You are on page 1of 14

Ang Guro sa Paglinang

ng Edukasyon

April M. Bagon-Faeldan
Ang mga Katangian ng
Epektibong Guro
Sa meta-tesis na nakapokus sa emperikal
na pag-aaral ukol sa kalidad at kwalipikasyon
ng mga guro, natuklasan ni Rice (2003) ang
limang malawak na kategorya ng epektibong
guro:
Karanasan
Paghahanda ng programa at
kursong natapos
Uri ng mga Katibayan
Mga Gawaing natapos bilang
paghahanda sa profesyon
Mga Marka ng Guro sa Pagsusulit
Kaugnay nito, nagsagawa ng pagsusuri sina
Wayne at Youngs (2003) ukol sa mga katangian
ng epektibong guro at ugnayan nito sa
kabisaan ng mga mag-aaral. Pinasagutan ng
mga mananaliksik sa mahigit na animnapung
(60) kataong may karanasan sa pagtuturo at sa
mga estudyanteng magtatapos ng kursong
edukasyon ang tanong na Anong mayroon sa
paborito mong guro kaya ka natuto?
Mula sa datos na nakalap, lumabas sa pag-
aaral ang labindalawang (12) katangian ng
epektibong guro:
Walang itinatangi
May positibong ugali
May kahandaan
May haplos-personal
Masayahin
Masayahin
Marunong tumanggap ng kamalian
Mapagpatawad
May respeto
May mataasna ekspektasyon
Mapagmahal
Ipinadaramang kabilang ang bawat
mag-aaral
Ang Epektibong Guro at ang mga Modelo
sa Pagtuturo
Sa artikulo ni Rotor (2004) ay binuod niya ang
mga katangian ng epektibong guro mula sa aklat
ni Dr. Flordeliza Clemente-Reyes, ang Unveiling
Teaching Expertise- A Showcase of 69
Outstanding Teachers in the Philippines (2003).
Itoy pinasimulan at pinondohan ng Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), at sa
tangkilik ng mga organisasyong di-panggobyerno
at ng maraming kolehiyo at pamantasan.
Ang katangian ng epektibong guro ay ang mga
sumusunod:
Eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo,
gaya ng paksang-aralin, pamamahalang
pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks sa
pagtuturo.
Isang may personal na pilosopiyang pang-
edukasyunal na nauukol sa mga paniniwala,
mithiin at kumbinasyon nang naaayon sa
kanyang papel bilang guro.
Kasal, at kung maaari ay isang babaeng nasa
kanyang katanghaliang gulang 40 o higit pa
(mas nakararami ang mga gurong babae kaysa
sa mga lalaki sa propesyong pangguro, 4 sa 1).
May ginagampanang papel sa kolehiyo, ngunit
hindi kinakailangang mag-aaral na may
karangalang nakamit o lider ng kampus.
Isang may panimulang karera na di-nakatuon
sa pagtuturo, katunayan ay kumuha ng pormal
na asignatura at pagsasanay sa edukasyong
pang-gradwado.
May digring post-graduate, at kung maaariy
may digring masteral sa alinmang tiyak na
larangan.
May magkahalong utak yaong taong ang
lohikal at malikhaing hemisphere ng utak ay
nagagamit nang sabay.
Isang modelong tao na may personal na
atribyut, virtues at paraan ng pagtuturo na
magbubuo sa sinasang-ayunang relasyong
guro-mag-aaral.
Isang nagtataglay ng inspirasyon sa loob at
labas ng paaralan gaya ng mga myembro ng
pamilya.
Ang taong masayahin, maaasahan at
naganyak na maipagpatuloy ang minimithing
pag-unlad propesyunal.
Ang Kahusayan ng Guro sa
Paggamit ng Wika
Ang pagkatuto ng wika ay bunga ng pag-aaral ng
gramatika at paggamit sa mga tuntuning
pangwika sa komunikasyon. Sa paggamit naman
ng wika, ang pokus ay nasa kahulugan ng
mensahe at tinatapos ito sa wastong kayariang
pangwika. Dahil dito, mahalaga para sa guro na
magamit nang mahusay ang wika batay sa mga
sumusunod na uri:
Kahusayang panggramatika. Ang guro ay
dapat magkaroon ng lubusang kaalaman sa
paggamit ng gramatika. Dito nakasalalay ang
kanyang kahusayan sa paggamit ng wika.
Kahusayang pangsosyo-linggwistik. Ibat
ibang kayariang panggramatika ang
magagamit sa mga sitwasyong angkop sa
istandard o pamantayan ng kinagisnang
kultura ng guro.
Kahusayang pandiskurso. Ang guro ay dapat
magkaroon ng kakayahang makabuo ng ibat
ibang ideya batay sa kahulugan at anyo nito.
Kakayahang pang-estratehiya. Hindi lahat ng
estratehiya sa pagtuturo ay nakatuon lamang
sa gawaing pasalita. Mas makabubuti sa guro
na magamit ang galaw ng kanyang mga mata,
kilos ng mga kamay, paa at katawan upang
maging kalugud-lugod ang kanyang pagtuturo.

You might also like