You are on page 1of 8

MGA MAHALAGANG

PANGYAYARI SA HILAGA AT
SILANGANG ASYA

ARALING
PANLIPUNAN 7
MGA DINASTIYA SA CHINA
• 1. Zhou o Chou (1112 – 221 BCE)
Naimbentoo ang bakal na araro, ang sandatang crossbow at buo ng hukbong nakakabayo at gumamit
nng chariot. Dahil malawak ang teritorya ng zhou, humina ang control na nasasakupang estadong
lungsod.

2. Qin o Ch’in (221 – 206 BCE)


Nagapi ang mga kalabang estado sa pamumuno ni Zheng. Nabagsak si Zheng at Zhou noong
221BCE. Ideneklara ni Zheng ang sarili bilang si Shi Huangdi at Shi Huang Ti na nangangahulugang
“Unang Emperor”. Naganap ang konsolidasyon sa China. Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapagpayo
ang mga iskolar ng pilosopiyang legalism. Si Li Xi isa sa mga legalista ang naging punong ministro
Shih Huangdi. Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall of China bilang proteksyon sa pag-
atake ang mgaa kalaban. Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsag din ang dinastiyang Qin.
• 3. Han (206 – 220 BCE)

Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China. Itinatag ito ni Liu Bang.
Pinalitang nito ng marahas na patakaran ni Qin. Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya.
Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wuti. Pinalawak ni Wudi ang teritoryo sa
pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo. Napatanyag ang silk road, isang ruta ng
kalakalan. Sa tala sa dinastiyang Han, isang pangkat ng mga tsinong juggler nakarating sa Rome.
Nakarating sa Rome ang seda ng China na tinawag na Seres. Naimbinto ang papel, porselena at
water powdered mill. Nabuhay sa panahon ito si Simaqien,ang dakilang historyador ng China.

4. Sui (519 – 618 CE)


Mabilis na pumalit ang dinastiyang Sui pagkatapos bumagsak ang Han. Napasok din sa
China ang mga nomadikong mandirigma. Watak-watak ang China nang may 400 na taon.
Umabot ang Budhism sa China. Bumalik ang konsolidasyon. Itinayo ang Grand Canal.
Itinatag ito ni Yang Jian.
5. Tang (618 – 907 CE)
Ang dinastiyang Tang ay itinuturing ding gintong panahon ng China. Dito nakaranas
ng mahabang panahong kapayapaan na tinatawag na Pax Sinica. Naitatag ang denastiyang
Tang dahil sa pag- aalsang ito at doon na tinawag na si Li Yuan na emperador tai cong .
Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China. Naimbento ang woodblock printing
na siyang nakapag bilis ng paggawa ng mga kopya ng mga sulatin.

6. Sung (960 – 1278 CE)


Nagkawatak - watak muli ang China nang bumagsak ang dinastiyang Tang. Naitatag
ang dinastiyang Sung at itinuring na ikatlo sa mga dakilang dinastiya. Itinatag ito ni Heneral
Zhao Kuangyin. Nagaptuloy ang salakay ng pangkat – etniko sa Hilaagang Asya. Kahit
nasakop na sila ng mga nomadiko patuloy parin ang pamumulak ng kanilang sining at
panitikan. Naimbento ang gun.
7.Yuan (1278-1368 CE)
Daidu ang nagging capital ng Yuan. Ito ang unang banyagang denastiya
ng China. Si Kublai Khan ang nagtatag ng denastiyang Yuan. Ipinairal ng
mongol ang Confucianism bilang pilosopiya. Nasa mataas na posisyon ang
imperyo ng mga mongol. Nagkaroon ng maraming manlalakbay sa Yuan at isa
na doon si Marco Polo.

8. Ming (1368 – 1644 CE)


pagkatapos ni Kublai Khan, mahihinang mga emperador na ang
pumalit. Katunayan, noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu YuanZhang ang
mongol sa daidu at itinatag ang Ming. Ang Ming ay ikaapat sa mga dakilang
Dinastiya sa China. Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala ng kanilang
bansa.
MGA DINASTIYA SA KOREA
1. Gojoseon o Lumang Joseon (233 - 108 BCE)
Noong panahon ng bronze 3000 - 300 BCE nagkaroon ng hiwa –hiwalay ng estadong
pamayanan ng Korea . Isa sa pinakamalakas ay ang Gojoseon na itinatag ng dangun. Mula sa
pagiging estadong pamayanan, ito ay kaharian. Nasakop ng Han ng China noong 109 BCE
Gojoseon. Nagpaluloy ang pagiging pangingibabaw ng tsino hangang 313 CE.

2. Tatlong Kaharian (313 – 668 CE)


Sa timog na bahagi kung saan nanatiling malaya ang mga pamayanan ay nabuo ang
tatlong kaharian; ang Goguryeo, Baekje, at Silla. Tinawag ito bilang panahon ng tatlong kaharian.
Unang nabuo sa tatlo ang Gorguryeo noong 37 BCE. Noong 313 BCE, tinalo ng gorguryeo ang
hukbong Tsino. Nabuo ang Baekje sa Timog-silangan kaya naging malapit ang pakikipagugnayan
nito sa China at Japan. Ang lipunan ng tatlong kaharian ay pinamumunuan ng mga aristokratikong
mandirigma. Hiniram nila ang Sistema ng pamahalaang Han sa China, Buddhism, at tradisyon ng
pagsusulat ng kasaysayan
3. Pinag- isang Silla (668-935 CE)
Noong ika-anim na siglo ang Baekje at goguryeo ay pinahina ng mga sigalot ng kaharian. Uang
bumagsak ang baekje at sumunod ang goguryeo. Napagisa ang halos kabuuan ng Korea.

4. Balhae (698 – 926 CE)


Ang Balhae ay itinatag ni Dae Joeyoung. Maitatagpuan ito sa Hilaga ng korea. Ang Kultura nito ay
pinagsanib ng Tang at goguryeo.

5. Goryeo o Koryo (918 – 1392 CE)


Ang goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang ito. Sa
larangan ng sining nakalikha Ang Goryeo ng sariling istilo ng porselana na tinatawag na celadon.
ANG DINASTIYA SA JAPAN

Ang liping Yamato at Nara


Ito ang paglaganap n impluwesyang Tsino at japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng
Buddhism at Confucianism. Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador ang naging regent. Ang Regent
ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Na mayagpag ang eleganteng pagsusulat ng tula,
sining, ng calligraphy at pananamit. Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na the “tale of genji”
ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki.
Nagkaroon ng labanan ng mga aristokratiko sa huling bahagi ng panahong heiyan, lumitaw
ang grupong bushi at samurai. Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufo o pamahalaang militar sa
Japan.

You might also like