You are on page 1of 5

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

UNIVERSITY
College of Teacher Education

Yunit III – Mga Pagdulog, Pamamaraan, Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Panitikan

ARALIN 4 – MGA PAGDULOG


Inihanda nina Janeth M. Luis at Lilybeth C. Agno

Ang Four-Pronged Approach sa Pagtuturo

1. Genuine Love for Reading


 ay nililinang sa pamamagitan ng pagbasa ng guro ng kuwento
 ito ay tumutugon sa isang layunin ng pagtuturo ng panimulang pagbasa
 naglalayon na:
o maalis ang balakid
o maipaalala sa mga bata ang karanasan
o magbigay ng direksiyon sa babasahin

Pagganyak at Pangganyak na Tanong


Ito ay naglalayong:
 mapukaw ang interes ng mag-aaral sa babasahing kuwento
 matulungan sila para maalala ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kuwento
 mabigyan sila ng direksiyon kung ano ang hahanapin o sasagutan habang
pinapakinggan ang kuwento

Mga Maaari Pang Gawin Bago Magbasa ng Kuwento


 Semantic Web/ Concept Web

 Prediction Chart

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
UNIVERSITY
College of Teacher Education

 Ang KWL Chart

Mga Gawain Habang Nagbabasa ng Kuwento


 Basahin ang kuwento na nakaharap sa bata ang pahina na binabasa, para Makita
nila ang drowing at ang text na binabasa.
 Pagkabasa ng ilang pahina, maaaring magtanong ang guro para maging
interaktibo ang pagbabasa, at para mabigyan ng pagkakataon ang bat ana
mahulaan ang susunod na mangyayari

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Four-Pronged Approach


 Pumili ng kuwento o tulang makukuha agad ang interes ng mga mag-aaral
 Ang napiling kuwento o tula ay dapat angkop sa edad, interes, at lebel ng
bokabularyo ng mga mag-aaral
 Dapat malinaw sa guro ang mensahe ng napiling kuwento o tula
 Ang pagkakaunawa ng guro sa kuwento/tula ang mahusay na basehan sa pagtukoy
ng angkop na layunin na magsisilbing gabay sa pagtalakay sa aralin
 Kinakailangang matukoy ang mga salita, parirala, lugar at iba pang mahahalagang
detalye ng kuwento na magiging sagabal sa pang-unawa ng mga mag-aaral
 Ang paghalaw ng balakid ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng demonstrasyon,
konkretong bagay, guhit at iba pang uri ng representasyon, verbal/context clues, at
palaro.
 Panatilihin ang pagmamahal at interes ng mga mag-aaral sa pagbasa
 Itanong o ilahad ang pangganyak na tanong sa masining na paraan. Maaari ring
magpalahad ng mga karanasan ng mga mag-aaral
 Ganyaking mabuti ang mga mag-aaral upang making sa kuwento
 Gawing masining ang pagkukuwento upang mapanatili ang interes ng mga mag-aaral

2. Critikal Thinking
 Ipasagot ang tanong na pangganyak pagkatapos Mabasa ang kuwento
 Ang talakayan dapat ay nakapokus sa paghalungkat sa kabuuang mensahe at
kagandahan ng kuwento

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
UNIVERSITY
College of Teacher Education

 Habang nagtatalakay, alalahaning kailangan ng mga mag-aaral ang paggabay ng guro


upang kanilang mas maunawaan ang kuwento. Magkaroon ng paglalahad ng
repleksiyon
 Ang mga mag-aaral ay dapat matutong maglahad ng mas malalim na kaisipan(critical
thinking)
 Malikhaing mga gawain o pagsasanay ay makapagpapaunlad ng kasanayang pagbasa
at pakikinig sa mas estetikong lebel ng pagsusuri sa kuwento o tula
 Sa pamamagitan ng method of sharing sa panitikan, napapaunlad ang bokabularyo,
napapahaba ang attention span, pinapatatag ng listening comprehension ang critical
thinking, at nai-aaplay sa araw-araw na gawain

3. Mastery of the Structure of the (Filipino/English) Language


 Sa pamamagitan ng method of sharing sa panitikan, napapaunlad ang bokabularyo,
napapahaba ang attention span, pinapatatag ng listening comprehension ang critical
thinking, at nai-aaplay sa araw-araw na gawain
 Ang panitikan ay mahusay na pagmulan ng mahusay na wika
 Madaling matututunan ng mga mag-aaral ang wika at gagamitin nila sa pakikipag-
usap
 Ang kuwento o tula ay magandang karanasan nap ag-uusapan ng mga mag-aaral
 Ang paggamit ng shared knowledge at individual security sa pagtalakay ng estruktura
ng wika ay nakatatanggal ng suliranin sa kasanayang pakikinig at pagsasalita
 Sa paggamit ng konteksto ng kuwento, makapaglalahad ang mga mag-aaral ng
bagong natutunang estruktura ng wika

4. Transfer Stage
 Ang mga mag-aaral na dati nang nababasahan ng kuwento ay mas gustong magbasa
 May mga pagkakataon na ang mga mag-aaral ay magpapanggap na nagbabasa, ibig
sabihin lamang na hand ana sila sa beginning reading instruction o transfer stage
 Mas sistematiko na ang pagbabasa
 Handa na rin ang mga mag-aaral na mabigyan ng reading readiness activities
 Fuller approach ay nagsisilbing gabay sa maayos na pagtuturo ng ponema
 Ang marungho approach ay nakapaglalahad din ng estruktura

Integrative Approaches (Integratibong Pagtuturo)

 Ang pamamaraang ito ay ang pagsasanib ng iba-ibang paksa at paglalahad ng mga ito
bilang iisang konsepto

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
UNIVERSITY
College of Teacher Education

 Nagagamit ito kung ang panitikan ay ginagamit bilang lunsaran ng pagtuturo ng wika
o di kaya’y ibang larangan

Tematik na Pagtuturo
 nagagamit ito na estratehiya sa pagdulog na integratibo
 may tema na nag-uugnay sa lahat ng mga kasanayan ng iba’t ibang disiplina

Ayon kay Nelson


 ang pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang makapagbigay ng mayaman at mas
realistikong kaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral
 nakikita dito ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili bilang mga mambabasa,
manunulat, artista at iba pa
 nauunawaan nila ang mga layunin ng mga gawaing pagkatuto at kung gaano kalawak
ang aplikasyon na maaari nilang magawa buhat sa kanilang mga pagsisikap

Ang Suggestopedia

Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa
ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-
aaral at relaks ang kanilang isipan.

Mga katangian: 
 Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na
maging panatag ang kalooban 
 Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na
mahinang tugtugin. 
 Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo. 
 Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika. 
 Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious)
kung saan nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-
conscious) kung saan ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay
madali. 
 Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama. 
 Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na
pagsubok ang ibinibigay.

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
UNIVERSITY
College of Teacher Education

Literature-Based Approach

Sa pagbabasa, ang pagdulog na ito ay binibigyang-kahulugan bilang, pagtuturo sa mga


batang magbasa ng panitikan maging ito ay piksyon o di-piksyon na nasulat upang magamit
sa reading instruction ---ito ay ayon kina Harp at Brewer(2005)

Ayon naman kay Johnson(2014), ang kagandahan ng pagdulog na ito ay maaring gamitin
ang panitikan o babasahin upang mag-enjoy ang mga batang magbasa. Ang punto ditto,
habang ineenjoy nila ang kuwento, natututo rin sila at napapaunlad ang kanilang kasanayan

Ang Pilosopiya
 no buying basal-sets materials ay kabuuang piyesa ng panitikan
 pagtuturo ng pagbasa ay mula sa konteksto ng totoong pagbabasa
 naibibigay lamang kung kailangan
 hindi kailangang magbigay ng mga worksheet o gawaing pangbokabularyo
 hinihikayat ang mga mag-aaral na maglahad ng kanilang interpretasyon ng kanilang
binasa
 may sapat na pagpipilian ang mga mag-aaral
 ang pagtataya ay integral at nakakapaglahad ng instruksiyon
 nakakapagkonek ng makatotohanang pangyayari sa buhay

Benepisyo at Limitasyon
 Ang mga mag-aaral na natuto sa pamamagitan ng literature-based approach ay mas
mahusay ang kanilang pagkatuto sa pagbasa
 Ang mga mag-aaral ay natututo ng individualized reading instruction ay mas
natutugunan ang kanilang pangangailangan
 Ang posibleng limitasyon nito dahil sa individualized instruction ay nangangailangan
ng palagiang pagsubaybay, bagamat nangangailangan ang pagdulog na mas
maraming oras ng mga guro. Binigyang-diin nina Harp at Brewer(2005), kailangang
ng kumperensiya ng guro at ng mag-aaral sa umpisa ng pagpapabasa

Castro Ave., Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines


 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

You might also like