You are on page 1of 50

Dulog at Teknik

sa
Pagsusulit ng Wika

NINA:
STEPHANIE M. ROXAS
ROSEMARIE G. PABILLO
i

PANIMULA

Ang modyul na ito ay sadyang isinulat para sa inyo, mga guro na nagtuturo sa
Filipino! Ang dulog at teknik sa pagsusulit ay makatutulong kung paano bumuo ng mga
tanong o pagsusulit na angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral. Sa modyul na ito
inaasauhang mauunawaan at mapapahalagahan mo ang iba’t ibang dulog at teknik sa
pagsusulit. Iyong matutuklasan ang batayang kaalaman at mga konseptong kailangang
taglayin ng isang gurong nagtuturo sa wika sa larangan ng paggawa at pagbuo ng
pagsusulit. Sinasabing ang guro ay hindi lamang kinakailangan magaling magturo
ngunit kailangan ding siya ay magaling sa paghahabi ng pagsusulit para palakasin at
palaganapin ang mga mag-aaral sa Filipino upang maging kumpetitibong mamamayang
Pilipino.

Nais ng modyul na ito na gawing kaliga-ligaya ang mga araw ng mga mag-aaral
sa pagsusuri at pagbabalik-tanaw sa kanilang mga napag-aralan. Sa tulong ng mga
guro na patuloy na nagsasaliksik ng mga makabagong paraan kung paanong ang
simpleng paggawa ng mga test papers o pagsusulit ay magiging kaakit-akit sa mata ng
mga mag-aaral. Nais ng modyul ito na lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga
mag-aaral. Sa kanilang pagtanggap sa mga hamong ito, sila ay naihahanda sa mas
mataas na antas ng pagtuturo.

Tiyak na ang lahat ng iyong pag-aaralan sa modyul na ito ay magpapaunlad sa


iyong pagkatuto at magpapalawak sa iyong kaalaman hinggil sa pagsusulit.

Sasagutin mo ang kasunod na Panimulang pagsusulit sa sagutang papel.


Susukatin lamang sa pagsusulit kung ano ang nalalaman mo tungkol sa mga paksang
iyong pag-aaralan.
ii

LAYUNIN

Maraming batayang kaalaman ang kinakailangang linangin at alamin sa


pagtuturo sa Filipino. Sa larangan ng pagbuo ng pagsusulit, mahalagang matutunan
ang mga tamang pagdulog rito.

Ano-anong kaalaman at kasanayan ang malilinang sa modyul na ito?

Narito ang mga talaan na dapat mong matuklasan sa pagbuo ng pagsusulit pangwika
sa Filipino:
1. Magkakaroon ng sapat na kabatiran sa iba’t ibang paraan at lawak ng
pagtatanong at pagbuo na pagsusulit oral man o pasulat..
2. Mapahahalagahan ang pagtatanong bilang isang malaki at mabisang kagamitan
na pantulong ng guro sa pagtuturo.
3. Madedebelop ang kakayahan sa pagbuo ng wastong pagtatanong at pagiging
kritikal na mag-iisip.

Nilalaman ng modyul

Tunghayan mo ang lawak ng nilalaman ng modyul na ito sa Dulog at Teknik sa


Pagsusulit ng Wika:
Aralin 1- Dulog sa Pagsusulit ng Wika
 Naipaliliwanag ang mga batayang teorya at simulain sa pagkatuto ng wika.
 Naibibigay ang mga lapit at pagdulog na kaugnay ng mga batayang teoryang
pangwika.
 Nasasabi ang implikasyon ng mga kontemporaryong teorya sa tunguhin ng iyong
pagtuturo.

Aralin 2-Teknik sa Pagsusulit


iii

 Natutukoy ang iba’t ibang Teknik sa pagsusulit


 Naipaliliwanag ang kahalagahan sa pagkakaroon ng Teknik sa pagsusulit
 Naibibigay ang mga mungkahi sa iba’t ibang Teknik sa pagsusulit

Aralin 3-Pagbuo ng Pagsusulit


 Naibibigay ang mga hakbang sa pagbuo ng pagsusulit
 Natutukoy ang mga simulaing dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pagsusulit
 Naipaliliwanag ang kahalagahan sa pagbuo ng pagsusulit

Aralin 4-Bahagi ng Pagsusulit


 Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsusulit.
 Nakikilala ang mga bahagi ng pagsusulit.
 Nakakatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa pagbubuo ng pagsusulit.

Aralin 5-Panahon sa Pagbuo ng Pagsusulit


 Naiisa-isa ang mga gabay sa pagbubuo ng pagsusulit.
 Natutukoy ang mga kakayahan na dapat sukatin sa isang pagsusulit.
 Natututunan ang tamang pagsusuri sa bawat aytem ng pagsusulit

Aralin 6-Dimensyon at Antas ng mga Tanong Pag-unawa


 Naiisa-isa ang anim na antas ng pag-unawang kognitib ni Bloom.
 Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga tanong ayon sa antas ng pag-unawa.

Ang bawat aralin sa modyul na ito ay naglalaman ng mga panimulang pagsusulit,


kaalaman at mga gawain.
Maligayang pag-aaral sa iyo!
iv

TALAAN NG NILALAMAN

Panimula………………………………………………………………………………..….…….i
Layunin ………………………………………………………………………………..………...ii
Panimulang Pagsusulit……………………………………………………………………….v
Aralin 1
Dulog sa pagsusulit ng wika
Teorya sa Pagkatuto ng Wika……………….…………………………………..…….2
Simulain sa Pagtuturo ng Wika……………….………………….……………………5
Mga Pagdulog sa Pagsusulit-wika……………….……………,……………………...7
Aralin 2
Teknik sa pagsusulit
Teknik sa pagsusulit………………….……….…………………………………...….10
Aralin 3
Pagbuo ng pagsusulit
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pagsusulit………………………………13
Hakbang sa pagbuo ng pagsusulit……………….……………...…….…………….14
Aralin 4
Bahagi ng pagsusulit
Katuturan ng ebalwasyon……………….…………………………………………….17
Dalawang uri ng ebalwasyon……………….…………………..……………………19
Mga katangian ng mabisang ebalwasyon……………….………………………….22
Aralin 5
Panahon sa pagbuo ng pagsusulit
Mga gabay sa panahon ng paghahanda ng pagsusulit………………….………..29
Aralin 6
Dimensyon at Antas ng mga tanong pag-unawa
Anim na Antas ng Pagtatanong ………………………………….………………….36
Iba pang Uri ng mga Tanong……………….…………………………………..........39
Talasagutan…………………….……………………………………………………………..40
Sanggunian………………………..………….……….………………………………………42
v

PANIMULANG PAGSUSULIT

Ano ba ang alam mo?

Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang aralin na ito. Kumuha ka ng


sagutang papel. Sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit.

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel


ang letra ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talataa.

1. Itinuturing na arbitraryong sistema ng mga tunog na ginagamit sa paghahatid


at pagtanggap ng mensahe ang _______.
a. Wika c. dulog
b. Teknik d. estratehiya
2. Naniniwala si __________na likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika.
a. Badayos c. Gouin
b. Chomsky d. Lozanov
3. Ayon sa teoryang __________ ang mga pagkakamali ay isang palatandaan
ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
a. Humanist c. Cognitive
b. Behaviorist d. Innative
4. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay makapaloob at
nabibigyang-hugis ng _______na kaligiran kung saan ito nabubuo.
a. kultura c. sosyo-kultural
b. wika d. ugali
5. Nagiging mas madali ang proseso ng pagkatuto kapag nasa payapang
kapaligiran ang mag-aaral sa dulog_______.
a. Suggestopedia c. Audio-Linggual
b. Silent Way d. Sitwasyonal
6. Binibigyang-diin ni Skinner na kailangang________ang pag-unad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagpapatibay sa anumang gawi o kilos.
vi

a. alagaan c. ingatan
b. iwasan d. dagdagan

7. Batay sa dulog na_________ay sinanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan


ng pag-uulit at pagsasaulo.
a. Direct Method c. Grammar Traslation
b. Audio-Linggual d. Istruktural
8. Ang ______ ay ibinatay sa “trace theory” ng mga sikologo.
a. Silent Way c. Total Physical Response
b. Dulog Pagbasa d. Suggestopidea
9. Ang paniniwala sa teoryang_____________ ay nakapokus sa damdamin at
emosyon ng isang tao.
a. Behaviorist c. Humanist
b. Cognitive d. Innative
10. Ang______ ay set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga teoryang
pangwika.
a. pagdulog c. pamamaraan
b. teknik d. istratehiya
11. Isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang ang pamimilian ng
gumaganap.
a. Cloze Test c. True or False
b. Multiple Choice d. Error Recognition Test
12. Isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang
para sa mga kinaltas na salita.
a. Cloze Test c. True or False
b. Multiple Choice d. Error Recognition Test
13. Ang pagpapaalam sa mga mag-aaral sa resulta ng kanilang mga gawain o
ang resulta ng formative na ebalwayson ay maaring ipaalam.
a. Ebalwasyon c. Pag-aaral
b. Reinforcement d. Dayagnosis
vii

14. Binigyan ng pansin o pag-aagapay ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng


isang remedial na mga pag-aaral.
a. Ebalwasyon c. Pag-aaral
b. Reinforcement d. Dayagnosis
15. Ang mga sumusunod ay mga gamit ng formative na ebalwasyon para sa
mga guro maliban sa isa. Alin ito?
a. Handling Errors c.Quality Control
b. Reinforcement d. Forecasting
16. Nabibilang sa uring pakilala na may binubuong pahayag na di-ganap at
sinusundan ng mula sa tatlo hanggang limang kasagutan. Isang sagot
lamang ang pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap.
a. Cloze Test c. True or False
b. Multiple Choice d. Error Recognition Test
17. Ilang antas mayroon sa antas ng pag-uunawang kognitib ni Bloom?
a. 6 c. 5
b. 4 d. 10
18. Pag-unawa at pagdama sa damdamin ng iba.
a. pagkilala c. empathy
b. paglalapat d. pagpapaliwanag
19. Ang mga sumusunod ay kabilang sa antas ng pag-unawa ni Bloom maliban
sa isa. Alin ito?
a.pananaw c.empathy
b.paglalapat d.pagpapaliwanag
20. Pinapasakay nito ang mga kausap sa iyong iniisip, nararamdaman o gustong
sabihin.
a. Leading questions c. Probing Questions
b. Rhetorical questions d. Funnel questions
1

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 1. Dulog sa Pagsusulit ng Wika

Narito ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan at
matutunan ang mga dulog at teknik sa pagsusulit. Mahalagang malaman natin ang
taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong-pag-aaralan. Magiging batayan ito kung
papaano ka tutulungan o paanong higit na pagyayamanin ang iyong kaalaman.

LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga gawaing ito:
 Naibibigay ang mga lapit at pagdulog na kaugnay ng mga batayang
teoryang pangwika
 Naipaliliwanag ang mga batayang teorya at simulain sa pagkatuto ng wika
 Nasasabi ang implikasyon ng mga kontemporaryong teorya sa tunguhin ng
iyong pagtuturo.

ALAMIN

Wika

Itinuturing na arbitraryong sistema ng mga tunog na ginagamit sa paghahatid at


pagtanggap ng mensahe ang wika. Maaaring gawin ang pagpapahayag ng wika sa
paraang pasulat o pasalita. Pakikinig ang aspekto ng wika na nauukol sa aural o
pabigkas na pagtanggap ng mensahe at Pagsasalita naman ang tawag sa aspekto ng
paghahatid nito.

Pagdulog

Ang lapit o pagdulog ay set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga teoryang
pangwika. Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at
pagtuturo.
2

Teknik

Tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga


kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga
layunin ng isang aralin.

Mga Tradisyunal na Teorya sa Pagkatuto ng Wika

Teoryang Batay sa Gawi (Behaviorist)


Noong 1968, binigyang-diin ng behaviorist na si Skinner (Finocchiaro, 1986) ang
kahalagahan ng pangganyak, pagsasanay at pagpapatibay upang malinang ang
intelektwal na kakayahan sa wika ng mag-aaral. Ayon sa kanila ang mga bata ay
pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ang kanilang kilos at gawi
maaring hubugin sila sa kanilang kapaligiran. Binibigyang-diin ni Skinner (1968), isang
pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang gawi o
kilos.

Teoryang Batay sa Kalikasan ng Mag-aaral (Innative)


Naniniwala si Chomsky (Finnochiaro, 1986) na likas sa mga bata ang pagkatuto ng
wika. Nagaganap ito sa pakikipamuhay ng isang bata sa kanyang sosyal na komunidad.
Ayon sa kanila ang mga bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagtamo ng
pagkatuto sa wika. Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na ang kakayahan sa wika ay
kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang
wika ay makapaloob at nabibigang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito
nabubuo.

Teoryang Kognitib
Habang ginagamit ng tao ang wika, nakagagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa
proseso ay nakabubuo siya ng mga tuntunin sa gamit ng wika. Ayon sa kanila ang
3

pagkatuto ng wika ay isang dinamikong kung saan ang mga mag-aaral ng wika ay
kailangang palagiang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na
kaalaman at impormasyon mula dito mas napapaunlad nila ang pagkatuto nila sa wika.
Inaalam ng mga mag-aaral ng wika ang mga pumapailalim na tuntunin at mailapat ito
nang sa ganun ay makabuo ng orihinal na pangunguasap. Habang ginagawa ang
prosesong ito hindi maiiwasan nag pagkakamali. Ayon sa mga kognitibist ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.

Teoryang Makatao (Humanist)


Dito’y isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-aaral sa klasrum
upang maging lubos ang pagkatuto niya ng wika. Ang paniniwala nila ay nakapokus sa
damdamin at emosyon ng isang tao. Dagdag pa dito , mas mabilis nila natututunan ng
tao ang wika at wala siyang pag-alinlangang gamitin ito at malaya niyang nailalahad
ang kanyang saloobin. Tungkulin ng isang guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-
ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan
maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at Malaya nilang nagagamit at
nasusuri ang bagong wikang natutunan. Kailangan ding linangin ng guro ang
pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral.

GAWAIN: Tanong-Sagot

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang nawat tanong. Isulat ang inyong sagot sa
papel.

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng iba’t ibang teorya sa pagkatuto ng wika?


2. Sa iyong palagay, kailangan din bang linangin ng guro ang pagpapahalaga sa
sarili ng mga mag-aaral? Ipaliwanag.
3. Paano masasabing likas na sa mga bata ang pagkatuto ng wika?
4. Bakit kailangan isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-
aaral sa klasrum?
5. Batay sa iba’t ibang teorya paano daw natutunan ng tao ang wika?
4

6. Ano ang implikasyon sa pagtuturo ng mga teoryang;


1)Batay sa Gawi 2)Batay sa Kalikasan ng Mag-aaral 3)Kognitib 4)Makatao
7. Sa iyong palagay, nakatutugon ba sa kasalukuyang pangangailangan ng mga
mag-aaral ang mga namamayaning pamaraan at pagdulog sa pagtuturo ng
wika? Ipaliwanag.
8. Bakit mahalaga ang paglinang sa mag-aaral ng mga kasanayang
pangkomunikatibong nabanggit?
9. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga kasanayang mahalaga sa interpersonal na
komunikasyon.
10. Bakit kailangang linangin ang mga kasanayang ito?

GAWAIN: Word Map

Panuto: Magbigay ng kahulugan sa salitang nasa loob ng bilog. Isulat ang iyong sagot
sa papel.

Dulog
5

ALAMIN

Mga Batayang Simulain sa Pagtuturo ng Wika

1. Grammar Translation

Nililinang sa mga mag-aaral ang bokabularyo at tuntunin ng wika sa tulong ng


pagsasalin. Ayon sa mga kritiko, labis itong nagbigay-diin sa istruktura o gramar ng
wikang pinag-aaralan.

2. Tuwiran o Direct Method

Karaniwang binubuo ng tanungan at sagutan na kadalasan ay ukol sa


kaganapan sa silid-aralan. Isinagawa ng Pranses na si Gouin (Finocchiaro, 1986) ang
paggamit ng wika sa kaukulang kilos na isinasagawa.

3. Dulog na Pagbasa

Ang paggamit nito ay pinangunahan ng isang propesor na nagngangalang


Coleman noong 1929. Ang istratehiyang ito ay pagsalungat sa labis na pagbibigay- diin
sa pasalitang pag-aaral ng wika. Ginamit ang pagpapabasa bilang paraan upang
matuto ng wika ang mga mag-aaral, kasabay ng pag-aaral ng mga istrukturang
gramatikal na matatagpuan sa mga teksto ng babasahin.

4. Dulog Istruktural

Kaugnay ng istratehiyang ito ang pananaw na ang pagkatuto ng wika ay may


kinalaman sa paglinang ng ugali o gawi. Samakatwid, inalam ang mga istruktura ng
wika at batay dito ay sinanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at
pagsasaulo.

5. Dulog Audio-Lingual

Bilang reaksyon sa Dulog na Tuwiran at Pagbasa, gumamit ng mga modelong


pagpapahayag. Sa mga klasrum ay nauso ang pagsasaulo at paggagad ng mga
6

huwarang pangungusap. Nagsimula ang lapit na Audio Lingual kung saan gumamit ng
mga tape recorder, larawan, pelikula, slides at iba pang biswal upang mapadali ang
pagkatuto ng wika.

6. Dulog Sitwasyonal

Malapit sa paniniwala ni Gouin, sa paggamit ng istratehiyang ito ay binigyan ng


mga kwentong angkop sa iba’t ibang pagkakataon ang mga mag-aaral. Kabilang sa
mga istratehiya ng Dulog Sitwasyonal ang paggamit ng aksyon o kilos at paggamit ng
mga larawan at tugtugin upang maipaliwanag ang ipinahahayag.

7. Community Language Learning

Isinanib ang pagtuturo ng wika sa aspekto ng kultura. Binigyang-halaga ang


nadarama ng mag-aaral, na kabilang sa isang komunidad ng mga mag-aaral. Walang
elemento ng tensyon sa klasrum pagkat bawat isa ay itinuturing na mahalagang
indibidwal na maaaring magturo at matuto mula sa iba.

8. Silent Way

Halos ugnay sa teoryang Innative o Likas, batay sa dulog na ito, ipinauubaya sa


mga mag-aaral ang pagkatuto ng wika. Pinaniniwalaan ng mga tagapagtaguyod ng
dulog na ito na sa pagiging tahimik ng guro, nagiging higit na mabilis ang pagkatuto ng
mga mag-aaral ng wika. Nagsasagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang proyekto
upang makipagtalastasan sa kapwa at sa proseso ay makatuklas ng mga katotohanang
pangwika.

9. Dulog Total Physical Response

Ibinatay ito sa “trace theory” ng mga sikologo. Higit na nagiging madali ang
pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kilos kasabay ng pagsasalita.

10. Dulog Suggestopedia

Batay sa paniniwala ni George Lozanov (Morrow, 1993) nagiging mas madali


ang proseso ng pagkatuto kapag nasa payapang kapaligiran ang mag-aaral.
7

11. Dulog Natural

May malaking pagpapahalaga sa payapang damdamin ng mag-aaral.


Nalilinang ang batayang komunikasyon sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng mga
mag-aaral. Guro ang hanguan ng mga nauunawaang input na pagmumulan ng
pagkatuto ng mga mag-aa

ALAMIN

Mga Pagdulog sa Pagsusulit-wika

1. Pagdulog na Discrete-Point – gumagamit ng mga test na na sumusukat ng isang


(discrete) elemento ng wika, hal., talasalitaan, balarila, pagbaybay

2. Pagdulog na Integraytiv – gumagamit ng mga aytem na sumusukat sa pang


kalahatang kasanayahan tulad ng pasanaysay, interbyu, padikta, pag-unawa sa isang
katha/teksto

3. Pagdulog na Komunikatibo – gumagamit ng mga aytem na sumusukat hindi lamang


ng kung ano ang nalalaman ng mag-aaral tungkol sa wika at kung papaano gamitin ito
kundi pati na rin kung hanggang saan kayang ipakita nito ang kanyang nalalaman sa
isang makabuluhang sitwasyong pangkomunikatibo. May mga test na integreytiv ngunit
hindi komunikatibo; ngunit lahat ng test na komunikatibo ay integreytiv.

GAWAIN: Pagtapat-tapatin

Panuto: Basahin sa kolum A ang bawat pahayag na naglalarawan sa Kolum B. Isulat


ang letra ng angkop na sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Nagiging mas madali ang proseso ng a. Total Physical Response

pagkatuto kapag nasa payapang kapaligiran b. Dulog Istruktural


8

____2. Nililinang sa mga mag-aaral ang bokabularyo c. Grammar Translation

tuntunin ng wika d. Silent Way

____3. Ipinauubaya sa mga mag-aaral e. Dulog Natural

ang pagkatuto ng wika f. Suggestopedia

____4. Ang pagkatuto ng wika ay may kinalaman g. Audio-Lingual

sa paglinang ng ugali o gawi

____5. Ibinatay ito sa “trace theory” ng mga sikologo

GAWAIN: Tama o Mali

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang
salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ang pahayag ay mali.

______1. Ang mga bata ay pinanganak na may kakayahan na sa pagkatuto ng wika.

______2. Bilang reaksyon sa Dulog Silent way, gumamit ng mga modelong

pagpapahayag

______3. Likas na nalilinang ang kakayahan sa wika sa pakikipag-interaksyon

______4. Gumamit ng mga tape recorder, larawan, pelikula, slides at iba pang

biswal upang mapadali ang pagkatuto ng wika sa dulog Pagbasa

______5. Madali ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kilos
kasabay ng pagsasalita.

GAWAIN: Alam-Nais-Natutuhan

Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat ditto ang hinihiling ng
sagot sa sumusunod:
9

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa Dulog at Tekniks sa Pagsusulit?

Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa Dulog at Tekniks sa
Pagsusulit?

Natutuhan: Batay sa talakayan ano ang natutuhan mo tungkol sa Dulog at Tekniks sa


Pagsusulit?

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan


10

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 2. Teknik Pagsusulit ng Wika

LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga gawaing ito:
 Natutukoy ang iba’t ibang Teknik sa pagsusulit
 Naipaliliwanag ang kahalagahan sa pagkakaroon ng Teknik sa pagsusulit
 Naibibigay ang mga mungkahi sa iba’t ibang Teknik sa pagsusulit

ALAMIN

Teknik sa pagsusulit

1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga


estudyante.

2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o pagsusulit ng


sa gayo'y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang
kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

3. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o


pagsusulit.

4. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan ang ganitong
kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. Ang pasanaysay na pagsusulit
ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian.

5. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naaangkop sa kakayahan


ng nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa'y walang makasagot
masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat
sukatin nito.
11

6. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang


napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga
bata ang hinihing ng bawat tanong.

7. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga


estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng
pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata.

GAWAIN: Buuin Mo

Panuto: Bumuo ng sarili mong mungkahi hinggil sa mga teknik sa pagsusulit na maari
mong maging gabay sa pagbubuo ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sagutang papel.

1. Mungkahi-_____________________________________________________
2. Mungkahi-_____________________________________________________
3. Mungkahi-_____________________________________________________
4. Mungkahi-_____________________________________________________
5. Mungkahi-_____________________________________________________

GAWAIN: Anticipation Guide

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang kolum kung sang-
ayon o di-sang-ayon ka ba sa mga mababasa mong pahayag pagkatapos ay isulat sa
pangalawang kolum ang iyong paliwanag sa nauna mong sagot.

Sang- Pahayag Paliwanag


ayon?o Di
sang-ayon?
Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong
manghula ang mga estudyante.
Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago
ibigay ang pagsasanay o pagsusulit.
12

Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat


matanim sa isipan ng mga estudyante at hindi roon
sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng
pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa
mga bata.

Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat


tanong.
Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng
pagsasanay o pagsusulit

GAWAIN: Tanong-Sagot

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang inyong sagot sa
papel.

1. Bakit mahalagang magkaroon ng teknik sa pagbubuo ng pagsusulit?


2. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsunod sa mga teknik na ito?
3. Kailangan bang sundin ang mga teknik upang maging maayos ang pagbuo ng
pagsusulit?
4. Sa iyong palagay ano ang magiging kalalabasan kung walang sinusunod na
teknik sa pagsusulit?
5. Magbigay ng apat na teknik sa pagsusulit na sa tingin mo ay siyang
pinakamalahaga. Ipaliwanag.
13

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 3. Pagbuo ng Pagsusulit

LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga gawaing ito:
 Naibibigay ang mga hakbang sa pagbuo ng pagsusulit
 Natutukoy ang mga simulaing dapat isaalang-alang sa pagbuo ng
pagsusulit
 Naipaliliwanag ang kahalagahan sa pagbuo ng pagsusulit

MGA SIMULAING DAPAT ISAALANG – ALANG SA PAGBUO NG PAGSUSULIT

1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga


estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang
ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng
kinalabasang di naman mapapaniwalaan.

2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsusulit nang sa gayo’y
msukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang
umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

3. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsusulit. Ito’y


isang paraan upang lalong makatitiyak sa kawastuhan ng sagot sa bawat
tanong.

Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto, may pagkakataon


siyang makita ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaaring
makalito sa mga estudyante.

4. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang
ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektinong tanong.
14

5. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naaangkop sa kakayahan


ng nakararami.

Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa’y walang makasagot masasabing


hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.

Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang


estudyante ang kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang
kanilang kakayahan.

6. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong.

Ang kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang


maunawaa ng mga estudyante ang hinihingi ng bawat tanong.

7. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga


estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng
pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga estudyante.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Pagsusulit

1. Pagpasya sa Layunin ng Pagsusulit Bakit magbibigay ng pagsusulit? Ano ang


paggagamitan ng mga resulta ng test?
2. Pagpaplano ng test sa pamamagitan ng paggamit ng talahanayan ng pagsusulit
3. Pagpili ng mga aytem at/o ng mga gawain
4. Pagsulat ng mga aytem
5. Pagrepaso sa mga aytem (Judgmental Review)
6. Unang pagsubok sa test (First tryout) sa isang sampol
7. Pag-aanalisa sa mga aytem (Item analysis) Pagkuha ng mga indeks ng difficulty
(facility) at item discrimination
8. Pagrebisa at pag-iimprenta ng test (Revision and Reproduction of the Test)
9. Pangalawang pagbibigay ng test
10. Pag-aaral ng resulta ng test at pagpapasya batay sa layunin ng test
15

GAWAIN: Concept Map

Panuto: Ibigay ang kahalagahan sa pagbubuo ng pagsusulit. Isulat ang inyong sagot
sa papel.

Kahalagahan ng
Pagbuo
ng Pagsusulit

GAWAIN: Pagsusunod-sunod

Panuto: Ibigay ang wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagbuo ng


pagsusulit. Isulat ang bilang 1-10 sa patlang.

______a. Pagrebisa at pag-iimprenta ng test


______b. Pagsulat ng mga aytem
______c. Pagpili ng mga aytem at/o ng mga gawain
______d. Pagrepaso sa mga aytem
______e. Pag-aaral ng resulta ng test at pagpapasya batay sa layunin ng test
______f. Pag-aanalisa sa mga aytem
______g. Pangalawang pagbibigay ng test
______h. Pagpasya sa Layunin ng Pagsusulit
______i. Pagpaplano ng test sa pamamagitan ng paggamit ng talahanayan
______j. Unang pagsubok sa test
16

Ano ba ang alam mo?

Kumuha ng sagutang papel. Subukin ang iyong kaalaman hinggil sa paksang ating
tatalakayin.

Panimulang Pagsusulit

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.

1. Masusukat dito ang mga kahinaan at kakayahan ng isang mag-aaral kung paano
ito binibigyang pansin gayun din sa kung paano bibigyan o ano ang ibibigay na
remedyo sa bawat kahinaang tinataglay ng isang mag-aaral.

a. Ebalwasyon b. Pagkatuto c. Kaalaman d. Pag-aaral

2. Ang pagpapaalam sa mga mag-aaral sa resulta ng kanilang mga gawain o ang


resulta ng formative na ebalwayson ay maaring ipaalam.

a. Ebalwasyon b.Reinforcement c.Pag-aaral d.Dayagnosis

3. Binigyan ng pansin o pag-aagapay ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang


remedial na mga pag-aaral.

a. Ebalwasyon b.Reinforcement c.Pag-aaral d.Dayagnosis

4. Ang mga sumusunod ay mga gamit ng formative na ebalwasyon para sa mga


guro maliban sa isa. Alin ito?
a. Handling Errors b.Reinforcement c.Quality Control d.Forecasting

5. Ito ang antas ng pagsusulit kung saan ang batayan ng puntos ay angkop,
makatarungan, at makabuluhan.
a. Praktikal b. Makabuluhan c.Mabisa d.Dayagnosis
17

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 4. Bahagi ng Pagsusulit

Layunin:

 Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsusulit.


 Nakikilala ang mga bahagi ng pagsusulit.
 Nakakatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa pagbubuo ng pagsusulit.

PANIMULA

Ang pagsukat at pagkuha o ang pagbibigay ng ebalwasyon sa bawat marka o


resulta ng isang pagsusulit na isinagawa ng isang mag-aaral ay isang mahalagang
kasangkapan sa pagkakaroon ng isang mabisa at epektibong pagtuturo maging sa
pagkakaroon ng isang magaling na mag-aaral.Sapagkat, sa ebalwasyon masusukat
ang mga kahinaan at kakayahan ng isang mag-aaral kung paano ito binibigyang pansin
gayun din sa kung paano bibigyan o ano ang ibibigay na remedyo sa bawat kahinaang
tinataglay ng isang mag-aaral. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lamang ang
kahulugan ng isang ebalwasyon ang matutuunan ng pansin kundi pati ang mga
kraytirya o ang mga katangian nito na dapat din ay isaalang-alang sa isang pagsusulit
wika. Kailangan din na alam ng isang guro ang mga katangiang ito dahil ito ang
magiging batayan niya sa kanyang gagawin na ebalwasyun sa pagsusulit wika.

Isa din sa dapat tingnan ay kung ano ang dapat tandaan sa isang ebalwasyun,
ano ang mga uri nito para hindi lamang makapukos ang ating kaalaman sa ebalwasyon
bilang isang kahulugan lamang. Ngunit sa isang banda ay ating malalaman kung paano
natin isasagawa ang pagsusulit wika o ano ang mga simulain sa paghahanda ng
pagsusulit upang ating malaman kung saan at paano sisimulan ang pagsagawa ng
isang pagsusulit para ito ay mas madaling maintindihan o makuha at maging mabisa o
maging epektibo sa mga guro at mga mag-aaral. Kaugnay din sa mga simulain sa
paghahanda ng pagsusulit ay kailangan din malaman ang mga dapat na isaalang-alang
sa paghahanda nito dahil ito ay isang mahirap na gawain at hindi dapat basta basta
18

nalang na isinasagawa na ang layunin lang ang makuha ang resulta sa bawat ginawang
pagsusulit kundi dapat na isa-isip ng isang guro ang mga pamamaraan upang mas
magiging madali ito sa kanya.

Ang pagkakaroon ng maraming kaalaman tungkol sa ebalwasyon sa pagusulit


wika at iba pang mga sangay nito ay isa naring bentahe sa isang guro sapagkat
maaring alam na niya ang dapat na gagawin sa pagsusulit wika at sa ebalwasyon na
gagawin.

Sa puntong ito ay ating bibigyan ng malalim na pagkakaintindi sa bawat


kahingian ng isang ebalwasyon sa pagsusulit wika. Unang – una ating alamin ang
kahulugan ng isang ebalwasyon kung ano ang ibig sabihin ng ebalwasyon ito ang
paraan ng pagmamarka at paghuhusga ng kaalaman, kakayahan, pagsusulit,
pagsubok, pag-uulat at gawa ng isang mag-aaral. Sa ebalwasyon ay mayroon itong
dalawang uri ito ay ang Formative na Ebalwasyon (Formative Evaluation) ito ang
pagsagawa o pagsubaybay sa intruksyunal na proseso para malaman kung naisagawa
ba ang isang planong gawain. Ito rin ang pinakamahalang parte sa pagturo ng
pagkatuto. Dito din malalaman kung sino sa mga mag-aaral ang hindi makuha ang
masteri sa isang isinagawang gawain. Maaring ang inaasahang marka sa isang gawain
ay hindi masyadong mataas o mababa at muabot 80-85 porsyento ang tanggap.
Ipinapaalam din dito kung ang isang mag-aaral ba ay mayroon ng masteri sa isang
takdang gawain.

May dalawang gamit din ang formative na ebalwasyon:

Para sa mga Estudyante:

A. Pagpapatibay/Reinforcement- ito ang pagpapaalam sa mga mag-aaral sa resulta ng


kanilang mga gawain o ang resulta ng formative na ebalwayson ay maaring ipaalam.
Dahil ang feedback na makukuha sa mga mag-aaral ay isang epektibong pagpapatibay
sa kalaaman sa pagkatuto ng isang gawain. Maaring ang mga mag-aaral ay mag
pursige sa pagkatuto o pag-aaral para mas magiging magaling sila.
19

B. Dayagnosis/Diagnosis - ito ay kung ano ang maaring pagkakamali sa nagawang


gawain ng isang mag -aaral. Ang kahinaan ng isang magaaral binigyan ng pansin o
pag-aagapay nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang remedial na mga pag-
aaral.

Para sa mga Guro

A. Pagngangasiwa sa mga kamalian/Handling Errors-dito ang guro ay angpag-aasikaso


niya sa mgakamalian ng kanyang mga mag-aaral at maari niyang tingnan o iwasto ang
mga ito sa mga susunod ng klase.

B. Kwaliti Kontrol/Quality Control- kung ang guro dito ay palagi niyang tinatala o
inirerecord ang mga perpormans ng kanyang mga mag-aaral sa formative na
ebalwasyon maari niya itong gamitin bilang isang paraan sa pagsagawa ng remedial na
pagtuturo at paggamit ng ibat ibang estratehiya at teknik at mga kagamitan sa pagtuturo
at sa pagkatuto.

C. Forecasting -kung ano ang magiging kinalabasan sa formative na ebalwasyon ay


magiging basihan ito sa kalalabasan ng summative na ebalwasyon.

Ang ikalawang uri ng ebalwasyon ay ang Summative na Ebalwasyon


(Summative Evaluation) ito ay isinasagawa sa katapusan ng isang pag-aaral para
malaman kung ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay sapat na o buo na para magpatuloy
sa panibagong aralin. Ito ay maaring isang mahabang pagsusulit o pinal na
eksaminasyon.

Subukin!

Panuto: Gamit ang Venn diagram, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng formative
at summative na uri ng ebalwasyon.
20

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Mayroong tatlong gamit ang isang summative na ebalwasyon.

1. Pagbigay Marka /To assign grades- ang lahat ng resulta sa summative na


ebalwasyon ay binigyan ng katumbas na rating o rate maaring ito ay pa letra o pa
numero dependi sa kung ano ang magiging standard na set ng masteri. Ito ang
papahiwatig ng mga bawat kakayahan ng isang mag-aaral na kailangan niyang
magkroon at maipamalas.

2. Pagbibigay feedback/ to provide feedbacks to the students-ang marka na


isinagawa sa summative test ay pantay at isinagawa ng mabuti kung mataas ang marka
na makuha ng isang mag-aaral ay masmarami siyang makukuhang fedbak na may
kinalaman sa kanyang perpormans.

3. Pagkukumpara sa kalalabasang resulta ng bawat grupo/ to compare outcomes


of different groups - ito ang kakalabasan ng ibat ibang estratehiya o teknik sa
pagtuturo, ibat ibang kagamitan sa pagtututo at pagkatuto at ang pagkakaiba ng mga
estudyante na ikinukumpara. Sa ebalwasyon hindi lamang ito nakatuon lang sa mga uri
at sa pagpakahulugan nito ngunit kasali narin kung ano ang mga tungkulin nito.

Ang mga tungkulin sa pagsukat at ebalwasyon:

1. Pagsukat sa mga kakayan o natagumpayan ng mga mag-aaral /to measure student


achievement - sa pamamagitan ng pagsukat o ebalwasyon ay malalaman kung naabot
naba ng isang mag-aaral o hindi pa ang isang gol sa pagkatuto.
21

2. Pag-ebalweyt sa ginamit na intrksyon o stratehiya ng pagtuturo at pagkatuto/to


evaluate instruction- sinusukat ang pagiging epektibo o ang pagka hindi epektibo sa
ginamit na instruksyon o etratiya ng isang guro kung ang resulta ng bawat pagsusulit ay
mataas maaring nagging epektibo ito at kung mababa naman ang mga nakuhang
marka ng mga estudyante sa bawat pagsusulit ay maaring hindi ito epektibo.

3. Pag-ganyak sa pagkatuto ng mga estudyante / to motivate learning- sa pagpapakita


o pagbibigay ng mga resulta sa bawat eksaminasyon na isinasagawa ng mga mag-
aaral ay magbibigay sa kanila ng motibasyon. Mas nagiging interesado ang isang
magaaralkapag nagkaroon ng malalaking puntos sa isang eksam o hindi kaya ay kung
hindi masyadong malaki ang kanyang puntos ay mag udyok sa isang mag aaral na
mag-aral ng mas mabuti para magkaroon ng malaking puntos sa susunod na
pagsusulit.

4. Paghula sa magiging tagumpay ng isang mag-aaral sa hinaharap/ to predict success


- ang tagumpay at kabiguan ng isang mag-aaral ay makikita sa pagsusukat at
ebalwasyon. Maaring ang isang magaaral na palaging nakakakuha ng malalaking
puntos ay magpapahiwatig na marami siyang pagkakataon na pumasa. At ang pumasa
ay isang tagumpay.

5. Pagdyagnos sa mahihirap na gawain sa pagkatuto/to diagnose the nature of


difficulties - ang kahinaan ng isang estudyante ay makikita o nalalaman sa
pamamagitan ng pagsusukat at ebalwasyon.

Sa pag-eebalweyt ay hindi madaling gawain at mayroon itong dapat na pakatandaan sa


ebalwasyon at ito ang:

1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag- aaral bago magbigay ng panuto
para sa pagsusulit.

2. Ipaliwanag sa mga mag- aaral kung paanong ang ugali sa trabaho, gawain at oras ng
pagpapasa ng mga gawain ay huhusgahan o mamarkahan/ eebalwahin.
22

3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang basehan ng pagbibigay ng


marka.

4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan ng na kasali sa


ebalwasyon.

5. Huwag babaan ang marka ng isang mag- aaral o apektuhan ang ebalwasyon ng
isang mag- aaral dahil sa pagiging huli sa oras ng klase, unang impresyon sa isang
mag- aaral, damdamin at kawalang modo.

6. Iwasan ang may kinikilingan, dapat irebisa ang mga ebidensya. Ang pagsagawa ng
isang mahusay na pagsusulit pangwika ay hindi lamang sinusukat o sa ebalwasyon
kundi kung paano ito gagamitin, paano buohin at paano magiging epektibo ito. Kaya ito
ay mayroon mga katangian o pamantayan na dapat isalang-alang sa pagsagawa ng
isang pagsusulit pangwika.

Ang mga pamantayan o katangian nito ay ang pagkakaroon nito.

1. Mabisa/Pagkabalido (validity) -ito ang antas kung saan ang batayan ng puntos ay
angkop, makatarungan, at makabuluhan. Gayundin kung talagang sinusukat ng
pagsusulit ang nais nitong sukatin. Ang pagkabalido ay nauuri din sa tatlo at ito ang
mga sumusunod:

A. Criterion validity -ito ay pagsukat sa dapat na sukatin.

B. Content validity -ito ay kahusayan sa paggamit ng kalayan ng lawak ng paksa


sa paggawa ng konklusyon

C. Construct validity - ito ang antas ng paggamit ng mga batayang theoritikal sa


paggawa ng pagsusulit.

Mayroon din ibang pag-aaral na isinagawa na isinasagawa ng ibang mga


lingwista at isa na rito si Lado (in Lado’s Language Testing in 1961 validity is defined as
“essentially a matter of relevance. Is the test relevant to what it claims to measure?”
(Lado, 1961:321). He recommended six steps for achieving maximum validity in
language test.) Sabi ni lado ay ang pagiging balido ay ito ang isang bagay na may
23

kaugnayan sa kung ano ang mga ninais na sukatin sa isang pagsusulit wika. Kung nais
mo na maging isang magaling at mahusay ang iyong mag-aaral sa pagsukat ng
kanilang kaalaman sa ebalwasyon ay talaga bang balido? May katuturan ba ang iyong
mga aytem sa isinagaang pagsusulit o mayroonba itong basihan? Ngayon ay ng
mungkahi si Lado ng anim na yugto sa pagtamasa ng isang balidad pagsusurig wika ito
ang mga sumusunod:

A. Simulan sa paglista kung ano ang mga pagsusulit wika ang nahihirapan aralin
ng mga estuyante. Dito matitiyak ang mas maayos na pagkabalido ng isang
pagsusulit.

B. Pumili at magsagawa ng isang aytem na praktikal at balido kaugnay sa mga


nilalaman at kondisyon sa problema.

C. E-edit ang mga aytem na nagawa para sa posibleng mga aytem na maaring
mahihirap at maaring ay malayo na ito sa nais na isusukat na kaalaman sa isang
pasusulit.

D. Mangasiwa at isagawa ang pagsusulit una mga bihasa sa wika na iyong


isinagawa sa pagsusulit at sa mga hindi bihasa sa wika. Pagkatapos, eedit muli
at alisin ang mga aytem na hindi nasagot ng mga ipinasagot na mga bihasa ay
hindi bihasa sa wikang ginamit. Maaring makapagtaas ito ng pagkabalido at
magiging puro sa wikang kaya lang ang pagsusulit wika.

E. Mangasiwa ulit at isagawa na ang pagsusulit sa mga estudyante kung saan


mo nilalayon isukat at iugnay ang kanilang mga kuha o ang kanilang scores sa
kapwa ka lebel na estuyande sa paraan ng balidong pagsukat.

F. Ipresenta ang data sa paraang correlation coefficient kasunod sa istandard na


baryasyon, o sa inaasahang talaan at graph. (Lado, 1961: 328-29).Kagaya din ni
Castaneto at Abad ay mayrooon din silang ibang pagaaral sa pagsusulit wika at
sa kanila ay ang mga katangian na sinuskat sa pagkabalido ng isang
pagsusuring wika ito ay ang:
24

1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na hangad
sukatin.

2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.

3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang paraan


ng pagiging mabisa ng pagsusulit.

4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.

5. Hindi sapat na ang pagsususulit ay sumusukat lamang sa mga kalamang


natamo ng mga estudyante kundi pati na ang pang-unawa at paggamit sa mga
kaalamang ito.

6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.

7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.

8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layunin, paksa at kakayaham


ng mga estudyante.

2. Mapanghahawakan (reability) ang pagsususlit ay makapagtitiwalaan kung ito'y may


kaugnan sa katatagan sa isang antas ng mag-aaral. Ito din ay ang pagsusukat sa mga
kamalian sa isang pagsusulit. Sinusukat dito ang antas ng pagkatuloy-tuloy at
katatagan ng isang pagsusulit.

3. Pagiging praktikal (practicality) -sabi nga ay hindi magugol sa salapi at panahon:


maaring ibigay, iwasto at bigyan ng interpretasyon ang mga iskor at ito din ay ang
paraan kung paano isinagawa at ipapatupad ang isangpagsusulit.

Bukod sa kaalaman sa mga katangian at kraytirya sa ebalwasyon ay mahalaga din sa


isang guro ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasagawa ng pagsusulit wika.
Sapagkat magkakaroon siya ng kahandaan sa magiging gawain niya at maari ay
malalaman niya kung paano sisimulan ang isang pagsusulit wika. Kailangan ng isang
guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa ng kanyang mga
estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang
25

pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang estudyante,


malaki rin itong basihan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng
guro. Sa paghahanda ng simulain ay kailangan ay:

A. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga


estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang
ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng
kinalabasang di naman mapapaniwalaan.

B. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o


pagsususlit nang sa gayo'y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati
na ang kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

C. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o


pagsususlit. Itoy isang paraan upang lalong makatiyak sa kawastuan ng sagot sa
bawat tanong. Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto ,may
pagkakataon siyang makita ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na
maaring makalito sa mga bata.

D. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang
ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. Ang pasanaysay na
pagsusulit ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-
paniwala ang marka o iskor sa mga pagsususlit na pasanaysay sapagkat ito'y
nababatay o nasasalig sa kondisyon ng tagapagwasto.

E. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan


ng nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa'y walang maksagot
masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat
sukatin nito.Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng
mahihinang bata ang kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay
ang kanilang kakayahan.
26

F. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang


napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga
bata ang hinihing ng bawat tanong.

G. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga


estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng
pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata. Upang maging
maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga
kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at
paghahanda.

Kaya ang mga dapat na isaalang-alang sa paghahanda ng pagsusulit wika ayon kay
Castaneto at Abad,2001 ay:

1. Kailangang may ganap siyang kalaman sa paksang araling nasasaklaw ng


pagsusulit na ihahanda, nang sa gayo'y makabuo nang lalongmahalaga at
makabuluhang tanong.
2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga
pamamaraang sikolohiya ng mga batang gagamit upang maiangkop sa kanilang
kakayahan ang kahirapan ng tanong.
3. Kailngan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastsan
(pasulat o pabigkas) upang maging maikli subalit tiyak na malinaw ang mga
bagay na binabanggit sa mga katanungan.
4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa mga pamamaraan ng
pagsulat at pagbubuo ng tanong, sa iba't ibang uri at anyo ng mga tanong, sa
iba't ibang uri at anyo ng mga tanong, upang madali niyang makita ang kahit
kaliit-liiting kamalian sa paghahanda ng mga ito.
5. Kailangang sa paghahanda mayroong siyang mga sapat na tanong upang
makatiyak sa kahusayan ng pagsubok.
6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang kakayahan at
kabatiran sa paghahanda ng pagsususlit at nakauunawa sa kakayahan ng
mahusay na pagsukat ng mga kalamang pang-edukasyon.
27

7. Kailangang siya'y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan upang magamit na


mabisa sa pakikipagtalastasan.

May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda ng


pagsasanay at pagsususlit. Kaya lahat ng ito aydapat na isa-isip ng isang guro upang
siya ay magkaroon o makagawa ng mahusay na pagsusuliit wika.

Sa pagsusulit wika ang isang napakahalagang kasangkapan upang maisagawa


ang isang epektibo at mabisang ebalwasyon ang isang guro sapagkat siya ang
magiging tulay sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Sa kanyang pagsusukat at
ebalwasyon sa bawat marka na makukuha ng isang mag-aaral ay maaring kadahilan ito
ng pagiging isang mahusay niyang guro maging ang pagiging magaling ng kanyang
mga mag-aaral.

Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit kailangang sundin ang mga simulain sa paggawa ng pagsusulit?
2. Paano mo masasabing ang iyong inihandang pagsusulit ay mabisa?
28

Ano ba ang alam mo?

Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang aralin na ito. Kumuha ka ng


sagutang papel. Sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit.

Panimulang Pagsusulit

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.

1. Isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang ang pamimilian ng

gumaganap.

a. Cloze Test b.Multiple Choice c. True or False d. Error Recognition Test

2. Isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para

sa mga kinaltas na salita.

a. Cloze Test b.Multiple Choice c. True or False d. Error Recognition Test

3. Nabibilang sa uring pakilala na may binubuong pahayag na di-ganap at

sinusundan ng mula sa tatlo hanggang limang kasagutan. Isang sagot lamang

ang pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap.

a. Cloze Test b.Multiple Choice c. True or False d. Error Recognition Test

4. Integratibo sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika.

a. Cloze Test b.Multiple Choice c. True or False d. Error Recognition Test

5. Ito ay ang porsyento ng mga estudyante na nakakuha ng tamang aytem.

a. Discrimatory Power b. Index of Difficulty c.Distractor d. Validity


29

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 5. Panahon sa pagbuo ng pagsusulit

Layunin:

 Naiisa-isa ang mga gabay sa pagbubuo ng pagsusulit.

 Natutukoy ang mga kakayahan na dapat sukatin sa isang pagsusulit.

 Natututunan ang tamang pagsusuri sa bawat aytem ng pagsusulit.

Ating Tuklasin!

Paano nga ba binubuo ang isang pagsusulit?

Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggawa nito?

GABAY SA PAGBUO NG PAGSUSULIT PANGWIKA

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga
kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at
paghahanda.

1. Pagpaplano ng pagsusulit

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.

• Upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral sa ginawang


pagtuturo ng guro o kung may natutunan ba ang mag-aaral sa itinuro.

• Upang matiyak kung taglay na ng mag-aaral ang mga panimulang


kakayahan (pre-requisite skills) o upang malaman ang kaalaman at mga
bahagi ang kailangang linangin sa mga mag-aaral.
30

b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit

•Kaalaman (Knowledge) •Komprehensyon (Comprehension) •Paglalapat


(Application) •Pagsusuri (Analysis) •Pagbubuod (Synthesis) •Pagatataya
(Evaluation)

b. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga


kasanayan at kakayahang susukatin.
c. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang
kabuuang saklaw ng pagsusulit.

Ang Talahanayan ng Ispesipikasyon ay isang plano sa pagsusulit kung anong


topiko o konsepto ang ilalagay sa pagsusulit. Isa itong matrix na kung saan
ay may mga espisipikong topiko o kasanayan at ang layunin nito’y nakabatay
sa Bloom’s Taxonomy. Tinatawag din itong: blueprint sa pagsusulit, test grid
o content validity chart.

d. Pagpasyahin ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

Halimbawa:

•True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali – isang uring papalit na pagsusulit na
dalawa lamang ang pamimilian ng gumaganap. Pinakapayak at pinakamarami ang
anyo ay ang wasto-mali at oo-hindi. Tiyak na nag-aanyaya sa paghuhula.

•Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali – isang uri ng pagsusulit na integratibo


sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika.

•Multiple Choice Test o Uring Papili – ay nabibilang sa uring pakilala na may binubuong
pahayag na di-ganap at sinusundan ng mula sa tatlo hanggang limang kasagutan.
Isang sagot lamang ang pipiliin na siyang pamuno sa pangungusap.

•Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno ng Patlang – ay ang pagpupuno ng mga


nawawalang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap o talata.
31

•Cloze Test – isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may
puwang para sa mga kinaltas na salita.

•Pagsusulit-C – isa pang uri ng cloze test. Iniiwang buo ang unang pangungusap ng
teksto. Simula sa ikalawang pangungusap, tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang
ilang titik. (Depende sa haba ng salita ang bilang ng letrang kakltasin). Ang pag-iwang
buo sa una at huling pangungusap ay magsisilbing gabay sa pagsagot ng mga mag-
aaral.

2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng isang ispesipikasyon


bilang patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bubuuin para sa bawat
kasanayang susukatin.

b. Suriin ang aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang kaguro


ang mga aytem. Magagamit ang mga sumusunod na mga tanong sa pagsusuri
ng aytem.

1. Sinubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang


kasama sa talahanayan?
2. Akma bas a sinusubok na kasanayan amg bawat uri ng aytem sa
pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang ssalita o pahiwatig ang aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsusulit?
6. Ang mga distractor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pag
babalanseat hindi magtutunton sa wastong sagot?
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa
talahanayan ng ispesipikasyon.
8. Hindi ba kakikitaan ng regular na pardon ang paghahanay ng mga
wastong sagot?
32

c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.


2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang
madaling aytem bago ang mga mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay
ng mga sumusunod na impormasyon:
Halimbawa:
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na
nakaitalisado. Kilalanin kung anong uri ng tayutay ang mga ito.
Isulat ang sagot sa patlang. Sagutan lamang ito sa loob ng isang
(1) oras.
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit,
kailangang magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak
na panuto para sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.
3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel.
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit.

Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem.

1. Kahirapan ng aytem (index of difficulty) – ang porsyento ng mga estudyante na


nakakuha ng tamang aytem.

2. Kakayahang magtangi (discrimatory power) – ang pagkakalayo ng mga nakakuha ng


mataas at ng mababa.

3. Pagkamabisa ng bawat distractor.

4. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.

Kapag mababa ang marka o kinalabasan ng pagsusulit, maaaring uulitin ng guro ang
topiko upang maintindihan ng lusbusan ng mga mag-aaral ang mga hindi naintindihan
33

at kapag naman katamtaman o mataas ang nakuha nilang marka ay maaari nang
ipagpatuloy ng guro ang susunod na topiko.

Gawain 1: Puzzle

Panuto: Bilugan ang mga salitang tumutukoy sa mga kakayahang dapat sukatin ng
isang pagsusulit.

P I M P S O P E N

A A N A W E A Z A

G N O G T I G P N

L K Q T V N S A R

A A P A G B U O D

L R I T R O R L E

A K A A L A I A N

P I E Y O Y G L F

A S D A I K N A A

T T I A N G U Z M

Gawain 2: Tama o Mali

Panuto. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag hinggil sa tamang pagsusuri ng
bawat aytem ng pagsusulit at Mali naman kung ang pahayag ay hindi makatotohanan.
34

_____1. Sinusubok ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang


kasama sa talahanayan.

_____2. Akma sa sinusubok na kasanayan amg bawat uri ng aytem sa pagsusulit


ngunit nakalilto.

_____3. Maliwanag na nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem.

_____4. Mayroong mga di-kailangang ssalita o pahiwatig ang aytem.

_____5. May sapat na antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsusulit.

Gawain 3: Pagpapaliwanag

Panuto: ipaliwanag ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong papel.

Paano binubuo ang isang pagsusulit?

Sagot:________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________
35

Ano ba ang alam mo?

Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang aralin na ito. Kumuha ka ng sagutang
papel. Sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit.

Panimulang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan.

a. Pagsusulat b. Pagbasa c. Komprehensiyon d. Pagkatuto

2. Ilang antas mayroon sa antas ng pag-uunawang kognitib ni Bloom?

a. 6 b. 4 c. 5 d.10

3. Pag-unawa at pagdama sa damdamin ng iba.

a. pagkilala b. paglalapat c. empathy d. pagpapaliwanag

4. Ang mga sumusunod ay kabilang sa antas ng pag-unawa ni Bloom maliban sa isa.

Alin ito?

a. pananaw b. paglalapat c. empathy d. pagpapaliwanag

5. Pinapasakay nito ang mga kausap sa iyong iniisip, nararamdaman o gustong

sabihin.

a.Leading questions c. Probing Questions

b. Rhetorical questions d. Funnel questions


36

YUGTO NG PAGKATUTO

Aralin 6. Dimensyon at Antas ng mga tanong pag-unawa

Layunin:

 Naiisa-isa ang anim na antas ng pag-unawang kognitib ni Bloom.


 Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga tanong ayon sa antas ng pag-unawa.

Pag-aralan natin!

Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa


teksto Ang pag-unawa/komprehensyon ay isang masalimuot na prosesong
pangkaisipan. Kapag tayo’y nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang
dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan
sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang pagpapakahulugan.

Anim na Antas ng Pagtatanong sa Ilalim ng Antas Pag-unawa sa Kognitibong Domeyn


ni Benjamin Bloom

1. PAGPAPALIWANAG

Naglalayong agarang malaman ng mga mag-aaral ang mga bagay-bagay


impormasyon sa isang partikyular na kondisyon.

Halimbawa:

Bakit nangyari ang ganito/Bakit nagkaganun?

Bilang paglalahat/konklusyon. . .

A. INTERPRETASIYON
37

Nagmumungkahi na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga nakatagong


bahagi ng kaalaman sa mga impormasyon.

Halimbawa:

Ano ang inilalarawan/ipinahihiwatig ng. . . ?

Patunayan.

3. PAGLALAPAT (TRANSFER QUESTION)

Ginagamit upang mailapat ang nakaimbak na kaalaman ng mga mag- aaral sa


ibang sitwasyon.

Halimbawa:

Bumuo/Sumulat/Gumawa ng. . .

Magtanghal ng. . .

4. PAGBUO NG SARILING PANANAW

Tinatawag sa Ingles na reflective questions

Halimbawa:

Ano ang pananaw ng . . . Patunayan.

Alin sa mga sumusunod na pananaw/ideya ang kapani-paniwala/di


kapani-paniwala? Ipaliwanag.

5. PAGKILALA SA SARILI

Tinatawag din sa Ingles na self- knowledge

Halimbawa:

Paano nakakatulong sa tao ang pagkilala sa sarili?

May limitasyon ba ang pag-unawa ng tao?


38

6. EMPATHY

Sa Filipino ito ay Pagdama at Pag-unawa sa Damdaminng Iba.

Halimbawa:

Ano ang damdaming nangingibabaw sa. . . ?

Ano ang mga nakita ko na hindi mo nakita sa. . . ?

Sino sa mga tauhan ang dapat unawain/di dapat unawain?

Iba pang Uri ng mga Tanong

A. OPEN QUESTIONS- Karaniwan itong pagpapalawig na nagsisimula sa Ano.


B. CLOSE QUESTIONS- Maiikli, direkta at makatotohanan ang sagot. Ito ay
mainam sa pagtataya sa pag-unawa sa’yo ng Iba:
C. FUNNEL QUESTIONS- Ginagamit ito ng mga detective/inspektor para
makakuha ng sapat na katibayan/impormasyon mula sa witness.Kapag gagamit
ng ganitong tanong, magsimula muna sa closed questions at saka na ang open
questions. Mainam ito sa paghahanap ng iba pang detalye sa isang tiyak na
Sitwasyon.
D. PROBING QUESTIONS- Ang epektibong paraan nito ay paggamit ng 5Ws at
How.Ito ay mainam sa ilang Impormasyon para sa ilang klaripikasyon.
E. LEADING QUESTIONS- Pinapasakay nito ang mga kausap sa iyong iniisip,
nararamdaman o gustong sabihin.
F. RHETORICAL QUESTIONS- Ito ay ginagamit upang makapanghikayat ng mga
tagapakinig.Hindi ito nangangailangan ng sagot mula sa tagapakinig.

Gawain 1: Pagtukoy

Panuto: Basahing mabuti ang mga ibinigay na halimbawa. Tukuyin kung anong antas
ito ng pag-unawa ayon sa antas ng pag-unawang kognitib ni Bloom.

1.Bakit bumaha ng ubod na lakas sa bayan ng San Roque?


39

2.Ano ang ipinapahiwatig ng saranggola sa akdang “Ang Saranggola?”

3.Maglahad ng iyong sariling pananaw hinggil sa inasal ni Mathildi sa akdang “Ang


Kwintas”.

4.Magtanghal ng isang monologo batay sa karanasan ni Sisa sa Noli Me, Tangere.

5.Sa akdang “Dekada “70”, sino sa mga tauhan ang lubos na nakakahabag at bakit?

Gawain 2

Panuto: Sa iyong sagutang papel, magtala ng limang (5) halimbawa ng mga


katanungan at tukuyin kung nasa anong antas at dimension ng pag-unawa ito.

Isang malugod na pagbati sa iyong pagtatapos sa ating aralin. Nawa’y ikaw ay


maraming kaalamang natutunan.
40

TALASAGUTAN

Panimulang Pagsusulit
1. a Aralin 2.
2. b Paggamit ng Rubrik Aralin 5. Gawain 1
3. c 1. paglalapat
4. c Aralin 3. 2. pagsuri
5. a a. 8 3. pagtataya
6. a b. 4 4. pagboud
7. d c. 3 5. kaalaman
8. c d. 5
9. c e. 10 Aralin 5. Gawain 2
10. a f. 7 1. Tama
11. c g. 9 2. Mali
12. a h. 1 3. Tama
13. a i. 2 4. Mali
14. b j. 6 5. Tama
15. b
16. b Aralin 4. Aralin 5. Gawain 3
17. a Maraming Pagpipilian Paggamit ng Rubrik
18. c 1. A
19. d 2. B Aralin 6.
20. a 3. D Maraming Pagpipilian
Aralin 1. 4. B 1. c
Pagtatapat-tapat 5. C 2. a
1. F 3. c
2. C Aralin 4. Gawain 1 4. a
3. D Paggamit ng Rubrik 5. a
4. B
5. D Aralin 4. Gawain 2 Aralin 5. Gawain 1
Tama o Mali Paggamit ng Rubrik 1. pagpapaliwanag
1. TAMA 2. interpretasyon
2. MALI Aralin 5. 3. paglalahad
3. TAMA Maraming Pagpipilian 4. paglalapat
4. MALI 1. c 5. empathy
5. TAMA 2. a
3. b Aralin 5. Gawain 2
4. d Paggamit ng Rubrik
5. b
41

Rubrik

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5 4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita ng
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo ng
mensaheng nais
mensaheng mensaheng mensaheng
ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang sa napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na nais ipabatid na ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
Wasto ang iilang lahat ng mga
Wasto ang lahat ng Wasto ang mga
Kawastuhan mga pangungusap pangungusap ay
mga pangungusap at pangungusap at
at angkop ang hindi wasto at
angkop ang paggamit angkop ang
paggamit ng hindi angkop ang
ng gramatika at paggamit ng
gramatika at retorika paggamit ng
retorika gramatika at
gramatika at
retorika
retorika
42

SANGGUNIAN

Caroline Lace. Mga Simulaing Dapat Sundin Sa Pagbuo Ng Pagsusulit. 13 July


2016, www.slideshare.net/imbiaa/mga-simulaing-dapat-sundin-sa-pagbuo-ng-
pagsusulit
Liwanag, Lydia. Mga Batayang Kaalaman Sa Pagsusulit Pangwika.
Mickshiey, Aleihs. “Isang Mahiwagang Paglalakbay: MGA URI NG AYTEM SA
PAGSUSULIT.” Isang Mahiwagang Paglalakbay, 2016,
aleihsmickshiey.blogspot.com/2016/05/mga-uri-ng-aytem-sa-pagsusulit.html.
“Pagbuo Ng Iba’t Ibang Uri Ng Pagsusulit Pangwika.” Prezi.Com,
prezi.com/vqbmsmrpawbj/pagbuo-ng-ibat-ibang-uri-ng-pagsusulit-pangwika
“Pag Unawa at Komprehensyon.” Slideshare.Net, 7 Dec. 2013,
www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-komprehensyon. Accessed 17 Jan.
2020.
Tan, Noel. “Module 6.2 Filipino.” Slideshare.Net, 27 Aug. 2013,
Scribd,www.scribd.com/search?content_type=tops&page=1&query=mga%20pat
nubay%20sa%20paghahanda%20ng%20pagsusulit.

You might also like