You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Ang Mga Anyo, Tugon at Epekto sa
Neo-Kolonyalismo at Ang Mga
Kontribusyon sa Timog at
Kanlurang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Pangatlong Markahan – Modyul 7: Ang mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-
Kolonyalismo at ang mga kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Helen S. Gentapa
Editor:
Tagasuri: Joseph E. Labado, Angel Rose L. Suansing
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky V. Firnan
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI Davao City


Division
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Avenue, Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail: Address: davaocity.division@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Ang
Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-
Kolonyalismo at Ang Mga
Kontribusyon sa Timog at
Kanlurang Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung ikaw man ay mahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na
hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

ii
Alamin Natin
Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral
ang iyong pag-unawa tungkol sa Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-
Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Layunin din nitong malaman at
mapapahalagahan ang mga pagpupunyagi ng mga Asyano sa pagpapalaya sa
bawat bansa mula sa pananakop ng mga Kanluraning bansa.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

• Nasusuri ang mga anyo, tugon, at epekto sa Neo-Kolonyalismo sa Timog


at Kanlurang Asya (AP7TKA-lllh-1.24 / AP7TKA-llli-1.25)
• Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
sa kulturang Asyano (AP7TKA-llli-1.25 / AP7TKA-lllj-1.25)

Pagkatapos ng araling, inaasahan mula sa iyo ang sumusunod:

1. naipapaliwanag ang mga anyo, tugon at epekto sa Neo-Kolonyalismo sa


Timog at Kanlurang Asya;
2. natatalakay ang mga kontibusyon ng Timog at Kanlurang Asya; at
3. napapahalagahan ang mga kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya
sa kulturang Asyano.

1
Subukin Natin
Bago mo simulang pag-aralan ang modyul 7, subukan mo munang sagutin
ang mga katanungan na 1-10 sa pahinang ito. Maaaring ikaw ay mayroon nang
nalalaman o kaya ay may ideya na sa paksang tatalakayin natin.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng wastong sagot.
Isulat sa isang sagutang papel.

1. Batay sa aklat ni Cruz, Romela, et al, ang__________________ay pananatili


ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating mananakop sa
mga bansang dating nasakop.
A. Globalisasyon
B. Kolonyalismo
C. Neo-Kolonyalismo
D. Merkantilismo

2. Alin sa sumusunod ang epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya Alin sa sumusunod ang epekto ng Neo-Kolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya?
A. Naging maunlad at naging Malaya ang mga bansang dating kolonya
nito.
B. Umaasa ng labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong lalo na sa
Estados Unidos.
C. Ang lahat ng aspeto sa buhay ng mga tao sa Kanlurang Asya ay
mayroong kalayaan.
D. May pagkakataon ang mga tao na makapagsasarili at pamamahalaan
ang sariling bansa nito.

3. Paano natugunan ang mga epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya?
A. Ang Neo-Kolonyalismo ay isang tahimik at makabagong pamamaraan
ng pananakop.
B. Ang bansang Saudi Arabia ay hindi lumagda sa kasunduang tulong
pangmilitar o Mutual Defense Act.
C. Sa huling bahagi ng ika-20 dantaon ay hindi nagpatuloy ang pagpasok
ng impluwensiya ng mga kanluraning bansa.
D. May mga bansang napilitang tumanggap ng tulong pinansiyal upang
makabangong muli ang kanilang ekonomiyang nalugmok sa digmaan.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga anyo ng Neo-Kolonyalismo


sa Asya?
A. Pangkultura c. Dayuhang tulong
B. Pang-ekonomiya d. Pagtatag ng Samahang Makabayan

2
5. Alin sa sumusunod ang mabuting dulot ba ang Kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya?
A. Nakikinabang ng husto ang mga mananakop sa mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya
B. Pinamahalaan at kontrolado ng mga Kanluraning bansa ang Timog at
Kanlurang Asya
C. Nakinabang ang mga Kanluranin sa mga likas na yaman sa Timog at
Kanlurang Asya
D. Ang mga imprastrakturang tulad ng mga daan at tulay ay mas
nakatulong ng lubusan sa pagpapabilis ng kalakalan at pagbibigay ng
malaking kita sa bansa sa Timog at Kanlurang Asya

6. Ang______ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras


at spanahon sa pagtugtog nito.
A. Gussaba c. Mizmar
B. Maridangan d. Ragas

7. Bakit mahalaga ang Taj Mahal sa Kulturang Asyano?


A. Hindi ito napakinabangan ng mga Indiano.
B. Ayaw ng mga turistang pumunta ditto.
C. Mas maraming tanawin na makikita sa mga bansang Europa.
D. Dito inilalagay ang mga sagrado at panrelihiyong relikya ng India.

8. Ano ang kahalagahan ng mga koleksyong pabula sa Kulturang Asyano?


A. Ito ay hindi na ginagamit ngayon ng mga kabataan.
B. Dahil sa makaluma na at hindi masyadong pinapansin.
C. Maraming kabataan ay nahuhumaling na sa mga K-Pop na awitin at
sayaw.
D. Dahil ito ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng
Gawad Nobel para sa panitikan at hanggang ngayon ginagamit pa sa
asignaturang Filipino.

9. Ito ay ang pinakatanyag na templo ng isang Obra Maestro na Indiano na


makikita sa Cambodia na dinarayo ng mga turista.
A. Angkor Wat c. Moske
B. Burubodor d. Taj Mahal

10. Bakit tinawag na pinakamahalagang sining Islamik ang arkitekturang


Islamik?
A. Itinuturing ito na pinakamahalagang pagpapahayag ng relihiyong
Islam.
B. Hindi ito ginagamit ng relihiyong Katoliko Romano at mga bansang
Kristiyano.
C. Maraming mga bansa sa buong daigdig ay hindi masyadong kilala ang
arkitekturang Islamik.
D. Lahat ng mga bansa sa buong daigdig ay masyadong abalang abala sa
paglulutas ng banta sa pandemya.

3
Aralin Natin
Magandang buhay mga mag-aaral! Mayroon ba kayong nalalaman
tungkol sa ating paksang aralin ngayon? Sa bahaging ito ay mauunawaan
mo ang neokolonyalismo at ang kontribusyon ng Timog at Kanlurang
Asya.

ANG NEOKOLONYALISMO

Ang Neo ay ibig sabihin nito ay bago. Samantalang, ang Kolonyalismo


ay tuwirang nananakop ng bansa upang makukuha ang kanilang
pangangailangan. Ang Neo-Kolonyalismo ay ang di-tuwirang pananakop ng
bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang
makapangyarihang bansa.

Ayon sa aklat ni Cruz, Romela et al., ang Neo-Kolonyalismo ay


pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating
mananakop sa mga bansang dating nasakop ng makapangyarihang bansa sa
isang mahinang bansa at inabuso ito sa ekonomikal na paraan.

Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na


makararanas nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Palagi itong
makikita sa patuloy na pala-asa ng mahihinang bansa sa mga First World o
mga bansang maunlad na ekonomiya at industriya.

Ang mga Pamamaraan/Anyo ng Neo-Kolonyalismo


1. Pang-ekonomiya – Naisasagawa ang Neo-Kolonyalismo sa pamamagitan
ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng
isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong.
2. Pangkultura – Sa pamamaraang ito, nababago ng Neo-Kolonyalismo ang
pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito.
Bunga ng kulturang dala ng dayuhang bansa nababago ang pinahahalagahan
ng mga mamamayan tulad ng pananmit, babasahin, maging sa pag-uugali.
Halimbawa itinuro ang kabihasnan, kasaysayan at wika ng mga Amerikano
kaya naapektuhan sariling kalinangan pati na ang paggamit ng sariling wika.
Ginamit ang mass media at edukasyon sa paghuhubog ng mga
makapangyarihang bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na
malinaw na makadayuhan.
3. Dayuhang tulong o Foreign Aid – Isa pang instrumento ng mga Neo-
Kolonyalismo ang pagkakaloob sa dayuhang tulong o foreign aid na maaaring
pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar. Sa una’y maiisip na walang
kondisyon ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata o
pamamahagi ng aklat. Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang

4
libreng pagtulong. Nagbebenta ng mga imported na produkto ang bansang
tumulong sa bansang tinulungan kaya nga’t bumabalik rin sa kanila ang
malalaking tubo ng kanyang puhunan.
4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt – Anumang pautang na ibigay ng
International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) ay laging may
kaakibat na kondisyon. Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang
pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng
halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi
susundin ang mga kondisyon ay hindi makauutang ang umuutang na bansa.
Dahil dito ay hindi rin makakaahon sa utang ang mahhihirap na bansa.
5. Lihim na pagkilos (Covert Operation) – Kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumagawa ng paraan upang ang mga Neo-Kolonyalista ay
manggugulo sa isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay nag-uunahan ang mga dayuhang
masakop ang mga bansang ito dahil sa sagana sa langis ang rehiyong ito. Ang
mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait ang may
hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig. Kabilang din ang tatlong
bansang ito sa OPEC na siyang nagdidikta ng presyo ng langis sa kalakalang
pandaigdigan.
Epekto ng Neo-Kolonyalismo sa mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Dahil sa pakikialam ng International Monetary Fund (IMF) at World
Bank (WB), ang pera ng mga bansa sa Third World Countries ay inuuna ang
pambayad sa mga utang panlabas na nagiging dahilan na nabawasan ang
pagpapaunlad sana sa kanilang agrikultura.
May mga patakaran din ang IMF at World Bank na nagdidikta sa mga
bansang papaunlad pa lamang na liitan ang badyet na ilalaan ng pamahalaan
sa edukkasyon at kalusugan, dahilan ito upang lalong magdulot ng
kahirapan sa mga bansa.
Ang patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya
ay naging palaasa na lamang ang umuunlad na bansa at ang mahihirap na
bansa. Umaasa ang mga ito sa larangan ng pananalapi, politika, panlipunan,
at maging sa kapakanan ng bansa.
Naging madalas ang pangungutang ng salapi ng mga dating kolonya na
bansa sa International Monetary Fund at World Bank upang magamit sa
kanilang pangangailangan, pati na ang ukol sa edukasyon.
Tugon sa Neo-Kolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Sa huling bahagi ng kolonyalismo at imperyalismo noong ika-20
dantaon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng mga
Kanluraning bansa sa Asya. Ang pangunahing dahilan nito ay ang tahimik
at makabagong paraan ng pananakop na tinatawag na Neo-Kolonyalismo.
May iba’t ibang paraan ng pagtugon sa mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya sa Neo-Kolonyalismo. May mga bansang napilitang

5
tumanggap ng mga tulong pinansiyal upang makabangong muli ang kanilang
ekonomiyang nalugmok sa digmaan.
Sa panig naman ng Saudi Arabia, sa pamumuno ni Haring Ibn Saud,
Disyembre taong 1950 nang ito ay nakipagsundo sa Arabian American Oil
Company (ARAMCO) para sa 50% kita ng nasabing kompanya ay magbigay
sa Saudi Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita ng bansa. Pinayagan
din nito ang patuloy na paggamit ng Estados Unidos ng base military sa
Dharan kapalit ng tulong teknikal at nagpapahintulot sa pagbili ng armas sa
ilalim ng Mutual Defense Assistance Act.

MGA KONTRIBUSYON NG TIMOG AT KANLURANG ASYA SA KULTURANG


ASYANO
Ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya ay nauuri sa iba’t
ibang larangan tulad ng Literatura/Panitikan, Arkitektura, Musika at Sayaw,
Pampalakasan o Isports. Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng
mga naranasan na pananakop, naipakita rito ang maipagmamalaking
pagkakilanlan, mataas na kakayahan, katalinuhan at kakaibang galing o
talento ng mga Asyano.
Literatura/Panitikang Asyano (Timog at Kanlurang Asya)
Sa larangan ng Panitikan o Literatura, may dalawang mahalagang
epiko ang India ito ay ang Mahabharata at Ramayana. Ang Mahabharata ay
nagsasalaysay ng pantribong digmaan. At ang Ramayana ay patungkol sa
buhay ni Rama, lalaking bida sa epiko.
Ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng mga pabula na
may kuwento ukol sa alamat, engkantada at pabula ay ang “Panchatantra”.
Ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng Gawad Nobel para
sa panitikan ay si Rabindranath Tagore.
Arkitekturang Asyano (Timog at Kanlurang Asyano)
Ang Arkitekturang Indian ay makikita sa Myanmar, Indonesia,
Cambodia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka at Thailand. Ang bawat gusali na
nilikha nila ay iniuugnay sa relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam. May
dalawang tanda ng Arkitekturang Indian ang dalawang kilalang templong
budista sa India.
Ang una ay Stupa, gawa sa laryo o bato na may mga bilugang bukol na
may tulis na tore. Dito inilalagay ang mga sagrado at panrelihiyong relikya sa
Taj Mahal, na ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang pinakamamahal na
asawa na si Muntaz Mahal na namatay sa panganganak. Ang iba pang mga
obra maestro ng Arkitekturang Indian at ang templo ng Borobudur sa Java,
Indonesia at ang Angkor Wat na makikita sa Cambodia.
Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang Masjid o Moske. Itinuturing
ito na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik. Ang tala ukol dito
ay naglalarawan ng istrukturang may minbar o pulpit at mihrab o nitso na

6
may madetalyeng disenyo at nagtuturo sa direksiyon ng Mecca, ang banal na
lungsod ng mga Muslim.
Musika at Sayaw ng mga Asyano (Timog at Kanlurang Asya)
Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal
sa pangananak, pag-aasawa at kamatayan. Sa kabila ng mga pananakop ng
mga Kanluranin, nanatiling buo pa rin ang tradisyong musical ng mga Asyano
dahil na rin sa mahigpit at matibay na pundasyon nito. Ang Ragas ay isang
musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na oras at panahon ang
pagtugtog nito. Mahilig din ang mga Hindu ng sayaw. May paniniwala sila
na ito’y libangan ng Diyos nila. Ang pinakabantog na sayaw ng Indian ay ang
Bihu. Ito ay isinayaw at ipinalabas sa Olimpiks sa London noong 2012.
Pampalakasan o Isports (Timog at Kanlurang Asya)
Mahilig ang mga Asyano sa palakasan hindi lamang manalo at makilala
sa buong mundo. Kundi taglay din ang katangiang dapat mataglay na isang
kasali sa laro. Ang karamihan ng mga larong kilala sa buong Asya at daigdig
ay nagmulasa India. May tanyag na laro ang India tulad ng Kabaddi. Ang
Kabaddi ay pangkatang laro. Nangangailangan ng dalawang pangkat para
makakuha ng mataas na iskor. Sa bawat pangkat ay may pitong miyembro.
Ang magkabilang pangkat ay manghuhuli ng miyembro ng katunggaling
pangkat. Habang sa larangan ng Wrestling at Boksing, may ebidensiya na
natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300 hanggang 1500 BCE, may
natagpuang tabletang luwad na may naglalaro ng buno(wrestling) at boksing

7
Gawin Natin
Sa bahaging ito ng leksyon ay nais kong pagtibayin mo ang iyong
nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Dahil natapos mo na ang aralin
ay maaari mo nang sagutin ang susunod na gawain tungkol sa Neo-Kolonyalismo
at kontribusyon sa Timog at Kanlurang Asya.

Gawain 1: Talahanayan ng iba’t ibang halimbawa ng mga bansa sa First World


Countries at Third World Countries. Ito ay isang Gawain para masubukan ang
inyong kaalaman tungkol sa First World Country o malalakas at mayayaman na mga
bansa at Third World Country o mahihina at mahihirap na mga bansa. Ihahanay
ninyo ang bawat bansa kung saan siya nababagay. Isulat ito sa isang papel at sana
maging masaya at mauunawaan mo ito.

First World Country o Third World Country o mahihina at


mayayaman at malalakas na mahihirap na bansa
bansa
Estados Unidos Pakistan

Estados Unidos France England


Pakistan India Nepal
New Zealand Canada Germany
Mongolia Cambodia Bhutan

Gawain 2: Talahanayan ng mga iba’t ibang halimbawa ng panitikan, arkitektura,


musika at sayaw, pampalakasan. Ihahanay ang mga ito kung makikita ba ninyo sa
Timog Asya at Kanlurang Asya. Gawin ito sa isang pirasong papel. Ito ay isang
Gawain para masubukan ang inyong kaalaman. Sana maging masaya at
mauunawaan mo ito.
Panitikan/ Literatura Arkitektura Musika/ Sayaw Pampalakasan/Isports
Mahabharata Moske

8
Ragas Moske Panchatantra Kabaddi
Stupa Taj Mahal Angkor Wat Wrestling
Mahabharata Ramayana Boksing

Sanayin Natin

Magaling! Narating mo na ang huling bahagi ng aralin. Dito ay may


pagkakataon na malinang ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gawain na nagpapamalas din ng iyong ganap na pang-unawa sa
aralin.

Gawain 3: Basahing mabuti ang mga pangungusap at punan ng wastong


sagot ang patlang bago sa bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat
sa sagutang papel.

Pang-ekonomiko Pangkultura
Panchatantra Lihim na pagkilos
Dayuhang tulong Dayuhang pautang
Mahabharata Moske o Masjid
Ramayana Kalidasa
Ragas

1. _____________ Naisasagawa ang Neo-Kolonyalismo sa pamamagitan ng


pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan
ng isang bansa.
2. ___________ Sa pamamaraang ito, nababago ng Neo-Kolonyalismo ang
pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin
nito.
3. ____________ Isa pang instrumento ng mga Neo-Kolonyalismo ang
pagkakaloob sa dayuhang tulong o foreign aid na maaaring pang-
ekonomiya, pangkultura o pangmilitar.
4. ___________ Anumang pautang na ibigay ng International Monetary
Fund (IMF) at World Bank (WB) ay laging may kaakibat na kondisyon.
5. ____________ Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng
paraan upang ang mga Neo-Kolonyalista ay manggugulo sa isang
pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
6. ______________ Ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng
mga pabula na may kuwento ukol sa alamat at, engkantada.
7. Ang____________ ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan.at
pinakamahabang epiko.

9
8. _____________Ay patungkol sa buhay ni Rama, lalaking bida sa epiko.
9. Ang___________ ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak
na oras at panahon ang pagtugtog nito.
10. Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang______________ Itinuturing
ito na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.

Gawain 4: Pumili ka ng isang kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya.


Sumulat ng sanaysay kung ano ang kahalagahan ng kontribusyong ito sa
pagpapanatili ng kulturang Asyano. Isulat sa sagutang papel.

10
Rubrik para sa pagmamarka ng sagot
5 3 1 Puntos
Pagkakabuo Angkop at May iilang Walang
wasto ang talata na kaugnayan
mga sa ginamit na at hindi
pagbubuo ng hindi angkop wasto ang
talata at wasto mga talata
na ginamit.

Nilalaman Mabisang Hindi Hindi


naipahayag gaanong naipahayag
ang mensahe naipahayag nang
ng tema o nang mabisa mabisa ang
paksa ang mensahe nilalaman
ng tema o naaayon sa
paksa tema o
paksa
Total

Tandaan Natin

Nararapat na tandaan ang sumusunod na konsepto:

• Naisasagawa ang Neo-Kolonyalismo sa pamamagitan ng Pang-


ekonomiya o pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan, Pangkultura o nababago ang kultura ng mamamayan
dahil sa dala ng kultura ng dayuhang bansa, pagkakaloob ng
Dayuhang tulong, Dayuhang pautang at Lihim na pagkilos kung hindi
mapasunod nang mapayapa ang isang bansa.

• Ang Kontribusyon ng mga Asyano ay nauuri sa iba’t ibang larangan


tulad ng Literatura/Panitikan, Arkitektura, Musika at Sayaw, at
Pampalakasan o Isports. Sa pagbuo ng Kabihasnang Asyano at sa
kabila ng mga naranasan na pananakop, naipakita rito ang
maipagmalaking pagkakilanlan, mataas na kakayahan, katalinuhan at
kakaibang galing o talent ng mga Asyano.

11
Suriin Natin
Ngayon, subukan mo nang sagutan ang pagtataya na magtatakda at
susukatin ang iyong kaalaman sa ating aralin. Handa ka na ba? Simulan
mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng wastong
sagot. Isulat sa isang sagutang papel.

1. Batay sa aklat ni Cruz, Romela, et al, ang__________________ay


pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating
mananakop sa mga bansang dating nasakop.
a. Globalisasyon
b. Kolonyalismo
c. Neo-Kolonyalismo
d. Merkantilismo

2. Alin sa sumusunod ang epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya Alin sa sumusunod ang epekto ng Neo-
Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
a. Naging maunlad at naging Malaya ang mga bansang dating
kolonya nito.
b. Umaasa ng labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong lalo
na sa Estados Unidos.
c. Ang lahat ng aspeto sa buhay ng mga tao sa Kanlurang Asya ay
mayroong kalayaan.
d. May pagkakataon ang mga tao na makapagsasarili at
pamamahalaan ang sariling bansa nito.

3. Paano natugunan ang mga epekto ng Neo-Kolonyalismo sa Timog


at Kanlurang Asya?
a. Ang Neo-Kolonyalismo ay isang tahimik at makabagong
pamamaraan ng pananakop.
b. Ang bansang Saudi Arabia ay hindi lumagda sa kasunduang
tulong pangmilitar o Mutual Defense Act.
c. Sa huling bahagi ng ika-20 dantaon ay hindi nagpatuloy ang
pagpasok ng impluwensiya ng mga kanluraning bansa.
d. May mga bansang napilitang tumanggap ng tulong pinansiyal
upang makabangong muli ang kanilang ekonomiyang nalugmok
sa digmaan.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga anyo ng Neo-


Kolonyalismo sa Asya?
a. Pangkultura
b. Pang-ekonomiya
c. Dayuhang tulong
d. Pagtatag ng Samahang Makabayan

12
5. Alin sa sumusunod ang mabuting dulot ng neokolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya?
a. Nakikinabang ng husto ang mga mananakop sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya.
b. Pinamahalaan at kontrolado ng mga Kanluraning bansa ang
Timog at Kanlurang Asya.
c. Nakinabang ang mga Kanluranin sa mga likas na yaman sa
Timog at Kanlurang Asya.
d. Ang mga imprastrakturang tulad ng mga daan at tulay ay mas
nakatulong ng lubusan sa pagpapabilis ng kalakalan at
pagbibigay ng malaking kita sa bansa sa Timog at Kanlurang
Asya.

6. Ang______ay isang musika na nag-aalis ng sakit. Mayroong tiyak na


oras at spanahon sa pagtugtog nito.
a. Gussaba c. Mizmar
b. Maridangan d. Ragas

7. Bakit mahalaga ang Taj Mahal sa Kulturang Asyano?


a. Hindi ito napakinabangan ng mga Indiano.
b. Ayaw ng mga turistang pumunta ditto.
c. Mas maraming tanawin na makikita sa mga bansang Europa.
d. Dito inilalagay ang mga sagrado at panrelihiyong relikya ng India.

8. Ano ang kahalagahan ng mga koleksyong pabula sa Kulturang


Asyano?
a. Ito ay hindi na ginagamit ngayon ng mga kabataan.
b. Dahil sa makaluma na at hindi masyadong pinapansin.
c. Maraming kabataan ay nahuhumaling na sa mga K-Pop na
awitin at sayaw.
d. Dahil ito ang kauna-unahang Asyano na nagwagi noong 1913 ng
Gawad Nobel para sa panitikan at hanggang ngayon ginagamit
pa sa asignaturang Filipino.

9. Ito ay ang pinakatanyag na templo ng isang Obra Maestro na


Indiano na makikita sa Cambodia na dinarayo ng mga turista.
a. Angkor Wat c. Moske
b. Burubodor d. Taj Mahal

13
10. Bakit tinawag na pinakamahalagang sining Islamik ang
arkitekturang Islamik?
a. Itinuturing ito na pinakamahalagang pagpapahayag ng
relihiyong Islam.
b. Hindi ito ginagamit ng relihiyong Katoliko Romano at mga
bansang Kristiyano.
c. Maraming mga bansa sa buong daigdig ay hindi masyadong
kilala ang arkitekturang Islamik.
d. Lahat ng mga bansa sa buong daigdig ay masyadong abalang
abala sa paglulutas ng banta sa pandemya.

Payabungin Natin

Binabati Kita! May sapat ka nang kaalaman at pag-unawa ukol sa anyo,


tugon, at epekto sa Neo-Kolonyalismo at mga kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya. Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman, sagutan
mo ang susunod na gawain.
Gawain 5: Pagtatapat-tapatin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng
wastong sagot bago sa bilang. Isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____ 1. Naisasagawa ang Neo- A. Kabaddi


Kolonyalismo sa pamamagitan ng tulong B. Ragas
sa pangkabuhayan C. Mahabharata
____ 2. Nababago ng Neo-Kolonyalismo D. Ramayana
ang pananaw ng tinutulungang bansa E. Taj Mahal
bunga ng dayuhang kultura mula sa F. Pang-ekonomiya
dayuhang bansa. G. Pangkultura
____ 3. Isa pang instrumento ng Neo- H. Dayuhang tulong
Kolonyalismo ang pagkakaloob ng tulong I. Lihim na pagkilos
pang-ekonomiya, pangmilitar o J. Dayuhang pautang
pangkultura. K. Neo-kolonyalismo
____ 4. Ito ay pautang na ibinigay ng
International Monetary Fund at World
Bank na laging may kaakibat na
kondisyon.
____ 5. Gumagawa ng paraan ang mga
Neo-Kolonyalista na kung hindi
mapasunod sa mapayapang paraan ay
manggugulo ng pamahalaan at ibagsak
ito ng tuluyan.
____ 6. Ito ay isa sa mahalagang epiko ng
India, nagsasalaysay tungkol sa buhay ni
Rama, ang lalaking bida ng epiko.

14
____ 7. Isang kilalang templo na ipinatayo
ni Shah Jahan para sa kaniyang
pinakamamahal na asawa na si Muntaz
Mahal.
_____ 8. Isang pinakamahabang epiko at
nagsasalaysay tungkol sa pantribong
digmaan.
_____ 9. Isang musika na nag-aalis ng
sakit o karamdaman. Mayroong tiyak na
oras at panahon ang pagtugtog nito.
_____ 10. Ito ay isang tanyag at
pangkatang laro ng mga Indiano.

Pagnilayan Natin

Magaling! Narating mo na ang huling bahagi ng aralin.

• Ang Neo-Kolonyalismo ay maiiwasan kung lahat ng mga bansang


Asyano ay magtutulungan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
samahan na magbubuklod sa bawat bansa sa Asya.

• Bilang Asyano at bilang Pilipino, nararapat na ipagmamalaki at


pahahalagahan natin ang mga kontribusyon o ambag na naibibigay sa
atin upang mayroon tayong mapagkilanlan bilang isang bansa at
maisasalin natin sa susunod na henerasyon.

15
16
Gawin Natin: Gawain1 Payabungin Natin
Gawain 5
First World Third World Country
Country o o mahihina at 1. F
mayayaman at mahihirap na bansa 2. G
malalakas na 3. H
bansa 4. J
5. I
Estados Unidos Pakistan 6. D
7. E
Germany India
8. C
England Cambodia 9. B
10. A
Canada Nepal
New Zealand Bhutan
France Mongolia
Gawain Natin: Gawain2
Panitikan/ Literatura Arkitektura Musika/ Sayaw Pampalakasan/Isports
Mahabharata Moske Ragas Kabaddi
Ramayana Taj Mahal Bihu Wrestling
Panchatantra Stupa Boksing
Angkor Wat
Sanayin Natin Sanayin Natin Subukin Natin/
Gawain 3 Gawain 4: Sanaysay Suriin natin
1. Pang-ekonomiya Pinili ko ang Pampalakasan dahil 1. C
2. Pangkultura ang mga Asyano ay mahilig sa laro 2. B
3. Dayuhang tulong hindi lamang para manalo at 3. D
4. Dayuhang pautang makilala sa buong mundo, kundi 4. D
5. Lihim na pagkilos taglay din ng katangiang dapat 5. D
6. Panchatantra mataglay ng isang atleta na kasali sa 6. D
7. Mahabharata laro. 7. D
8. Ramayana 8. D
9. Ragas 9. A
10. Moske 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Lucila Perez De Guzman, et al, Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon, 2012


FNB Educational Inc. 2012, C. Quirino Highway, Quezon City,
Philippines Pahina: 514-517

Adelina A. Sebastian, et al, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang


Edisyon, 2014 DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Pahina: 280-282/289-294

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like