You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN

Sa araling ito inaasahan na

a. Nakapagbibigay ng kahulugan at layunin ng tekstong naratibo


b. Nabibigyang-halaga ang gamit ng Tekstong Naratibo.
c. Nakapagsusulat ng isang halimbawa ng tekstong naratibo.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Tekstong Naratibo
b. Sanggunian: https://youtu.be/HgF3iq1mPU8?si=8jXiB7rKAWOEP4Bh
c. Kagamitang Pampagtuturo: Biswal na materyal, mga larawan, pisara at tsok,
pabunutan na kahon, laptop
d. Kakayahang dapat linangin: Pagsusulat, pakikinig, at pagsasalita
e. Integrasyon: ICT, Filipino, at ESP
f. Metodolohiya: 4a’s na dulog (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon Aplikasyon)

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Bb. Julie maaari bang pangunahan mo
ang panalangin? Julie: Sa ngalan ng ama, ng anak, ng
espiritu santo, Amen. Purihin nawa ang
ngalan ni Jesus, ngayon at magpakailan
man, Amen. Sa ngalan ng ama, ng anak,
ng espiritu santo, AMEN.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat mga Mag-aaral: Magandang umaga Bb.
mag-aaral ko! Hazel.
3. Pagsasaayos
Pulutin muna ang mga papel o anumang
dumi sa ilalim ng inyong upuan. Mag-aaral: Opo binibini.

Ngayon magsiupo na ang lahat ng


maayos at itago ang lahat ng bagay na
maaaring makasagabal sa ating
talakayan.

4. Pagtala ng liban
May liban ba sa araw na ito? Joy: Mayroon po binibini.

Maaaring pakisulat Bb. Joy sa gilid na Joy: Opo binibini.


bahagi ng pisara ang mga wala sa araw
na ito.

5. Pagbabalik-aral
Sino ang nakaalala sa tialakay natin
noong nakaraang linggo? KC: Ako po guro!

Sige bb. KC.


KC: tungkol po sa tekstong deskriptibo.
Ito ay may layunin na maglarawan ng
isang tao, bagay, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa.
Mahusay binibini, maraming salamat.

6. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating paksang
tatalakayin sa araw na ito, magkakaroon
muna tayo ng isang masayang gawain.
Tatawagin natin itong “HANAPIN MO
AKO"
Hahatiin natin ang klase sa dalawang
pangkat. Maglalagay ako ng bote sa gitna
ng mesa. Kapag sinabi kong head,
ilalagay ang kamay sa ulo. Kapag sinabi
ko namang shoulder, ilalagay ang kamay
sa balikat at kapag sinabi kong get,
paunahan dapat ang dalawang mag-aaral
na makuha ang bote sa gitna ng mesa.
Ang una makakuhang grupo ay
magkakaroon ng pagkakataong
makasagot.
(pagsasagawa ng gawain)

B. PAG UNLAD NA GAWAIN

1. Paglalahad ng paksa
Ang ating isinagawang unang gawain ay
may kaugnayan sa paksang ating
tatalakayin ngayong araw. Sa tingin ninyo
ito ay patungkol sa?
Mga teksto po

Maaari!

2. Paglalahad ng layunin
Sa araling ito inaasahan na:
a. Nakapagbibigay ng kahulugan at
layunin ng tekstong naratibo
b. Nabibigyang-halaga ang gamit ng
Tekstong Naratibo.
c. Nakapagsusulat ng isang
halimbawa ng tekstong naratibo.

1. AKTIBITI
Tukuyin kung ito ba ay halimbawa ng
tekstong naratibo na piksyon o di piksyon.

 Nobela
 Maikling kuwento
 Biograpiya
 Dula
 Balita
 Malikhaing sanaysay
 Talaarawan

2. ANALISIS

 Nobela- piksyon
 Maikling kuwento- piksyon
 Biograpiya- di piksyon
 Dula- piksyon
 Balita- di piksyon
 Malikhaing sanaysay- di piksyon
 Talaarawan- di piksyon
Napakahusay!

3. ABSTRAKSYON
Ngayon bubuksan na natin ang ating
talakayan sa bagong paksa na ating pag-
aaralan.

Ano ang kahulugan ng Tekstong


Gia: Ang tekstong naratibo ay isang
naratibo? Pakibasa bb. Gia.
pagkukuwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring piksyon o di
piksyon

Maraming salamat, ang tekstong naratibo


raw ay isang pagkukuwento ng
pangyayari, ibig sabihin ay isinalaysay
ang mga pangyayari na kinaharap ng
isang tao, bagay, o kaya naman ay
hayop.

Ano naman ang mga layunin ng Tekstong


Naratibo? LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO

 Magsalaysay o magkuwento
 Magbigay ng kawilihan sa mg
mambabasa
 Pagbibigay ng angkop at
makabuluhang impormasyon sa
tiyak na tagpo, panahon,
sitwasyon at sangkot, at piling
tauhan
Mayroong dalawang uri ng Tekstong  Magbigay ng maayos at matibay
naratibo, ano kaya ang dalawang ito? na kongklusyon

Mahusay! Piksyon at di piksyon. Kapag Piksyon at di piksyon po guro


sinabi nating piksyon, ang tanging pokus
sa uring ito ay madala ang mambabasa
sa isang masining at makulay na
pantasya. Ito ay anyong pasalaysay sa
ilalim ng uri ng akdang tuluyan na ang
layunin ay magkuwento gamit ang sariling
imahinasyon ng isang tao.

Ayon sa sagot ninyo kanina ano ang mga


halimbawa ng Tekstong Naratibo bilang
piksyon?
nobela, maikling kuwento at dula po guro
Tumpak dahil ito ay naglalaman ng mga
hindi totoong pangyayari.

Ano naman ang ibig sabihin ng Di


piksyon? Pakibasa nga po G. Karl

Tekstong Naratibo bilang di piksyon-


nagsasaad ng mga totoong pangyayari
sa buhay ng isang tao. Tanging layunin
sa bahaging ito at sistematikong
pagsasalaysay na ang pokus ay ang mga
Kung ang piksyon ay naglalaman ng mahahalagang karanasan na
totoong pangyayari, ang di piksyon pinagdadaanan ng isang tao.
naman ay naglalaman ng totoong
pangyayari sa buhay ng isang tao.

Dumako naman tayo sa Pamamaraan sa


pgkuha ng angkop na datos sa
pagsulat ng isang tekstong naratibo.

Pag-alam sa tamang paggamit ng iba’t


ibang pananaw.

UNANG PANAUHAN- Ginagamit sa


Sa unang panauhan ang pagsasalaysay bahaging ito ang isahang pasalaysay
nito ay sa paraang ang manunulat ang batay sa pansariling karanasann at
nagsasalaysay. Halimbawa ay “Kumain gumagamit ng panghalip na “Ako”.
ako ng hinog na mangga”.

IKALAWANG PANAUHAN- Pakikipag-


Dito naman ipalagay natin na ang usap ang daloy ng pagsasalaysay sa
manunulat ay kinakausap ang tauhan sa paraang kinakausap ng manunulat ang
kuwento. Halimbawa ay “Kumain ka na tauhang nakapaloob sa kuwento, at
ba?” gumagamit ng panghalip na “Ka at Ikaw”.

Kapag naman ikatlong panauhan, may IKATLONG PANAUHAN-


ibang tinutukoy ang manunulat, hindi niya pagsasalaysay ng isang tao na walang
ito kausap. Halimbawa ay “Umalis siya kaugnayan sa tauhan at ang panghalip
kaninang umaga” na ginagamit sa bahaging ito ay “siya”.

Ang sunod nating tatalakayin ay ang Mga


maayos na paggamit ng
pagpapahayag na ang pokus ay
dayalogo at damdamin.

Mayroon tayong dalawang uri. Ang


tuwiran at di tuwiran. Pag sinabi nating
Tuwiran pakibasa nga po ginoo.

Dito ay tinutukoy mismo ang katagang


sinabi ng isang tao, gumagamit ng panipi
o quotation mark.
TUWIRAN- pagpapahayag sa orihinal na
Halimbawa. Mariing sinabi ng tagapayo, dayalogo ng isang tao.
“Walang lumiban sa ating klase sa buwan
ng Pebrero.”

Ano naman ang di-tuwiran? Pakibasa po


binibini.

Ang di tuwiran naman daw ay


isinasalaysay lamang ng isang tao ang
sinabi ng isang tao. Hindi ginagamitan ng DI TUWIRAN- ang nahalaw na pahayag
panipi. ay isinasalaysay at hindi na gumagamit
ng panipi.
Halimbawa. Mariing sinabi ng tagapayo
na walang lumiban sa kaniyang klase sa
buwan ng Pebrero.

Naunawaan na po ba?

Ang panghuling tatalakayin natin ay ang


Angkop na paglalapat ng elemento.

Pakibasa nga po binibini.


Opo maam.

TAUHAN- gumaganap sa kuwentong


isinasalaysay na maaaring pangunahin o
katunggaling tauhan.

TAGPUAN- Isinasalaysay sa bahaging


ito ang lugar at panahon.

BANGHAY- Daloy ng pagsasalaysay na


nakaayos sa paraan ng panimula,
tunggalian, kasukdulan, kakalasan at
wakas.
Naunawaan na po ba ang ating
tinalakay? PAKSA- Tinatawag na pinagtutuunang
ideya sa pagsasalaysay.
Magaling!

Opo maam.

4. APLIKASYON

Sa isang buong papel, magsulat ng isang


talambuhay ng inyong sarili.

5. PAGLALAHAT
Tungkol saan nga ang tinalakay natin
ngayon? Tungkol po maam sa tekstong naratibo.
Layunin, pamamaraan, maayos na
paggamit at mga element nito po.

Magaling!

6. PAGPAPAHALAGA
Sa tingin ninyo bakit mahalagang pag-
aralan ang tekstong naratibo? Dahil po nagbibigay daan ito sa
pagpapalakas ng kasanayan sa pagsulat
at pagpapahayag ng sariling kuwento at
karanasan.
Magaling!
IV. PAGTATAYA

Panuto: isulat ang titik ng tamang sagot sa isang papel.

1. Ano ang katangian ng isang tekstong naratibo?


A. Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
B. Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang pangyayari.
C. Ito ay naghahatid ng kalinawan sa bagay-bagay o pangyayari.
D. Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.

2. Ang tesktong naratibo ay kilala rin sa tawag na


A. tekstong may sanhi at bunga C. tektong nagpapaliwanag
B. tekstong nagbibigay-pahiwatig D. tekstong nagsasalaysay

3. Ang tekstong naratibo ay maaaring maihanay sa piksiyon o di-piksiyon na kuwento.


Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng piksiyon?
A. kuwentong bayan C. korido
B. talaarawan D. parabola

4. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng isang naratibong piksiyon?


A. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata C. Bangkang papel
B. Kasaysayan ng Pilipinas. D. Kwento ni Mabuti

5. Alin sa sumusunod ang maaaring maihanay sa tekstong naratibo?


A. mga lathalain C. Mga editoryal
B. tekstong nagsasaad ng sanhi at bunga D. mga akdang pampanitikan

Setyembre 21, 1972 nang idineklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang
Proclamation No. 1081 o mas kilala sa tawag na Batas Militar.

6. Saang elemento ng kuwento mailalapat ang pangungusap na mababasa sa itaas?


A. tagpuan C. banghay
B. kasukdulan D. tauhan

Simula > Tunggalian > Kasukdulan > Kakalasan > Wakas

7. Anong elemento ng kuwento ang ipinakikita sa diagram sa itaas?


A. tauhan C. tagpuan
B. Banghay D. Diksiyon

8. Anong tawag sa pananaw kapag ang tinutukoy sa kuwento ng manunulat ay ang


kanyang kausap?
A. Unang panauhan C. Pangatlong panauhan
B. Pangalawang panauhan D. Pang apat na panauhan

9. Ito ang sentral na idea na nakapaloob sa kuwento


A. Tema C. Tauhan
B. Paksa D. Nilalaman

10. Anong tawag sa pananaw kapag ang tinutukoy sa kuwento ng manunulat ay ang
sariling pananaw?
A. Unang panauhan C. Pangatlong panauhan
B. Pangalawang panauhan D. Pang apat na panauhan

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa Tekstong Persuweysib at isulat sa kuwaderno.

Inihanda ni:

Bb. Hazel A. Aguila


Gurong mag-aaral

Iwinasto ni:

Bb. Janice L. Arevalo


Gurong tagasanay

Pinagtibay ni:

Gng. Ma. Mercy A. Escuro


Punong Guro

You might also like