You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto at Katangian ng Kabihasnan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ednalyn A. Lacerna
Editor: Generosa M. Cureg, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Jun S. Nicolas, Vernida G. Pitos, Mary Ann S. Ang
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto at Katangian ng Kabihasnan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Konsepto at Katangian ng Kabihasnan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Narito ang mga pamantayang inaasahan na iyong malilinang sa pamamagitan


ng pagsasagawa ng mga inihandang gawain sa modyul tungkol sa konsepto at
katangian ng kabihasnan. Magsisilbi itong batayan upang mataya ang antas ng
pag-unlad at paglinang ng iyong kaalaman at kasanayan tungkol sa aralin.
Larawan mula
Clipart.Logo.co

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)

Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
1. Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito

D. PAKSANG ARALIN
▪ Pagkakaiba ng Kabihasnan at Sibilisasyon at mga Batayang Salik ng Kabihasnan
▪ Ebolusyong Kultural sa Asya / Mga pagbabago sa paglipas ng panahong
Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal
▪ Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng Tao
▪ Ang impluwensiya ng kalagayang heograpikal ng Asya sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnang
Asyano

E. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga konsepto at pagsasagawa ng mga inihandang gawain sa modyul na


ito, ikaw bilang isang mag-aaral sa Ikapitong Baitang ay inaasahang;

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng Kabihasnan at Sibilisasyon.


2. Nasusuri ang mga mahahalagang kaganapan sa kultura, pag-unlad at pamumuhay ng mga tao sa
iba’t ibang panahon. (Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko at Metal)
3. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng sinaunang tao ng iba’t ibang panahon sa kasalukuyan
4. Naiuugnay ang kalagayang heograpikal ng Asya sa pag-usbong at pag-unlad ng kultura sa
kasalukuyang panahon.

5
Subukin

Layon ng bahaging ito ng modyul na mataya ang iyong paunang kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Huwag mangamba kung hindi mo masasagot ng tama ang mga
katanungan sapagkat ang mga pag-unawang inilahad ay lilinangin mo pa lamang sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito

Larawan mula
Paunang Pagtataya: Clipart.Logo.com

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang nakagawiang pamumuhay sa sinaunang panahon ay napaunlad ng maraming pangkat ng tao noon. Anong
yugto ng kaunlaran ang naglalarawan sa uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa isang lipunan?
A. Kabihasnan C. Kultura
B. Sibilisasyon D. Ebolusyon

2. Ang paniniwala sa kabilang buhay at pagpapabaon ng mga gamit ng yumao ay pinaniniwalaan at bahagi ng
kultura sa panahong ito.

A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko


B. Panahong Mesolitiko D. Panahong Metal

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa yugto ng ebolusyong kultural na nagmula sa wikang Griyego na
ang kahulugan ay bagong bato?

A. Paleolitiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Metal

4. Ang panahon ng ebolusyong kultural na tinawag na rebolusyong agrikultural


A. Paleolithic Age C. Neolithic Revolution
B. Industrial Revolution D. Metal Age

5. Ang pag- unlad ng pamamaraan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ay dulot ng kanilang pakikiayon sa
mga pagbabagong nagaganap sa kanilang paligid. Sa anong yugto naganap ang pag- unlad na ito?

A. Ebolusyong Historikal C. Ebolusyong Siyentipiko


B. Ebolusyong Kultural D. Ebolusyong Pisikal

6. Alin sa mga sumusunod na katangian ng pamumuhay ng sinaunang tao ang naaayon sa Panahong Metal?

A. Lubusang umaasa sa biyaya ng kapaligiran.


B. Natuklasan ang apoy at pagsasaka .
C. Pag-eeksperimento ng mga tanso at tin upang makagawa ng mga sandatang pandigma.
D. Paglikha ng mga gamit na mas matibay kaysa bato.

6
7. Alin sa mga sumusunod ang panahon na natutong magtayo ng mga tirahan ang mga sinaunang tao at hindi
na sila nagpalipat-lipat ng tirahan?

A. Urban Revolution C. Neolithic Revolution


B. Metal Age D. Mesolithic Age

8. Ang limang rehiyon ng Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na sona, ito ay dahil
isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga
rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?
A. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
B. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
C. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
D. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal,
kultural, agrikultural at sa klima.

9. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng


kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya ay mga anyong lupa.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare- pareho.
D. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay insular o palibot ng anyong tubig.

10. Ang Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang China, Japan, Mongolia, North Korea, South Korea at
Taiwan. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang naglalarawan sa rehiyong ito?
A. Ang Silangang Asya ay binubuo ng labintatlong bansa.
B. Ang Silangang Asya ay kilala rin sa tawag na “Gitnang Asya”.
C. Ang Silangang Asya ay kilala bilang rehiyon ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa.
D. Ang Silangang Asya ay kilala sa bansag na “Lupain ng Hiwaga” dahil sa mga relihiyon at
paniniwalang nagmula dito.

7
Aralin Konsepto at Katangian ng
1 Kabihasnan

Ang pagsibol at pag-unlad ng Asya ay isang mahaba at masalimuot na proseso. Ang pag-
unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ay naganap dulot ng pakikiayon nito sa mga
pagbabago sa kanyang kapaligiran .

Balikan

A.Mag-isip-isip
Panuto : Sa iyong sagutang papel, bigyan ng kahulugan ang kabihasnan at
sibilisasyon. Isulat ang iyo ng sagot sa hiwalay na papel.

Ano ang kahulugan ng


Kabihasnan
kabihasnan at sibilisasyon?
May pagkakaiba ba ito?
Sibilisasyon

A. Map Out Rivers


http://www.mapsopensource.com/asia-rivers -map

Pamprosesong Tanong:
1.Ano-ano ang mga lambak-
ilog na pinagmulan ng
kabihasnan sa Asya? Saang
bansa ito matatagpuan?
2.Ano ang kaugnayan ng mga
lambak -ilog sa pagbuo ng
kabihasnan at sibilisasyon ?
3.Ano-ano ang mga batayang
salik ng pagbuo ng kabihasnan
? Bakit ito mahalaga?
8
Tuklasin

Ang pag-unlad ng pamumuhay ng sinaunang tao sa Asya ay nakasalalay sa sa mga


batayang salik ng kabihasnan. Sa paglipas ng panahon, ibat ibang kagamitan ang
natuklasan na nagbunga ng ebolusyong kultural. Sa yugtong ito, sagutan ang mga
kasanayan sa pagsisimula ng ating paksang-aralin.

It’s Art Attack


Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang kahon at sa loob nito ay ang mga bagay sa
kapaligiran na maaaring ginamit ng mga sinaunang tao upang mabuhay. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga bagay na iyong iginuhit?


2.Nakatulong ba sa pamumuhay ng mga sinaunang tao ang iyong iginuhit? Sa paanong paraan ?
3. Paano kaya namuhay ang mga sinaunang tao kung wala ang mga kagamitan sa kalikasan ?

“ Decode A Message “
Panuto: Isulat sa patlang ang katumbas na letra ng mga simbolo sa ibaba upang mabuo ang
salita. Bigyang kahulugan ang mga nabuong salita.

9
Suriin
Sa bahaging ito ng modyul, babasahin at susuriin mo ang mga
mahahalagang pag-unawa tungkol sa konsepto ng kabihasnan at
katangian nito . Inaasahang mapauunlad mo ang iyong pag -
unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
konsepto at pagsasagawa ng mga gawaing panlinang.

Ang Kabihasnan at Sibilisasyon


Sa payak na kahulugan ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng
pag-unlad at pagbabago sa lipunan. Isa itong konsepto ng pagiging
dalubhasa o kagalingan o pagiging bihasa ng mga tao sa isang kulturang
nakasanayan, nakagisnan, nalinang at kulturang tinanggap na resulta sa
paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Nakikilala natin ang
kultura sa pamamagitan ng wika, sining, edukasyon, arkitektura atbp.
Mula sa salitang Latin na civitas na nangangahulugang lungsod, ang
sibilisasyon ay tumutukoy sa estado ng pamumuhay sa isang lungsod o
lugar. Mayroon sistema ng pag-iisip, pagkakaisa, pamumuhay at pagkilos
ang mga tao sa isang lugar. Ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.

Mga Batayang Salik ng Kabihasnan

Ang isang kabihasnan ay isang lipunan


na mayroon mataas na antas ng
pamumuhay. Ang pagkakaroon ng
organisado at sentralisadong
pamahalaan na nagpapatupad ng batas
ay lubhang mahalaga upang mapanatili
ang kaayusan. Kadalasan na hindi
mababa sa 5,000 katao ang miyembro
ng isang lipunan. Ito ang nagkokontrol
ng hanapbuhay at gawain ng mga
mamamayan.
Naitatala ang mga pangyayari noon sa
pamamagitan ng sistema ng pagsulat.
Mayroong mga scribe na nagsusulat
ng mga mahalagang pangyayari. Ang
cuneiform ng mga Sumerian ang
pinakaunang uri ng sistema ng pagsulat.
Ito ay binubuo ng mga pictograph na nakasulat sa luwad at ginagamitan ng stylus, calligraphy
ang tawag sa pagsulat na nalinang sa kabihasnang Tsino at pictograph naman ang sa kabihasnang
Indus .
10
Ang kabihasnan ay mayroong mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura
na nagpapatunay ng kaunlaran. Halimbawa, ang pagkakaimbento ng kalendaryo, ziggurat, sandata
, palamuti , mga metal, potter’s wheel , dike at iba pa. Ito ay naging mahalaga para sa pagsulong
ng ekonomiya.
Ang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng sinaunang kabihasnan subalit mayroon ding
espesyalisasyon sa mga gawaing pang-ekonomiya . Ito ang batayan ng uring panlipunang
kinabibilangan ng sinaunang tao. Pinakamataas na antas ang hari at pari, kasunod ang mga opisyal
ng templo, mangangalakal, sundalo , magsasaka at mga alipin.
Polyteismo ang tawag sa relihiyon ng sinaunang tao dahil sa maraming diyos na sinasamba. Ang
namumuno na matataas na pari ay kinikilala na diyos dahil sa kaalaman at kakayahan na kausapin
ang diyos at diyosa. Mayroong masalimuot na relihiyon ang sinaunang kabihasnan. Nagsasagawa
sila ng mga ritwal bilang pagsamba. Pinaniniwalaang sumisimbolo ito ng pwersa ng kalikasan.

Gawain

A. Venn Diagram B. Concept Map


Panuto :
Sa iyong sagutang papel, iguhit
ang Venn Diagram at isulat ang Panuto : Sa iyong sagutang papel ,
pagkakatulad at pagkakaiba ng Isulat ang mga batayang salik ng
Kabihasnan at sibilisasyon. Kabihasnan gamit ang concept
map sa ibaba.
.
A A
AB

KABIHASNAN

11
EBOLUSYONG KULTURAL SA ASYA
Katangian Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko Metal
Paleo – luma (Transisyon/ Neo – bago Lithos (Tanso, Bronse at
Lithos - bato Gitnang panahon - bato Bakal)
(Lumang Bato) o meso mula
Paleolitiko (Bagong Bato)
patungong
Neolitiko)
Taon 500,000-10,500 BCE 8000 BCE
Kagamitan Yari sa kahoy at Mas mahusay ang Pinakinis at hinubog Yari sa tanso, bronse, at
magaspang na bato mga nabuong ang mga bato. bakal. Ang mga Hittites
kagamitang bato ang nakatuklas ng bakal.
bagama’t hindi rin
gaanong pulido o
maayos ang
pagkakagawa
Kasuotan Balat ng hayop ang Balat ng hayop ang Damit na yari sa Yari sa hinabing tela
kasuotan at malalapad kasuotan at hinabing tela
na dahon malalapad na dahon
Lipunan/ Pulu-pulotong sa Pangkat-pangkat Mayroon ng pinuno at Mayroon ng pinuno at
Pulitikal paghahanap ng pagkain. nakapagtatag na ng sistemang panlipunan at
pamayanan pulitikal
Paraan ng Ligaw na halaman at Naging mahirap ang Nagtatanim ng butil, Gawaing kamay tulad ng
Pamumuhay hayop na mailap ang pangangalap ng prutas at gulay. paghahabi, paggawa ng
pagkain pagkain mula sa Nagawa ng palayok, pagpapanday at
kapaligiran. magpaamo ng mayroon na ding
hayop. Isang kalakalan, pagmimina at
pamayanang sakahan industriya.
Tirahan Nomadiko at karaniwang Nagsimulang Permanente ng Permanenteng naninirahan
sa yungib o manirahan ang mga naninirahan sa isang sa isang lugar
kweba nanatili tao malapit sa tabing lugar
ilog at dagat.

Relihiyon/ Polyteismo Pagsamba Polyteismo Polyteismo Pagsamba Nagkaroon ng mga


Paniniwala sa kalikasan.Pagsamba sa sa relihiyon
Naniniwala sa kabilang kalikasan. kalikasan. Naniniwala
buhay. Naniniwala sa sa kabilang buhay
kabilang buhay.
Imbensiyon Natuklasan ang Natutunan nilang Natuklasan ang Kagamitan, sandata at
apoy, sandatang paamuhin ang mga pagtatanim, at pag- palamuti na yari sa tanso,
magaspang na bato hayop na naging aalaga ng bronse at bakal.
bilang panghiwa at malaking tulong sa domestikong hayop. Nasimulan ang komersyo
pamutol ng kahoy. kanilang pangangaso Nakagawa ng at kalakalan.
Natuklasan ang mga ng mga mababangis palayok, bangkang
Taong Peking at na hayop yari sa troso.
Taong Java
Ang NEOLITHIC REVOLUTION ay isang pagbabagong agrikultural. Natutunan ng sinaunang tao
ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim. Nagkaroong ng seguridad sa pagkain at natutunan ng tao
ang pag-aararo. Nalinang ang iba pang gawaing pangkabuhayan tulad ng pangangakal at paggawa
ng mga palayok na lalagyan ng mga pagkain.

Ang URBAN REVOLUTION ay pagbabago sa kanilang kabuhayan at pagkakaroon ng


permanenteng tirahan. Sa pagkatuto ng tao sa pagsasaka at pagpapaamo ng mga hayop ay
nagsimula ang pagtira ng permanente sa isang lugar at kalaunan ay nabuo ang mga pamayanan.

12
Gawain
Jack en’ Poy
Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang (bato) kung Paleolitiko, (papel) kung
Neolitiko at (gunting) kung metal.

__________1. Ang mga tao ay tinatawag na nomadiko.


__________2. Gumagamit ng palamuti at alahas.
__________3. Natuklasan ang agrikultura.
__________4. Niluluto na ang pagkaing karne.
__________5. Pangangalap ng pagkain ang ikinabubuhay.
__________6. Gumawa ng mga palayok at tapayan.
__________7. Natutong magpaamo ng hayop.
__________8. Gumawa ng pulseras at kagamitang bronse.
__________9. Nasimulan ang pagtatag ng pamayanan.
__________10. Ang mga kagamitan at sandata ay hinubog at pinakinis na bato.

MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA AT


IMPLUWENSYA NG KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG
ASYA SA PAG-USBONG NG SINAUNANG KABIHASNAN

https://www.google.com/search?q=picture+ng+ebolusyong+kulural+comic&tbm=isch&ved=2ahUKEwiN7LTN-
8HqAhUkNaYKHWoNDYIQ2cCegQIABAA&oq=picture+ng+ebolusyong+kulural+comic&gs_lcp=CgNpbWcQA1CgWljdZGCVaGgAcAB4AIABaYgBzQSSAQM0LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=Z_4HX82cOKTqmAXqmrSQCA&bih=913&biw=1280#imgrc=gZaq
WlfbnV7gSM

Ang pamumuhay ng sinaunang tao ay dumaan sa mahabang proseso at iba’t ibang yugto
bago nakamit ang kaunlaran. Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BCE) ay ang panahon na
ang mga kasangkapan tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ang mga Australopithecine ay
gumagamit ng bato bilang kasangkapan. Laganap ang pangangaso at pangangalap ng pagkain. Ang
mga sinaunang tao ay tinuturing na nomadic o lagalag.
Nagsimula ang panahong Mesolithic bandang 8000 BCE at tumatagal nang libo- libong
taon. Namatay sa panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsilbing pagkain ng mga tao.
Napalitan ito ng mga hayop na nakikita na rin natin sa kasalukuyan. Tinagurian itong transisyonal
na panahon. Natunaw ang makakapal na yelo sa pagtatapos ng panahong Pleistocene kaya mas
lumawak ang lupa. Nanatiling bato ang mga kasangkapang gamit ng mga tao ngunit lumiit at
mas pino. Nanirahan na ang mga tao sa pampang at nadagdagan ang mga uri ng pagkain nito.
Sa panahong Neolitiko nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.
Pinakinis na bato na ang kasangkapan, paggawa ng palayok, agrikultura at pagpapaamo ng mga

13
hayop ang naging gawaing pangkabuhayan. Nagsimula ang pagpapalayok at pag-iimbak ng mga
pagkain. Permanente na din ang paninirahan. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa
putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay. Natutunan ding pakinisin ang mga
magagaspang na bato at ginawa itong iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit. Nagsimula
ang sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao at nagsimula na din
ang konsepto ng palengke. Ang kabihasnang Mesopotamia ang gumamit ng buto ng cacao bilang
pambayad o pamalit sa mga produkto sa palengke.
Ang Panahon ng Metal ay nahahati naman sa tatlong yugto: tanso, bronse at bakal. Naging
mabilis ang pag-unlad dahil sa tanso, ngunit patuloy pa rin ang paggamit ng bato. Nalinang ang
pagpapanday at paggamit ng mga alahas mula sa metal. Ang bronse ay pinaghalong tanso at lata
na ginawa upang makalikha ng mas matigas na kagamitan tulad ng kutsilyo, punyal, martilyo at
sibat. Natuto ang mga tao na makipagkalakalan sa mga karatig pook. Mga Hittites ang nakatuklas
ng paggamit ng bakal na naging sikreto nila sa pagwawagi sa mga labanan. Nang lumaon ay
lumaganap na din ang paggamit nito sa iba pang kabihasnan. Sa China, gumagawa sila ng mga
kagamitang bariles at mga pang-alay sa diyos na yari sa mga bronse.
Ang MESOPOTAMIA, INDIA(Indus), at SHANG (Tsino) ang mga sinaunang kabihasnan
na matatagpuan sa kalakhang Asya. Nagkaroon ng mga lungsod at nagbunga ng paglaki ng
populasyon ng tao, paglakas ng kalakalan at pagdami ng pagkain, kung kaya’t naging simbolo na
rin ito ng pag-unlad. Umunlad ang karanasan ng mga tao sa larangan ng pamumuno, paglinang ng
mga kaalaman at kasanayan, at maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagtatag ng
pamayanan malapit sa mga lambak- ilog. Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin
ng tao at alagang hayop. Mataba ang mga lupa sa mga lugar na malapit sa ilog dahil sa taunang
pagtaas ng tubig na nag-iiwan ng mga mineral na nakatutulong sa mga pananim at pagsasaka ang
naging pangunahing hanapbuhay ng mga tao. Ang ilog ay nagsilbing daluyan, daanan ng mga
kalakal, irigasyon at patubig para sa mga taniman. Sa Panahong Neolitiko, ang mga lagalag na
tagapag-alaga ng hayop o pastol ang nanirahan sa katimugang bahagi ng Mesopotamia. Nagtayo
sila ng mga imbakan ng tubig o irigasyon at mga dike upang mapigilan ang pag apaw o pagtaas ng
tubig ng ilog sa kanilang sakahan. Gumawa ng mga kanal mula sa ilog patungong sakahan sa
hilagang lupain. Nakihalubilo ang mga pangkat sa mga magsasaka, hindi naglaon tinawag na
Sumer ang lugar na tinirahan nila. Ang ilog Tigris at Euphrates ay makikita sa Mesopotamia
samantala ang ilog Huang Ho at Yangtze naman ay sa Shang at ang ilog Indus ay sa kabihasnang
Indus.

Gawain: Organizer
Panuto: Sa iyong sagutang papel, isulat ang impormasyon sa organizer batay sa
binasang teksto. Magbigay ng komento sa yugto ng pag-unlad at paraan ng
pamumuhay ng sinaunang tao.

Komento :

14
www.speedtypingonline.com/myResults.php?r=577756387739160&d=837655072464672

Pagyamanin

Pagkatapos matutunan ang mga mahahalagang konsepto na ating tinalakay.


Isipin ang kahalagahan ng mga ito sa kasalukuyan. Maaari mong iugnay ang
nakaraang pangyayari upang matukoy ang kabuluhan nito .

Mga pangyayari Kahalagahan


at pag-unlad

Pamahalaan

Paniniwala

Relihiyon

Pagsasaka

Pagtatanim

Pagkakatuklas ng
Apoy

Pagpapanday ng mga
Metal

Permanenteng tirahan

15
Isaisip

Tandaan ang mga sumusunod:

1. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng pag-unlad ng lipunan.


2. Ang sibilisasyon ay nangangahulugang uri o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar.
3. Ang isang kabihasnan ay isang lipunan na mayroong mataas na antas ng pamumuhay.
4. Ang mga batayang salik ng kabihasnan ay pamahalaan, sistema ng pagsulat, teknolohiya,
arkitektura, sining, relihiyon at espesyalisasyon sa mga gawain.
5. Ang neolithic revolution ay isang pagbabagong agrikultural. Natutunan ng sinaunang tao ang
pag-aalaga ng hayop, pagsasaka o pagtatanim.
6. Ang urban revolution ay pagbabago sa kanilang kabuhayan at pagkakaroon ng permanenteng
tirahan.
7. Ang yugto ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao ay maiuugnay sa mga panahon sa kasaysayan
- paleolitiko, pesolitiko, neolitiko at panahon ng metal.
8. Ang panahong mesolitiko ay transisyong panahon mula paleolithic patungong neolithic.
9. Ang kabihasnang Mesopotamia, Indus at Shang ay matatagpuan sa Asya.
10. Ang mga bagay na natuklasan ng sinaunang tao ay mahalaga sa kasalukuyang panahon.

Isagawa

Panuto: Sa isang buong bond paper, gumawa ng isang checklist na nagtatampok sa kabihasnang
Mesopotamia,Tsino at Indus . Isulat ang mga katawagan at lagyan ng mga ( ) kung makikta
ang mga Batayang Salik sa mga kabihasnang ito.

Batayang Salik Mesopotamia ( ) Indus ( ) Shang ( )

Pamahalaan

Relihiyon

Sistema ng
Pagsulat

Teknolohiya

Arkitektura

16
Sining

Espesyalisasyon
ng gawain

Tayahin

A. Word Hunt
Panuto : Hanapin ang mga salita sa kahon . Bigyang kahulugan batay sa iyong pang- unawa.

1. Kabihasnan
2. Sibilisasyon
3. Paleolitiko
4. Mesolitiko
5. Neolitiko
6. Metal
7. Mesopotamia
8. Tsino
9. Indus
10. Lungsod

B. STOP and GO

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang Stop kung mali
ang isinasaad ng pangungusap at Go kung tama.

1.Sa payak ng kahulugan, ang kabihasnan ay yugto ng kaunlaran ng pamumuhay ng tao sa isang
lipunan
2. Ang paniniwala sa kabilang buhay at pagpapabaon ng mga gamit ng yumao ay pinaniniwalaan
at bahagi ng kultura sa panahong metal.
3.Ang neolitiko ay hango sa wikang Griyego na neos na nangangahulugang bago at lithic na ibig
sabihin ay bato.

17
4. Ang panahon ng pagkatuto ng sinaunang tao ng pagtatanim o pagsasaka ay tinawag din na
rebolusyong agrikultural o Neolithic revolution
5. Ang ebolusyong kultural ay ang pag-unlad sa pamamaraan ng pamumuhay ng sinaunang tao
dulot ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang kapaligiran.

18
19
• Batayan at Sanayang Aklat para sa Araling Panlipunan II-Kabihasnang Asya –
delosAngeles Senita ,Ed.D at Venturina
• Araling Panlipunan –Kasaysayan ng Daigdig-Deped
• https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-5-ebolusyong-kultural-sa-asya
• https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-3-ang-impluwensya-
ngheograpiya-sa-pagbuo-at-pagunlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnansa-daigdig
• elearnweteach.wordpress.com/2017/10/03/yugto-ng-pag-unlad-ng-kultura-ng-tao/
• Larawan mula Clipart.Logo.com
• Google

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

20

You might also like