You are on page 1of 16

MGA KOMPONENT

NG KOMUNIKASYON

Amur M. Mayor-Asuncion, Ed D

Ang komunikasyon ay isang prosesong nilalahukan o sinasalihan. At


yamang ito ay isang proseso, ito ay kinapapalooban ng mga hakbang. Ayon
kay Saymo (2001), ang mga hakbnag na ito ay nagsisimula sa pag-iisip o
pagsilang ng ideya o mensahe sa isip ng ispiker. Sinusundan ito ng
paglilikha ng ispiker ng mga simbolong kakatawan sa ideyang kanyang nais
na ipahayag. Matapos mapagpasyahan ng isipiker ang mga simbolo, siya ay
nagiging handa na upang ipahayag ang ideya gamit ang mga angkop na
kilos at galaw. Sa bahaging ito, pumapasok ang paglilipat ng mensahe mula
sa ispiker tungo sa tagatanggap. Ang ikalimang hakbang ay ang pagtanggap
ng isa pang kalahok sa mensahe ng ispiker. Ito ay kanyang dinedekowd o
binibigyang-kahulugan batay sa kanyang pagkaunawa. Matapos ito ay
tumutugon ang tagatanggap. Ang huling hakbang ay ang pagmomonitor ng
ispiker kung paano binigyang-kahulugan ng tagatanggap ang kanyang
mensahe.
Nakapaloob sa prosesong ito ang mga komponent o elemento ng
komunikasyon na mahalagang maunawaan ng bawat indibidwal nakikibahagi
rito.
Ang
pagsasaalang-alang
sa
mga
komponent
na
ito
ay
nakapagtatagumpay ng anumang gawaing pangkomunikasyon.

ABUTIN MO!
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:
A.
B.
C.

naiisa-isa ang kahalagahan at kalikasan ng bawat isang


komponent ng komunikasyon
napaghahambing ang berbal at di-berbal na komunikasyon
nakapagbibigay-halimbawa
ng
mga
mensaheng
ginagamitan ng ibat ibang anyo ng di-berbal na
komunikasyon

SIMULAN MO!
A.

Pagsunud-sunurin
ang
mga
hakbang
ng
proseso
ng
komunikasyon ayon kay Saymo (2001). Lagyan ng bilang 1-8.

__________

Pagpili ng simbolo na kakatawan sa mensahe

__________

Pagmomonitor ng ispiker sa kanyang tagatanggap

__________

Pagtugon ng tagatanggap

__________

Pagpapahayag ng mensahe

__________

Pagsilang ng ideya o mensahe

__________

Paglilipat ng mensahe

__________

Pagbibigay-kahulugan ng tagatanggap

__________

Pagtanggap ng mensahe

ALAMIN MO!
Ang mga sumusunod ay ang mga komponent sa proseso ng
komunikasyon na dapat isaalang-alang upang maging mabisa ito:
A.

ANG TAO BILANG KALAHOK

Dalawa ang ginagampanan ng tao sa proseso ng komunikasyon.


Kapwa ginagamapanan ng tao ang pagiging tagahatid (ispiker) at
gayundin ang pagiging tagatanggap (awdyens) ng mensahe. Ang
tagahatid
(ispiker) ang siyang nagpapasimula ng mensahe
samantalang ang tagatanggap (awdyens) ang target ng mensahe.
Patuloy at halos sabay na ginagampanan ng isang indibidawal na
kalahok sa komunikasyon ang pagiging tagapagbigay at tagatanggap
ng mensahe.
Ang kalahok
kanyang sariling
pagkakaiba-iba ng
motibasyon at mga
B.

ay maaaring makalikha ng kahulugan batay sa


karanasan kayat posibleng magkaroon ng
pagpapakahulugan dala ng kanyang nakaraan,
katangiang personal.

MENSAHE

Ang mensahe ay ang anumang berbal at di berbal na anyo ng


isang ideya, kaisipan o damdamin na nais iparating ng ispiker sa
kanyang awdyens. Ang mensahe ang nilalaman ng komunikasyon. Ito
ay kinabibilangan ng mga simbolong ginagamit upang maiparating ang
mga ideya gayundin ang ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan,
kumpas, tinig at iba pang di berbal na koda.
Naniniwala ang mga eksperto na ang tunay na komunikasyon ay
nagsisimula sa mga sinasadyang (intentional) na mensahe at may
layunin. Subalit taliwas dito sina Pearson at Nelson (2000). Ayon sa
kanila, mahirap patunayan ang intensyon ng isang komunikasyon,
kayat naniniwala sila na ang tunay na komunikasyon ay maaaring
maganap sa sinasadya o di sinasadyang mensahe.
Samantalang sinabi nina Hybels at Weaver (2001), ang mga
ideya at damdamin na ito ay kinakatawan ng mga simbolo.. Ang mga
salita sa isang wika ay mga simbolong berbal na kumakatawan sa
isang partikular na konsepto o ideya. Ang mga simbolong ito ay

limitado at kumplikado. Madalas may mga salita na maaaring


kumatawan sa hindi lamang iisang konsepto.
May dalawang uri ng simbolo: ang berbal at di berbal na
simbolo:
1.

Ang mga berbal na simbolo ay mga salita sa isang wika na


kumakatawan sa isang partikular na bagay, konsepto o ideya.
Ang mga simbolong kumakatawan sa mga bagay ay mga
simbolong kongkreto samantalang abstrakto naman ang mga
simbolong kumakatawan sa mga konsepto o ideya.
Ang mga berbal na simbolo ay maaaring sa paraang pasalita o
pasulat.

2.

Ang mga di berbal na simbolo naman ay iyong mga simbolong


hindi ginagamitan ng wika kundi ito ay iyong mga ginagamitan
ng kilos o galaw tulad ng kumpas, ekspresyon ng mukha at iba
pa.

Sinabi naman nina Beebe et.al (2004), ang mensaheng


ibinibigay ay maaaring maiba sa pagkakaunawa ng tumatanggap nito
sapagkat ang kahulugan ay nabubuo sa sa puso at isip na
tumatanggap.
C.

LAYUNIN

Ang layunin ay ang inaasahan ng bawat kalahok na magiging


kalalabasan o resulta ng anumang interaksyon. Kung malinaw na
natutukoy ng ispiker ang kanyang layunin, nalilinang ang kakayahang
pangkomunikasyon nito at nakalilikha ng pokus ng interaksyon kayat
nagagabayan ang kanyang sasabihin at ang kanyang pamamaraan ng
pagsasabi nito.
D.

TSANEL

(DALUYAN)

Ang tsanel ay ang daluyan ng mensahe mula sa tagapagbigay ng


mensahe tungo sa tagatanggap. Ito sa pamamagitan ng airwaves sa
telebisyon, soundwaves sa radyo, light at soundwaves sa kompyuterat
gayundin sa harapang pakikipagkomunikasyon.

E.

FIDBAK

(TUGON)

Ang fidbak ay ang tugong berbal o di-berbal ng tagatanggap ng


mensahe sa ispiker. Di limitado ang fidbak sa paggamit ng wika sa
pagtugon sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Sapat na ang
ekspresyon ng mukha o galaw upang maipakita ang katugunan sa
isang mensahe.
O maaari rin namang walang katugunan dahil maaaring di
narinig ng kinakausap ang mensahe ng ispiker dala ng kaabalahan o
ingay sa kapaligiran. Maging ito ay itinuturing na fidbak.
Ang fidbak ay mahalaga sa komunikasyon dahil ipinakikita nito
sa mga kalahok kung ang nais bang maibahagi ng ispiker ay
nakarating sa pinatutungkulan nito ayon sa nais ipakahulugan
(intensyon). Ayon pa rin kay Hybels at Weaver (2001), sa
pangkalahatan, mas kakaunti ang kalahok, mas malaki ang
oportunidad na magkaroon ng makabuluhang fidbak.
Ayon naman kina Arrogante at Buenaventura (1999), bukod sa
pagiging berbal at di berbal, ang fidbak ay maaaari rin namang
nakikita o di-nakikita at intensyunal o di- intensyunal.
F.

KODA

Ang koda ay ang sistematikong pagsasaayos ng mga simbolo na


ginagamit upang makabuo ng kahulugan. Ang tuntuning sintaks at
pambalarila ng isang wika ang nagiging resulta ng sistematikong
pagsasaayos nito at nagiging koda.
Ang dalawang uri ng koda na ginagamit sa komunikasyon ay ang
kodang berbal at ang kodang di-berbal. Ang kodang berbal ay
ang mga simbolo at ang ayos gramtikal nito. Samantala, ang kodang
di-berbal naman ay ang tumutukoy sa mga simbolong nakikita sa
pamamagitan ng galaw ng katawan, layo at oras, pananamit at mga
adorno at mga tunog maliban sa salita.
Subalit di dapat ipagkamali ang kodang berbal sa kodang dioral. Lahat ng kodang di-oral tulad ng galaw ng katawan at
ekspresyon ng mukha ay kodang di-berbal. Ngunit kinabibilangan
din ng kodang di-berbal ang mga kodang oral tulad ng tono, bilis
ng pagsasalita at sambitla tulad ng ah at eh at mga katulad pa nito.

G.

PAG-EENKOWD AT PAGDEDEKOWD
(ENCODING AT DECODING)

Yamang ang komunikasyon ay gumagamit ng koda, ang proseso


ng komunikasyon ay maaaring encoding o decoding.
Ang encoding ay ang akto ng paggamit ng koda ng
komunikasyon upang kumatawan ng mga ideya at kaisipan. Samantala
ang decoding naman ay ang pagtatalaga ng kahulugan sa ideya o
kaisipan.
Magkaminsan, nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan dala ng
kakapusan ng kaalaman sa wikang ginagamit at ng mga salita ng
paglalarawan.
H.

INGAY O MGA SAGABAL

Ang ingay ay ang mga sagabal na matatagpuan sa proseso ng


encoding at decoding. Ito ang nakapagpapalabo ng mensahe. Ang
ingay ay maaaring pisikal, mental, sikolohikal o semantiko. Ito ay
anumang nakasasagabal sa pagtanggap at pagbibigay kahulugan at
pagbibigay ng fidbak sa mensaheng natanggap.
Ang ingay ay maaaring magmula sa mga kalahok. Nagbigay sina
Hybels at Weaver (2001) ng mga nayo ng ingay: ang panlabas,
panloob at semantiko.
Ang panlabas na ingay ay iyong nagmumula sa kapaligiran
kayat napipigilan nito ang pagkaunawa ng mensahe. Ito ay di lamang
tumutukoy sa mga tunog na naririnig sa kapaligiran kundi gayundin sa
iba pang mga sagabal sa paligid na nakaaapekto sa pagkaunawa ng
mensaheng tinanggap.
Ang panloob na ingay naman ay iyong mga nagmumula sa
isipan ng mga kalahok, kung ang kanilang damdamin at kaisipan ay
nakapokus sa iba pa maliban sa nagaganap na komunikasyon.
Ang ingay-semantiko naman ay dala ng emosyunal na
reaksyon ng tao sa salitang kanyang natatanggap.

I.

KONTEKSTO

Ang konteksto ay tumutukoy sa bilang ng mga kalahok at ang


setting o tagpuan kung saan ginaganap o gaganapin ang
komunikasyon. (Nuval,et.al)
Nagkakaiba ang komunikasyon ayon sa bilang ng mga kalahok,
pormalidad ng okasyon at tuntunin na nararapat at di-nararapat na
kilos o gawi. Ang pakikipag-usap sa maliit na pangkat ay iba sa
pakikipag-usap sa malaking bilang ng awdyens.
May apat na konteksto ang komunikasyon.
1.

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON

Ito ay ang komunikasyon sa sarili. Ito ay kinapapalooban ng


mga kaisipan, damdamin at pagtingin sa sarili. At dahil ito ay
nakasentro sarili, ang tagahatid at tagatanggap ay ang sarili. Ang
mensahe ay ang sariling kaisipan at damdamin ng isang indibidwal.
Ang tsanel ay ang utak na nagpoproseso ng naiisip at nadarama.
Mayroong fidbak dahil nakikipag-usap ang indibidwal sa sarili.
Ito rin ay nagaganap kung tinataya (evaluate) natin ang ating
mga inteksyon sa kapwa.
Bukod dito, kabilang din ang pag-aanalisa ng mga kasalukuyang
suliranin, pagpaplano sa hinaharap at pagtataya ng sarili at ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Magkagayunman, may ilang mga dalubhasa
na di sumasang-ayon sa pag-aaral ng komunikasyong intrapersonal
bilang bahagi ng komunikasyon. Naninindigan sila na ang
komunikasyon ay nagaganap lamang sa pagitan ng 2 o higit pang tao.
Ayon pa sa kanila, mas nararapat itong pag-aralan sa mga
disiplinang tulad ng Sikolohiya o iba pang larangan sa pag-aaral ng isip
at utak. Bagamat itinuturing ng maraming iskolar ang intrapersonal
bilang isa sa mga konteksto ng komunikasyon. (Nelson at Pearson,
2000)
2.

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

Ang interpersonal na komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng


dalawang indibidwal na kalimitan ay nasa imporamal na kapaligiran.
Ang uring ito ay kadalasang kinabibilangan ng dalawang tao o kung
minsan ay maaaring higit pa. Kayat ang uring ito ay maaaring hatiin

sa dalawa: ang una ay ang dalawahan o dyadic at ang ikalawa ay


ang maliit na pangkat o small group na kinabibilangan naman ng
hindi hihigit sa sampung kalahok na may isang pangunahing
nilalayong matatamo.
Ayon kina Nelson at Pearson (2000), ito ay proseso ng pagaayon ng mga kahulugan sa pagitan ng dalawang (o higit pa) tao sa
isang sitwasyon na binibigyan ng oportunidad na makapagsalita at
makinig. Sa pamamagitan ng interpersonal na komunikasyon, ang
mga tao ay nakabubuo ng ugnayan sa iba tulad ng pakikipagkaibigan
o romantikong pakikipag-ugnayan.
3.

KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO

Sa komunikasyong pampubliko, ang ispiker ay naghahatid ng


mensahe sa awdyens o madla. Kadalasan ang ispiker ay naghahatid ng
mensaheng nasa pormal na istruktura at gumagamit ng mga katulad
na tsanel ng interpersonal na komunikasyon- subalit sa mas
eksaheradong paraan- tulad ng paggamit ng higit na malakas na tinig
at mga galaw at kumpas. Maaari ring gumamit ang ispiker ng mga
awdyo-biswal na kagamitan. Subalit sa pangkalahatan, limitado ang
pagkakataon para sa mga berbal na fidbak. Kadalasan, may
pagkakataon lamang ang awdyens na makapagtanong matapos ang
talumpati ng ispiker. Magkagayuman, maaaring makapaghatid ang
awdyens ng fidbak tulad ng pagtango, pag-iling o pagpalakpak. Sa
pangkalahatan, ang komunikasyong pampubliko ay pormal.
Ayon pa kina Nelson at Pearson (2000), iniaayon ng ispiker ang
mensahe sa uri ng awdyens sa pagtatangkang matamo nito ang
maximum na pag-unawa mula sa kanila.
Epektibong nagagamit ito bilang pagbibigay-impormasyon at
panghihikayat.
4.

MASS COMMUNICATION

Tulad ng pampublikong komunikasyon, ang mensaheng


inihahatid sa mass communication ay higit na pormal ang istruktura at
may malaking bilang ng awdyens ang nasasakop. Dito rin, higit na
marami ang bumubuo ng mensahe. Tulad halimbawa sa isang TV show
ito ay
binubuo ng mga manunulat, direktor, technical staff,
producer, mga aktor at aktres.

Sa mass communication, pinagtatagpo ang tagahatid at ang


malaking bilang ng di nakikitang awdyens o tagatanggap.
Ang
mediator tulad ng satellite o cable system ay ang tumatayong tsanel
samantalang ang pamamaraan naman ay ang distribusyon. Ang
komunikasyong ito ay tinatawag na mass dahil ang mensaheng
dumaraan sa telebisyon, radyo, komputer, pahayagan at magasin ay
umaabot sa milyong tagatanggap.
MGA ANYO NG DI-BERBAL
NA KOMUNIKASYON
Action speaks louder than words
Madalas nating marinig ang kasabihang ito lalo na kapag may
mga bagay na hindi natin kayang isawika o di kaya naman ay may
mga kilos o galaw ang mga tao sa ating paligid na nagmumungkahi ng
mga kahulugan. Ipinapakita lamang ng kasabihang ito na ang diberbal na komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng ating
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
May ibat ibat anyo ang ang di berbal na komunikasyon:
1.

PROXEMICS

Ang proxemics ay tumutukoy sa layo o pagitan ng mga kalahok


o participants. Maaaring mabago ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng
isang indibidwal ayon sa layo o lapit ng kanyang ugnayan sa kanyang
kinakausap. Halimbawa na lamang ng usapan sa pagitan ng mag-ama.
Sasabihin ng anak, Dad, ang gwapo natin ngayon, ah!.
Mas
madalas kaysa hindi ang nagiging sagot ng mga ama ay Magkano ang
kailangan mo? na may himig ring pagbibiro. Nangangahulugang
gayon magkalapit ang mag-ama na nalalaman kaagad ng higit na
nakatatanda ang istilo ng anak kapag ito ay may gustong sabihin sa
kanya lalo pa at ito ay may kaugnayan sa paghihingi ng dagdag sa
allowance. Samantalang kung sasabihin ng anak ang katulad na
dayalogo sa iba, maaaring makatanggap siya ng ibang tugon.
Maaari rin namang ang pagitang tinutukoy ay iyong pisikal na
layo. Bakit kakailanganing sumigaw kung ang kausap ay halos isang
metro lang ang layo? Gayundin naman, mangangailangan ka ng
mikropono kung ikaw ay kinakailangang magsalita sa isang malaking
bulwagang may malaking bilang ng tao.

2.

CHRONEMICS

Ang oras ay ginto, ang sabi nga. Ito ang isang malaking
kahinaan sa mga Pilipino kayat nagkaroon ito ng pangit na impresyon
ng pagiging palaging huli. At yamang palasak ang Filipino Time (being
not always on time), tila nagiging manhid na ang Pilipino rito at
tinatanggap ito bilang normal na penomenon na lamang.
Subalit ang gawing ito ay nagpapakita ng kawalan ng interes o di
kaya naman ay kawalan ng disiplina. Ang palagiang pagkahuli sa
pagpasok sa eskwela, sa pagpasa ng mga proyekto o maging sa
pinakasimpleng pagkahuli sa pakikipagtapo ay naghahatid ng
mensaheng kawalan ng interes sa gawain o sa kung sino mang
pinaghihintay ng matagal na oras.
Ang paglalaan din ng mahabang oras sa isang kaibigan ay
pagpapakita ng interes at kawalan naman nito kung sa ilang minutong
pakikipag-usap pa lamang ay kakikitaan na ng pagkabagot.
3.

KINESICS

Ang kilos ng katawan ay maaari ring maghudyat ng mensahe.


Ang palagiang paghihikab sa kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di
maayos na pag-upo, ang pagkamot ng ulo ang madalas Ang palagiang
paghihikab sa kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di maayos na
pag-upo, ang pagkamot ng ulo nang madalas habang nagpapaliwanag
ay mga halimbawa ng kinesics o body language.
4.

HAPTICS

Bakit may nagdedemanda ng sexual harassment samantalang


ang taong nagsagawa naman ng paghaplos o pag-akbay kaya ay
nagsasabing wala naman itong malisya? Ang haptics o paggamit ng
sense of touch ay isang pamamaraan ng paghahatid ng mensahe. Ang
paghawak sa kamay ay maaaring pagpapakita ng pangangailangan ng
karamay o di kaya naman ay pagdamay. Ang paghampas sa likod ay
maaaring pagbati o pagpapakita ng galit. Ang tapik sa balikat ng isang
manggagawa mula sa kanyang iginagalang ng superbisor dahil sa
isang mahusay na paggawa ay sapat na upang makawala ng kanyang
pagod.

5.

ICONICS

Sa paglaganap ng information technology, parami ng parami ang


mga simbolong nagagamit ng tao upang ipakita ang kanyang
nararamdaman o ang mensaheng kanyang nais na ipahayag. Sa mga
mobile phones na lamang nabigyan ng makabuluhang partisipasyon
ang dati naman ay hindi pansining mga simbolong panaklong, tutuldok
at tuldok-kuwit. Ngayon ay nakapagbibigay na ito ng saya o kundi
man ng inis sa mga pinatutungkulan.
Hal:
:-)
6.

;-)

:-(

:-\

B->

:(

:-I

8-)

8-(

PARALANGUAGE

Ang paralanguage ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng


isang salita. Kung kayat minsan ang sorry ay hindi nagiging
katanggap-tanggap mula sa nagsasabi nito sapagkat ang paraan ng
pagbigkas ay tila hindi nangangahulugang bukal ang paghingi ng
paumanhin.
Kasama rin dito ang pagbibigay-diin sa salita, lakas o hina ng
tinig, intonasyon at maging ang nilis o bagal ng pagbigkas. Nahihinuha
mula sa mga ito ang intensyon ng mensahe.

7.

KULAY

Paanong naging palasak ang kulay dilaw noong panahon ni Cory


Aquino at sumagisag ng LABAN! Bakit sa kulturang Pilipino, ang itim
ay nagbabadya ng kalungkutan samantalang sa iba ito ay pormalidad?
Ang kulay ay maaaring magpahayag ng damdamin o di kaya ay
oryentasyon ng isang indibidwal. Kaya nga sa bawat organisasyon o
institusyon, maingat na pinipili ang mga kulay na kakatawan sa kanila.
Tulad ng sa bandila ng Pilipinas hindi maaaring nasa itaas ang pula
at sa ibaba ang asul, masamang senyal iyan. Ito ay nangangahulugan
ng paghihimagsik. Ang pagwawagayway naman ng putting bandila o
tela o panyo ay nagpapakita ng pagsuko o kapayaan.

SUBUKIN MO!
A.

Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA O MALI. Kung TAMA,


isulat ang salitang TAMA at kung mali, salungguhitan ang
bahaging nagpamali at isulat ang tamang sagot sa
patlang.

_________1.

Ang pagpapakahulugan ng tagatanggap sa mensahe


ng ispiker ay nakasalalay sa kanyang karanasan at
kaalaman.

__________2.

Ang ispiker ang siyang nagdedekowd ng mensahe.

__________3.

Posibleng iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga


tagatanggap sa iisang partikular na mensahe.

__________4.

Tatlong ang ginagampanan ng tao sa isang


pakikipagkomunikasyon.

_________5.

Ang pagsusulat ay isang mensaheng di-berbal.

__________6.

Ang tsanel ay posibleng maging sanhi ng sagabal sa


isang komunikasyon.

__________7.

Ang anumang ginawa/sinabi o hindi ginawa/hindi


sinabi ng kalahok sa isang komunikasyon ay
maituturing na fidbak.

__________8.

Ang kawalan ng komon na wika sa pagitan ng mga


kalahok ay nagiging sagabal sa isang komunikasyon.

__________9.

Ang pagmumuni-muni, pagpapasya at pag-aalaala


ay isang halimbawa ng komunikasyong
interpersonal.

_________10.

Kinakailangan ng labis na pag-iingat sa


pagpapahayag
sa
pamamagitan
ng
mass
communication sapagkat milyong awdyens ang
maaaring makatanggap nito.

B.

Ipahayag ang mga sumusunod sa pamamagitan ng:


1.
berbal na komunikasyon
2.
di-berbal na komunikasyon

1.

pagkainip sa paghihintay

2.

kagalakan sa natanggap ng regalo

3.

pagkabigo na makapasa sa pagsusulit

4.

pagnanais na makasama sa isang outing

5.

pagkatakot dala ng isang pagbabanta

6.

pagkalito sa mga direksyong sinusundan

7.

pagkapahiya dahil sa isang alanganing sitwasyon

8.

pagkabigla dahil sa isang di inaasahang panauhin/pangyayari

9.

pagkayamot dala ng isang gawaing paulit-ulit

10.

pagkasabik na makita ang isang kaibigang matagal na nawalay

C.

Bigkasin ang mga sumusunod na pahayag na nagpapakita


ng ibat ibang damdamin.

1.

Hindi ako galit.

2.

Ayoko ngang sumama.

3.

Ang ganda mo naman ngayon.

4.

Okey lang ako. Sige, umalis na kayo.

5.

Hindi ka naman masyadong gutom, ano?

D.

Gumupit ng mga simbolo sa magasin o pahayagan.


Ipaliwanag ang mensaheng kakabit ng bawat simbolo.
SIMBOLO

PALIWANAG

E.

Tukuyin ang lebel ng komunikasyon na ginamit sa bawat


sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot:
a.
b.
c.
d.
e.

_______

1.

intrapersonal
interpersonal-dalawahan
interpersonal-pangkatan
komunikasyong pampubliko o pangmadla
mass communication/mass media

Pangangampanya para sa darating na eleksyon ng


student council

_______

2.

Pagbabahagi ng isang karanasan sa mga kapwa


kabataang miyembro ng Legion of Mary

sa inyong

parokya
______

3.

Pangangamba habang hinihintay ang kaanak na


hindi pa dumarating

______

4.

Pakikipag-usap sa dekana hinggil sa proyekto ng


inyong organisasyon para sa Buwan ng Wika

______

5.

Pag-aanalisa ng tulang iuulat sa klase

______

6.

Paghingi ng tulong sa librarian hinggil sa aklat na


tutugon sa pkasa ng iyong pananaliksik

______

7.

Anunsyo ng trabaho sa pahayagan

______

8.

Pakikipag-usap sa iyong matalik na kaibigan na nasa


Amerika sa pamamagitan ng broad band

______

9.

Pagpapadala ng iyong aplikasyon sa trabaho sa


pamamagitan ng e-mail

______

10.

Pagpapalathala ng isang anunsyo sa pahayagan


hinggil sa gagawing reunion ng iyong mga dating
kamag-aral sa hayskul.

You might also like