You are on page 1of 11

I.

Layunin:

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
Tiyak na Layunin
a. Natutukoy ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
sa Timog-Silangang Asya partikular na sa Pilipinas
b. Nakapagtatanghal ng mahusay patungkol sa mga dahilan, paraan, at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang
yugto (ika-16 at ika-17 siglo) sa Timog-Silangang Asya partikular na sa
Pilipinas
c. Napahahalagahan ang mga dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
sa Timog-Silangang Asya partikular na sa Pilipinas

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog-Silangang


Asya – Pilipinas
b. Kagamitan: Tarpapel, kartolina, laptop, monitor/TV, speaker, aquarium
c. Sanguniaan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa mag-
aaral ng Araling Panlipunan 7, pahina 324-325), Ika-apat na Markahan – Modyul
1: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silangan at Timog
Silangang Asya (Alternative Delivery Mode, DepEd),
https://tl.ninanelsonbooks.com/significado-de-monopolio,
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-polo-y-servicio,
https://www.tagaloglang.com/sandugo/,
https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii
d. Pagpapahalaga: “Nabibigyang diwa ang kahalagahan ng mga dahilan, paraan, at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga dayuhan sa Pilipinas na
nagdulot ng pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay at kaisipan ng mga
Pilipino”

III. Pamamaraan: Paglinang ng Gawain – Pangkatang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paunang Gawain
a. Panalangin
Still – Hillsong Worship
b. Pagbati
Tunay nga na isang mapagpalang araw ito
upang maglayag sa panibagong kaalaman
dahil alam ko na may Panginoon na
gagabay sa atin.

Handa na ba kayo?
Aye-aye, Sir Archie!

Hindi ko kayo marinig!


Aye-aye, Sir Archie!
Ow!
Ano ang section na handang matuto?
Grade 7, Wisdom!

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Ano ang section na handang makinig?
Grade 7, Wisdom!
Sino ang gwapo sa inyong harapan?
Si sir Archie!
Sinong gusto ng bagong kaalaman?
Grade 7, Wisdom!
Magandang Umaga!
Magandang Umaga!
Magandang Umaga! Magandang Umaga!
Magandang Umaga! Magandang Umaga!

c. Pagtala ng Lumiban at hindi lumiban


Yohow!
Panibagong araw nanaman ng
paglalakbay para sa kaalaman.

Maaari ku bang malaman kay Jena Rose


kung meron bang bumaba sa ating barko?
Yohow! wala pong bumaba sa barko
Kapitan sir.
Mahusay! Ako’y nagagalak at walang
bumaba sa ating barko. Siguraduhin natin
na ligtas ang lahat.

d. Pagkuha ng takdang aralin

Maaari ko na bang kunin ang inyong


Takdang aralin? Sa pagpasa nito, bawat
grupo ay iipunin ang takdang aralin at
ipapasa ito papunta sa harapan.

B. Balik-Aral
Maglalayag na tayo patango sa
panibagong isla “Kalma, ALONE
ng kaalaman, ngunitlang ‘to”
Pamprosesong Gawain:
asahan natin na mayroong mga pagsubok
1.sa ating
Mayroong tinatawag na Lonely Person/People (LP) na
paglalakbay.
nangangailangan ng pag-alala upang makaalis sa kadiliman.
2.Tumataas
Ang mga na Lonely
ang mgaPerson/People
alon! (LP) na ito ay minsan ng naging bahagi
ng ating kaalaman tungkol sa Asia.
Huhupa lamang ito kapag
3. Magbibigay ang guro ng mga kaonting kaalaman tungkol sa mga taong
napagtagumpayan
ito. natin ang isang gawain.
4.AngGamit
gawaing
ang ito
mgaayreaction
pinamagatang
emoji na (Like, Love, at Care), pipiliin nila ang
“Kalma,
tamangALONE
pangalanlang ‘to” ito na tumutukoy sa kaalamang nabanggit ng
ng taong
guro.
5. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng limang minuto.
6. Ang partisipasyon ng mga mag-aaral ay may kalakip na gintong tsapa
pagkatapos ng gawain na katumbas ay sampung puntos.

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
1
Christopher
Columbus

?
Marco Polo

Vasco Da Gama

Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga Venice.


Nanirahan sa China sa panahon ni Emperador Kublai Khan ng
dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon bilang tagapayo.

2 Vasco Da Gama

Ferdinand

?
Magellan

Christopher
Columbus

Manlalayag na Portuges na nakadaan sa baybayin ng Aprika,


nakarating sa dulo nito, ang Cape of Good Hope na syang nagbukas ng
ruta patungong India at sa mga islang Indies noong 1498.

Bartholomeu
3 Dias

?
Prinsipe Henry

Ferdinand
Magellan

Unang manlalayag na Portuges na nakaikot sa buong mundo sa


isang hiwalay na paglalayag. Pinatunayan ng kanyang paglalayag na
ang mundo ay bilog.

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Christopher
4 Columbus

?
Bartholomeu
Dias

Vasco Da Gama

Isang Italyanong manlalayag na nakarating sa bahagi ng


kontinente ng Amerika sa daang Karagatang Atlantiko.

Christopher
Columbus

? Bartholomeu
Dias

Vasco Da Gama

Manlalayag mula Portugal na nakarating ng Cape of Good Hope


sa dulo ng Aprika noong 1488.

Mga Kasagutan:

1. (HEART) MARCO POLO


2. (LIKE) VASCO DA GAMA
3. (CARE) FERDINAND MAGELLAN
4. (LIKE) CHRISTOPHER COLUMBUS
5. (LOVE) BARTHOLOMEU DIAS
Yohow! Napakagaling naman ninyo.
Yohow! Napakagaling naman ninyo.
Tunay ngang naaalala nyo pa ang mga
mahahalagang manlalayag ng mundo
mula sa ating nakaraang layag-aral!
C. Pagganyak

Mukhang may nagbabadyang bagyo,


makakaapekto ito sa ating paglalayag. Sa
tingin ko ay hindi ito matutuloy kung
mapagtatagumpayan natin ang isang
gawain. Handa na ba ang lahat?
Aye-aye, Sir Archie!
Capas National High School
Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Ang susunod nating gawain ay
pinamagatang “Minute to Win it:
Ultimate Challenge”

“Minute to Win it: Ultimate Challenge”


Pamprosesong Gawain:
1. Mahahati ang klase sa dalawang pangkat, ang Blue Team at Red Team.
2. Bawat pangkat ay may tatlong representate.
Unang representante: Blow your Boat
Pangalawang representante: Jigsaw Puzzle
Pangatlong representante: 2 pics 1 word
3. Ang unang pangkat na makakabuo at matutukoy ang nasa larawan ang makakakuha ng
maliit na treasure box at gintong tsapa habang ang isang grupo ay mga gintong tsapa
lamang.
4. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng limang minuto.

D. Paglalahad

Monopolyo - isang sitwasyon sa merkado kung saan ang paggawa o


komersyalisasyon ng isang produkto, isang mabuti o isang serbisyo ay nasa
kamay ng isang solong kumpanya.
Polo Y Servicio - isang uri ng patakaran na nagmula sa mga Espanyol na kung
saan ang mga Pilipino ay sapilitang pinagtatrabaho sa pamahalaan. Ito ay
sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60.
Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at iba pa.
Reduccion - ito ay naglalayong mailipat ang mga katutubong naninirahan sa
malalayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan sa kolonya.
Sanduguan - kasunduan na pinagtitibay sa pamamagitan ng pagsugat sa sarili ng
mga kalahok, pagpatak ng dugo sa isang sisidlan, at pag-inom sa dugo.
Tributo - isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng
pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop nila sa
Pilipinas.

E. Pagtatalakay
Maraming salamat sa inyong aktibong
partisipasyon! Marahil mayroon na
kayong ideya kung ano nga ba ang
susunod nating talakayan.
Maaari ko bang malaman, sa inyong
palagay, ano ang ating susunod na
talakayan? Sir sa aking palagay, ang ating susunod
na talakayan ay tungkol sa
Kolonyalismo sa Pilipinas
Tumpak, maraming salamat! Ang
talakayan natin ay tungkol sa Unang
Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo
sa Timog-Silangang Asya partikular na
sa Pilipinas.

Upang mas mapalawig


Mga alituntunin natin ang ng Pangkatang-Talakayan hinggil sa
sa Pagsasagawa
kaalaman tungkol sa ating paksang aralin
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog Silangang
magkakaroon tayo ng Pangkatang -
Talakayan Asya – Pilipinas
Proseso ng Gawain:
1. Mahahati sa tatlong pangkat ang klase.
2. Ang bawat pangkat ay may iba’t ibang presentasyon na ihahanda at lahat ng
Capas National High School
miyembro
Address: MacArthur ng pangkat
Highway, ay marapat
Capas, Tarlac 2315 na kasali sa presentasyon o may tatlong
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
representante upang ipaliwanag ang ginawang output.
3. Susuriin ng apat na pangkat ang sipi na ibibigay ng guro.

Batayan sa Pagbibigay ng Grado

Mga Krayterya 10 8 6 4
Konteksto May malalim na Nauunawaan Hindi gaanong Hindi naunawaan
pag-unawa sa ang paksa at naunawaan ang ang paksan at
paksa at nabigay ang paksa at nakapagbigay
nabibigay ng halos lahat ng nakapagbigay lamang ng isang
mahusay ang importanteng lamang ng limang importanteng
lahat ng ditalye ng importanteng ditalye ng aralin
importanteng aralin. ditalye ng aralin.
ditalye ng aralin.
Organisyasyon ng Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos
Idea pagkakasunod pagkakasunod organisasyon ang
sunod ng ideya sunod ng ideya ngunit hindi organisasyon at
sa kabuuan ng ng masyadong walang maayos
presentasyon/ presentasyon/ mabisa ang na panimula at
pagtatanghal. pagtatanghal. pagkakasunod ng katapusan ang
presentasyon. presentasyon.
Presentayion o Malinis at Malinis, ngunit May kahirapan Mahirap
Pagtatanghal kamangha- hindi maayos unawain at unawain ang
mangha ang ang magulo ang Presentasyon,
presentasyon pagkakapresent pagkakasunod hindi
ng mga mag- a ng mga mag – – sunod ng napresenta ang
aaral. aaral. Aralin. kanilang
Topic.

Siping Susuriin at isasadula: Unang Pangkat

Ferdinand Magellan
Narating niya ang Silangan gamit ang rutang pakanluran. Napatunayan sa kanyang
paglalakbay na bilog ang mundo.
Kristiyanismo
Ito ang relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol. Isa ito sa mga paraang kanilang ginamit
sa pananakop sa Pilipinas. Nakatulong ang mga misyonero na mapalaganap ang Kristiyanismo
pagkatapos maisakatuparan ang patakarang reduccion (ito ay naglalayong mailipat ang mga
katutubong naninirahan sa malalayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan sa
kolonya.)
Unang dumaong sa isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan, isang Portuges na
naglayag para sa Hari ng Espanya noong Marso 16, 1521. Nabigo siyang masakop ang Pilipinas
dahil napatay siya ng mga tauhan ni Lapu-Lapu sa labanan sa Mactan.
Nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang manlalakbay na ang layunin ay masakop ang
Pilipinas. Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang nagtagumpay na
masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at paggamit
ng dahas. Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu noong Abril 27, 1565. Mula rito ay
sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa sa pinakamagandang
daungan at sentro ng kalakalan sa Asya.
Nakatulong din sa pananakop ng Espanya ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo. Natuklasan din ng mga Espanyol ang karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo na sa
mga lugar ng Ilocos, Camarines, Cebu, at Butuan sa Mindanao.
Mindanao
Hindi tulad ng Luzon at Visayas, ilang bahagi lamang ng Mindanao ang nasakop ng mga
Espanyol dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga Muslim.
Sanduguan
Iba-iba ang mga paraan ng mga Espanyol sa pananakop. Isa rito ay ang pakikipagkaibigan
sa mga lokal na pinuno na pormal nilang ginagawa sa pamamagitan ng sanduguan. Iniinom ng
lokal na pinuno at pinunong Espanyol ang alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo. Sa ibang lugar
naman ay ginagamitan nila ng pwersa o dahas upang masakop ang lupain.

Siping Susuriin at gagawan ng Sayawit na piyesa: Pangalawang Pangkat

Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas

Pampolitika
Capas National High School
Sentralisadong
Address: MacArthur pamamahalaan
Highway, Capas, Tarlac 2315
Napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol ang halos kabuoan ng bansa.
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Itinalaga ng Hari ng Espanyol bilang kanyang kinatawan sa Pilipinas ang
Siping Susuriin at gagawan ng Sabayang Pagbigkas na piyesa: Ikatlong Pangkat
Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas

Pangkabuhayan
Tributo
- Sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Ilan sa maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto, at mga ari-arian.
- Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo ang naghirap at
nawalan ng kabuhayan.
Polo Y Servicio
- Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang
edad 16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling
pampamahalaan at iba pa. Marami sa kanila ang nahiwalay at namatay sa
hirap.
Monopolyo
- Kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta
ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita din sila nang
malaki sa kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na
sila nakapagtanim ng kanilang makakain.

F. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat: Gamit ang Heirarchy Diagram, tukuyin ang mga Dahilan,


Paraan, at Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto sa Timog-Silangang Asya partikular na sa Pilipinas.

Unang Yugto Kolonyalismo


at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Pilipinas

Dahilan Paraan Epekto

Mga Pagpipilian:

Mayaman ang Pilipinas May mahusay Wika at mga Pampolitika


sa ginto itong daungan Pagdiriwang

Wika Monopolyo Pangkabuhayan


Kristiyanismo
Tributo
Gobernador Sentralisadong Pangkultural
Heneral pamamahalaan Polo Y Servicio

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Mga Kasagutan:
Dahilan Paraan Epekto

Mayaman ang Pilipinas Sentralisadong


Pangkultural Pampolitika
sa ginto pamamahalaan
Gobernador
May mahusay Kristiyanismo Heneral
itong daungan Wika
Pangkabuhayan
Pagdiriwang
Monopolyo

Polo Y Servicio

Tributo

b. Pagpapahalaga
“Nabibigyang diwa ang kahalagahan ng mga dahilan, paraan, at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga dayuhan sa Pilipinas na nagdulot ng
pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay at kaisipan ng mga Pilipino”

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Sa pagkakataong ito, masusubok ang
inyong sariling pananaw bilang isang
IV. maglalayag.

Nagbigay ako ng isang kapirasong papel


upang isulat ninyo ang inyong mga
inaasam sa buhay, material man o hindi.
Kayamanan at iba pa. Ngayong nasa akin
na ang papel na ito – gagawing bangkang
papel – ilalagay ko ito sa aquarium na
may tubig at ang mga gintong holen ay
representasyon ng iyong inaasam.
Halimbawa, ang gusto mong
magkacellphone, nagkaroon ka na, ngunit
gusto mo pa ng Iphone at nakuha mo
naman, gusto mo simikat sa Social Media
kaya naman pinili mong manira ng iba at
sumikat ka, gusto mong yumaman kaya
naman nanlamang ka ng kapwa at tuluyan
kang yumaman. Hindi mo ba napapansin
na palubog na ang bangka?
Sir sa aking pananaw, hindi naman po
Ano ang nais nitong ipahiwatig sa iyo?
masamang maghangad ng mga inaasam natin
sa buhay, pero nagiging masama ito kung ang
iyong mga paraan ay makakaapekto sa iba. Sa
bawat pagkamit ng mga hinahangad na kahit
hindi mo naman kailangan sa buhay at
nakamit mo lang naman ang mga ito dahil sa
masasamang paraan, ikaw ang unti-unting
lumulubog sa iyong kinatatayuan. Marahil sa
hindi mo pansin ngunit nalulunod ka na sa
kasakiman at pagkaganid.

Napakahusay, ang iyong pananaw ay hitik


sa pag-uunawa sa pinapahiwatig ng ating
halimbawa. Maraming salamat, maaari ko
Sir sa aking pananaw, ang pinapahiwatig
bang malaman ang pananaw ng iba?
lamang ng iyong halimbawa sa amin ay
huwag maging gahaman, dahil kagaya ng mga
dayuhang Kastila, ang inaasam nilang
pagtuklas ay kinalaunan ay naging
masalimuot na pagsakop dahil sa kasakiman
ng karamihang Kastila na nakaapekto sa
napakaraming aspekto ng buhay ng mga
Pilipino magpasahanggang ngayon.
Magaling! Tama ang iyong tinuran
tungkol sa epekto ng kanilang pananakop,
nahalintulad mo rin ang ating halimbawa
sa pananagop ng mga Kastila. Maraming
salamat! Ano naman ang pananaw ng iba? Sir sa aking pananaw, gaya ng bangkang
papel, sumasalamin rin ito sa mga Pilipino
ngayon, namana nila sa mga dayuhan ang
pagiging sakim na nagdudulot ng alitan ng
mga iilan sa atin.
Tama ang iyong tinuran! Ang inyong mga
pananaw ay malaman. Tunay nga na
handa na kayong maging Kapitan sa
paglalayag!
Capas National High School
Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol. Isa ito sa mga paraang kanilang
ginamit sa pananakop sa Pilipinas.
a. Hinduism
b. Islam
c. Kristiyanismo
d. Budaismo
2. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
a. Ginto
b. Pampalasa
c. Bulak
d. Pilak
3. Ang sentralisadong pamahalaan ay patakaran na ipinatupad ng mga
Espanyol na nakapaloob sa:
a. Pampolitika
b. Pangkultura
c. Pangrelihiyon
d. Pangkabuhayan
4. Pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas para pamunuan ito
a. Alkalde mayor
b. Kabeza De Barangay
c. Gobernadorcillo
d. Gobernador Heneral
5. Ito ang isa sa mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
a. Pagkakaroon ng Pamahalaang Pilipino
b. Paglaganap ng wikang Espanyol
c. Pagpapalaganap ng Edukasyon
d. Pagkakaroon ng Pamayanang Pilipino

V. Takdang-Aralin
A. Ibigay ng limang impormasyon tungkol kay Ferdinand Magellan.

1 2

3 4

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph
Sanggunian:

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa mag-aaral ng


Araling Panlipunan 7, pahina 324-325), Ika-apat na Markahan – Modyul 1:
Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya (Alternative Delivery Mode, DepEd),
https://tl.ninanelsonbooks.com/significado-de-monopolio,
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-polo-y-servicio,
https://www.tagaloglang.com/sandugo/,
https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii

Capas National High School


Address: MacArthur Highway, Capas, Tarlac 2315
Email Address: 300994.capashs@deped.gov.ph

You might also like