You are on page 1of 10

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Mga Konsepto:
•Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at
epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and
bawat metodo o pamaraan.
•Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa
bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong
teksto, larawan, o larong pangwika.
•Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase.
Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang
maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
•Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto
at pagtuturo.
•Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong
paglalahad wika at batay sa isang dulog.
•Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito
ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon
din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.
•Silabus – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na
programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin,
pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon
sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng mga mag-
aaral.
B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral 
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-
ibang katangian: kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa
wika; motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga
mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang
bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral 
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming
pagkakataon upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika 
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-
aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at
makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at interes. Magagawa
lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan
mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng natural at
hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika 
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral
sa loob ng maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang
anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at stratehiya na makatutulong upang
magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural 
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
Mahalagang magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at
mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama
sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang pang-kultura
na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong
gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan 
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na
maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng
wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-
alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang lakas ng wika upang
mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit ng target na wika.
7. Simulain ng Pagtataya 
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging
pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may
pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan
itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan 
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling
pananagutan anuman ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa
sariling sikap.
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
• Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika. 
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika. 
3. Mga Katangian. 
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na
wika. 
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan. 
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig
at pagsasalita. 
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at
pagkatapos ay magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin. 
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi
isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral. 
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa
pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.
• Ang Series Method
Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo
nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na
pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto na madaling maunawaan ng mag-
aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong
kayaring balarila na napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang
transpormasyon ng mga pananaw sa wika at isang konsepto na madaling
maintindihan.
• Ang Pamaraang Direct
Mga simulain sa pamaraang Direct.
Mga katangian: 
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin. 
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng
mga parilala, at paulit-ulit na pagsasanay. 
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na
pagsasanay. 
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga
tuntuning balarila ay itinuturo ng mga modelo. 
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit
sa pangungusap. 
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa
language labs at mga pagsasanay na pares minimal. 
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase. 
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay. 
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang
kamalian.
Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70 
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na
pandamdamin. Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-
Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga
mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng
kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y
isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang
kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian: 
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-
aaral na maging panatag ang kalooban 
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may
maririnig na mahinang tugtugin. 
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay
nang komprehensibo. 
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong
wika. 
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan
(conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang
kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang musikang naririnig ay
nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali. 
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama. 
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal
na pagsubok ang ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung
ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto. 
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa
proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa
ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan Silent Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin
na nagsasabi na ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay
ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na
isinasagawa ng mga mag-aaral. 
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang
guro, tumutugon ang mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro. 
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura
ng mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika. 
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga
kilos. 
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang
magsalita; mga kamaliang global lamang ang iniwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng
pagkatuto kung saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang
mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural approach na malinang
ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng
gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-
usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa. 
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling
gawaing pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa
pagatuturo. 
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral; 
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. 
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay) 
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili; 
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-
aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga
impormasyon na laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa. 
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-
samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga
itinakdang layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya
kundi pag-unawa rin s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging may nauunawaan sa
isang konteksto. 
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod: 
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan 
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na
paggamit nito. 
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon 
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa
aktuwal na paggamit ng wika sa “labas” 
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit
upang bigyan-diin: 
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit
nitong elemento gaya ng ponema, morpema at sintaks. 
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at
pagsasalita) at wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at 
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na
katulad din ng alituntuning pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language
ay isang lebel na ginagamit upang mailarawan ang: 
a) Tulong-tulong na pagkatuto 
b) Pagkatutong partisipasyon 
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral 
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan” 
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
10. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay
ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa
pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin,
na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng
nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga
kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng
paggamitan nito
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na
pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga
inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang task ay isang
espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa teknik.
Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang
nito ang tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang
komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang
mga hangaring nito’y lagpas na nakagawiang pagsasanay ng wika.
Sa pananaw ni Noam Chomsky, ang dahilan kung bakit marunong magsalita o nakabubuo na ng
pangungusap ang mga bata kahit wala pang pormal na pag-aaral, iyon ay dahil likas sa kanila na matuto
ng wika. Iyon din ang kanilang magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga pangungusap sa kadahilang may
nakabaong gramatika sa kanilang isipan. Ayon kay Chomsky at ng iba pang linggwista, sa kabila ng ating
pagkakaibang wika sa buong mundo na umaabot ng 5000 hanggang 6000, may pagkakatulad pa rin tayo
sa pagbuo ng pangungusap. Pinaniniwalaan ng mga linggwista, ito’y isang “universal grammar” na likas at
nakaimbak sa utak ng tao.
Kapag pinag-uusapan ang “universal grammar”, kaakibat nito ang “nativist theory” ni Noam Chomsky. Ibig
sabihin nito, ipinanganak tayo na may kakayahang magsalita at bumuo ng mga pangungusap kahit hindi
tayo tinuturuan ng ating mga magulang. Ang pagkatuto natin sa wika ay maihahalintulad sa ating
paghinga at paglakad. Hindi tinuro sa atin ng ating mga magulang, “Anak, inhale, exhale” o kaya naman ay
“Anak, hakbang sa kanan tapos kaliwa”. Pansinin ang sumusunod na pangungusap:
1. “Tay, gutom na po ako, kain na po tayo.”
2. “Tay, kumain na po ako, maaari na po ba akong manood ng cartoons?”
3. “Ate, salamat po sa pasalubong. Mamaya ko na lang po kakainin, kakakain ko lang po kasi.”
Batay sa mga naibigay ng pangungusap sa itaas, “innate” o likas sa atin ang matuto ng wika dahil
pinaniniwalaan ni Noam Chomsky at ng iba pang linggwista na may nakabaong gramatika sa ating isipan.
Dahil dito, hindi na kinakailangan pang ituro sa atin ng ating mga magulang ang wastong gamit ng
aspekto ng pandiwa: perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at katatapos . Alam natin gamitin ang mga
ito ngunit hindi natin alam ang tawag sa mga ito, magkakaroon lamang tayo ng ideya o kaalaman sa oras
na pumasok na tayo sa paaralan at tinuro na ito ng ating guro sa Filipino.
Kung ang computer ay may motherboard na nagsisilbing utak kung saan naiimbak ang lahat ng datos na
tinatayp ng tao, mayroon ding LAD (Language Acquisition Device) kung tawagin, na nakabaon sa bahagi
ng utak natin mula pa nang tayo’y isilang sa mundong ito. Pansinin ang terminong ginamit, “acquisition”
na ang ibig sabihin ay “pagtatamo” at hindi “learning” na “pagkatuto” kung isasalin sa wikang Filipino.
Samakatuwid, pinatutunayan nito na likas talaga sa atin ang pagkatuto sa wika. Wala pa tayong pormal na
edukasyon ay natamo na natin at nakakapagkomunika na tayo sa iba. Hindi tayo tinuruan ng ating mga
magulang kung paano maglakad at mas lalong hindi nila tayo tinuruan kung paano ang magsalita.
Sa lahat ng teorya na tumatalakay sa pagtatamo ng wika, ang Universal Grammar (UG) ang pinakatanyag at
katanggap-tanggap. Bilang patunay, pansinin ang mga batang hindi kasama ang kanilang mga magulang
at hindi sila nakakausap ngunit nakakapagsalita pa rin. Sa katunayan, nakabubuo pa sila ng sarili nilang
salita o kaya nama’y itatawag sa isang bagay. Nakaririnig man sila ng mga salitang nanggagaling sa mgma
taong nakapaligid sa kanila ngunit hindi nila ito basta-basta ginagaya bagkus pinipili lamang nila ang
kanilang sasabihin. Pansinin din na mas tama pa ang gramatika ng mga bata kaysa sa gramatika ng
matatanda sa kadahilanang may nakabaong gramatika sa isipan ng mga bata.
Sa paglipas ng panahon, sa walang humpay na pakikisalamuha ng tao, unti-unti nang naiimpluwensiyahan
sa kanyang mga naririnig na salita. Dumarating sa puntong ginagaya na niya ang mga salitang kanyang
naririnig at inilalapat sa kanyang pang-araw-araw ng pamumuhay at hindi namamalayan na mali na pala
ang kanyang gramatika. May pagkalito na sa kanyang isipan sanhi ng hindi na niya matukoy kung ano o
sino ang tama. “Kung ano ang bigkas, siyang sulat at kung ano ang bigkas, siyang baybay” kaya tuloy
nagkakaroon ng kamalian pagdating sa pagsulat ng sanaysay. Bukod dito, ang patuloy na pagkahumaling
ng kabataan sa mga makabagong teknolohiya ang isa sa mga salik kung bakit nakakaligtaan na nila ang
pagsulat na isa sa mga makrong kasanayn. Ang pagte-text ay isa pang dahilan kung bakit mali-mali na
ang kanilang paraan ng pagbabaybay at hanggang sa pagsulat ay nailalapat nila. Sa tuwing pinag-uusapan
ang sanaysay, pumapasok dito ang kasanayang gramatikal. Kasanayan sa nilalaman, paggamit ng salita,
paraan ng kanilang pagsusulat, at maging ang kanilang paraan ng pagbabaybay.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganitong mga asignatura ang pag-aaralan sa Filipino 101.  Ang
akala ko ay pag-aaralan namin ang mga tanyag na nobela na ginawa ng mga tanyag na manunulat,
katulad ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, El Filibusterismo at iba pa. Tumatak
na kasi sa isip ko ang sinabi ng dating kong guro sa Filipino na ang mga nobelang pinag-aralan
namin nung hayskul ay panimula pa lamang sa pag-aaralan namin sa Kolehiyo, kaya nga medyo
nanibago ako sa talakayan sa Filipino, gayunpaman, masaya ako dahil nagkaroon ako ng bago at
malalim na kaalaman tungkol sa sariling wika.

Isa sa aking mga natutunan sa Akademikong Filipino ay ang mga teorya tungkol sa pagtatamo ng
wika. Ayon sa Teoryang Motherese, naiimpluwensiyahan ng mga taong nakapiligid sa bata ang wika
nito, dito ko malalaman kung paano, saan at sino ang nagpalaki sa bata. Kung ang bata ay nakapag-
mumura na sa murang edad, makikita ko na sa isang maledukadong pamilya siya nagmula. Ayon
naman kay Jean Piaget sa kanyang Teoryang Cognitive Construction, ang pagdebelop ng wika ang
kasunod ng pagdebelop ng kanyang kaisipan. Kung ang bata ay gumagamit ng mga salitang hindi pa
akma sa kanyang edad, mapapansin natin na ito ay busog sa kaalaman at kakayahan. At ang paborito
kong teorya sa lahat ay ang Teoryang Nativist ni Noam Chomsky na nagsasabi na ang bawat
indibidwal ay may kakayahan na matuto ng wika. Paborito ko ito dahil nalaman ko na meron pala
tayong Language Acquisition Device (LAD). Para sa akin, MEDYO magkahalintulad ang teoryang
ito sa Teoryang Behaviorist ni B.F. Skinner dahil masasabi rin dito na natamo ng bata ang wika dahil
mayroon siyang kakayahang matuto ng wika na ginagamit ng iba.

Sa lahat ng mga paksang tinalakay namin sa asignaturang ito, “Pagbabagong Morpemiko” ako
pinaka nahirapan. Nahirapan ako dahil ang daming mga termino at proseso na dapat intindihin,
katulad sa asimilasyong parsyal at ganap. Sinasabi sa asimilasyong parsyal na ang tunog /ng/ sa isang
salita ay papalitan ng /m/ o /n/ (panglaba – panlaba * pangbato – pambato) at habang sa asimilasyong
ganap naman ay hindi mo lang papalitan ito ng /n/ o /m/ bagamat tatanggalin pa ang kasunod na
ponema upang maibigkas ng mas madali at mas maayos ang morpema. Isang uri pa ng pagbabagong
morpemiko ay ang pagpapalit ponema, papalitan mo ang tunog na /d/ sa /r/ at ang tunog /h/ sa /n/
(madupok – marupok * tawahan – tawanan).  Marami pang ibang Pagbabagong Morpemiko akong
natutunan sa paksang ito katulad ng Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Paglilipat-siin at Reduksyon,
ngunit hindi ko na ito masyadong papalawakin dahil gusto kong mag-pokus doon sa unang tatlong
uri ng Pagbabagong morpemiko. Dahil doon pa lang sa tatlong uri na iyon, napagtanto ko na hindi
lang talaga basta-basta ang Filipino at dito ko din napagtanto na  magaling lang pala ako sa
pagbabasa at pagbibigkas, ngunit malaking hangal naman  sa totoong pag-aaral ng wika.
Maniwala man kayo o hindi, napalaking tulong sa akin nitong pag-aaral sa Filipino, lalong lalo na
nang tinalakay namin ang komunikasyon. Naging malaking tulong siya dahil pangarap kong maging
isang guro ng mga batang mentally impaired. Bagamat sandali lang namin natalakay, naging
malaking tulong ito sa akin sa pagkakaroon ng background knowledge tungkol sa komuinikasyon.

Ang acronym na S-P-E-A-K-I-N-G ay nanggaling kay Dell Hymes na nagsasabi na kailangan o alam
ng isang ispiker ang acronym upang siya maging mahusay na komunikador. “S” para sa Setting,
kailangan ng ispiker na malaman ang lugar at oras ng kanyang talumpati. “P” para sa Participants,
dapat mayroong kaalaman ang kung sino ang makikinig sa kanya, hindi siya pwedeng gumamit ng
mga hiram na salita (English words) kung ang makikinig sa kanya ay mga taong hindi nakatapos ng
pag-aaral. Ang mga letrang “E” at “A” naman ay para sa Ends at Act Sequence, dapat maliwanag sa
ispiker kung paano niya paninimulaan at tatapusin ang isang konbersasyon. “Ang “I” naman ay
tumutukoy kung paano naipahayag ng ispiker ang kanyang mensahe, kung sa sulat o berbal na
interaksyon. “N” para sa Norms o Nouns na ginagamit ng ispiker at ang huli ay ang “G” para sa
Genre. Dapat magaling ang ispiker sa pagpapahayag ng kanyang mensahe upang maunawaan natin
kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, kung gusto niya lang ba magsalaysay ng mga kwento o
maglarawan ng mga pangyayari o maglahad ng kanyang saloobin o mangatwiran ng kanyang mga
opinyon. Masasabi natin na mahusay nga ang isang ispiker kung mayroon siyang “S-P-E-A-K-I-N-G
Characteristics”.

Ngunit aanhin naman ng ispiker ang “S-P-E-A-K-I-N-G characteristics” kung hindi maayos ang
paggamit niya ng bawat komponent ng komunikasyon. Lahat ng komunikasyon ay nangangailangan
ng “Tao” bilang mensahero at tagatanggap ng mensahe, at doon sa mensahe na iyon, kailangan ng
layunin upang malaman ng tagatanngap ang ipinapahiwatig ng mensahero. Ang dalawa pang
komponent ng komunikasyon ay ang Tsanel na kung saan dumadaloy ang mensahe habang ang Koda
naman ang nagpapalinaw sa ayos ng gramatika ng mensahe. Sinama na rin sa ibang aral ang ingay o
sagabal bilang komponent ng komunikasyon.

Sa lahat ng mga paksang tinalakay namin, sa “Uri ng Tagapakinig” ako buhay na buhay. Gusto ko
kasing malaman kung sino ba talaga ang totoong nakikinig at paano sila makinig. Makukuha mo pa
lang sa pangalan na lagging tulog at hindi nakikinig ang mga “Sleeper”, at kunwari namang
nakikinig nag mga “Eager Beaver”. Nakakatuwa namang tignan ang mga “frowner” dahil lagi silang
nakasimangot kahit naman hindi masyadong seryoso ang pinag-uusapan habang nakakainis tignan
nag mga “bewildered” dahil sa kahit na anong haba ng paliwanag mo, nakabakat pa rin sa mukha nila
na hindi nila matukoy ang mensahe ng ispiker. “Busy bee” at “Relaxed” listeners naman ang
iniiwasan kong tignan, dahil nayayabangan ako sa kanila na para bang alam na alam na nila yung
mensaheng sinasabi. At siyempre pinaka magandang modelo ng tagapakinig ay ang “two-eared”,
dahil makikita mo pa lang sa kanyang mata na gutom siya sa kaalaman.

Oo, inaamin ko na ngayon ko lang nalaman at natalakay ang mga  ganitong paksa tungkol sa wika at
komuinikasyon, ngunit hindi ito naging daan upang ako ay magmukmok at ipagdudukan sa sarili ko
na ako’y isang Filipinong gunggong sa sariling wika, kung di ito ay aking naging daan kung paano
ako mas magiging mahusay na komunikador ng Filipino.

You might also like