You are on page 1of 9

College of Teacher Education

First Semester, A.Y. 2022-2023


MODYUL 2

1. Mga Pamaraan ng Pagsulat ng Konklusyon


2. Pamamaraan ng Pagsulat
3. Mga Uri ng Gawaing Pagsulat Paraan sa Pagsulat ng isang Talata

Pangalan ng Tagapag-ulat:
Autor, Philip A.
Abalos, Shekaena A.
(BSED-3B)

KONKLUSYON- ito ay batay sa mga nahinuha, interpretasyon o paglalahat batay sa mga


napatunayang impormasyon.
Ang konklusyon sa isang pananaliksik ay katulad din ng isang konklusyon sa isang
sanaysay (essay). Ito ay tumutukoy sa pagsusuma ng mga argumentong inilahad sa isinulat.
Dito rin nakapaloob ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa akda. Isinusulat ang
isang konklusyon upang mas mapaintindi sa bumabasa ang mga puntos na nasabi na.

MGA PAMARAAN NG PAGSULAT NG KONKLUSYON


Hakbang # 1: Maging malinaw tungkol sa layunin ng gawain at ang kahalagahan ng
pag-aaral sa paksang ito.
Nagsisimula ito sa pagsulat ng isang pangkalahatang linya tungkol sa problema, layunin ng
gawain at posibilidad na makakuha ng karagdagang kaalaman at pag-aralan ang paksa.

Hakbang # 2: Ipakilala ang mga mambabasa sa konklusyon.


Magsimula sa isang pangkalahatang paksang pangungusap, upang isawsaw ang
mambabasa sa konklusyon, pag-iwas sa simula sa "Sa konklusyon" o "Sa wakas, maaari na
nating tapusin" ngunit direktang isulat ang ideya.
Halimbawa: Kung ang gawain ay tungkol sa Covid-19 Virus maaari mong simulan ang "Ang
Covid-19 Virus ay..." o isang bagay na mas kahanga-hanga.

Hakbang # 3: I-highlight kung paano nagbigay ng mga solusyon o sagot ang iyong
trabaho sa lugar na iyong pinag-aaralan.
Bigyang-diin ang pangunahing ideya ng teksto. Magbigay ng konkretong buod ng mga
pangunahing punto o layunin, palagi sinusubukang ipakita kung paano ang pagbabasa o
nakasulat na gawain ay nagbigay ng mga solusyon o sagot sa problema o tema.

Hakbang # 4: Call to action para sa mga mambabasa.


Sumulat isang tawag sa pagkilos para sa mambabasa, para panatilihin kung nakatuon at
nakikisawsaw sa text. Bilang karagdagan, ang pag-imbita sa banayad na paraan upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa paksa.

Hakbang # 5: Sumulat tungkol sa pagiging angkop at kahalagahan ng iyong nakasulat


na gawain.
Bilang pangwakas na talata, kailangan mong gawin Diin sa mga benepisyo, kahalagahan at
transendence ng paksang tinalakay, na ginagawang malinaw sa mambabasa kung paano
may applicability ang akda sa isa o ilang partikular na larangan.

MAHALAGANG PAALALA:
Ang pagsulat ng Konklusyon ay dapat sumunod sa mga prinsipyo ng kalinawan, kaiklian at
katumpakan, pag-iwas sa paggamit ng masalimuot o napakalawak na mga sulatin na
nahuhulog sa redundancy at hindi nagdudulot ng tunay na epekto o konklusyon sa paksang
tinalakay.

PAGSULAT- ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi


maglaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaring magpasalin-salin sa
bawat panahon. (Mabilin, 2002)

PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may
paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa
pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang
sarili sa paksa.

Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyang
magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at
telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng hugis ang ating
paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa
pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.

Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang
burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan
ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat.

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

Impormatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mambabasa.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa libro at
ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report na may layuning impormatibo

Ekspresibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya,
obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling
karanasan o pag-aaral.
Halimbawa: Personal na liham, mga reaksyon, tula ng mga makata, transakyonal na
ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan o liham
pang kalakal

Naratibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod.
Halimbawa: Talaarawan at Diyornal

Deskriptibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis, ng
mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan at naranasan.
Halimbawa: Maaring paglalarawan sa mga karakter, lugar o kaganapan sa istorya o
babasahin
Argumentatibo
Ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito
ay naglalaman ng impormasyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-
usapan.
Halimbawa: May dalawang ispesipikong tapik na pinagtatalunan

MGA URI NG GAWAING PAGSULAT

Akademikong Pagsulat (Academic Writing)


Isang uri ng pagsulat na kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan at pag-iisip,
gayundin ay tinatawag itong intelektwal na pagsulat. Ito ang pagsulat na isinasagawa upang
matupad ang pangangailangan sa pag-aaral. Nilalayon ng pagsulat na ito na maipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Halimbawa: Kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong
papel, tesis o disertasyon.

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)


Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o
teknikal na layunin. Ito ay naiiba sa ibang klase ng pagsulat dahil ito ay obhektibo, malinaw
at walang halong damdamin. Ang paglalahad nito ay may tiyak na estilo, maanyo at
ginagamitan ng mga teknikal na bokabularyo.
Halimbawa: Modyul, Flyers, Manwal, Handbooks

Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at
iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.

DALAWANG URI
• Pansariling Tala - pang araw-araw na talaan ng mga karanasan.
Halimbawa: Talaarawan (Diary)
• Gamit sa Pahayagan - makapaglathala sa pahayagan

Reperensyal na Pagsulat
Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa. Madalas na ginagamit ito sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ang anyo ng
impormasyon ay kailangang totoo, tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo.
Halimbawa: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Bibliograpi, Apendiks

Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)


Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Ito ay mga pagsulat
na ginagawa sa trabaho o disiplina. Naglalaman ito ng batayang teorya at mga datos bilang
ebidensiya ng talakay maging ang mga bagong tuklas na datos na may kinalaman sa
gawain ng manunulat.
Halimbawa: Lesson Plan - Guro
Medical Report - Doktor at Narses
Police Report - Pulis
Investigative Report - Imbestigador

Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


Ito ay masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan at literatura. Ito ay naglalayong
paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Ito ay maaaring fiksyonal o di-fiksyonal na akda.
Halimbawa: Pagsulat ng Tula, Nobela, Maikling Katha, Dula, Sanaysay

TALATA - ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na


naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.

MGA BAHAGI NG TALATA


1. Panimula - nasa unahan ng talata. Dito nakalagay ang pinakapaksa ng gustong
talakayin. Nagsasaad ng paksang tatalakayin na ipaliliwanag
2. Talatang Ganap - ito ay mga pangungusap na binubuo ng mga suportang ideya sa
panimula.
3. Talatang Pabuod - ito ay ang huling pangungusap sa talata. Nakalagay dito ang
pagbibigay linaw sa kabuuan ng komposisyon.

KATANGIAN NG ISANG TALATA


1. Kaisahan - ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa.
2. Kaugnayan – kailangang magkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap upang
magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa dulo ng pahayag.
3. Kaanyuan – ang talata ay maaring buuin, ayusin at linangin ayon sa lugar o heograpiya,
ayon sa kahalagahan o ayon sa kasukdulan.

PARAAN SA PAGSULAT NG ISANG TALATA


1.Gumamit ng malaking letra sa unahan ng pangungusap.
2.Isulat ang wastong baybay ng mga salita.
3.Gumamit nang wastong bantas sa bawat pangungusap.
Ilan sa mga bantas na karaniwang ginagamit sa ating talata ay:
a. Tuldok (.) - ito ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na pasalaysay, paturol o
pautos.
b. Tandang Pananong (?) - ito naman ay ginagamit sa pangungusap na nagtatanong.
c. Tandang Padamdam (!) - ito ay ginagamit sa hulihan ng isang salita, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
4. Isulat nang wasto ang bawat bahagi ng talata.
a. Ilagay sa gitna ang pamagat
b. Ipasok ang unang salita ng talata
c. Lagyan ng palugit ang papel sa kaliwa at kanan
d. Magsimula sa malaking letra sa pagsulat ng simula ng talata

PAGTATAYA
Maramihang Pagpipilihan: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang
ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang mga bagay na natuklasan at natutuhan sa isinagawang pag-aaral o
pananaliksik.
a. pagsulat
b. konklusyon
c. sanaysay
d. panimula

2. Ito ay tumutukoy sa pagsusuma ng mga argumentong inilahad sa isinulat.


a. pagsulat
b. konklusyon
c. sanaysay
d. panimula

3. Ayon kay ____ ang pagsulat ay maaaring magpasali-salin sab away panahon.
a. Mabilin 2002
b. Mabilin 2003
c. Mabilin 2004
d. Mabilin 2005

4. Ito ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga


bumasa at babasa.
a. paghugis
b. pagtipon
c. pagsulat
d. pagrebisa

5. Ito ay magsisilbing daan upang tayo ay sumulat.


a. pag-asinta
b. pagtipon
c. paghugis
d. pagrebisa

6. Ito ay dumadaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas


a. pag-asinta
b. pagtipon
c. paghugis
d. pagrebisa

7. Ito ay isang sulatin na hindi nakukuha sa isang upuan lamang.


a. pag-asinta
b. pagtipon
c. paghugis
d. pagrebisa
8.Ito ay uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Kadalasang
ginagawa sa trabaho o disiplina.
a. Teknikal na Pagsulat
b. Propesyonal na Pagsulat
c. Jornalikstik na Pagsulat
d. Akademikong Pagsulat

9. Ito ay pagsulat na layuning magbigay impormasyon o kabatiran sa mambabasa.


a. Naratibo
b. Deskriptibo
c. Impormatibo
d. Ekspresibo

10. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng


isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
a. Talata
b. Konklusyon
c. Pagsulat
d. Buod

11. Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa.
a. Akademikong Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Reperensyal na Pagsulat
d. Dyornalistik na Pagsulat

12. Ito ang uri ng pagsulat na saklaw ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba
pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magasin.
a. Dyornalistik na Pagsulat
b. Akademikong Pagsulat
c. Malikhaing Pagsulat
d. Propesyonal na Pagsulat
13. Ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay ay ilan sa halimbawa ng
anong uri ng pagsulat?
a. Akademikong Pagsulat
b. Malikhaing Pagsulat
c. Dyornalistik na Pagsulat
d. Teknikal na Pagsulat

14.Ito ay pagsulat na naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.


a. Argumentatibo
b. Eskpresibo
c. Deskriptibo
d. Naratibo

15. Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mag-aaral.
Tinatawag din itong intelektwal na pagsulat.
a. Akademikong Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat
c. Malikhaing Pagsulat
d. Reperensyal na Pagsulat

You might also like