You are on page 1of 2

Republic of the Philippines 50

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
GREAT MERCY ACADEMY OF CAVITE INC.
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSUSLIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan: Petsa:
Guro: Mr. Gilbert D. Paradero Parents Signature:
I. Isulat sa patlang ang napiling sagot.
_______1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa
ekonomiya ng mga bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya noong ika 16-19 na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
_______2. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang
pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtanggol sa bayan, ang konseptong tinutukoy ay ?
A. Patriotismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo
_______3. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP.
Gaganap ka bilang Kim, ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal si Lea Salonga. Sa anong larangan siya
nakilala?
A. Arkitektura B. Musika C. Palakasan D. Pulitika
_______4. Nadama ng maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang pagnanais lumaya. Alin sa mga sumusunod ang
isa sa mga pamamaraang ginamit sa Timog Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa upang
lumaya?
A. Pagsunod at paghihintay C. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti
B. Pagtutol at pakikipagtulungan D. Pananahimik at pagwawalang bahala
_______5. Ano ang mahihinuha mo sa uri ng buhay ng mga tao sa ilalim ng mga mananakop?
A. Ang pagsasaka ay kinokontrol ng mga mananakop.
B. Mas napalago nila ang buhay agrikultura.
C. May kalayaan ang mga sinakop sa kanilang pamumuhay.
D. Sila ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho
_______6. Paano naapektuhan ng ikalawang digmaang pandaigdig ang Silangan at Timog Silangang Asya sa pag-
aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
B. Lumalakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kasarinlan
C. Nagkaroon ng lakas loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira
_______7. Inihalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng mga bansang Asyano sa gansang
lumilipad (flying geese). Ano ang mensaheng ipinahihiwatig nito?
A. Magkaiba ang antas ng pag-unlad ng mga Asyano.
B. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
C. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
D. May malaking impluwensya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga bansang Asyano.
_______8. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin. Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
A. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pang-komunidad
B. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
C. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan
D. Lahat ng nabanggit
________9. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratly na tinatawag din ng mga
Pilipino na Kalayaan Islands. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China?
A. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ng mapayapa ang nabanggit na krisis
B. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan
C. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malalakas na puwersa ng China
D. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly
________10. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan ano ang dapat mong
isasaisip sa pagsulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
_______11. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa
iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano?
A. Naging sentro ng kontrobersya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano.
B. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse
C. Itinuturing na balakid ng ibang bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang sariling
hangarin.
D. Maraming atletang Asyano ang hinahangad ng ibang mga bansa na makuha nila.
_______12. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin?
A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa
________13. Ang pagdating ng mga iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog – Silangang Asya ay nagdulot ng
maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa
aspetong pulitikal ng mga nasakop na bansa?
A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa.
_______14. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo.
Alin sa mga sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang kanilang
pagmamahal sa bayan?
A. Bodi Utomo at Sarekat Islam
B. Kilusang Propaganda at Katipunan
C. Partido Kuomintang at Partidong Kunchantang
D. Anti-Facist People’s Freedom League
________15. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Timog
Silangang Asya?
A. Marami ang napinsala at namatay
B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
C. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya
D. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at komunismo
________16. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa mga
sumusunod na sistemang politikal nahahawig?
A. Demokrasya
B. Monarkiya (Konstitusyonal)
C. Monarkiya (Absolute)
D. One Party Government
________17. Ano ang pinakamabisang naging epekto ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na may
mababang lieracy rate?
A. Nakatulong ang mga mamamayan sa pag-papaunlad ng ekonomiya ng bansa.
B. Napanatili ang katatagang pampulitika.
C. Napagyaman ang ugnayan sa loob at labas ng bansa.
D. Nagtungo ang mga mamamayan sa iba.
________18. Nahalal na Presidente ng Republic of China.
A. Chiang Kai Chek B. Mao Ze Dong C. Lee Min Ho D. Ho Min Chi

II. Enumeration: Isa-isahin ang hinihinging salita.


19-20. Bansang Binomba Atomika ng Amerika sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
19. 20.

III. Identification: Isulat ang tamang sagot (5 point each)

______________________________21-25. Nahalal na Presidente ng Republic of China.


______________________________26-30. Isang Kilusan sa Tsina na kung saan ay nag-aral sila ng tsinong boksing
bilang paghahanda sa laban.
______________________________31-35. Tradisyon ng Tsina na kung saan pinapaliit ang paa ng mga kababaihan sa
pamamagitan ng pagbabali neto,
______________________________36-40. Tawag sa labanan ng Hapon at Intsik sa panahon Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
41-50. Essay: Bilang mag-aaral ano ang magagawa mo para maipakita ang pagmamahal mo sa iyong bansa. 4-5
pangungusap. Isulat na lamang sa likod ang iyong sagot.

You might also like