You are on page 1of 7

DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. LAYUNIN
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. matutukoy ang mga pagkakaiba ng antas ng pang-uri;
2. magagamit ang pang-uri sa isang pangungusap; at
3. makapagbibigay ng halimbawa ng pang-uri.

II. PAKSANG ARALIN

Kasanayan – Mga salitang naglalarawan.


Nilalaman – Pang-Uri
A. Sanggunian: Malasusing Banghay Aralin sa Fili[ino
B. Kagamitan: larawan, tsart, tarpapel, mga tunay na bagay (kahon, salamin), powerpoint
presentation, projector
C. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa sarili at sa lahat ng kaloob ng Diyos

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Maaari bang tumayo ang lahat para sa ating


panalangin na pangungunahan ni ____________?
Ama naming Diyos, banal ka po at
makapangyarihan sa lahat, salamat po sa lahat ng
biyaya, gawin niyo po kaming mabuting bata,
masigasig sa pag-aaral, masunurin sa guro at
magulang at mapagmahal sa kapwa nawa’y
maging daan kami sa kapayapaan ngayon at
magpakailanman. Amen.
2. Panimulang Pagbati
Magandang umaga, mga bata !
Magandang umaga din po guro!

Maaari nang umupo ang lahat.

3. Pagsusuri ng mga lumiban


Maaari bang tumayo ang lider ng unang grupo upang
ibalita kung sino ang liban sa kanilang pangkat? Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang lumiban sa
aming pangkat.
Magaling! Bigyan natin ng limang palakpak ang
unang grupo.

Para naman sa liban ng ikalawang grupo? Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang lumiban sa
_____________. aming pangkat.

Magaling! Bigyan din natin ng limang palakpak ang


ikalawang grupo.

Ngayon, handa na ba kayong makinig at matuto mga Opo!


bata?
DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

4. Panimula
A. Balik-aral
Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa pangngalan.

Natatandaan ba kung ano ang pangngalan?


Opo!
Kung talaga ngang natatandaan, ano ang ibig sabihin
ng salitang pangngalan? Aubrey . Ang pangngalan po ay salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar.

Magbigay nga ng halimbawa ng pangngalan


Ospital po.
Tatay po.
Lapis po.
Mahusay mga bata!

Mukhang handang handa na talaga kayo para sa


bagong aralin. Handa na ba ang lahat?
Opo!
Ngayon dumako na tayo sa ating bagong aralin para
sa umagang ito.

B. Pagganyak
“Salamin, salamin, sabihin mo sa akin!”
(Ipakikita ang salamin)
Ano ang bagay na hawak ko ngayon?

Salamin po Ma’am.

May ilang
katanungan si titser na masasagot ninyo sa tulong ng
Opo
ating mahiwagang salamin.
Handa na ba kayo?

Ikaw Suerte, tumingin ka sa salamin, ano ang


Maganda po!
masasabi mo sa iyong mukha?

Mahaba po!
Ikaw naman Anjezza, ilarawan mo nga ang iyong
buhok?

Maputi po!
Ikaw naman Asmin, Ano ang masasabi mo sa kulay
ng iyong balat ?

( Papalakpak ang mga bata)


Mahusay! Tatlong palakpak para sa inyong mga
DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

kamag aral.
Mga bata, lagi ninyong tatandaan na anuman ang
inyong itsura at katayuan sa buhay, patuloy kayong
magpasalamat sa Panginoong Diyos sa buhay na
ibinigay nya. Naiintindihan ba?

Paano tayo magpapasalamat sa Diyos? Opo!

Tama! Mahalaga ang pagdarasal araw araw. Magdadasal po araw araw.

C.Pagtalakay sa Aralin
Mayroon akong maikling kwento sa inyo. Makinig
kayong mabuti dahil mayroon akong mga
katanungan pagkatapos. Maliwanag ba? Opo!

(Kwento tungkol kay Ping Kambing)


(may mga larawan na ipakikita sa telebisyon)

Siya si Ping Kambing.


Nakatira siya sa Kaharian ng Timpalok.
Si Ping Kambing ay masayahin at matulungin.
Isang araw, nakita niya si Haring Agila na may
malaking sugat sa pakpak.
Dinala niya ito kay Manong Tok para gamutin.
Inutusan siya ni Manong Tok na kumuha ng maliit
na timba at mainit na tubig.
Nagpasalamat si Haring Agila kay Ping Kambing.
Bilang pasasalamat ni Haring Agila, pinarangalan
niyang pinakamatulunging mamamayan ng Kaharian
ng Timpalok si Ping Kambing.
Base sa aking kwento, ano ang katangian ni Ping
Kambing? Masayahin po!

(ididikit sa pisara ang larawan ni Ping Kambing at


ididikit sa paligid nito ang mga salitang babanggitin)

Tama! Ano pa? Matulungin po.

Magaling! Paano mo nasabi na si Ping Kambing ay


matulungin, _________? Palagi po syang tumutulong sa iba.

Mahusay na sagot! Bigyan natin sya ng limang


DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

palakpak.

Ano naman ang pinakuha ni Manong Tok kay Ping


Kambing para gamutin si Haring Agila?
Mainit na tubig po.
Tama! Ano pa?
Maliit na timba po.
Magaling! Bigyan natin ang inyong mga sarili ng
limang palakpak.
( Papalakpak ang mga bata)
Pakibasa nga ang mga salitang nakadikit sa pisara
(sabay-sabay babasahin)
Pag-aralan nating mabuti ang mga salita.
Ano ang masasabi niyo kay Ping Kambing?
Masayahin at matulungin po.
Anong klaseng tubig ang pinakuha ni Manong Tok?
Mainit po.
Magaling! Paano ginamit ang mga salitang ito sa
kwento ni Ping Kambing?
Ginamit po pang larawan.
Tama! Ang mga salitang yan ay naglalarawan.
Tinatawag din silang Pang-Uri.

Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?


Pang-Uri po.
Ngayon naman, may inihanda akong kahon na
tatawagin nating mahiwagang kahon na naglalaman
ng iba’t-ibang bagay sa loob. Iikot ito sa bawat isa sa
inyo sa pamamagitan ng pagpapasa sa inyong katabi
habang kumakanta. Ang sinumang matapatan ng
kahon sa pag hinto ng kanta ay kukuha ng isang
bagay sa loob ng ating mahiwagang kahon at
ilalarawan ang bagay na nakuha niya. Maliwanag ba
mga bata?
Opo!
Simulan na natin. (sabay-sabay kakanta ng Leron, Leron Sinta
habang pinapasa ang kahon)

Matamis
DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

Maasim

Mabigat

Mabango

Mahusay mga bata! Ikinatutuwa ko na naunawaan


ninyo ang ating aralin.
Bigyan ulit natin ang inyong mga sarili ng ang
galing galing mo na palakpak.

C. Paglalahat
Ano na nga ba ang Pang-Uri? (babasahin ng sabay-sabay)
Ang Pang-Uri ay mga salitang nag lalarawan ng
tao, bagay, hayop, o lugar.
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan?

Pang-Uri po.

Magbigay ng mga halimbawa ng Pang-Uri.

Maganda.
Malaki.
Maliit.
Mahaba.
Makinis.
Malambot.
Mahusay mga bata! Palakpakan natin ang ating mga
sarili.
DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

Kasanayang Pagpapayaman

Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng kopya na tula. Hahanapin sa loob ng
bilog ang Pang-uri na bubuo sa tula.

Ako’y may Alaga

Ako’y may alaga,


Asong _____
Buntot ay _____
______ ang mukha. Mataba

Mahal niya ako Mahaba


At mahal ko rin siya Maamo
Kaya kaming dalawa
Ay laging magkasama

Indibidwal na Gawain

Kailangan lamang pagtambalin ang mga Pang uri na nasa HANAY A sa mga tamang larawan nito na nasa
HANAY B.

HANAY A HANAY B

1. Matulis

2. Matapang

3. Malamig

4. Makulay

5. Mabagal
DATA CENTER COLLEGE OF THE PHILIPPINES

BACHELOR OF ELEMENTARY EDUCATION

LAOAG CITY

IV. PAGTATAYA

Pagtambalin ang mga Pang-Uri na nasa HANAY A sa mga tamang larawan na nasa HANAY B. Isulat
ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

__________1. Mataba

a.

__________2. Mataas

b.

__________3. Mapait

c.

__________4. Malambot

d.

__________5. Malakas

e.

V. TAKDANG ARALIN.

Gumupit ng limang larawan, idikit sa kwaderno at ilarawan ang mga ito.

You might also like