Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang
Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-70).
✓ Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula
noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United
States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa
partikular sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at
General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang
ito subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay
nanggagaling sa Asya at Latin Amerika.
✓ Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union noong 1991 ang
naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito’y
mabilis na nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa mga bansang
komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa
mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia.

8
Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang
panlabas.

Pagyamanin
A. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng kahon. Isulat
lamang ang titik ng sagot. Gawin ito sa iyong kwaderno.

A. Nayan Chanda B. Ikaapat na pananaw C. Post-World War II

D. Pangalawang pananaw E. iron Curtain F. Thomas Friedman

G. Estaods Unidos H. Scholte I. Post-Cold War J. Therborn

1. Ayon kay __________ ang globalisasyon ay taal na nakaugat sa bawat isa.

2. Panahon ng pagkahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang


komunismo at kapitalismo.

3. Nakasaad sa ____________ na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa


ispesikong pangyayaring nagaganap sa kasaysayan.

4. Ang pagbagsak ng __________ at ng Soviet Union noong 1991 ay ay ang hudyat ng


pag-usbong ng globalisasyon ayon sa ikalimang pananaw.

5. Ang _________ pananaw o perspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang


mahabang siklo ng pagbabago.

6. Ayon kay __________, ang globalisasyon ay malawak, mabiis, mura at malalim.

7. Ang bansang ito ay ang umusbong na makapangyarihang bansa bilang global power
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

8. Ayon kay __________ maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na


panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo.

9. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiiya.

10. Ipinaliwanag niya na ang globalisasyon ay may anim na wave o panahon.

9
Isaisip

Hindi natin maikakaila ang magagandang dulot ng globalisasyon. Mas


napapabilis ang buhay ng bawat tao. Mas madali nating napupuntahan
ang iba’t-ibang lugar at madaling napapaabot ang mga impormasyon.

Isa na marahil sa pinakamalaking hamon ng globalisasyon ang mas


malawak na agwat ng mayaman at mahirap.

Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang ating


mundong ginagalawan. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla
ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa
pangangalaga sa planeta.

Ngayong may ideya ka na sa mga maganda at hindi magandang hatid


ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao, maiging pag-isipan mong
mabuti kung ano ang tamang gawin bilang isang mag-aaral.

10
Isagawa

Ilista ang mga produkto na binili ng iyong mga magulang na makikita sa iyong bahay. Isulat
ang pangalan ng produkto, anong kompanya ang gumawa nito at sa aling bansa ito
nagmula. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Bansang
Produkto Kompanya
Pinagmulan
1.
2.
3.
4.
5.

11
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kwaderno ang titik ng wastong
sagot.
1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Globalisasyon
2. Ayon kay Therborn ang globalisasyon ay nagsimula sa Ika-4 hanggang ika-5 siglo
(4th-5th Century) - Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo. Ano ang mahihinuha mula rito?
A. May tiyak na simula ang globalisasyon.
B. Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa.
C. Isang mahabang siklo ang globalisasyon.
D. Ito ay isang penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
3. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng
globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller
Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
4. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. konomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal
5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
6. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
“perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na
aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang
mga malalaking industriya.

12
7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal
at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga
epekto nito ay ang sumusunod.

I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.


II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming
kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan
partikular ang mga call center agents.
A. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.


B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng
tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao
8. Ano ang malaking hamon na nakapagbagal ng globalisasyon?
A. Kompetisyon C. Pag-aagawan
B. Terorismo D. Panggagaya
9. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal
ng mga bansa sa mundo.
10. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at sosyo-kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Pumili ng isa mula sa tatlong katanungan.
Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. May kinalaman ba ang globalisasyon sa kinakaharap na krisis pang-ekonomiya ng


ating bansa ngayon?
2. Sa paanong paraan napahinto o napabagal ng pandemyang ating hinaharap ang
mabilis na pag-usbong ng globalisasyon?
3. Saan ka sana ngayon kung wala ang pandemyang ito? May mga ginagawa ka ba dati
na hindi mo na nagagawa sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

14
15
PANGWAKAS NA GAWAIN PAGYAMANIN
1. D 1. A
2. A 2. C
3. B 3. B
4. D 4. E
5. C 5. D
6. A 6. F
7. C 7. G
8. B 8. H
9. A 9. I
10.B 10.J
GAWAIN 1 PAUNANG PAGTATAYA
1. NBA 1. A
2. Mcdo 2. D
3. Apple 3. B
4. Google 4. B
5. Facebook 5. C
6. Nike 6. D
7. Huawei 7. C
8. Jollibee 8. A
9. Louis Vuitton 9. A
10.KFC 10.B
Susi sa Pagwawasto
Glosaryo

Globalisasyon - proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon

Perennial - umiiral sa mahabang panahon na tila walang hangganan

Blue-collar job - trabaho na ginagamitan ng lakas o ng labor, halimbawa ay tubero,


karpintero, electricians, truck drivers at iba pa.

White-collar job - isang taong gumaganap ng propesyonal, managerial, o administrative na


trabaho. Pantanggapan trabaho ay ginanap sa isang opisina, maliit na lugar, o iba
pang mga administrative na setting.

16
Sanggunian
Ang modyul na ito ay gumagamit ng mga karagdagang impormasyon at larawan mula sa
internet.

❑ https://docs.google.com/document/d/13tePVr-
kRn0JuLK77cGFx2S3QnP9dPkIngicIYaKNI0/edit
❑ https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361
❑ https://www.brockpress.com/friedman-explores-the-issue-of-globalization/
❑ Mga Isyu at Hamong Panlipunan Manual Para sa mag-aaral sa Ika-sampung Baitang

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like