You are on page 1of 21

Sinaunang Pamumuhay ng mga

Asyano – KAISIPANG ASYANO


• *Napapahalagahan ang mga kaisipang
Asyano na nagbigay - daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang
sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano
• Tinawag ng mga Tsino ang kanilang kaharian na Zhongguo na
nangangahulugang “Gitnang Kaharian”. Pinaniniwalaan ng mga Tsino
na ang China ang sentro ng daigdig. Naniniwala rin sila na ang kanilang
kultura at kabihasnan ay natatangi sa lahat. Dahil sa ganitong
paniniwala, ang nagging pagtingin ng mga Tsino sa ibang lahi ay mga
barbaro at mabababang uri. Ang ganitong paniniwala ng mga Tsino ay
tinaguriang Sinocentrismo.
• Naniniwala rin ang mga Tsino na ang kanilang emperador ay pinili ng
langit upang mamuno sa buong kalupaan. Kinilala nila ang kanilang
emperador bilang Anak ng Langit o Son of Heaven.
• Ang emperador ay may malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng
kaayusan. Kapag hindi niya ito nagampanan ng maayos ang kanyang
tungkulin at siya ay naging mapang-abuso at masama, ang kanyang
pagiging emperador ay babawiin ng kalangitan at igagawad sa susunod na
taong puspos ng kabutihan.ang mga palatandaan tulad ng digmaan
kalamidad, peste, tagtuyot, kaguluhan at digmaan ay mga pangitaing hindi
na nalulugod o natutuwa ang kalangitan sa kasalukuyang emperador.
• Confucius: Confucianism

• Itinatag ni Confucius sa Shantung, China ang Confucianism upang maging


solusyon sa kaguluhan sa lipunang nararanasan noong dinastiya ng Zhou (1112 –
221 BCE)
Ang paniniwala ni Confucius ay ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang
tao ay magdadala ng kapayapaan.
• Hindi ito itinuturing na relihiyon sapagkat ito ay nakapokus sa paraan ng
pamumuhay at ethical teachings.
JAPAN AT KOREA; DIVINE ORIGIN NG
MGA EMPERADOR
Ang Japan at Korea ay naniniwala sa Divine Origin o
ang paniniwalang banal ang kanilang mga pinuno.
Ang mga Hapon, ayon sa nakasulat sa Kojiki, ang
kapuluan ng Japan ay nabuo mula sa pag-iisang
dibdib ng diyos na si Izanagi at Izanami at mula
naman sa paghuhugas ng kaliwang mata ni Izanami
nagmula ang diyosa ng araw na si Amaterasu
Omikami.
Ipinadala ni Ameterasu ang kanyang apong si Ninigi sa pulo
ng Kyushu upang doon mamuhay. Ang kaapuapuhan naman
ni Ninigi na si Jimmu Tenno ang naging kauna-unahang
emperador ng Japan. Dahil rito pinaniniwalaan ng mga Hapon
na ang kanilang emperador ay banal dahil nagmula ito sa lahi
ni Amaterasu. Sa kasalukuyang panahon, bagamat hindi na
ang emperador ang direktang namumuno sa Japan, ay nanatili
siyang simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapon sa
kasalukuyang panahon.
Samantala, ang mga Koreano ay naniniwala rin
sa banal na pinagmulan ng kanilang emperador.
Naniniwala ang mga Koreano sa alamat ni
Tangun Wanggeom na nagmula sa lahi ng Diyos
na si Hwanung.
TIMOG-SILANGANG ASYA AT ANG
ANIMISMO
• Naniniwala ang mga taga Timog-Silangang Asya na ang mga
nagtataasang bundok ay tirahan ng mga diyos. Nininiwala sila sa mga
espiritu at diyos-diyosan sa kapaligiran. Ang mga bundok sa Pilipinas
gaya ng Bundok Banahaw at Makiling ay pinaniniwalaang tirahan ng mga
anino at diwata, sa Myanmar, ang Mt. Popa naman ay tirahan ng mga
espiritu ng kalikasan na kung tawagin ay Nat.
• Ang paniniwalang ito ay tinawag na Animismo. Naniniwala rin ang mga taga
TimogSilangang Asya na kadalasang nagmumula ang imperyo sa pakikipag-
isang dibdib ng diyos sa tao. Dahil rito ang mga naitalagang hari ay dapat
manguna sa pagsasagawa ng mga ritwal bilang pagsamba sa espiritu. Ang
mga ritwal ay sinasabing nagdadala ng kasaganahan at katatagan ng kanilang
kaharian. Ang mapipiling pinuno ay dapat nagtataglay ng di pangkaraniwang
katangian tulad ng pagiging matapang, magaling at matalino, dapat siyang
kakitaan ng kahusayan sa pamumuno sa kanyang nasasakupan at kakayahang
magsagawa ng ritwal para sa mga espiritu at diyos.
INDIA AT TIMOG ASYA: ANG DEVARAJA
AT CACKRAVARTIN
• Ang mga taga - India ay naniniwalang nagmula ang kanilang diyos sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng diyos ng buwan, apoy, araw, hangin, tubig, kayamanan at
kamatayan kinikilala siyang pinakamataas at walang kapantay. Ang tawag sa kanya ay
Devaraja (Deva na nangangahulugang diyos at Raja na ibig sabihin ay hari).
• Sa pagpasok ng Hinduismo at Budismo sa India, ang hari ay kinilalang Cakravartin o hari ng
sansinukob. Ang natatanging hari na ito ay may pangakong mamuno nang makatwiran at
mapagkalinga sa mamamayan at kanilang relihiyon. Dahil sa impluwensya ng Hinduismo,
ang hari ay naging isang buhay na imahe ng diyos para sa mga tao.
KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG
ISLAMIKO
• Ang relihiyong Islam ay itinatag ni Muhammad na siyang naging tagapaghatid ng
mensahe ni Allah sa sanlibutan. Itinuring siyang pinunong pangrelihiyon at
pampolitikal.
• Nang siya ay mamatay ng walang naatasang kapalit ay nagpasya ang kanyang mga
tagapayo na gawing pinuno ng mga muslim si Abu Bakr.
• Dito na nagsimula ang Sistemang Caliphate, isang sistema ng pamahalaang
pinamumunuan ng isang caliph (tagapagtaguyod ng pananampalataya at kahalili o
kinatawan ni Muhammad sa kalupaan.)
IMPLUWENSY
A NG MGA
KAISIPANG
ASYANO SA
ASYA
MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA
SINAUNANG PANAHON SA SILANGAN

You might also like