You are on page 1of 14

Masusing Banhay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

I. Layunin: Sa loob nang isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na makakuha ng hindi
bababa sa 75 bahagdan ng pag-unawa gamit ang mga kagamitan sa pagtuturo:
a. Natutukoy ang kahulugan ng Kabihasnang Egyptian;
b. Nasusuri ang mensahe, aral at epekto sa kabihasnang Egyptian; at
c. Nakakagawa ng isang malikhaing sanaysay na nakapagbabago ngayon dahilan sa
kabihasnang Egyptian.
II. Paksang Aralin: Kabihasnang Egyptian
Sanggunian: KASAYSAYAN NG DAIGDIG Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan Maria
Carmelita B. Samson at Christian E. Daroni 68 – 74 pp.
Kagamitan: Larawan ng mga Egypt, white board marker at power point presentation.
Pagpapahalaga: Bigyang-pansin ang kahalagahan ng aral na hatid ng kabihasnang Egypt sa pang
araw-araw na gawain.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga, rin po titser.

Tumayo muna tayo para sa panalangin. Opo, titser.

Joyce, maari mo bang pangunahan ang dasal? Sabay-sabay tayong manalangin sa ngalan nang
Ama, nang Anak, nang Espiritu Santo, Amen.

Our Father, Who art in heaven, hallowed be Thy


name; Thy kingdom come; Thy will be done on earth
as it is in heaven. Give us this day our daily bread;
and forgive us our trespasses as we forgive those
who trespass against us; and lead us not into
temptation, but deliver us from evil. Hail Mary, full of
grace.

Magandang umaga ulit sa inyo mga bata! Bago natin


simulan ang ating klase maari niyo bang tingnan ang
iyong paligid kung mayroon bang mga basura? At
kung may nakikitan kayong basura maari bang kunin
niyo ito at itapon sa tamang basurahan? Masusunod titser!

Napakahusay! Ngayon maari na kayong umupo ng


tahimik sa inyong upuan at atin ng sisimulan ang
talakayan ngayong araw. Handa na ba kayong Handa na po, titser!
lahat?
Mabuti namang kung ganon. Salamat mga bata.

1. Pagsasanay

Ngayong umaga ay magkakaroon ako ng isang


masayang aktibida na inihanda para sa inyo. Handa Handa na po kami titser!
na ba kayo?

Masaya akong malaman yan mga bata! Pero bago


natin simulan ang gawain. Akin munang
ipapaliawanag ang pamamaraan ng aktibida na ito
ng sagayo’y masagutan niyo ng maayos ang bawat Opo, titser
litrato. Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?

Mabuti naman kung ganon. Makinig nang mabuti


nang sagayo’y inyong maunawaan ng mabuti ang
gagawin sa aktibida natin ngayon. Ngayon mga bata Apat na larawan po, titser!
ano sa tingin ninyo ang aking pinapakita?

Napakahusay mga bata! Ang aktibida na ito ay


tinatawag na “scramble words” na kung saan
kailangan niyong buuin, nang sagayaon malaman
niyo kung ano ang kataga ang aking pinapahiwatig. Opo, titser!
Nakakaintindihan ba tayo?

Ngayon, narito ang mga salita na inyong bubuuhin:

P G T Y E

A A R I F C

E A I P R M D I

A A A A K Y S Y S N

N L I A A L N M A
Tamang Sagot:
1. Egypt
2. Africa
3. Piramide
4. Kasaysayan
5. Nilalaman

Ngayon sino sa inyo ang nakakaalam ng sagot sa Ako po, titser!


mga pinakita ko?
(nagsimula nang mag sagot ang mga mag-aaral na
ipinakita ng guro)

Napakahusay ninyo mga bata! Nasugatan ninyo ng


tama ang lahat ng pinakita ko. Nang dahil diyan
bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng masigabong (pumalakpak ang mga bata)
palakpakan.

Nasiyahan ba kayo mga bata sa ating pasiunang Opo, titser!


aktibidad sa umagang ito?

Natutuwa akong malaman iyan. Salamat mga bata.

2. pag babalik-aral

Ngayon naman, sino sa inyo ang may malakas na


loob na ibahagi sa klase ang natalakay natin na mga Ako po, titser!
aralin noong mga nakaraang araw?

Oh, sige Mirabel maaari mo bang ibahagi sa klase Masusunod po titser. Ang mga aralin po na tinakay
ang mga aralin na natalakay niyo ? namin noong nakaraang araw ay tungkol sa
“mesopotamya”.

Napakahusay, mirabel! Bigyan din natin ng malakas (pumalakpak ang mga bata)
na palakpak si romeo mga bata.

Ako po, titser!

Saan matatagpuan ang mesopotamia?


Ito ay matatagpuan sa pagitan ng kasalukuyang Iraq
at isang bahagi ng Syria.
Sige, noel.

Sumerians, Akkadians, Babylonians at Ang


Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan, Assyrians; Chaldeans.
ano ang apat na ito ?
Ako po, titser!
Magaling! Bakit kailangan natin malaman ang
kahalagahan ng mesopotamya?
Mahalaga ang kabihasnan ng Mesopotamia hindi
lamang sa kasaysayan at pangkulturang
Sige, kenneth kadahilanan. Maari ding naidulot ito sa ating lahat.

Napakagaling! Mahalaga na malaman din natin ang


kabihasnang mesopotamia dahil Napakarami din
kanilang naiambag sa ating teknolohiya na
hanggang ngayon sa makabagong panahon ay
ginagamit pa rin natin.

B. Interaksyon na Gawain
1. Bagong Aralin
a. Pagganyak

Ngayon naman mga bata, bago natin umpisahan


ang bagong aralin sa umagang ito naghahanda na
naman ako ng isang makabuluhang gawain. Ang
inyong nararapat lamang gawin ay ilarawan ang
litrato na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?

Mabuti naman kung ganon, narito ang mga larawan.

Anong tawag niyo didto?

Ako po, titser!

Yan po ay isang pyramid. Titser!

Sige, Gomez
Ako, titser!

Tama, saan matatagpuan ang pyramid?


Sa Egypt, titser!

Sige, legaspi

Sa hilagang-silangang bahagi Africa, titser!


Magaling, legaspi! Sa palagay niyo, Saan
matatagpuan ang Egypt?

Napakagaling mga bata!

Pangalawang larawan:

Ako, titser!

Anong tawag niyo didto ?


Yan ay isang mapa!

Sige, Alimanio?

Ako, titser!
Magaling, ano naman tawag nito ? (tinuro ang ilog)

Yan ay isang ilog o river!


Sige, pepito?

Tama, ito ay ilog namas kilalang nile river.


Huling larawan:
Ako, titser!
Ano namang tawag nito ?

Hari, titser!

Sige, dumol

Maari, pero sa egypt tinatawag silang pharaoh dahil


sila ang pinakamataas na pinuno ng Egypt.
Pinaniniwalaan siyang anak ng diyos ng araw na si
Ra at itinuturing ding isang diyos.

Napakagaling mga bata! Ako ay nasisiyahan sa


inyong pinapakita at kaalaman sa ating aktibida.
Naway mag bukas ang inyong mga isip sa mga
ganitong aral dahil itoy napaka importante na Opo, titser!
malaman at maunawaan ng mabuti.
Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?

Ngayon bigyan ninyo ng masigarbong palakpakan (pumapalakpak ang mga bata)


ang inyong matagumpay na natapos ang aking
binahaging gawain sa oras na ito.

2. Paglalahad

Nakakatuwang isipin mga bata na iyong


pinapahalagahan ng lubos ang mga nakaraang Upang mas maunawaan natin ang nakaraan ng
henerasyon. Sa tingin niyo bakit natin hinahalongkat Egypt, titser!
ang nakaraan ng Egypt?

Tumpak! Ito ay napakahalaga ng aralin dahil dito


nabigyan ng aral ang bawat isa kung ano ang naging Opo, titser!
dahilan nang pag boo at pagkasira nito. Tama ba
mga bata?

2.1 Pamantayan

Bago natin simulan ang ating bagong aralin mga


bata. Ano-ano sa tingin ninyo ang ang nararapat Makinig ng maayos sa guro
gawin kapag ako ay nagsisimula nang pagtalakay ng
ating bagong aralin?
Huwag makipag daldalan sa katabi

Napakahusay! Ano pa?

At respetuhin po kung sino man ang nagsasalita,


Tumpak! Meron pa ba? teacher!

Mabuti kung ganon. Ihanda na ang iyong sarili mga


bata at tayo ay magsisimula ngayon din.

3. Pagtatalakay

Ngayon mga bata andito na naman tayo sa ating


bagong aralin. At ang ating tatalakayin ngayong
araw ay tungkol sa kabihasnang Egyptian

Ang Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil


sa ilog na ito, ang buong lupain ay nagging disyerto.
Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog
na ito.

Ang sinaunang kasaysayan ay kadalasang hinati sa


mga panahon batay sa dinastiya ng naghaharing
pharaoh.
● Pharaoh ang tawag sa pinakamataas na
pinuno ng Egypt at itinuturing ding isang
diyos na taglay ang mga lihim ng langit at
lupa.
○ Siya rin ang tagapagtanggol ng
kanyang nasasakupan
○ Kontrolado niya lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang
egyptian; at
○ Kabilang sa kanyang mga tungkulin
ang pagsasaayos ng irigasyon, pag
kontrol sa kalakalan, pagtatakda ng
mga batas at pagpapanatili ng hukbo
at pagtiyak sa kaayusan ng egypt.

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG EGYPTIAN

Nagtatag ng mga sinaunang pamayanan ang


mga Egyptian sa tabi ng Ilog Nile.
● Tulad sa mesopotamia sumasailalim
sila sa pamamahala ng mga lokal na
pinuno na siyang kumokontrol sa
kalakalan.

Hieroglyph- sistema ng pagsulat ng Egypt o mas


kilalang “hieroglyphics” o nangangahulugang
“sagradong ukit”. Ang mga sinaunang panulat na ito
ay naging mahalaga sa pakikipag kalakalan at
pagtatala ng mga pangyayari.

Pagsapit ng 4000 B.C.E bago ang karaniwang


panahon ang isang pamayanan ay naging sentro ng
pamumuhay sa sinaunang egypt at nang lumaon
ang mga ito ay tinatawag na “Nome” malayang
pamayanan na naging batayan ng mga binuong
lalawigan ng sinaunang estado ng egypt. Ang pinuno
ng nome ay “Nomarch” ay unting-unting nakapag
buklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng
pang pangrelihiyong pagkakakilanlan.

Panahon ng mga Unang Dinastiya

Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng ilog


Nile.

Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa


Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul.

Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung


saan ang Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea.

Nong 3100 B.C.E ay sinakop ng Upper Egypt ang


lower Egypt na nagbigay daan upang mapag isa ang
mga lupain sa mahabang panahon.
● Menes
○ Ay isa sa pinaka unang pharaoh sa
unang dinastiya sa egypt.
○ Nagtalaga ng mga Gobernador sa
mga lupain.
● Memphis
○ Kabisera ng Egypt sa panahon ng
pamumuno ni Menes.

Panahon ng Matandang Kaharian

Nagsimula sa ikatlong Dinastiya ng Egypt.

Paggawa ng mga piramide: tinagurian ding


panahon ng piramide ang panahon ng lumang
kaharian. Ang pagkilala ng mga egyptian sa pharaoh
bilang diyos at ang kanilang paniniwala sa kabilang
buhay ang nagtulak sa kanila upang gumawa ng
magagarbong libingan.

Isa sa pinaka tanyag na piramide na nagtayo sa


egypt ay ang:

Great Pyramid of Khufu (cheops)


● Naitayo sa Giza noon 2600 B.C.E
● 5.3 ektarya at taas na 147 metro
Pepi II
● Pinakahuling pharaoh ng ika-anim na
dinastiya
● Pinakamatagal na naghari sa lahat ng
hari sa kasaysayan (94 years)
● Naupo sa trono sa edad na 6 at
pumanaw sa edad na 100.
● Kasabay ng kanyang pagpanaw ang
pagbagsak ng Old Kingdom.

Unang Intermedyang Panahon

Tinatawag na unang intermedyang panahon ang


ikapito hanggang ika-labing isang dinastiya. Nag
Sagupaan ang dalawang dinastiya mula sa
“heracleopolis” (lower egypt) pharaoh akhtoy at
“Thebes” (upper egypt) inyotef. Natapos ang
kaguluhang politikal nanungkulan si Mentuhotep I
ang siyang naging hudyat ng nagsimula ng
Panahon ng Gitnang Kaharian.
Panahon ng Gitnang Kaharian
● Nailipat sa Itjtawy ang kabisera sa Lower
Egypt.
● Maraming ekspedisyon ang nagtungo sa
Nubia, syria at Eastern Desert. Upang
tumuklas ng mahalagang bagay na maaaring
minahin o mga kahoy na maaaring gamitin.
● Nabuksan ang kalakalan sa pagitan ng Egypt
at Crete (kabihasnang minoan).
Dumanas ng kaguluhan ang egypt nang dumating
ang mga:
● hyksos ( mga prinsipe mula sa dayuhang
lupain) mula sa asya. Sinamantala nila ang
kaguluhan sa Nile upang makontrol ang ilang
lugar at palawigin ang kanilang
kapangyarihan sa ka timoga.
● Nagsimula ang paghahari ng mga hyksos
noong 1670 B.C.E at tumagal ng isang siglo.

Ikalawang Intermedyang Panahon

● Nagpatuloy ang pamamahala ng ika-13 at


ika-14 na dinastiya sa Itjtawy at Thebes.
● Subalit ng lumaon ay nagsimulang humina
ang kanilang kontrol sa lupain.
● Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay
nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig
ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa
pamamahala.
● Ang pinakamalaking banta sa mga pharaoh
ng Thebes ay ang ika-16 na dinastiya na
tinatawag ding Great Hyksos Dynasty.
● Nagwakas ang pamamayani ng mga hyksos
sa Egypt sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya
na nagawang sila ay mapatalsik sa Egypt.

Panahon ng Bagong Kaharian


● Itinuturing na pinakadakilang panahon ng
kabihasnang Egyptian.
● Naitaboy ni Ahmose (1570-1546) ang mga
hyksos at sinimulan ang dinastiya ang mga
dakilang pharaoh mla sa Thebes.

Hatshepsut (1503-1483 BCE) ang asawa ni


Thutmose II (1518-1504 BCE)
● ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaeng
pinuno sa kasaysayan.
● Siya ay nagpagawa ng mga templo at
nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang
lupain.
At sa kanyang pagkamatay ay lalo pang pinalawig
ni Thutmose III (1504-1450 BCE) anak ni Thutmose
II ang imperyong egypt.
Amenophis IV (Akhenaton) 1350-1334 BCE
● Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
● Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala
ng mga tungkol sa pagsamba sa maraming
diyos.
● Pinasimulan ang isang bagong relihiyon na
sumasamba kay ATON, ang diyos ng araw.

Ang ika-labinsiyam na dinastiya ay pinasimulan ni


Rameses I (1293-1291 BCE) siya ay sinundan ni
Seti I (1291-1279 BCE) at;
Rameses II (1279-1213 BCE)
● Isa sa mga mahusay na pinuno ng panahong
ito
● Sa loob ng 20 taon ay kinalaban niya ang
mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting
pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt.
Nagtapos ang alitan ng Egypt at Hittite ng lumagda
sa isang kasunduan na pangkapayapaan si Ramses
II at Hattusilis III hari ng mga Hittites.

Treaty of Kadesh- Ito ang kauna unahang


kasunduan pangkapayapaan sa pagitan ng
dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig.
Pinaniniwalaan din na ang “Exodus” (ang
pagtakas ng mga hudyo mula sa ehipto) ng mga
hudyo mula sa egypt ay naganap sa panahon ni
Rameses II.

IKATLONG INTERMEDYANG PANAHON

Ang ika-21 dinastiya (Tanite) ay pinasimulan ni


smendes mula sa lower egypt.
Pinalitan ng mga hari mula sa libya na
nagpasimula ng ika-22 dinastiya. Ang unang pinuno
nito ay si shoshenq I (946-913 BCE) na isang
heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.
Marami ang nagtutungaliang pangkat upang
mapasakamay ang kapangyarihan at ito ay
humantong sa pagkabuo ng ika-23 dinastiya.
Isang nagngangalang Piye (nagsimula ng ika-25
Dinastiya), ang sumalakay pahilaga upang kalabanin
ang mga naghahari sa Delta. Umabot ang kanyang
kapangyarihan hanggang sa Minthes sumuko
kalaunan ang kanyang katunggali na si tefnakht
(nagsimula ng ika-24 Dinastiya) ngunit pinayagan
siyang mamuno sa lower egypt.

Huling Panahon

nag simula ang ika-16 na dinastiya sa ilalim ni


Psammetichus. Nagawa niyang pagbuklurin ang
middle at lower Egypt at kalaunan ay ang buong
Egypt noong 656 BCE.
Sa ilalim ng pamumuno ni Apries (589-570 BCE)
isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga
taga-libya na puksain ang kolonya ng Greece na
Cyrene.
● Ang pagkatalo ng kanyang hubko ay
nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong
sa paghalili sa kanyang ni Amasis II.
Hindi naglaon ay napasakamay ng mga
napasakamay ng mga Persian ang Egypt at si
Cambyses II ang naging unang hari ng ika-27
dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa
pagtatapos ng ika-28 dinastiya.
Ngunit sa pananaw ng mga Persian, ang Egypt
ay isa lamang lalawigan na nagrerebelde.
Namuno ang mga Egyptian hanggang ika-30
dinastiya ngunit nagbalik sa kapangyarihan ang
Persia at naitatag ang ika-31 dinastiya.
Noong 332 BCE ay sinakop ni Alexander the
Great ang Egypt at ginawang bahagi ng kanyang
Imperyong Hellenistic. Sa kanyang pagpanaw noong
323 BCE ay naging satrap (gobernador) ng Egypt
ang kanyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
● 305 BCE ng itinalaga ni Plotemly ang
kanyang sarili bilang hari ng Egypt at
pinasimulan ang Panahong Ptolemaic na
tumagal sa loob ng halos tatlong siglo.
Cleopatra VII - kahuli-hulihang reyna ng Ptolemaic
Dynasty nito bago tuluyang napasakamay ng
Imperyong Roman noong 30 B.C.E.

C. Panapos na Gawain

1. Paglalahat Ako, titser!

Mga bata ano nga ulit ang tinalakay natin ngayon?


Ang tinalakay natin ngayon ay ukol sa kabihasnang
Egyptian
Sige, Mansaguinda

Pharaoh, titser!
Magaling, ano ang tawag sa pinakamataas na
pinuno ng Egypt?

Ilog Nile, titser!


Magaling! Nagtatag ng mga sinaunang pamayanan
ang mga Egyptian sa tabi ng?
malayang pamayanan na naging batayan ng mga
binuong lalawigan ng sinaunang estado ng egypt.
Ano ang ibig sabihin nang nome?
Monarch, titser!

Tama! Ano naman ang tawag sa namumuno nito?

Tama! Ito ay sistema ng pagsulat ng Egypt o mas Ako, titser!


kilalang “hieroglyphics” o nangangahulugang
“sagradong ukit”.
Hieroglyph, titser!

Sige, Diaz

Lower Egypt at Upper Egypt, titser!


Magaling! Anong tawag sa Dalawang kaharian na
nabuo sa kahabaan ng ilog Nile?

Menes, titser!
Tama! Sino ang isa sa pinaka unang pharaoh sa
unang dinastiya sa egypt?

Magaling! Ang kasaysayan ng pinag-isang Egypt ay Ang lumang kaharian, Gitnang Kaharian at Bagong
hinati ng mga historyador sa tatlong panahon. Ano Kaharian, titser!
yung tatlong panahon?

Anong tawag sa mga prinsipe mula sa dayuhang


lupain) mula sa asya. Sinamantala nila ang Hyksos, titser!
kaguluhan sa Nile upang makontrol ang ilang lugar
at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa ka
timoga.
Ito ang kauna unahang kasunduan pangkapayapaan
sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng
daigdig.
Magaling! Ano naman ang ibig sabihin ng Treaty of
Kadesh?

Si Alexander the Great, titser!

Sino ang sumakop nang Egypt at ginawang bahagi


ng kanyang Imperyong Hellenistic.

Great Hyksos Dynasty, titser!


Napakagaling! Anong tawag sa pinakamalaking
banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang ika-16 na
dinastiya na tinatawag ding?

Isang nagngangalang Piye (nagsimula ng ika-25


Dinastiya), ang sumalakay pahilaga upang kalabanin Tefnakht, titser!
ang mga naghahari sa Delta. Umabot ang kanyang
kapangyarihan hanggang sa Minthes sumuko
kalaunan ang kanyang katunggali na si

Cleopatra VII, titser!


Siya ang pinakahuli-hulihang reyna ng Ptolemaic
Dynasty nito bago tuluyang napasakamay ng
Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
Ako, titser!

Bakit mahalagang maunawaan ang kabihasnang


Egypt? Dahil naging parte ito nang kasaysayan hindi lang
sa egypt kundi sa buong mundo.

Sige, bayangbang

Napakahusay na sagot mga bata! Ang kasaysayan ng


egypt ay naging parte sa buong mundo dahil
napakalaki ng epekto nito sa kasaysayan nila pati
narin sa atin. Naway isaulo niyo lahat ng nalalaman
ninyo sa ating diskursyon.

2. Pagpapahalaga
Upang maunawaan ng mabuti ang kasaysayan ng
egypt, titser!
Bakit kailangan natin matutunan ang kabihasnang
Egypt?
paramalan kung anong kadahilanan sa paggawa ng
pyramid, titser!

Magaling, Ano pa?

Ako, titser!
Magaling, bakit kailangan pa natin maunawaan ang
kasaysayan ng egypt kung nandito naman tayo sa
pilipinas? Dahil ang kasaysayan ng egypt ay naging malaking
epekto sa buong mundo na kung saan magagamit
natin ang nakaraan sa hinaharap.
Sige, tidalgo

Napakagaling! Lagi yong tatandaan na ang bawat


kasaysayan ay hindi lang isa ang napabago nito,
sapagkat napakalaking epekto nito sa ating lahat.
Hindi man natin lugar iyon kailangan pa rin natin
matutunan dahil naging parte din iyon ng ating
nakaraan.

3. Paglalapat

Upang masubukan ang inyong kaisipan kung inyo ba


talagang naunawaan ang aking tinalakay na bagong
paksa. Meron naman akong bagong inihandang
gawain. Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang
bahaging ito ay ang unang pangkat. Bawat grupo ay
may isang represante upang magpaliwanag ng
kanilang sagot o ideya. Pipili kayo kung ulo o buntot
dahil mag hahagis ako ng barya upang maging
basinan kung sino sa grupo ang magsasalita una.
Ang tawag nang laro ay “debate” ang gawaing ito ay
may kabuuang 50 puntos. Kung ang isang grupo ay
hindi na makapagsalita sa kanilang idea ay
awtomatikong talo na sa aktibidad.
Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?

● Hindi sang ayon sa ideya na dapat aralin ang


kabihasnang egypt.
Sang Ayon sa ideya na dapat aralin ang
kabihasnang egypt.

IV. Pagsusuri

1. Ang ilog na ito ang pinaka-mahaba sa buong mundo, dito rin umusbong ang kabihasnang
ehipto
a. Ilog Tigris
b. Ilog Pasig
c. Ilog Nile

2. Sistema ng pagsulat ng kabihasnang ehipto, binubuo ito ng mga larawan at simbolo


a. cuneiform
b. hieroglyphics
c. alphabet

3. Tawag sa pinuno ng sinaunang ehipto


a. hari
b. god
c. pharaoh

4. Bakit ginawa ang pyramid sa mga ehipto?


a.upang magsilbing sambahan ng mga tao
b.upang magsilbing libingan ng kanilang mga pharaoh
c.upang magsilbng imbakan ng pagkain

5. Ano ang buo kung pangalan?

V. Takdang Aralin
Pumili ng isang pharaoh na sa palagay niyo siya ang pinaka magaling sa lahat. Pagkatapos ay
humarap ka sa buong klase at ipaliwanag mo sa lahat kung bakit mo siya na pili bilang isang magaling na
pharoah. Kung sino ang pinaka magaling mag magpaliwanag ay makakatanggap ng isang premyo.

You might also like