You are on page 1of 2

Aralin 1 Summative Test in Araling Panlipunan 2022-2023

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik nang napiling sagot sa papel.
____1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya MALIBAN
SA ISA. A.Krusada b. Merkantilismo c. Paglalakbay ni Marco Polo d. White Man’s Burden
____2.Alin sa mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya ang nagdulot na pagmahal
ng mga produkto na nagmula sa Asya lalo na ang pampalasa?
a. Krusada b. Pagbagsak ng Constantinople d. Paglalakbay ni Marco Polo d. Renaissance
___3. Sinong manlalakbay ang unang nakatuklas ng ruta patungong India?
a. Bartolomeu Dias b. Ferdinand Magellan c. Prinsepe Henry d. Vasco da Gama
___4. Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan?
a. Napatunayan na bilog ang mundo.
b. Nabinyagan ng Katolisismo ang mga Pilipino.
c. Nadiskubre na magkadugtong ang Karagatang Atlantiko at Pasipiko.
d. Napatunayan na ang Pilipinas ay isang kapuluan.
___5.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa merkantilismo?
a. Paglalaan ng salapi o kapital upang magkaroon ng tubo o interes.
b. Prinsipyong pang-ekonomiya na ang batayan ay ang dami ng ginto at pilak ng pamahalaan.
c. Prinsipyong pang-ekonomiya na ang batayan ay ang laki ng reserba ng langis.
d. Ang impluwensiya ng isang bansa ay nakadepende sa lawak ng teritoryo nito.
___6. Bakit hindi nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya sa unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo?
a. Dahil kontrolado ito ng Turkong Ottoman c. Matatapang ang mga Arabo sa rehiyon.
b. Limitado pa ang kaalaman ng tao sa paglalakbay. D. Hindi nagkainteres ang mga kanluranin sa rehiyon.
___7. Paano sinakop ng mga Ingles ang India?
a. Gumamit sila ng dahas sa pananakop. C.Sa pamamagitan ng pakikidigma.
b. Nagtatag ng sentro ng kalakalan. D.Kinaibigan ang mga katutubo
___8.Alin sa mga pahayag sa ibaba ang naglalarawan sa kolonyalismo?
a. Pananakop upang kontrolin ang likas na yaman at kabuhayan ng bansang sinakop.
b. Pananakop upang kontrolin ang pamahalaan, relihiyon at kultura ng bansang sinakop.
c. Pagpapasok ng mga kanluranin sa Asyanong bansa upang palaganapin ang kanluraning ideolohiya.
d. Pagkontrol ng mga kanluranin sa mahihinang bansa upang turuan itong pamunuan ang sariling
bansa.
___8. Si Peter ay nagbabalak na magtayo na negosyo. Mangungutang siya sa bangko ng pampuhunan upang
makapagsimula. Ang sitwasyong ito ay naglalarawan sa anong salik ng imperyalismo?
a. Nasyonalismo b. Kapitalismo c. Rebolusyong industriyal d. White Man’s Burden.
___9. Anong pangyayari ang nagdulot ng pagpasok ng mga kanluranin sa Kanlurang Asya?
a. Labanan sa Plassey b. Unang Digmaang Pandaigdig c. Great Depression d. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
___10. Ang mga sumusunod ay mga mabuting dulot ng pananakop ng mga British sa India maliban sa isa.
a. Pagbabawal sa sati at female infanticide b. Pagtatayo ng mga gusali,ospital paaralan at daan.
b. Pagtatangi ng lahi d.Pagtatag ng sentralisadong pamahalaan.

__11.Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong pampolitika sa India MALIBAN SA ISA.


a. Bumaba ang katayuan ng mga Brahman.
b. Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan.
c. Nagkaroon ng fixed border o hangganan ang mga bansa.
d. Pinayagan ang mga balong babae na mag-asawa muli.

___12. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang politika ng bansa sa pamumuno
ng British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kulturang Indian. Maging ang
pamamahagi ng lupain ay binago ng mga Ingles. Dahil dito, napilitan ang mga manggagawang Indian na mag-
aral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan at hanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo sa
ganitong kaganapan?
a. Ang pananakop ng mga Indian ay nagsilbing aral sa mga Indian.
b. Ang pananakop ng Ingles ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang Indian.
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian.
d. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Indian.
___13.Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon sa Asya?
a. Naging masidhi damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
b. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa mga naisin ng mga dayuhang bansa.
c. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
___14.Alin sa sumusunod ang masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyon ng Asya?
a.Pag-unlad sa kalakalan.
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula.
c. Pagkakaroon ng kaalyadong bansa.
d. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas.
__15.Ang panahon ng kolonyalsmo ng mga kanluranin ay nagdulot ng ibat-ibang epekto sa mga bansang
Asyano. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asyano?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis
na pagluwas ng mga kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang sarili sa panahon ng pananakop ng
bansang kanluranin.
c. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi dahil sa naganap na kasalang katutubo at dayuhan.
d. Ang naging pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ay ang tagatanggap ng mga
produktong kanluranin.
___16.Kung iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa,
bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawin na
resolusyon?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
b. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo.
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan anuman ang mangyari.
d. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng alyansa.
__17. 1.Alin ang makapagpatunay ng pagiging masigla ng kalakalan noong 16 siglo sa Asya?
a.Ang pagiging maunlad ng Constantinople na siyang naghikayat sa mga Muslim na manakop.
b. Ang pagiging popular ng produktong Asyano na ibinabagsak sa Kanlurang Asya na idinadaan sa mga
pangunahing rutang pangkalakalan.
c.Ang pag-usbong ng maraming kabihasnan sa Asya.
d.Ang pagkakaroon ng ibat-ibang likas na yaman ng Asya na naghikayat sa mga kanluraning manakop.
___18. Alin sa sumusunod ang naging dulot ng Krusada?
a.nakilala ng mga kanluranin ang produkto ng mga Asyano.
b.pagbukas ng isipang ng mga Kanluranin tungkol sa komersiyo.
c.pagkakaroon ng monopoly ng kalakalan sa Kanlurang Asya.
d.pananakop ng mga Turkong Ottoman.
___19.Ang mga sumusunod ay mga epekto ng pagbagsak ng Constantinople maliban sa isa.
a.Nagkaroon ng monopolyo sa kalakalan sa Europa.
b.Nahikayat ang mga kanluraning bansa sa pagtuklas ng ruta pasilangan.
c.Nagbukas ang mga kaisipang pang-agham, pang- ekonomiya at pampolitika.
d.Nagmahal ang mga bilihin sa Europa lalo na ang mga pampalasa.
___20.Anong mga bansang kanluranin ang nangunguna sa pagtuklas at paggalugad ng mga bansang Asyano?
a. Netherlands at England c. Spain at Portugal
b. India at Britain d. France at England

You might also like