You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO POLYTECHNIC STATE COLLEGE


CONCEPCION CAMPUS
Concepcion, Iloilo

Masusing Banghay sa Araling Filipino VI

I. Layunin:

a. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri at mga antas nito.

b. Nakagagawa ng sariling kwento gamit ang pang-uri at ang antas nito.

c. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin hinggil sa kwento gamit ang mga


salitang naglalarawan o pang-uri.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Ang Alamat ng Paru-paro

Sanggunian: Module sa Filipino VI

Kagamitan: Mga larawan, strips ng kartolina, manila paper, gunting.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

1. Panimulang Gawain

a. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral ng ikaanim Magandang umaga rin po, G. Kyle.
na baiting!

b. Panalangin
Mga bata maari ba kayong tumayo para sa
ating panalangin na pamumunuan ni ____
(kukuha ang guro ng isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)

c. Pamukaw Sigla
Okay, manatili lamang sa pagtayo. Alam niyo
ba ang awiting Paru-parong bukid?
Ito ay isang awiting bayan na madalas
kantahin ng ating mga mga lolo at lola noon
pa man. Ngayon ay atin itong aawitin. Sa mga
hindi nakakaalam sumunod lamang sa aking Opo/hindi po.
pagkanta at galaw. Handa na ba?

d. Magtse-tsek ng lumiban at di-liban na mag-


aaral.
May lumiban ba sa klase natin ngayong Opo!
umaga?

e. Pagbabalik-aral
Klas, sino pa ba ang nakakaalala ng ating Opo, sir. Ang ating topiko noong nakaraang
topiko noong nakaraang linggo? linggo sir ay tungkol sa Pabula.

Magaling dahil naaalala pa ninyo.

Okay, dahil halos lahat sa inyo ay naaalala pa


ang ating tinalakay. Ngayon sino ang Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung
makapagbibigay ng katuturan ng pabula? saan ang mga tauhan sa kwento ay mga
Okay, Kelvin. hayop o mga bagay na walang buhay.

Tama ang iyong sagot!! Bigyan ng sampung


palakpak.

Sino naman ang makapagbibigay ng limang Jane, ang limang bahagi ng pabula ay
bahagi ng pabula? Simula, Tunggalian, Kasukdulan, Kakalasan
at Wakas.

May mga katanungan pa ba tungkol sa ating


nakaraang topiko? Wala na po!

Pakipasa ng inyong mga takdang aralin na


ipinagawa ko noong nakaraang liggo.

2. Pagganyak na Tanong

Bago tayo dumapo sa ating bagong topiko ay


papangkatin ko kayo sa Tatlong pangkat. Pangkat: Una
Bawat pangkat ay may tig-iisang pinuno.
Magbilang hanggang tatlo.

Pangkat una pinuno: Jason


Pangkat pangalawa pinuno: Karl
Pangkat tatlo pinuno: Bless
Pangkat: pangalawa Pangkat: Tatlo
Meron ako ditong pinanggupit-gupit na letrato
sa loob ng subre ang kailangan niyo lamang
gawin ay inyo itong ipagdikit dikit upang
inyong mabuo ang letrato. Bibigyan ko lamang
kayo ng labin-limang minuto bawat grupo.

May katanungan pa ba?


Dahil wala na maari na kayong magsimula. Wala po!

Sa tingin niyo ba klass ang inyong nabuong


letrato ay may kaugnayan sa ating bagong
topiko ngayong araw? Mayroon po

3. Panlinang na Gawain
a. Paglalahad;

Mula sa sa mga larawang inyong makikita sa


pisara. Sa inyong palagay, tungkol saan kaya
ang kwentong ating pag-uusapan ngayong Ang ating pag-uusapan ngayong araw ay
araw? tungkol sa paru-paro

Tama ang pag-uusapan natin ngayong araw ay


tungkol sa paru-paro.

Sa inyong palagay ano kaya ang magiging


pamagat ng kwentong ating tatalakayin
ngayong araw? Ang pamagat ng kwentong ating
tatalakayain ngayong araw ay ang “Alamat
ng Paru-paro”.
b. Paghahawan ng mga Sagabal

Panuto: Itapat ang mga paru-paro na


nagtataglay ng mga kasalungat ng mga salitang
makikita sa mga bulaklak sa loob ng hardin.

Pero bago yan ay babasahin ng mga mag-aaral


ang bawat pangungusap na nagtataglay ng mga
pang-uring kanilang bibigyan ng kasalungat.

1. Si Perla ay ibang iba sa kanyang kapatid na


si amparo sapagkat siya ay isang masipag
na bata.
1. Masipag- Tamad
2. Ang mga paru-paro na makikita sa loob ng
hardin ay may makulay na pakpak.

3. Ang mga paru-paro ay magandang 2. Makulay- Mapusyaw


pagmasdan dahil s aka akit-akit na mga
kulay nito.

4. Ang kapit ni Amparo ay masinop sa pera 3. Maganda- Pangit


dahil siya ang naghahanap buhay sa kanila.

3. Pagbasa at Pagsagot ng mga Patnubay na 4. Masinop – Magastos


Tanong

(Babasahin ng guro at mga mag-aaral ang


kwentong “Ang Alamat ng Paru-paro”)

1. Tungkol saan ang kwento?

2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?


Tungkol sa isang babae na naging Paru-paro
3. Ihambing ang katangiang mayroon si
Amparo kaysa kanyang nakababatang Ang pangunahing tauhan sa kwento ay sina
kapatid na si Perla at ganoon din si Perla Perla at Amparo.
kay Amparo.
4. Paano inilalarawan ang katamaran ni Ang katangian ni Amparo ay tamad at may
Amparo sa Kwento. masamang asal
Samantalang si Perla ay mabait, masipag at
masinop.
5. Paano naipapakita ni perla ang
pagmamahal sa kanyang kapatid?
Nailalarawan ito na siya ay isang tamad na
4. Pagtatalakay kapatid ni perla na walang ibang gawin
Pansinin ninyo ang mga pangungusap sa pisara kundi ang amoyin at pitasin ang mga
ayon sa inyong mga naging tugon sa bawat bulaklak.
katanungan. Ang mga tauhan sa kwento ay
inilalarawan ayon sa kanilang mga katangiang Naipapakita niPerla ang pagmamahal sa
taglay, anu ano ang mga salitang ginagamit kapatid na si Amparo sa pamamaraan ng
upang ilarawan ang bawat isa sa kanila? pagiging pasensiyahing kapatid.

Sa inyong palagay ano ang tawag sa mga


salitang inyong nabanggit na ginagamit upang
ilarawan ang mga tauhan sa kwento.

Tama, ito ay pang-uri kung gayon ay ano ang


kahulugan ng pang-uri?

Tumpak, ngayon magbigay kayo ng mga Ang tawag sa mga salitang nabanggit, ito ay
salitang naglalarawan o mga pang-uri. pang-uri.

Mahusay ngayon gamitin sa pangungusap ang


mga pang-uring inyong binanggit.
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o
Ngayon alam niyo ba na ang pang-uri ay may nagbibigy turing sa mga pangalan o
tatlong antas? Sa inyong palagay ano kaya ang panghalip.
mga antas ng pang-uri?

Magaling, ngayon ay bigyan natin kahulugan ang


tatlong uri ng pang-uri:

1. Lantay-
kung ang tuon ng paglalarawan ay
nakapokus sa iisang bagay lamang
Ang tatlong antas ng pang-uri ay; lantay ,
2. Pahambing pahambing at pasukdol.
Ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay,
hayop o pangyayari.

3. Pasukdol

Ito ay naglalarawan sng higit sa dalawang


bagay, ginagamitan ito ng mga katagang sobra,
ubod, tunay, saksakan…

5. Pangkatang Gawain

Hahatiinang klase sa apat na pangkat. Ang


gagawin ay gumawa ng sariling alamat gamit ang
pang-uri at ang tatlong antas nito.

Mekaniks ng laro: Bawat pangkat ay malayang


pumili ng kanilang pamagat.

Wastong pagamit ng pang-uri 10%


Nakagawa ng magandang kwento 10%
kooperasyon bawat pangkat 50%
Malinaw na nailahad ang kwento 5%
30%

Bibigyan ko lamng kayo ng sampung minuto sa


paggawa ng sariling alamat pagkatapos ay ilahad
ito sa harap.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Sa kabuuan ang pang uri ay mga salitang
naglalarawan at ang pang-uri ay may tatlong
antas. Ito ay ang lantay, pahambing at pasukdol.
Ang Lantay ang tuon ng paglalarawan ay
nakapokus sa iisang bagay lamang. Pahambing,
Ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay,
hayop o pangyayari. Pasukdol ito ay
naglalarawan sng higit sa dalawang bagay,
ginagamitan ito ng mga katagang sobra, ubod,
tunay, saksakan

2. Pagpapahalaga

Ano-ano ang mga aral na inyong natutuhan mula Dapat huwag natin abusuhin ang
sa kuwentong inyong binasa na pinamagatang pagmamahal na ibinigay sa atin.
“Ang Alamat ng Paru-paro?
Mahalin at respetuhin ang kapwa mapabata
Tama man o matanda.
“Mahalin at respetuhin ang kapwa
mapabata man o matanda”

IV. Ebalwasyon

Panuto:
Salungguhitan ang mga pang-uri na
makikita sa bawat pangungusap at tukuyin kung
anong antas ito ng pang-uri nabibilang. Lagyan ng
L kung ito ay lantay, PH naman kung ito ay
pahambing at PL kung ito ay pasukdol.

______1. Ang magandang kalikasan ay biyaya ng Lantay


panginoon.
______2. Alagaan natin ang biyaya ng kalikasan Pasukdol
sa pagkat ang pinkamayamang kalikasan man ay
maaring mawala kung ating aabusuhin.
______3. Higit na Mabait si Perla kay sa kay Pahambing
Amparo
______4. Sa masaganang ani umasa ang Lantay
magsasaka na nakatira sa malalayong bukirin sa
ating bansa.
______5. Ang Pilipinas ay may napakalawak na Pasukdol
lupain at kagubatan na nagsisilbing tirahan ng mga
tao at hayop.

V. Kasunduan/Takdang-Aralin

May kapatid ka ba? Kung Oo isulat sa isang kapat


(1/4) na papel ang nag-iisang katangiang mayroon
ka at ganoon din sa iyong kapatid na naiiba. Isulat
ang mga katangian ito ayon sa mga antas ng pang-
uri na ( Lantay, Pahambing, Pasukdol). Kung wala
naman ay pumili lamang sa malalapit mong
kaibigan. Ipasa ito sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni: Kyle Mark A. Tingal


BEED III

You might also like