You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPNO 11

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANANLIKSIK


FEBRUARY 28, 2024
I. LAYUNIN
A. Natutukoyang kahulugan ng mahahalagangsalitang ginamitsa tekstong binasa. (FA11 PT-IIIA-88)
B. Naibabahagiang katangian at kalikasan ng tekstong naratibo ( F11PS- IIIb- 91)

C. Nakasusulat ngisanghalimbawa ng tekstong naratibo ( F11PU- IIIb – 89)

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: U ring Teksto: TEKSTONG NARATIBO
B. Sanggunian: Rex at Sibs Pagbasa at Pagsusuri pp. 72-86
C. Kagamitan: Laptop, PPT, Chalk, TV, videos from youtube

III. PAMAMARAAN
A.Pagganyak
Panimula
Panalangin , Checking of Attendance
Balik-tanaw sa nakaraang aralin
Ang guro ay tatawag ng ilang mga mag-aral upang magbahagi ng kanilang kaalaman.
B. Aktibiti
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa anim na pangkat.

Sundin ang sumusunod na panuto:


1. Bawat mag-aaral ay susulat ng pangalan ng isang bagay, tao,lugar o hayop,pantangi mano karaniwan,
sa isang maliit napapel. Pagkatapos, isulat, tupiin ang papel at ibulsa.
2. Pagkatapos gawin ito,pumunta sa grupo
3. Mag-iisipang grupo ng isang maikling kwento na binubuo lamang ng sampung pangungusap.
Dapatay kasama sa pagkukwento ang lahat ng salita na binuo ng bawat miyembro.
4. Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang kwento sa pamamagitan ng isang
kinatawan na pipiliin ng mga miyembro. Sa pagbabahagi, huwag kalimutang tukuyin ang mga salitang
ibinahagi ng bawat miyembro na napasa masasalaysay na ginawa.

Pagkatapos ng aktibiti, and guro ay tatawag ng ilang mag-aaral/grupo upang ibahagi ang kanilang

kaalaman patungkol sa maikling kuwentong binuo.

Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral

C. Abstrak
Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin base sa sagot ng mga mag-aaral.

D. Pagtalakay sa Aralin
1. Piksyon (fiction). Ang pangyayaring inilalahad ay nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat.
2. Di-piksyon (non- fiction). Ang pangyayaring inilalahad ng manunulat ay hinango sa totoong pangyayari
sa daigdig.
3. Pananaw o Punto de-vista (point of view). Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa paningin o pananaw sa
kaniyang pagsasalaysay.
TEKSTONG NARATIBO
Ang Tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring hinango sa
totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay
nanggaling mula sa sarili niyang karanasan.
HALIMBAWA NG PIKSYON:
nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay.
HALIMBAWA NG DI- PIKSYON:
talambuhay, balita at maikling sanaysay
May iba’t ibang pananaw o Punto de-vista sa tekstong naratibo
1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “AKO”.
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya
sa kuwento kaya’t gumagamit ng mga panghalip na “KA” o “IKAW”.
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa mga tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay
“SIYA”.
Tatlong uri ng Ikatlong Pananaw:
1) Maladiyos na Panauhan – nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip ,damdamin at
paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
2) Limitadong Panauhan --- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi
ang sa iba pang tauhan.
3) Tagapag-obserbang Panauhan – hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at
damdamin ng mga tauhan.

E. Aplikasyon/Paglalapat
1. Pangkatang Gawain
Sumulat ng halimbawa ng tekstong naratibo batay sa iyong sariling karanasan. Sundin ang mga paraan sa
pagsulat
a. Simula b. Gitna C. Wakas
Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa
2. Ipabasa/Panoorin ang isang maikling kwento tungkol kay Mang Ambo.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Anong impormasyon ang ibinibigay ng tekstong binasa?
b. Ilarawan ang nagsasalaysay sa kwento.
c. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga impormasyon?
d. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Mang Ambo,ano ang iyong gagawin?

IV. Pagsusulit
Bolpen at papel. Ang guro ay tatahasan ang mga mag-aaral na kumuha ng sangkapa’t na papel para sa pagsusuli.
V. Kasunduan
Pumili ng isang kwentong pambata na naaayon sa edad ng batang pupuntahan.
Kwentuhan ang/ang mga batasa malikhaing paraan at I video ang pagkukwento. Ipakita ang video sa klase sa
susunod na pagkikita. Tatayahin ang pagkukwento batay sa rubrik.

Inihandani:
CHAREN POICE C. ROSELLO
Guro Sa Filipino HT-III

Iwinasto ni:

HIMAYA J. MAGUIDATO
HT-III

You might also like