You are on page 1of 8

Cc

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Binalonan Pangasinan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


GRADE 7- MAGSAYSAY
MARCH 7, 2022, LUNES
8:00 - 9:00 A.M

I. Layunin
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasasabi ang kahalagahan ng panitikan.
b. Naipapaliwanag ang mga mahahalagang dapat tandaan sa pagtuturo sa panitikan.
c. Nakasusulat ng mga estratehiya sa pagtuturo sa panitikan.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Gabay sa Pagtuturo sa Literatura
b. Sanggunian: Magdalena O. Jocson (2000) Hiyas ng Lahi (Panitikan, Gramatika,
Retorika) National Bukstore, Quezon City, pp. 16-21
c. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang pagtuturo sa literatura.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang gawain:

 PANALANGIN

Magsitayo po tayo at tayo'y manalangin.

(Ang mga mag-aaral ay tatayo at mananalangin)

 PAGBATI

Magandang umaga mga mag-aaral.

Magandang umaga po Ginoo.

Magsi-upo na kayo.

(Uupo ang mga mag-aaral)

 PAGTALA NG LIBAN

Sino-sino ang mga lumiban sa klase

Wala po Ginoo.
 PAGLALAHAD NG ALITUNTUNIN

Estratehiya: Hand Rules


Teknik: Mayroon tayong mga kamay na ating
ginagamit sa pagtatrabaho. Maraming pwedeng
gawin ang ating kamay. Kaya bilang kaayusan n
gating klase, nais kong isaulo niyo ang aking mga
alituntunin gamit ang aking mga kamay.

Klas, pag binukas-sara ko ang aking kamay, ibig


sabihin ay: Huwag maingay kapag ang guro po ay
nagsasalita.

Kapag binukas ko ang aking kamay, ibig sabihin ay:


Itago ang mga nakakasagabal na gamit sa
talakayan at umupo ng maayos.

At kapag nakasara ang aking kamay, ibig sabihin


ay: Huwag makikipag-usap sa katabi.

Maliwanag ba klas?

Opo Ginoo.

 PAGSASANAY

Narito ang mga salitang ating napag-aralan nang


nakaraang talakayan. Maari niyo bang basahin ng
malakas, malinaw at mabilis.

Dalamhati
“Dalamhati”

Damdamin
“Damdamin”

Pangamba
“Pangamba”

Pagkasuklam
“Pagkasuklam”

Sindak
“Sindak”

Mahusay!

 BALIK-ARAL

Estratehiya: Palabunutan
Teknik: May dalawang kahon na inihanda ang
guro, sa loob ng unang kahon ay may mga piraso
ng papel na may katanungan patungkol sa
tinalakay noong nakaraang tagpo at sa
pangalawang kahon naman nakasulat ang mga
pangalan ng mag-aaral. Bubunot ang guro sa mga
kahon upang malaman kung sino ang sasagot at
kung ano ang katanungan.

Bb. Joyce
Ito ang dulog na lumaganap sa mga panulaan sa
Great Britain at North America sa pagitan ng mga
taong 1909 at 1918? Ang dulog na lumaganap sa taong 1909 at 1918 ay
ang dulog Imahismo.

Mahusay!

G. Joseph
Halos nakakatulad din ito ng dulog realismo
sapagkat ang dulog na ito ay nakatuon sa mga
bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran.

Dulog Naturalismo ang nakatuon sa mga bagay na


Mahusay! may kaugnayan sa likas na kapaligiran.

G. Arthur
Lumitaw ang ____ dahil na rin sa paniniwala ng
karamihan na ang panitikan ay nasa kamay lamang
ng mga lalaking manunulat.

Dulog Feminismo po.

Napakahusay!

 PAGHAWAN NG SAGABAL

Estratehiya: Paghahanap ng Salita


Teknik: Sa pamamagitan ng paghahanap ng salita,
tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga salitang
maaring bago pa lamang sa kanilang pandinig.

H B D F F S S C J M
M A H I H I N U H A
F L V S F F F G U L
S A N A Y S A Y J I
Q N J K D F G H J N
S B H D K S A Q E A
Z X V A M O P T W N
B A L A N G K A S G

 PAGGANYAK

Estratehiya: Pagpapakita ng Litrato


Teknik: May iba’t ibang halimbawa ang panitikan
sa pamamagitan ng pagpapakita ng litrato
tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong mga
halimbawa ang mga ito. Ang bawat pangkat ay
pipili ng dalawang kinatawan upang sagutan ang
mga litratong ipapakita ng guro.

Bb. Anna

Talumpati at Balita

G. Michael
Nobela at Pabula

G. Arthur

Alamat at Kwentong Bayan po.

 PAGLALAHAD NG ARALIN

Lahat ng litrato na aking pinakita at inyong


sinagutan ay may kaugnayan sa panibago nating
talakayan ngayong araw na ito.
May nakakaalam bas na inyo kung ano ang bago
nating tatalakayin?
Ang bagong paksa po na ating tatalakayin ay ang
panitikan.
Tama! Mahusay, dahil ang tatalakayin natin
ngayong araw ay patungkol sa Panitikan.

 PAGTALAKAY SA ARALIN

Estratehiya: Kinig Husay


Teknik: Sa pamamagitan ng PowerPoint
presentation ay hihikayatin ang mga mag-aaral na
makinIg ng mahusay sa gagawing talakayan.

 PAGLALAHAT

Estratehiya: Taas Kamay


Teknik: Magtatanong ang guro patungkol sa
tinalakay kung talaga namang naintindihan nila
ang talakayan.

Ano ang paksang tinalakay natin ngayong araw?


Bb. _______ Patungkol poi to sa Panitikan

G.______ ang ibig sabihin ng panitikan ay?


Nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin,
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

BAkit mahalaga na matutuhan ang panitikan?


G. __________
Dahil ang panitikan ay may aral na taglay.

 PAGLALAPAT

Pagsulat ng tatlong estratehiya sa paguturo sa


panitikan.

Estratehiya Estratehiya Estratehiya


1. 2. 3.

Estratehiya Estratehiya Estratehiya


1. 2. 3.

 PAGPAPAHALAGA
Napapahalagahan ang pagtuturo sa literatura
o panitikan sapagkat ang panitikan ay
sumasalamin sa reyalidad ng buhay.

IV. Pagtataya

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao.
a. akda b. talasalitaan
c. panitikan d. ideolohiya
____2. Ayon kay Channel (1988) magagamit niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.
a. akda b. talasalitaan
c. panitikan d. ideolohiya
____3. Ito ang mga sangkap sa pagtuturo ng panitikan.
a. akda, panitikan, talasalitaan b. akda, talasalitaan, ideolohiya
c. talasalitaan, panitikan, operasyunal d. operasyunal, pagpapahindi, akda
____4. Ito ay hango o kopya sa diksiyonaryo.
a. denonatibo b. konotatibo
c. pagpapahindi d. operasyunal
____5. Ayon kay _____ ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat ditto nasusulat ng tao sa malikhaing
paraan ang kulay ng kanyang buhay.
a. Webster b. Channel
c. Arrogante d. Salazar
____6. Mahalagang pag-aralan ang panitikan sapagkat:
a. nagbibigay hugis sa mga bunga ng makabuluhang karanasan ng tao.
b. ang bawat panitikan ay may aral
c. nagagawa nitong malinang an gating pangitain tungkol sa reyalidad ng buhay.
d. Lahat ng nabanngit.
____7. ____ ay nagtataglay ng positibo o negatibong kahulugan.
a. operasyunal b. kasingkahulugan
c. denonatibo d. konotatibo
____8. Ito ay mga salitang kabaliktaran ang kahulugan ng isang salita.
a. magkasalungat b. kasingkahulugan
c. talasalitaan d. akda
____9. Ayon kay ____ ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
a. Channel b. Arrogante
c. Salazar d. Webster
____10. Ito ay kabatiran sa iba’t ibang pagkahulugan ng mga salita, larawan at tema ng teksto.
a. akda b. talasalitaan
c. ideolohiya d. panitikan

V. Takdang aralin

Sumulat ng isang tula maaaring ito ay patungkol sa pamilya,pag-ibig,kalikasan at sa mga pangyayari na


nagaganap sa ating mundo.
Inihanda ni:

Autor,Phillip A.

Isinumite kay:

REYNARD G. PANGDIW

You might also like