You are on page 1of 5

KAB.

3 – ARALIN 2: PAGLINANG SA IDEYA NG DISKURSO


Hindi sapat ang kakayahang komunikatibo sa punto ng pagpapadaloy ng
mensahe sa isang sitwasyong pandiskurso, pasalita man o pasulat. Maaaring hindi
namamalayan ng taong kasangkot sa siklo ng diskurso ang kanyang layuning
ginagampanan kaya higit na pinadadali ang pag-unawa ng bawat isa tungo sa
madulas na daloy ng pakikipag-ugnayan. Kung nais nating ibandila ang mga
kaisipan upang maging tagapagmulat ng kamalayan, nararapat na isaalang-alang
ang iba’t ibang aspekto sa pakikipagdiskurso. Sa puntong, isang napakahalagang
bahagi sa paggamit ng retorika sa diskurso ang paglinang sa ideya. Sa
pamamagitan ng pagpapanday sa ideya, higit na maiaangat ang pahayag tungo sa
intelektuwal na antas. Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman ay higit na
mapatitingkad kung ito ay maipapahayag sa paraang nakapagpapaisip sa audience.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mahahalagang aspekto sa paglinang ng ideya:
1. Paksa – ang pagkakaroon ng lalim at sapat na kaalaman sa paksa ay lubos
na mahalaga sa anumang gawaing pandiskurso. Ito ang nagsisilbing batayan
sa pagbuo ng mga kaisipan na itatanghal sa isang pahayag. Nararapat na
masipat ang kahulugan ng paksa na siyang pinakaubod ng nilalaman nito.
Makatutulong din ang pagbuo ng balangkas o outline upang maisaayos ang
paghahanay ng mga ideya at malaman kung papaano maipaliliwanag ang
bawat bahagi. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kapag bihasa tayo o
kabisado natin ang paksang tatalakayin. Nagiging magaan ang atmospera sa
pakikipagdiskurso (pasalita man o pasulat) sa panahong nahimay nang
Mabuti ang mga ideya sa paksa.

2. Layunin – anumang hakbang na ginagawa ng tao ay marapat gabayan ng


mga layunin upang hindi maligaw kung saan mang dako. Ito ang nagtatakda
ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya. Sa mga diskurso,
madaling malaman ang tinutumbok ng isang kaisipan kung nakilatis na agad
ng tagatanggap ang nilalayon nito sa pagpapahayag.

3. Pagsasawika ng ideya – ang pinakamahirap na bahagi sa pakikipagdiskurso


ay ang pagsasawika ng ideya. Minsan ang dami-daming kaalaman ang nais
natin ipahayag subalit nahihirapan tayong isawika ito. Ang kaalamang
pangwika ay may malaking gampanin sa pagbuo ng ideya. Ang ideya ay
kinakatawan ng mga simbolo, salita at pangungusap hanggang sa makabuo
ng kongretong kahulugan. Ang wika ang mahalagang kasangkapan sa
pagpapahayag at dapat tingnan ang punto ng paggamit nito sa anyo ng
diskurso upang maisaalang-alang ang antas ng wikang gagamitin. Bukod dito,
ayon sa mga manunulat, makabubuting isulat nang isulat ang lahat ng naiisip
na ideya sa isang sulatang-papel. Matapos ito, isagawa ang pagrerebisa
upang mapakinis ang ideyang ipinahahayag.

4. Patutunguhan o Audience – isa sa mga pangunahing element ng retorika


ang audience na patutunguhan ng mensahe, kaya sa isang diskurso marapat
na palaging isaalang-alang ang audience. Dapat alamin kung sino ang mga
ito na paghahatidan ng mensahe upang makapag-adjust sa pagbuo ng ideya.
Pakatatandaang ang pagpapahayag sa anumang uri ng diskurso ay palaging
kinasasangkutan ng audience, kaya marapat alamin ang mga salik na may
kinalaman dito tulad ng edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig
at kultura nang sa gayon ay malinang ang ideyang makahihimok sa mga ito.

URI NG DISKURSO
1.Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa
imahinasyon at isip ng mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan
ng tao, bagay, hayop at pangyayari. Layon ng diskursong ito ang maipakita ang nasa
larawang-diwa ng naglalarawan. Sa isang mahusay na paglalarawan nagagawang
isiwalat ng tagapagsalita at manunulat ang magandang tanawin sa isang lugar, ang
magandang anyo at katangian ng isang tao maging ng hayop, ang maayos na
serbisyo ng isang bagay at mga mahahalagang pangyayaring naganap sa isang
pagkakataon.
Isa pa sa nagagawa ng isang maayos na paglalarawan ay kapag may
ginagawang pagsisiyasat ang mga alagad ng batas tungkol sa isang kaso ng krimen.
Ang testigo ay marapat lamang na maging maingat sa paglalarawan sa nasaksihang
krimen dahil dito nakasalalay ang kalutasan ng isang kaso. Ang maayos at malinaw
na paglalarawan ay nakasalalay sa taong naglalarawan. Samakatuwid ang
paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa
kanyang kaisipan.
Mga Uri ng Paglalarawan
● Pangkaraniwang Paglalarawan – Ito’y paraan ng paglalarawan na
karaniwan nang ginagawa ng mga tao. Ibinibigay nito ang karaniwang anyo
ng inilalarawan ayon sa nakikita o nasaksihan ng nakararami.

● Masing na Paglalarawan – Sa masining na paglalarawan, maaaring


magbigay ng impormasyong higit sa likas na katangian ng inilalarawan.
Binibigyang kulay ang inilalarawan upang higit na maging kaaya-aya ang
paglalarawan. Kadalasan ang personal na mga pandama ng naglalarawan
ang ginagamit upang maging makulay ang pagpapahayag ng inilalarawang
paksa. Nakikita natin ang masining na paglalarawan sa mga iba’t ibang anyo
ng panitikan tulad ng maikling kwento, tula, sanaysay at iba pa.

2.Pagsasalaysay – Ang diskursong pagsasalaysay ay isang paraan ng


pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap
tulad ng mga karanasang di-malilimutan, kwento o kasaysayan ng mga
mahahalagang tao. Sa pagsasalaysay dapat ding maging malinaw ang mga
isinasalaysay. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsasalaysay lalo na kung hindi
naman kailangan nang isalaysay pa. Madalas kapag ang isang tao ay may
magandang karanasan sa buhay, nagagawa niyang isalaysay ito sa mga kakilala
niya. Samakatuwid ang tao ay likas na makuwento sapagkat ito’y tuwirang umaapila
sa kanyang nararamdaman dahil na rin ang pagsasalaysay ang nagiging instrument
ng tao tao upang siya’y malibang o maaliw mula sa nararamdamang kalungkutan.

Mga Katangian ng Isang Pagsasalaysay

● Mabuting Pamagat. Dapat lamang na maging maayos at pag-isipan ang


gagawing pamagat ng isasalaysay. Hangga’t maaari makabago ang gagawing
pamagat at hindi gasgas.
● Paksa. Kailangan ang paksa ay makabago at makabuluhan.
● Maayos na Pagkakasunod-sunod. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
gagawing pagsasalaysay ay dapat na maging malinaw sa mambabasa o
tagapkinig upang maiiwasan ang kalituhan kung paano nagsimula at
nagwakas ang kwento.

▪ simula, gitna at wakas


▪ gitna, pagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita,
wakas
▪ nagsisimula sa wakas, nagbabalik sa tunay na simula,
nagtatapos sa tunay na wakas na ginagamit na simula ng akda.

● Kawili-wiling basahin mula simula hanggang wakas. Upang hindi


kabagutan ang mambabasa o tagapakinig sa isinasalaysay dahil
nagkakaroon ng pagkakataon na ang isang salaysay ay hindi na tinatapos
basahin o pakinggan.

3.Paglalahad - Ang diskursong ito ay naglalayon na bumuo ng isang malinaw na


kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman samakatuwid ang
diskursong paglalahad ay nilalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at
timbangin ang mga kaisipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapaloob
dito. Sa pagbuo ng paglalahad nakapaloob o nasasagot sa diskursong ito ang iba’t
ibang katanungan tulad ng ano ang nangyari? Paano sisimulan? Ano ang
pinagkaiba? Mahalaga ang paglalahad sapagkat napauunlad pa ng tao ang kanyang
nalalaman batay sa iba’t ibang impormasyong nalaman na.

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad


● Pagbibigay Depinisyon o Kahulugan
Ayon kay Constantino Ballena (2007), ang salitang “definition” ay
isang pahayag na nagpapaliwanag kung ano ang isang bagay. Sa paggamit
ng depinisyon sa pagbuo sa teksto, maibibigay ang angkop na
pagpapakahulugan sa isang salita na may kasingkahulugan.

Hal.
puti – kalinisan o kabutihan
itim – pagluluksa o kasamaan

Ayon kay Patrocinio Villafuerte (2005), may proseso ang pagbibigay ng


kahulugan. Kinakailangang sinisimulan muna ang pagbanggit ng salita o
terminong bibigyan ng pagpapakahulugan (term), susundan ng pangkat o
kaisipang kinabibilangan genre) at ang panghuli ay babanggitin ang mga
kaibahan o katangiang ipinagkaiba sa mga kauri nito (difference).

Hal. amorseko ay isang uri ng damo na ang bulaklak ay kumakapit


sa
damit, pantalon, saya at iba pa.,
▪ Termino o salitang binigyan ng kahulugan (amorseko)
▪ Pangkat o kaisipang kinabibilangan (isang uri ng damo)
▪ Kaibahan o katangiang pinagkaiba sa mga kaunti (ang bulaklak
ay kumakapit sa pantalon, damit, saya at iba pa.)

● Paghahambing at Pagkokontrast

Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagpapahayag ng kahigitan o


kalamangan, pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa o higit pang tao, bagay,
kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. Sa pamamagitan ng ganitong
hulwaran sa pagbuo ng teksto nagiging maliwanag ang paksang inilalahad.
Makikita at magagawa ng mambabasa ang timbangin, suriin ang paksang
inilalahad sa pamamagitanng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga detalye sa
isang teksto.

● Problema at Solusyon

Paglalahad ng solusyon sa mga problema o maaaring paglalahad ng


mga problem upang bigyang solusyon. Kaakibat na ng tao ang magkaroon ng
problem ana siya namang mag-iisip kung ano ang karampatang solusyon sa
problema. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na
nangangailangan ng solusyon.
● Sanhi at Bunga

Sa ganitong paraan ng paglalahad ipinapakita ang resulta ng mga


pinagdaanang pangyayari o epekto ng mga ginawa ng tao, hayop o maging ng
kalikasan maging ito’y mabuti at masama. Kadalasan ang tao ay nagtatanong
kung bakit at paano nangyari ang mga ito. Ibig sabihin palaging naghahanap ng
sagot ang tao sa mga katanungang nabubuo sa kanyang sarili.
4.Pangangatwiran – isang diskurso na dapat ay makahikayat na sumang-ayon ang
siunumang katunggali tungkol sa pinagtatalunang o pinaglalabanang isyu o
anumang argumento. Kailangan dito ang malawak na kaalaman at sapat na mga
impormasyon upang mailahad ng tama ang katwiran. Sa anumang na
pinagtatalunan dapat may kakayahan na maiayos ang mga kaisipan upang hind
imaging malabo, maligaw o mapunta kung saan-saan ang paksang pinagtatalunan.
Mga Fallacy o Palasi ng Pangangatwiran
Kapag nagkakaroon ng anumang argumento o pagtatalo hindi lamang dapat
natatapos sa pagbuo ng diskursong sasabihin o susulatin at kung paano ito
maipararating sa mga tagapakinig at mambabasa. Dapat ring tingnan kung tama o
lohikal ang ginagawang pangangatwiran, pasulat man o pasalita. Sapagkat ang mga
inaakalang tamang argumento o pangangatwiran ay kakikitaan pa rin pala ng mga
kamalian mula sa mga diskursong binuo. Palasi o Fallacy sa wikang Ingles ang
tawag sa maling pangangatwiran. May mga ilang palasi ang madalas na ginagamit
na dapat iwasan upang hind imaging ilohikal ang isang argumento, ito ay ang mga
sumusunod.
a. Argumentum ad hominem. Ang palasing ito ay ginagamit sa argumento na
inaatake o hinahamak ang personalidad ng tao upang ilayo sa paksang dapat
na pagtuunan ng pansin ukol sa paksa o isyung pinagtatalunan.
b. Argumentum ad baculum. Ito ay madalas na gumagamit ng anumang
pananakot madalas ang gumagamit nito ay ang mga maiimpluwensyang tao
sa lipunan. Ginagamit ang kapangyarihan o awtoridad sa katunggali o
sinumang kaargumento upang ilihis ang tunay na paksa o isyu.
c. Argumentum ad misericordiam. Ginagamit ang awa sa pangangatwiran
upang pagtakpan ang tunay na diskurso ng argumento.
d. Argumentum ad ignorantiam. Ipinapalagay na hindi totoo ang anumang
hindi napatutunayan at totoo ang anumang hindi napasinungalingan.
e. Argumentum ad populum. Sa halip na patunayan ang isang isyu, itinuturing
na tama ang argumento dahil sa popularidad ng tao, bagay, opinon o
emosyon ng mga tao.

You might also like