You are on page 1of 28

Uri ng Diskurso (week 7-8) - Pasalaysay at o kabatiran sa mga mambabasa.

Ito ay
Paglalarawan payak at tuwiran. Agad ibinibigay ang
mahalagang pangyayari sa salaysay. Ito
Batayang Uri ng Diskurso:
ay walang banghay, kawili-wili, may
layunin at makatotohanan. Ito ay
nanawagan ng damdamin ng tao. Dapat
1. Pagsasalaysay ipadama ng may-akda na mahalaga sa
2. Paglalarawan buhay ang kanyang salaysay.

3. Paglalahad

4. Pangangatwiran 2. Masining na Salaysay o Maikling kwento


(Artistic Narrative)

• Ang paksa ay lubhang mahalaga sa


Ang Pagsasalaysay ay isang uri ng isang maikling kwento. Dito dumadaloy
pagpapahayag o diskors na ang layon ay ang nilalaman ng istorya na siyang
magkuwento. Ito ay nagpapahayag nang pinakapuso ng kwento. Dapat angkop
magkakasunod at magkakaugnay na mga sa karakter ang pangyayari at istilo ng
pangyayaring pinagagalaw nang paunlad tungo kwento.
sa tiyak na katapusan. Ang pagsasalaysay ay ang
pinakamatandang anyo ng pagpapahayag. Paglalarawan
Nagsimula ito mula pa sa mga unang araw na • Ito ay isang uri ng pagpapahayag na
natutung magkuwento ang isang bata. Sinundan may layuning bumuo ng isang hugis o
ito ng mga kuwentong bayan, awiting bayan, anyo ng tao, pook, pangyayari sa
alamat, epiko at marami pang iba. pamamagitan ng mga angkop at piling-
piling salita.

May tatlong hakbang sa paghahanda ng • Isang paraan ng pagpapahayag ng mga


Salaysay: kaisipan o pala-palagay tunkol sa isang
tao, hayop, bagay,lugar o sa isang
pangyayari sa pamamagitan ng
1. Pagpili ng Paksa makukulay, mahuhugis o maaanyo at
iba pang mapapandamang-naaamoy,
2. Pagsusuri ng Paksa nalalasa, naririnig at pananalita.Ang
layunin nito ay makapagpamalas sa isip
3. Pagbuo ng Paksa
ng tagapakikig o mambabasa ng isang
malinaw at buong larawan na ang
katangi-tanging kaibahan nito sa mga
May dalawang Uri ng Salaysay:
kauri ay mapalutang, ay lubos na
maisasakatuparan.

1. Salaysay na nagpapabatid (Informative


Narrative)
Dalawang Uri ng Paglalarawan
• Ang salaysay na nagpapabatid ay
isinusulat upang magbigay ng kaalaman
1. Karaniwang Paglalarawan – Ito ay
paglalarawan na ginagamitan ng mga
mata.Kung ano ang nakikita at
inilalarawan ay isang Karaniwang
Paglalarawan.Hindi kasangkot ang
damdamin at opinion ng sinuman.

2. Masining na Paglalarawan –
Paglalarawang nakahihigit ang
katangian ng masining sa karaniwang
paglalarawan. Nagtataglay din ito ng
mga katangian ng karaniwang
paglalarawan ngunit ito ay pupukaw ng
guniguni. Ang damdamin at isipan ng
mambabasa ay napapagalaw ng autor.
Ginagamit ang mga tayutay at salitang
matatalinghaga. Makikitang madalas
ang masining na paglalarawan sa mga
maikling kwento, nobela at lalung-lalo
na sa mga tula.
URI NG DISKURSO
WEEK 9-11
Paglalahad (Expository Writing)

 Isanguri ng pagpapahayag na ang layunin


ay magbigay ng kaalaman, magpaliwanag at
tumugon sa pangangailangang
pangkarunungan.

 Ito ay karaniwang nababasa ng mga


mambabasa sa mga aklat, pahayagan at
artikulo sa magasin.
 Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kwento.
Hindi rin naglalarawan ng mga bagay at
lalong hindi nagpapahayag ng isang
paninindigan. Bagkus, Ito ay isang uri ng
kathang ang layunin ay gumawa ng isang
malinaw at walang kinikilingang
pagpapaliwanag ng anumang bagay na
nasasaklaw ang kaalaman ng tao.
Ang Iba’t ibang anyo ng Paglalahad

 Pagbibigay Katuturan – Ito ay karaniwang anyo


ng paglalahad. Nagpapalinaw nito ang pag-unawa
sa kahulugan ng isang bagay, tao, pangyayari,
dinarama o konsepto.

 Pagsunod sa Panuto – Ito ay nagbibigay patnubay


sa isang paraang malinaw, payak maikli at
madaling maunawaan. Angkop na angkop ito sa
paggawa ng isang bagay.
 Pangulong Tudling o Editoryal - Ito ay nagsasaad ng
kuru-kuro o damdamin ng patnugot ng pahayagan o
magasin. Mababakas ang katalasan ng isip at
damdamin ng editor sa kanyang pangulong tudling.

 Iba’t ibang uri ng editoryal ay:


a. Nagpapabatid e. Nanlilibang
b. Komentaryo f. Nagbabalita
c. Pamumuna g. Sumasalungat
d. Nagpapahalaga h. Nanghihikayat
Balita – Ito ay naglalaman ng mga
pang-araw-araw na pangyayari sa loob
at labas ng bansa.
Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang
balita ay isang ulat na hindi pa
nalalathala tungkol sa ginagawa ng
mga tao at inaasahang pananabikan,
maiiibigang malaman at makalilibang
sa mambabasa.
 Suring-Basa – Ito ay isang anyo ng paglalahad na
naglalaman ng obhektibong pagsusuri sa nilalaman ng
aklat. Layunin nitong ipakita ang kagandahan,
kakulangan o kapintasan ng sinuring aklat. Nagbibigay
ng hatol ang sumuri kung ito ay kalugod-lugod kaya
dapat basahin. Maaaring magbigay ng mga mungkahi
ang sumuri upang lalong mapaganda ang nilalaman ng
aklat.

 Ulat – Ito ay maaaring pasalita o pasulat na paglalahad


ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutuhan o
nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
 Sanaysay – Ito ay isang anyo ng
paglalahad na nagbibigay ng kuru-kuro,
pananaw,paniniwala at damdamin ng
sumulat mula sa kanyang karanasan at
sa kanyang palagay ay may
katotohanan. Sa pagbasa ng sanaysay
ay nakikilatis ang pag-unawa sa
damdamin at karanasan ng sumulat.
Ang sanaysay ay maaaring maikli o
mahaba, personal o kumbensyonal at
kung minsan ay may halong aral.
Dalawang Uri ng Sanaysay:

 Maanyo o Pormal na Sanaysay – ang autor ay


gumagamit ng piling-piling mga salita at nagpapakita
ng malawak na kaalaman sa paksa. Ipinakita rin dito
ang katalinuhan ng may-akda.

 Malaya o Di-pormal na Sanaysay – kawili-wili ang


mga paksa. Ang pagpapahayag ay may himig
pakikipag-usap, masigla, mapagpatawa ngunit
naglalaman din ng mahalagang kaisipan.
 Balangkas – Ito ay nagbibigay direksyon sa
pagsusulat. Sa pagba-balangkas, pinagsasama-
sama ang mahahalagang kaisipan o ideya at
ibinubukod ang mga panulong sa kaisipan. Ito ay
maaaring isulat ng patalata o pangungusap, salita
o parirala lamang.
 Ito ay tinatawag ding kalansay ng buong teksto o
sulatin. Ang pangunahing kaisipan ay maaaring
gumamit ng bilang Romano (I,II,III…..) , malalaking
titik para sa ikalawang mahalagang kaisipan,
tambilang na Arabiko para sa ikatlong antas ng
kaisipan at maliit na titik sa ikaapat na antas ng
kaisipan.
Pangangatwiran
Pangangatwiran:

 Angpangangatwiran ay naglalayong
humikayat na ginagamitan ng lohika at
patunay o katibayan. Mahalaga ang
pangangatwiran sapagkat ito ay
lumilinang nang sa ganoon ay
mapaniwala at mapakilos ang iba ayon
sa kanyang kagustuhan.
Uri ng Pangangatwiran:
1. Pabuod o induktibo na Pangangatwiran (Inductive Reasoning)
– Nagsisimula ito sa maliit na detalye at nagtatapos sa isang
panlahat na kaisipan.
Tatlong Paraan:
 Patulad – paglalahad ng magkatulad na katangian, susuriin at
dito hahango ng kongklusyon.

 Pa-ugnay – batay sa katotohanang ang bawat pangyayari ay


may dahilan.

 Patibay – ito ay nanghahawakan ng mga ebidensya, katibayan


at patunay
2. Pasaklaw o deduktibo na
– Ang
Pangangatwiran (Deductive Reasoning)
pangangatwiran ay nagmumula sa
pangkalahatan tungo sa mga detalye
o maliit na katwiran. Ito ay
naipapahayag sa pamamaraan ng
silohismo ayon kay Badayos (2001).
Ang silohismo ay binubuo ng 3 magkakaugnay
na pahayag.

1. Ang pangunahing batayan - pang-unang kaisipan.


2. Ang pangalawang batayan - kaisipang nabuo na
ibinatay sa unang kaisipan.
3. Konklusyon - nabuo batay sa unang dalawang
kaisipan na ginagamitan ng
katagang kung.
Halimbawa:

 Unang kaisipan:
- Ang mga guro ay matitiyaga at masisipag
 Ikalawang kaisipan:
- Si Raquel ay guro
 Pangatlong kaisipan:
- Kung gayon si Raquel ay matiyaga at masipag.
Halimbawa:

Ang buong X ay Y
Ang U ay X
Kung gayon ang U ay Y din.
Gawain:
 Ang kaklase mo ba ay totoong mabait o masungit
din?
 Si Lito ay kaklase kong hindi totoong mabait.
 ________________________________________
Gawain:
 Ang mga inapo ni Aling Bestra ay matatalino.
 Si Joyce ay anak ni Aling Bestra.
 ________________________________________
Gawain:
 SiAlex ba ay sadyang iyakin o palatawa?
 Siya ay iyakin.
 _______________________________________
Proposisyon
 Ito ay tumutukoy sa paksa ng pagtatalo na
maaaring magpahayag ng anyong pagsalungat o
kaya’y pagsang-ayon. Ang paksa nito’y di dapat
naiiwan ng panahon, may katiyakan maliban sa
malinaw ang pagkakalahad. Sa kabuuan, ang
isang proposisyon ay nakabubuhay ng interes ng
pagtatalo.
Aspekto sa Pagbuo ng Proposisyon:

1. Pangyayari - tumutukoy o ibinatay ang proposisyon sa


mga kaganapan sa kapaligiran. Ito ay mga kaganapang di
karaniwan.

Hal:
 Nagkaroon ng malawakang rally sa mga daanang matao
noong isang araw.
 Nagrereklamo sa management ang mga taong palaging
sumasakay sa LRT dahil biglaang pagbabawal na gamitin
ang kard na dati’y ginagamit sa pagsakay rito.
1. Patakaran - ang uri ng proposisyong ito ay gamit
sa pagpapahayag ng pagtatalong pampubliko. Ang
pagtatalo ng dalawang koponan ay upang mabatid ang
kawastuhan o kamalian ng binabalak niya. Dito’y gamit
ang salitang dapat o di dapat.
Hal:
 Dapat na pairalin nang mahigpitan ang tamang bigat
ng billboard sa matataong lugar.
 Dapatipagbawal ang pagtitinda ng mga junk food sa
eskwelahan.

You might also like