You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Division of Tuguegarao City
Linao National High School

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)

I. Layunin: Pagkalipas ng 60-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang :


A. Nasusuri ang mga paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya;
B. Napupunan ang talahanayan ng dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; at
C. Napahahalagahan ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga impluwensya ng
kolonyalismo at Imperyalismo.
II. Nilalaman
A. Paksa : Paraan at Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo ng mga Kanluranin sa Unang
Yugto Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
B. Sanggunian : Modyul ng mga mag-aaral, pp. 10-11, Blando, Rosemarie C, et.al. Asya:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Eduresources Publishing Inc., Philippines
2014.pahina 196-200
C. Kagamitan : Laptop, PowerPoint, Larawan na may kinalaman sa paksa
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Panimulang Gawain

Bago ang lahat, manalangi muna tayo.

Angela, maari mo bang pangunahan ang ating


panalangin.
Mga kapwa ko mag-aaral, tayo ay manalangin. Sa
ngalan ng Ama, ng anak at ng Espiritu santo. Amen.
Ama, maraming salamat sa mga biyayang
ipinagkakaloob mo sa bawat isa. Salamat sa paggabay
at pagbibigay ng kalakasan sa amin. Maraming
salamat ama sa pagkakataong ito upang matuto at
madagdagan ang aming kaalaman. Ang lahat ng
papuri ay sa iyo lamang ama. Amen. Sa ngalan ng
Ama, ng anak at ng Espiritu Santo Amen.
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po ma’am.
Bago tayo magpatuloy, kukunin ko muna ang
pangalan ng mga umatend sa araw na ito. Bakit
ganito lang ang dami ninyo?
Modular po ang iba ma’am.
Okay. Sige, ngunit kailangan parin nilang magpasa
ng kanilang output.
Paglalahad ng Pamantayan sa Online Class
Okay klas, bago tayo magsimula nais kong ibahagi
sa inyo ang aking mga pamantayan para sa ating
online class.
1. Imute ang mikropono upang maiwasan ang
anumang ingay sa paligid. Iunmute lamang
ito kung kayo ay magbabahagi ng inyong
kasagutan. Pindutin ang raised hand button
upang mapansin ng guro.
2. Makinig ng mabuti sa guro at huwag
makisabay sa pagsasalita. Maaring kumuha
ng papel at ballpen upang maitala ang
importanteng impormasyon tungkol sa aralin.
3. Maging magalang sa pakikipag-usap sa iyong
guro at kamag-aral.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am
A. Pagganyak
Gawain 1. COUNT THREE, COUNTRY!
PANUTO: Suriin an gang tatlong larawan sa bawat
bilang at tuklasin kung anong bansa ang tinutukoy
nito.
Handan na ba kayo?
Opo ma’am.
Tayo ay magsisimula na. Sino ang nais sumagot?

1.

FRANCE po ma’am.
Magaling! Narito ang pangalawa klas.

2.

Ma’am ENGLAND po.


Magaling! Para sa pangatlong larawan.

3.

PORTUGAL po ma’am.
Tama! Para sa ating pang- apat na larawan.

NETHERLANDS po ma’am.
Mahusay! Ito ang panghuling larawan.

Ito po ang Spain ma’am.


B. Paglinang sa Aralin
Mula sa gawain na ating ginawa, ano sa tingin nyo
ang ating tatalakayin sa araw na ito?
Maam ito po ay tungkol sa mga bansa na nanakop sa
mga bansang timog at kanlurang asya po ma’am.
Tama! Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay
karugtong lamang ng ating talakayan sa nakaraang
aralin. Ito ang patungkol sa mga paraan at epekto ng
pananakop ng bansang Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya.
Pinangunahan ng Spain at Portugal ang paghahanap
ng ruta. Maraming manlalayag na Europeo ang
naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay
ang paglalakbay ni Vasco De Gama.
Bakit kaya napakahalaga ang paglalakbay na ito ni
Vasco De Gama? Sino ba sya klas?
Si Vasco De Gama po ay isang Portuges na
mandaragat at tanyag na nabigator at nalibot nya ang
Cape of the Good Hope.
Tama! Ang Cape of the Good Hope klas ay isang
mabato na talampas sa bayan ng Atlantic ng Cape
Peninsula. Ito ay matatagpuan sa dulo ng Africa na
siyang nagbukas ng ruta patungong India.
Matapos mabuksan sa publiko ang ruta,
nagpaligsahan ang mga bansa tulad ng Germany,
England, Russia, at Amerika. Nakilahok din ang
Spain at Portugal maging ang Netherlands.

Ano kaya ang layunin ng naturang paligsahan klas?


Ma’am ang layunin po ng paligsahan ay upang
matukoy at mabigyang parangal ang pinakamahusay
at malakas sa mundo sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng teritoryo o lupaing sakop.
Tama! Ang pinakapangunahing dahilan ay upang
mapalawak ang kanilang lupaing sakop. Kung saan
nanguna ang Portugal at Spain na naging matindi
ang pagpapaligsahan sa paggalugad at pagsakop sa
mundo.

Namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko na si


Alexander VI noong 1494 para maiwasan ang
sigalot na maaring mauwi sa digmaan at ditto rin
nabuo ang Treaty of Tordesillas.

Ano kaya ang tungkol sa Treaty of Torsedillas?


Ma’am ito ay isang kasunduan sa pagitan ng Portugal
at Spain.
Tama Klas! Ito ay isang kasunduan kung san ang
Portugal ay maggagalugad sa bandang silangan
samantalang ang Spain naman ay kanlurang bahagi.

May katanungan ba klas?


Wala po ma’am.
Kung gayon, atin nang alamin ang mga pangyayari /
paraan ng pagsakop ng mga Kanluranin.
Una ay ang Portugal. Sila ay nakakuha ng maraming
piling lugar sa Asya. Noong 1502 nagbalik at
nagtatag si Vasco De Gama ng sentro ng kalalakan.
Sa anong bansa kaya ito klas?
Ma’am sa bansang Calicut sa India po.
Mahusay! Noong 1505 naman ay ipinadala si
Francisco de Almeida bilang unang Viceroy sa
silangan. At noong 1510 sa pamumuno ni Alfonso
de Albuquerque maraming bansa ang nasakop.
Anu- anong mga bansa kaya ito?
Ormuz sa Golpong Persia(Iran)
 Diu at Goa sa India
 Aden sa Red Sea
 Malaca sa Malaya
 Moluccas sa Ternate
 Macao sa China
 Formosa(Taiwan)
Mahusay klas! Mga daungan ang kanilang napiling
sakupin upang makontrol ang kalakalan. Sila ay
nanakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan o pang
ekonomiya hanggang sa ipinasok ang
Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan.
Sunod naman klas ay ang bansang England. Ito ay
pinamunuan ni John Cabot na isang Italyanong
marinero Sinimulan ang pananakop ng England sa
Silangan sa pamamagitan ng English East India
Company.
Ano kaya ito klas?
Ma’am ito ay isang samahan o pangkat ng
mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng
England ng kapangyarihan.
Tam! Ito ang sentro ng kalakalan ng England sa
India. Ginamit rin ito upang mangalakal at
pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang
interes nito sa ibayong dagat noong 1600.

Anu- anong mga bansa ang nasakop ng England?


 Ceylon
 Malaya
 Singapore
 Australia
 New Zealand
 Mgapulo sa Hilagang Pasipiko
 India
Mahusay! Ano ang pinakapangunahing dahilan ng
mga England sa pagpunta sa India?
Noong una pangkabuhayan ang dahilan ng England sa
pagpunta sa India. Nang makita ang malaking
pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop
ang India ng England.
Mahusay! Ang pangatlong bansa na nais sumakop
sa bansang India ay ang France.
Anu- ano kayang mga bansa ang sinakop ng
bansang ito?
Ma’am ang Laos, Cochin China, Cambodia at
Anmam na tinawag na French Indo-China.
Mahusay! At kalian ito naganap?
Naganap ito noong ika- 18 siglo.
Mahusay!
At ang panghuling bansa ay ang Netherlands. Sa
pamamagitan ng Dutch East India Company ay
namahala rin sa isang bahagi ng India. Napasailalim
ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa
kasalukuyan).
May katanungan ba klas?
Wala po ma’am
Ngayon tayo naman ay dadako sa mga epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.
Ano kaya ang naging epekto nito sa larangan ng
ekonomiya?
Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at
mga hilaw na sangkap
 Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng
mga produkto
 Ang natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-
unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan.
 Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada
ang mga mananakop
 Isinilang ang mga Asyanong naging mga
mangangalakal o middle men
 Nagtayo ng mga ospital
Mahusay! Sa larangan kkaa ng politika klas may
naging epekto kaya ito?
Opo ma’am.
 Hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno
ang naging kalagayan ng mga katutubo
 Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan
 Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon
sa mga kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed
border o takdang hanggananang teritoryo ng bawat
isa.
Magaling! Lahat ng inyong nabanngit ay tama klas.
Nagkaroon din ito ng epekto sa larangan ng Sosyo-
Kultural. Anu ano kaya ang mga ito?
 Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga
produktong dayuhan
 Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalatay
ang mga Asyano ay pinalitan ng mga dayuhan
 Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo
at mga kanluranin
 Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga
pagkain at istilo ng pamumuhay ay ginaya.
Magaling klas! May katanungan ba kayo tungkol sa
ating paksa o aralin?
Wala po ma’am.
C. Pangwakas na Gawain
Gawain 2. Answer Me!
Para sa panghuling gawain, sagutin ang tanong sa
ibaba.
“Papaano mo maipapakita ang pagmamahal sa
sariling bansa sa kabila ng mga impluwensiya ng
kolonyalismo at imperyalismo?
Narito ang krayterya para sa gawaing ito.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG
SAGOT
Nilalaman Maayos at naaayon 5
sa tanong puntos
Kaangkopan Angkop at 5
makakaingganyo sa puntos
bumabasa.
Kahusayan Diretso sa ideyang 5
nais ipahayag puntos
Kabuuan 15
puntos
D. Pagpapayaman ng Aralin
Batay sa naging talakayan, mahalaga ba ang unang
yugto ng imperyalismo at kolonyalismo ng mga
Kanluranin sa Asya? Bakit?
Opo ma’am. Dahil ito ang naging paraan ng mga
Kanluranin para lumawak ang kanilang teritoryo.
Mahusay! Napakahalaga ang unang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo lalong lalo na ang
mga impluwensya ng mga bansang Kanluranin sa
bansang Asya. Tulad sa larangan ng ekonomiya,
politika, at sosyo kultural na aspeto.
IV. Pagtataya
Gawain 7: “Akin Ka!”
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na mga konseptong naaayonsa paksa. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
DAHILAN PARAAN EPEKTO
1. 5. 7.
2. 6. 8.
3. 9.
4. 10.

A. krusada
B. merkantilismo
C. nagtatag ng sentralisadong pamahalaan
D. pagbagsak ng Constantinople
E. ipinadala si Francisco de Almeida bilang Viceroy
F. nasanay sa paggamit ng mga produktong dayuhan
G. paggamit sa East India Company
H. paglalakbay ni Marco Polo
I. nagtayo ng mga ospital
J. nahaluan ang mga kaugalian

V. Takdang Aralin
Gawain 4. SIMBOLO, GUHIT MO!
PANUTO: Gumuhit ng isang simbolo na naglalarawan ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga
bansang Asyano. Ilagay sa loob ng bilog ang sagot.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang pakahulugan ng simbolo na ito?
2. Paano kaya ito nakaapekto sa mga bansang nasakop?

You might also like