You are on page 1of 10

Paaralan Colegio de Santo Cristo de Burgos Grado 8

DAILY LESSON
Guro Mariedel A. Atuat Asignatura Filipino
LOG
Petsa Agosto 11, 2023 Markahan Ikaapat

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalahad ang tamang pagpapalaki sa mga anak.
b. Napahahalagahan ang mga katangiang dapat taglayin ng mga kabataan tungo sa pagsulong.
c. Nailalarawan ang nangyayari sa mga kabataang laki sa layaw.
II. Paksang Aralin
PAKSA Florante at Laura – Aralin 11 Laki sa Layaw
(Saknong 197, 199, 200, 202, 203)
KOMPETENSI ❖ Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may akda, gamit ang wika
ng kabataan. F8WG-IVa-b-35
❖ Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.
F8PB-IVc-d-34
MAKRONG KASANAYAN Pakikinig
Pagsasalita
Pagbabasa
Pagsusulat
Panunuod
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang akdang
PANGNILALAMAN pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit
sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
PAMANTAYAN SA Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na
PAGGANAP naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa
kasalukuyan.
SANGGUNIAN Florante at Laura ni Balagtas (Pinagaang Salaysay at Awit)
pahina 70-71
KAGAMITAN PowerPoint Presentation Speaker Video Cartolina
Bola Roleta
PAGPAPAHALAGA Naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mga natutuhan sa aralin.
III. Pamamaraan
Gawaing Pangguro Gawaing Pangmag-aaral
A. Aktibiti/ Panimulang Gawain
Panimula
(Introduction) 1. Panalangin
Magandang umaga, grado 8! Magandang umaga po, Bb.
Mariedel!

Maaari po bang ang bawat isa sa ating lahat ay


tumayo para sa ating panalangin.
(Ang lahat ay tumayo.)
Batay sa aking nakikita, ang lahat ay nakatayo at
handa para sa ating panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Anak, at ng Espirito Santo.
Amen. Amen.
(Ama namin) (Ama namin)
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Sa ngalan ng Ama, ng
Amen. Anak, at ng Espirito Santo.
Amen.
2. Pagbati
Muli, magandang umaga, grado 8! Magandang umaga po, Bb.
Mariedel!
Nakatutuwa naman na makita’t marinig na
napakasisigla ninyo at talagang handing-handa na
muli kayong matuto sa ating klase ngayong araw.

3. Pagsasaayos sa Silid
Bago kayo umupo, nais kong tingnan muna ninyo ang (Pinulot ang ilang mga
inyong paligid – unahan, likuran, at mga tagiliran papel at/o basura.)
kung mayroon na mga basura o papel. Kung mayroon,
makikipulot po at ilagay muna ninyo sa inyong mga
bulsa at mamaya na lamang itapon sa tamang
basurahan.

Gayundin, maaari po ba na tingnan kung ang inyong (Inayos ang hanay ng mga
silya ay nasa tamang hanay? Kung hindi, maaari ba na silya.)
makikiayos? Salamat!

Batay sa aking nakikita, ang ating silid-aralan ay (Umupo na ang lahat ng


malinis at organisado na. Kaya naman, maaari nang mag-aaral.)
umupo ang lahat.

4. Pagtatala ng Liban
Bago tayo magsimula sa ating talakayan para sa
bagong aralin natin ngayong oras na ito, magkakaroon
muna tayo ng pagtatala ng mga kamag-aaral ninyo na
liban ngayon sa ating klase. Kung marinig ang
pangalan, sabihin lamang ang salitang present o narito Opo, Ma’am.
po. Nauunawaan po ba?

Mahusay!
Alvarez, Amandy, Amparo, ……… Narito po/Present po!

Ang lahat po ba ay natawag? Nakatutuwa naman na


ang lahat ay naririto at walang liban sa klase ngayong
araw na ito. Nawa’y ipagpatuloy natin ito.
Pagbabalik-Aral

Batid ko na handing-handa na muli kayong matuto;


subali’t bago tayo dumako sa pagtalakay sa bagong
aralin ngayong araw, magkakaroon muna tayo ng
pagbabalik-aral o review patungkol sa aralin natin
kahapon.

Sino ang maaaring magbahagi ng aralin na itinalakay Ma’am, ako po. (Nagtaas ng
natin kahapon? Itaas lang ang inyong kamay. isa nilang kamay.)

Ms./Mr. (pangalan ng mag-aaral), patungkol saan ang Ang pinag-aralan po natin


ating aralin kahapon? kahapon ay patugkol sa
pagsasalaysay ni Florante
ng kaniyang buhay simula
nang bata pa siya.

Mahusay! Salamat sa iyong pagbabahagi! Ngayon, Sinasabi po na naging


sino naman ang maaaring magsalaysay sa isa sa mga aliwan ni Florante ang
pangyayari sa buhay ni Florante nang bata pa siya? mamana ng mga ibon sa
Ms./Mr. (pangalan ng mag-aaral), ano ang tumatak sa labas ng burol. Ang
iyong isipan? kanyang mga kasama ay
nag-uunahan sa pagdampot
ng mga pinana na hindi
pansin ang mga tinik, at
magkasabit-sabit man ang
mga damit o masugatan ang
balat.

Magaling! Salamat sa iyong pagsagot! Ilan lamang (Nagpalakpak ng mga


iyan sa ating itinalakay kahapon at ako ay nagagalak kamay ang mga mag-aaral.)
na malaman na inyong natatandaan ang mga ito.
Nagpapakita lamang ito na talagang nakinig at natuto
kayo sa ating talakayan kahapon. Ipagpatuloy lang
natin ang magandang gawi na ito. Mahuhusay kayo!

“Pick a Ball”

Handa na ba kayo na muling matuto, grado 8? Handang-handa na po,


Ma’am!
Ngayon, bago tayo tuluyang dumako sa pagtalakay sa
aralin, magkakaroon muna tayo ng paunang gawain na
mayroong kaugnayan sa ating aralin ngayon.
(Nakikinig nang mabuti ang
Ito ay tinatawag na “Pick a Ball”. At upang mas mga mag-aaral sa paliwanag
maunawaan ninyo ang inyong gagawin, babasahin ni ng guro.)
Ma’am para sa inyo ang mekaniks.

Mekaniks:
1. Ang guro ay may inihandang cartolina na
nahahati sa dalawang kolumn. Ang unang
kolumn ay para sa wastong sukatan ng
pagmamahal ng magulang sa anak samantala
ang ikalawang kolumn ay para sa maling
sukatan ng pagmamahal ng magulang sa anak.
2. Ang mga mag-aaral ay kinakailangan na
magbigay ng mga halimbawa ng wasto at/o
maling sukatan ng pagmamahal ng magulang
sa anak. Isusulat ang kanilang kasagutan sa
inihandang cartolina.
3. Sa pagpili ng mag-aaral na siyang magbibigay
at magsusulat ng kasugatan, mayroon na bola
na kinakailangan na ipasa sa bawat mag-aaral
kasabay ng saliw ng tugtog.
4. Kung ang tugtog ay tumigil, ang pagpapasa ng
bola ay kinakailangan din na tumigil.
5. Ang mag-aaral na siyang may hawak ng bola
nang tumigil ang tugtog – siya ang sasagot.

Wastong Sukatan Maling Sukatan ng


ng Pagmamahal ng Pagmamahal ng
Magulang sa Anak Magulang sa Anak

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Naunawaan po ba ang ating gagawin? Kung hindi


naman, maaaring magtanong. Itaas lang ang kamay. Malinaw po, Ma’am.
Sasagutin ni Ma’am ang inyong mga katanungan, Naunawaan po namin,
kung may nais kayong linawin o kung ano pa man. Ma’am.
Kung malinaw at naunawaan na ang lahat. Maaari na
tayong magsimula.

(Nagsimula nang magpatugtog ang guro at isinagawa


na ang unang gawain.) (Makikita na ang mga mag-
aaral ay nasisiyahan sa
unang gawain gayundin,
nagagamit ang kanilang
Gabay na Tanong: critical thinking.)
1. Para sa iyo, gaano kahalaga na maipadama at/o
maipakita ng magulang ang kanilang
pagmamahal sa kanilang mga anak?
2. Magbigay ng halimbawa kung paano ipinakita (Batay sa pananaw at/o
at/o ipinadama ng iyong magulang kanilang opinyon ng mga mag-aaral
pagmamahal? ang kasagutan.)
3. Bilang isang bata, paano mo ilalarawan ang
iyong sarili gayundin, ang iyong karanasan sa
buhay?

Binabati ko kayo sa inyong mga naging kasagutan.


Napakahuhusay ninyo. Nakita ko ang inyong galing sa (Ang mga mag-aaral ay
pag-iisip at pagpapaliwanag. Palakpakan ang inyong nagpalakpakan.)
mga sarili.
Sa kabilang banda, mayroon pa tayong isang maikling
gawain bago tayo magkaroon ng talakayan sa ating
aralin. Ang bahaging ito ay tinatawag na paghahawan
ng sagabal at ang gawain na ito ay may pamagat na Opo, Ma’am. Handang-
SALITAyo. Ito ay mula sa dalawang salita na “sali” handa na po.
at “tayo.” Kaya naman, ninanais ko na makilahok at
sumali ang bawat isa sa inyo. Handa na ba kayong
sumali?

Ayan, nakatutuwa naman talaga kayo dahil bukod sa


napakagagaling ninyo, sadyang napakaaktibo n’yo rin
naman talaga.

Sa katotohanan, ang layunin ng gawain na ito ay


upang matukoy ninyo ang matatalinghagang salita na
matatagpuan ninyo sa ating aralin. Sa pamamagitan
nito, mababatid ninyo ang kahulugan o
kasingkahulugan ng mga salitang ito nang walang
hirap o pagkalito.

(Ipaliliwanag ng guro ang mekaniks ng gawain.)

“MATHALINO”

Mekaniks:
1. Ang guro ay may inihanda na
matatalinghagang salita na ginamit sa isang
pangungusap.
2. Ang mga-aaral ay kinakailangan na ibigay ang
kasingkahulugan ng nasabing
matatalinghagang salita na may salungguhit.
3. May mga “order of operations” din ang guro
na inihanda bilang pantulong na kaalaman sa
mag-aaral sa pagsasagot.
4. Sa pagsasagot, kinakailangan na piliin ng mag-
aaral ang tamang sagot sa mga pamilian na
ibinigay ng guro.

Nauunawaan po ba ulit?
Opo. Nauunawaan po.
Mahusay kung ganoon.

Mga Salita:
Susi sa Pagwawasto:
1. Matindi ang hilahil ni Yanna dahil sa
kalagayan na nararanasan niya nang suwayin 1. 8 = Pagdurusa
niya ang pangaral ng kaniyang magulang. 2. 56 = Magtiis
3. 36 = Mamihasa
(3x4) ÷ (4–2) + 2 4. 13 = Lumaki sa
Komportableng
8 = PAGDURUSA -8 = PAGKAGALIT Buhay
5. 2 = Lalabas
2. Kung sa gitna ng kahirapa’y ‘di mo
matutuhang bathin – tiyak sa hinaharap ay
hindi ka magtatagumpay sa buhay.

12 + (6x8) – 4

54 = MAMIHASA 56 = MAGTIIS

3. Ang bata ay hindi dapat maniig sa buhay na


palaging masagana at maligaya sapagkat sa
huli, sila’y magiging kawawa.

(150÷3) – (2x7)
41 = MANIWALA 36 = MAMIHASA

4. Si Chandria ay laki sa layaw, kinaiingitan ng


iba ang kanyang buhay ngunit hindi lingid sa
kaalaman ng iba – mas lamang sila sa mga
karanasan kumpara sa karanasan ng dalaga.

70 – (4x5x3) + (15÷5)

13 = LUMAKI SA KOMPORTABLENG BUHAY

23 = LUMAKI SA KALSADA

5. Ang tunay na karunungan at kakayahan ng isa


tao ay nunukal sa sitwasyong hindi inaasahan
na darating: kagipitan man o kaginhawahan.

3x6
4+5

2 = LALABAS 3 = GAGAPANG

B. Analisis/ Pagtalakay sa Aralin


Pagpapaunlad
(Development) (Ipababasa ng guro sa mag-aaral ang tula.)

Nais ko ngayon na basahin ninyo ang tula. Magsimula


tayo sa unang saknong at ito ay babasahin ng mga
nasa unang row. Malakas at sabay-sabay.

ARALIN 11 – LAKI SA LAYAW

197. Pag-ibig anaki’y aking nakilala (Sabay-sabay na pagbasa


di dapat palakihin ang bata sa saya, mula sa unang row.)
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

199. Ang taong magawi sa ligaya’t aliw, (Sabay-sabay na pagbasa


mahina ang puso’t lubhang maramdamin, mula sa ikalawang row.)
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin,

200. Para ng halamang lumaki sa tubig, (Sabay-sabay na pagbasa


daho’y nalalanta munting di madilig, mula sa ikatlong row.)
ikinaluluoy ang sandaling init
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

202. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad, (Sabay-sabay na pagbasa


sa bait at muni’t sa hatol ay salat; mula sa ikaapat na row.)
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

203. Sa taguring bunso’t likong pagmamahal (Sabay-sabay na pagbasa


ang isinama ng bata’y nunukal, mula sa ikalimang row.)
ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

(Ang guro ay magkakaroon ng pagtatanong sa mag-


aaral batay sa binasang tula.)

Gabay na Tanong:
1. Mula sa binasang mga saknong, magbigay ng
damdamin na nangingibabaw rito na nais
iparating ng may akda. Ipaliwanag. (Batay sa pananaw at pag-
2. Bakit sinasabing ang karanasan ang unawa ng mga mag-aaral
pinakamahusay na guro? Ipaliwanag. ang kasagutan.)
3. Sa iyong pagpapalagay, ano ang naging
dahilan o sanhi ng pagiging laki sa layaw?

(Ang guro ay magkakaroon ng pagdaragdag ng


kaalaman o ideya mula sa tulang binasa at sa mga
ibinahaging tanong.)

Nagkaroon na tayo ng talakayan patungkol sa ating


aralin. Mahusay ninyo na naipahayag o nailahad ang
inyong ideya at pag-unawa. Binabati ko kayo.

Bago tayo magkaroon muli ng panibagong gawain, Wala na po, Ma’am. Okay
may nais pa ba kayo linawin o itanong? Kung wala na, na po.
magpapatuloy na tayo sa kasunod na gawain.

C. Abstraksyon/ HEAR BEFORE YOU REACT!


Pagpapalihan
(Engagement) (Ang guro ay may ipanunuod na video. Ito ay isang
awitin na kinakailangan na pakinggan nang mabuti at
suriin ng mag-aaral.)

Panuto: Ang guro ay magpaparinig ng awit na “Laki


sa Layaw” ni Mike Hapol. Matapos na marinig ng
mag-aaral ang awitin, ang guro ay magbibigay na mga
katanungan patungkol sa awit na kinakailangan nilang
sagutin nang pasalita. Sa karagdagan, ang guro ay
gagamit ng inihandang roleta ng pangalan sa
pagtawag ng mag-aaral na sasagot sa katanungan.

Mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng awitin na (Batay sa pananaw at pag-
iyong napakinggan? unawa ng mga mag-aaral
2. Ilahad ang ugali ng isang taong laki sa layaw ang kasagutan.)
kung saan nabanggit mula sa awit na iyong
narinig?
3. Sa iyong pakikinig sa awit, ano’ng damdamin
ang nangingibabaw rito?
4. Kagaya ng tanong na nakapaloob sa awit,
“May pag-asa pa kayang magbago aang isang
taong lumaki sa layaw?” Pangatuwiranan ang
sagot.
5. Dapat bang isisi sa magulang ang naging
kapariwaraan ng anak? Ipaliwanag.

Salamat sa inyong pagsagot at pagbabahagi!


Napakahuhusay ng inyong mga ideya. Lahat ng
inyong kasagutan ay tama at mula rito, ipinakikita
ninyo na lubos ninyong naunawaan ang ating
talakayan patungkol sa ating aralin.

Muli, palakpakan ang inyong mga sarili. (Pagpalakpak ng mag-


aaral.)
D. Aplikasyon/ “Talento Mo! Iskor Mo!”
Paglalapat
(Assimilation) Batid ko na handa na kayo at excited na kayo sa Opo.
kasunod na gawain ninyo ngayon. Ang gawain na ito
ay naipaliwanag ko na sa inyo, tama nga ba?

Kahapon ay ibinigay ko na ang gawain na ito at nahati


ko na rin ang klase batay sa talent na mayroon ang
bawat isa. At ngayon, ibinibigay ko na ang oras at
espasyo sa inyo para maitanghal na ninyo ang inyong
inihandang performance.

Ngunit bago ang lahat, nais ko muna na muling


ipaalam sa inyo ang nagpagkasunduan natin na
pamantayan.
(Pagbabahagi ng guro ng mga pamantayan sa
pagtatanghal.)

Handa na ba? Okay, magsimula tayo sa unang Ready na po, Ma’am.


pangkat.

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo batay (Pagtatanghal ng bawat


sa kanilang mga natatanging talento. Magkakaroon ng pangkat.)
pagtatanghal ang bawat pangkat (2 hanggang 3
minuto). Ang nasabing gawain na ito ay
pumapatungkol sa pagpapalaki ng mga magulang sa
kanilang mga anak.
Unang Pangkat: Radio Broadcasting
Ikalawang Pangkat: Dula
Ikatlong Pangkat: Awit
Ikaapat na Pangkat: Tula

Pamantayan sa Pagbabalita

Pamantayan Puntos
Pagkamakatotohanan 20
Masasagot ang mga tanong 15
na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Bakit, at Paano
Estilo ng Pagbabalita 15
Kabuuang Puntos 50

Pamantayan sa Pagsasadula

Pamantayan Puntos
Wasto ang ipinakitang 20
impormasyon sa dula.
Angkop ang isinadula sa 20
tema ng gawain.
Maayos at makapukaw- 10
pansin ang pagsasadula.
Kabuuang Puntos 50

Pamantayan sa Pagsayaw

Pamantayan Puntos
Pagkasabay-sabay at 20
Koordinasyon
Ekspresyon ng Mukha ng 15
bawat Kalahok
Nagpapakita ng 15
pagtalakay sa paksa
Kabuuang Puntos 50

Pamantayan sa Pagtula

Pamantayan Puntos
Makabuluhan ang 20
mensahe ng tula at
naiparating nang maayos
sa madla.
Nailapat nang mahusay 20
ang wastong damdamin at
emosyon sa binibigkas na
tula.
Angkop ang bawat kilos at 10
ekspresyon ng mukha sa
tula.
Kabuuang Puntos 50

Salamat sa napakagaganda ninyong pagtatanghal.


Pagbati aking grado 8. Nais kong palakpakan ang (Pagpalapak ng lahat.)
inyong mga sarili dahil sa ipinamalas ninyong
kahusayan. Batid ko na talagang pinaghandaan ninyo
ito.

(Ang guro ay magbibigay ng papuri, komento, at


suhestiyon sa bawat pangkat patungkol sa kanilang
ginawang pagtatanghal.)

E. Ebalwasyon MAKAKAYA MO KAYA?

Bilang panghuling gawain ninyo ngayong araw sa


ating klase, magkakaroon kayo ng isang napakaikling
pagtataya patungkol sa ating naging aralin.

(Ipamimigay ng guro ang papel na naglalaman ng


katanungan na kinakailangan na sagutan ng mga mag-
aaral.)

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat Susi sa Pagwawasto:


tanong. Isulat sa nakalaan na patlang ang wastong
sagot. 1. A.
2. D.
______ 1. Ang batang laki sa layaw ay inihahalintulad 3. C.
sa _________________________. 4. A.
A. halamang lumaki sa tubig 5. D.
B. mulat sa realidad
C. sariwang halaman
D. luoy na dahoon

______ 2. "Likong pagmamahal ay ibinigay ng


magulang mo sa iyo." Ano ang ipinapakahulugan ng
pahayag na iyong binasa?
A. Tama
B. Wasto
C. Angkop
D. Mali

______ 3. Batay sa aralin na itinalakay, ano ang


nagiging dahilan kung bakit ang isang anak o ang
isang bata ay nakagagawa ng masama at/o mali at
hindi batid ang wastong gawi o pag-uugali?
A. Dahil sa kawalan ng magulang ng
pansuportang pinansyal sa kanilang mga anak.
B. Dahil sa pagbibigay ng magulang nang sapat
na atensyon at pagmamahal sa kanilang mga
anak.
C. Dahil sa kapabayaan o kakulangan ng
magulang na gabayan ang kanilang mga anak.
D. Dahil sa matitiyagang magulang na nagtuturo
sa kanilang mga anak ng wastong asal.

______ 4. Sa iyong pagpapalagay, uliran bang mga


magulang ang ama at ina ni Florante?
A. Oo, dahil namulat si Florante sa mga
magagandang turo at pangaral ng mga ito
gayundin, hindi siya lumaking tulala bagkus ay
lumaki sa pagmamahal at pag-aaruga nila.
B. Oo, dahil hindi hinayaan ng mga ito na
masaktan at masugatan si Florante habang ito
ay lumalaki gayundin, hindi nila hinayaan na
lumabas ito ng kanilang tahanan.
C. Hindi, sapagkat ikinulong ng mga ito si
Florante sa kanilang tahanan at hindi
hinayaang mag-aral at maging mulat.
D. Hindi, sapagkat hinayaan nila na masaktan at
masugatan ang kanilang anak.
______ 5. Ano ang ipinahahayag ng piling saknong
(199) na ito na mula sa awit na Florante at Laura?

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na darama’y di na matutuhang bathin.

A. Ang taong mulat sa realidad – kasaganahan at


kaligayahan lamang ang nararanasan at hindi
nakararanas ng hirap at sakit kung kaya naman
maituturing sila na mahina ang puso’t
damdamin.
B. Ang taong nabuhay sa masaganang
pamumuhay ay maituturing na matatag at
matapang; ang sakit at hirap na kanilang
naranasan ay mabilis na nalalampasan.
C. Ang taong palaging kasiyahan at kaginhawaan
ang nadarama ay maituturing na matatag
sapagkat kung makaramdam ng hirap at sakit
ay ipinagsasawalang-bahala.
D. Ang taong nasanay sa buhay na masagana at
masaya ay maituturing na mahina, maselan at
maramdamin – makaranas lamang ng hirap at
sakit tila’y hindi na matatapos at matitiis

Tapos na po bang magsagot ang lahat? Sa mga hindi


pa, maaari po bang makikitaas ng kamay? Opo.

Dahil walang nagtaas ng kanilang kamay,


nangangahulugan lamang na tapos na ang lahat.

Okay, magtsetsek na tayo. Hindi ko na hihilingin na


magpalitan pa kayo ng inyong mga papel. Alam ko na Opo, Ma’am.
alam na ninyo ang tama at mali. Nagtitiwala ako sa Nauunawaan po.
inyo. Isa itong practice para sa isang magandang
gawi, nauunawaan po ba?

(Matapos nang pagtsetsek, bibilangin ng guro ang


mag-aaral na nakakuha ng 5 puntos, 4, 3, 2, at isa.)

(Ipaliliwanag ng guro ang magiging takdang aralin ng


mga mag-aaral.)

Sa pagtatapos ng ating klase, nais ko muli kayong


tanungin kung may nais ba kayong tanungin o linawin Wala na po, Ma’am.
paungkol sa ating naging aralin at maging sa inyong
takdang aralin.

Kung wala na, muli binabati ko kayo sa mahusay at


aktibo ninyong pakiiisa sa ating talakayan sa klase. Salamat po, Ma’am.

Ngayon, nais ko kayong lahat tumayo at manalangin


para sa pagtatapos ng ating klase. (Tumayo ang lahat.)

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Sa ngalan ng Ama, ng


Amen. Anak, at ng Espirito Santo.
(Ama namin) Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. (Ama namin)
Amen. Sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espirito Santo.
Amen.
Paalam, grado 8!
Paalam, Bb. Mariedel!
IV. Kasunduan

Panuto: Sumulat ng isang pagsasalaysay patungkol sa iyong buhay gamit ang sariling mga
pangungusap. Maaaring maglaman ito ng mga naging karanasan sa buhay simula nang bata pa o
pagbabahagi patungkol sa naging pagpapalaki sa iyo ng iyong magulang. Ang pangungusap ay
kinakailangan na hindi bababa sa pito.

Pamantayan sa Pagsulat ng Salaysay

PAMANTAYAN %
NILALAMAN
Kaugnayan sa paksa…20% 50
Kalinawan sa paglalahad…20%
Orihinalidad…10%
ORGANISASYON
Kaisahan…10% 30
Pagkakaugnay…10%
Diin…10%
MEKANIKS
Wastong gamit ng salita…5% 20
Bantas…5%
Baybay…5%
Pagpili ng wastong mga
salita…5%
Kabuuan 100

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratehiya ng


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na masolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
supervisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho nan ais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

MARIEDEL A. ATUAT
Guro sa Filipino

You might also like