You are on page 1of 14

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

PAGPAPAHAYAG NA PASULAT
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahukugan at kahalagahan ng pagpapahayag
2. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na pasulat
3. Nasususri ang ilan sa mga halimbawa ng paaggpapahayag na pasulat

PANIMULA:
Ang pagsulat ay isang paraan upang makapgahayag ang sinuman ng
kanyang mga nasasaisip at mga saloobin, mahalaga ang pagsulat sa bawat
indibidwal maraming bagay ang nais nating tukasin at isa ang pagsulat sa paraan
upang mailathala an gating mga natuklasan na makatutulong sa pag-unnlad, isa rin
ito sa mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Tuklasin
sa araling ito ang iba gamit ng pagusulat sa pagpapahayag.

PAGPAPAHAYAG NA PASULAT
 Pagbabahagi ng mga saloobin, o mga pananaw maari itong isagawa nang
pasalita o pasulat
 Pagpapalitan ng ng makahulugang kuro-kuro kaugnay sa isang paksa
 hangarin nito ang mag-ulat ng mga pangyayari, may tatlong mahahalagang
sangkap ang pinakabatayang proseso, ang manunulat, ang teksto at ang
mambabasa
 Paksa at Anyo dalawang bagay na nilalaman ng pagpapahayag na pasulat
Paksa- ideya o kaisipan tinatalakay
Anyo- mga alintuntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay ng sinumang
manunulat.
Kung ilalarawan ang pasulat na pagpapahayag, may tatlong
mahahalagang sangkap ang pinakabatayang proseso. Ang manunulat, ang
teksto at ang mambabasa. Ang manunulat ang nagpapadala ng mensahe na
encoder kung tawagin. Ang teksto ang nakasatitik na mensahe na pinuprodyus

Course Module
ng manunulat at ang mambabasa, ang nagbibigay interpretasyon at ang
umuunawa sa teksto tinatawag itong decoder.
POKUS ang tawag sa pinakasentro ng atensyon sa pagsulat ng manunulat,
nahahati ito tatlong kategorya, pokus sa paksa, pokus sa manunulat at pokus sa
mambabasa
Anyo ng Pagsulat Pokus sa Paksa
Edukado ang uri ng pasulat sa kategoryanng ito, sulating pang-akademya. Sa
pagsulat, pinakapipili ang paksa, sinisinop nang buong husay ang pananaliksik at malinaw
na ipinakikilala ang nilalaman ayon sa maingat na pagbabalangkas. Ang pangunahing
layunin sa pagsulat nito ay para maging kapani-paniwala sa mga mambabasa.kabilang sa
ilalim ng kategoryang ito ay ang paglalarawan, pagsasalaysay.
Anyong Paglalarawan na Pagpapahayag
 Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa
isang tao, sa hayop, sa isang bagay, isang pangyayari ng pamamagitan ng
makukulay at maanyong pagpapahayag

 Nagpapatalas ng isipan ng mga mambabasa sa pagbuo ng larawang diwang nais


ihatid ng manunulat

 Nagagawang nitong maipakita sa mambabasa ang mundo sa pamamagitan ng


paningin at pandama, nagagawang itong ipinta sa isipan ng mambabasa at
gawing konkreto sa kanilang balintataw ang mga imahe at pangyayaring
ipinahihiwatig ng manunulat.
2 Uri ng Paglalarawan
Karaniwang paglalarawan
 Nagbibigay lamang ng tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang
bagay ayon sa pisikal na katangian nito.
 gumagamit ito ng mga tiyak na salitang panlarawan
 nagbibigay ng kaalaman ayon lamang sa nakita o nasaksihan
Halimbawa:

Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig ng katawan at


natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan ni Huli. Naging
matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap, nagsilbi
siyang kasama ni Kapitan sa kanyang bahay, kaya naman siya ay nakapag-aral dahil na
rin sa kanyang sipag.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

Masining na Paglalarawan
 Nakikita, naririnig, naamoy, nahihipo, ang mga pananalitang ginagamit dito,
mahalagang kasangkapan ang panlarawan gaya nng patambis at tayutay.
 Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanandin, kaya lamang ay
kinukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling
tagapagsalaysay.

Halimbawa:

Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos ko ang maitim,


marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar na iyon na tinatawag na
kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. sumasabay sa tila gumagapang na mga sasakyan
ang tagaktak ng ulan na parang butyl ng yelo sa lamig ang pagbugsubugsong buhos sa
malawak ngunit karimarimarim na paligid.
Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito, hindi
maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon.

Mula sa “Musmos”
Ni Leah V. Ca,pillanes

Hakbang tungo sa mabisang paglalarawan


1. Pagpili ng Paksa
 Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na
ilalarawan.
 Kinakailangan ang paksa ay nakakatawag ng atensyon.
2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan
 Pangkalahatang imahe ng isang tao, hayop bagay, pook o pangyayari na nais
ipaunawa sa mambabasa.
3. Pagpili ng Sariling Pananaw
 Pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

Course Module
4. Pagkakaroon ng Kaisahan
 bawat bagay na babangitin sa paglalarawan ay kaisa sa pagbuo ng larawan ng
pangunahing kaisipan ng teksto.
5. Pagpili ng mga Sangkap
 mahalaga sa isang teksto ang sangkap maliit man ito o malaki, ito ang basehan
ng mambabasa upang maiba-iba ang bagay na inilalarawan sa iba pang bagay
6. Pagpili ng Angkop na Pananalita
 nararapat na ang manunulat ay may sapat na kasanayan sa paggamit ng salita.
 ang mga salita ang siyang mag-papagalaw sa imahinasyon ng mambabasa
upang makabuo ng isang konkretong paglalarawan.
Anyong Pagsasalaysay
Magagaling sa ganitong anyo ng pagsulat ang mga kuwentista, ang mga
dyornalista, at mga mananaliksik o resertser. Pag-uulat ang pangunahing layunin nang
ganitong anyo ng pagpapahayag na pasulat. Hinahango ang mga datos batay sa mga nakalap
na impormasyon. Ang isang pagsasalaysay ay isang pahayag kung: tumpak, tiyak at tuna
yang pangyayaring naganap, nakita, napanood na sinuportahan ng ptunay.
Nauuri ang pagsasalaysay ayon sa: awtobiograpi o talambuhay, taalarawan, ala-
ala, kasaysayan at pampahayagang ulat o balita. (Arrogante, 2007)
Sangkap at katangian ng Mabuting Pagsasalaysay

1. Nakagaganyak na pamagat – ang isang pamagat ay nakagaganyak kung ito’y


 Maikli- binubuo lamang n dalawa o tatlong salita maaring pangalan ng tao,
bagay, pook, pangyayari o maging isang sambitlang salita.
 May pananabik – higit na binabasa ang isang salaysay kung ang pamagat ay
kakaiba sa panlasa o dating at nakatatawag ng pansin.
 Orihinal – isang makatotohanang salaysay ang pagkakalikha upang maiugnay
ng mambabasa sa tunay na buhay.
 Hindi nagbubunyag ng wakas – ibinibitin ang kapanabikan ng mambabasa
upang maiangat ang imahinasyon nito ayon sa kaniyang malikhaing pag-iisip.
2. Mahalagang paksa – Ang paksa ay maaring hindi napapanahon ngunit nakabatay sa
pamamaraan at estilo ng pagsasalaysay. Ang mga paksa sa karanasan ng tao; ang mga
may kaugnayan sa damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatwad,
pagbabalik-loob; ang tagumpay at kabiguan; at mg pakikipagsaplaran ay mga
paksang hindi pagsasawaang basahin ng mambabasa.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

3. Kawili-wiling simula – Ang simula at di- dapat maligoy, marapat na simulant ito sa
kilos o galaw. Ang magandang simula ay naglalahad ng tuwiran at pinakikilos ang
tauhan batay sa sariling katangian at hindi ito inilalarawan lamang.
4. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari – Ang pagsasalaysay ay may
maayos na pagkakasunod-sunod kung ito’y nagtatagni-tagni, malinaw at kawili-wili
batay sa paksa. Kung minsa’y nilalapatan ito ng pagbabalik-gunita sa nakaraan nang
sa gayon ay magkaroon agad ng simpatya ang mambabasa na basahin hanggang
wakas.
5. Kapana-panabik na wakas – Ang wakas ay kailangang kapana-panabik ngunit hindi
maligoy o wala nang marami pang mabulaklak na pahayag o paliwanag sa halip ay
nagbibigay ng mga simbolismo at pahiwatig ang nagsasalaysay at ibinabahagi sa
mambabasa ang ibang detalye.
Ang Anyo ng Pagsulat pokus sa Manunulat
Nakasentro ang atensyon ng pagsulat sa pokus na ito sa manunulat. Personal ang
anyo ng pagsulat. Damdamin at kaisipang pansarili ang pinahahalagahan ditto kaya wala
nang pananaliksik pang dapat isagawa. Hindi kailangan magdokumentasyon,hindi rin
kailangang maglohika sa istruktura, mga karaniwang opinion lamang itong nagmumula
sa mga pang-araw-araw na karanasan sa buhay ng manunulat kaya naman madali itong
gawin, natural ang pagpapahayag.
 Ang anyong ekspresyon- Nagpapahayag ang tao para mailabas ang mga
nasasaloob na konsepto at emosyon sa layuning mapagaan ang loob sakaling
pinag-uunmapawan ng saya, o kaya’y nilulukuban ng lungkot, o tinutupok ng
poot , atbp. Nabibigyan nito ng pagkakataon ang manunulat na mapaunlad ang
sariling katauhan at lubos na mapalalim ang karakter.
 Ang anyong repleksyon – Pagsusulat ito sa paraang nakatuon ang tingin sa
isang salamin at ditp pinagmamasdang mabuti upang hindi naduduble ang
larawan. Hindi tulad ng ekspresyon, obhektibo ang pananaw rito.
Ang Anyo ng Pagsulat pokus sa Mambabasa
Isinasaalang-alang dito ang mambabasa sa pagsulat. Kilalanin at sanayin silang
magbigay ng sariling impormasyon, edad, interes, trabaho at iba pa ang paksa at tono ng
pananalita. Dalawa ang anyo ng pagsulat na nabibilang sa kategoryang ito: pagpapanuto o
direksyon at panghihikayat.
Ang anyong Direksyon – lahat ng gawain ay may proseso. Ano ano ang kailangang
materyal? Paano uumpisan, itutuloy at tatapusin? Mga instruksyong panggabay sa
paggawa. May dalawang mahahalagang sangkap sa pagsulat ng direksyon o panuto:

Course Module
Una, pagbibigay-impormasyon
Pangalawa, pagsasaayos ng mga impormasyon

Ang anyong Panghihikayat – Binibigyan diin sa panghihikayat na maganyak ang


mambabasang gawin ang isang bagay. Malimit gawin ito ng mga pulitiko sa panahon
ng kanilang pangangampanya. Layunin ito na kunin ang pansin at kalooban at
papaniwalain sa kanilang panig ang mga mambabasa.

Paglalahad
 tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan
 Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw sa isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng mambabasa.
 Ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang
bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layuni o simulain.Pagbibigay ng direksiyon
at pagpapaliwanag ng mga hakbang.
 tumutugon ang paglalahad sa mga usaping napapanahon, nagiging ganap ang
pagkatuto ng mambabasa dahil sa pagkakataong inihahatid sa paglalahad
 naglalahad ito ng mga kaalaman na makatutulong sa mambabasa na maunawaan
ang nagaganap sa kanilang kapaligiran.
Bahagi ng paglalahad
a) Simula- kailangan may pang-akit, ito ang nagpapasya kung itutuloy ng
mambabasa ang pagbsa sa teksto.
katanungan
pangungusap na makatawag pansin
pambungad na pasalaysay
isang salitain
isang sipi
tahasan o tuwirang simula
b) Katawan- dito mababasa ang nilalaman ng pahayag

c) Wakas- maaring patanong, pabuod, paglalahad ng isang hula, pagbabaliktanaw


sa suliranin binanggit sa simula, maaring gumamit ng isang kaibihan o siniping
linya sa isang akada na angkop sa paksa.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

Kaanyuan ng Paglalahad
1. Paglalahad sa Anyong Panuto - pag-iisa-isang hakbangin sa paggawa ng isang
bagay
2. Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-katuturan – pagpapaliwanag ng salita o diwa
( Denotasyon at Konotasyon)
3. Paglalahad sa Anyong Interpretsyon – nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa
isang kayunin
4. Paglalahad sa Anyong Pagkilala – paglalahad sa mga kalagayang pantao
5. Paglalahad sa Anyong Editoryal – napapanahong usapin na punong-puno ng
kahulugan at pahiwatig
Pagsasalaysay
 Pag-uulat ito ng mga pangayyari sa paraang matapat at makatotohanan,
hinanahgo ang mga datos sa matamang obserbasyon at masikhay na
pananaliksik
 Ipinapakita ito sa iba’t ibang punto de vista o pananaw ayon sa nais ibahagi ng
manunulat na epektibo sa damdamin ng mambabasa
 Mataas, maayos at malinaw ang pagpapahayag ng mga datos para epektibong
maisiwalat at maipakita ang mahahalagang insidente sa kaayusang organisado
at napapanahon.
 Nagpapahayag ng mga magkakakaugnay na pangyayaring may tiyak na
pinagmula tungo sa isanng tiyak at makabuluhang wakas.
 Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
 Sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula
ang alamat, epiko at mga kwentong bayan.

Course Module
Halimbawa:

“Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na lampshade na


bahagyang tumatanglaw sa kuwarto.
Inakala ni Carmen na tulog na si Orpha kaya hindi na siya nagtawag pang
ipagbukas siya ng pinto.
Duplikado naman ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita.
Gaya ng nakaugalian na ng dalawa. may uwi silang pumpon ng mga rosas at
mga kuwintas na sampagita.
Pagkalapag na pagkalapag ng mga karga-karga sa sofa, na sinabayan ni
Carmen ng bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni Rosita ang altar kinuha
ang Kristal na flower vase na nilaglagan na nga mga talulot ng dating nalalanta
nang mga rosa, pinalitan ito ng tubig, at inilagay ang dalang rosas.

Mga Huwad na Birhen


Ni Joey A. Arogante

May napansin ka ba sa halimbawang teksto? ,aari mong isulat sa hiwalay na papel ang
mga ito.
Kasangkapan ng Pagsasalaysay
a) Tema- dapat ito ay makabuluhan sa nakikinig, bumabasa o nanonood.
b) Tauhan – ang nag-iisip, kumikilos at nagbibigay buhay sa mga pangyayari
c) Aksyon o Pangyayari – ito ang nagdaragdag ng ganda at atraksyon sa isang
teksto, kadalasan din ito ang sentro ng mahahalagang sangkap upang mabuo
ang anyong kaalaman
d) Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay
e) Himig – ito ay kung paano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang
material para lumabas nang naayon sa kagustuhang mangyari ng
tagapagsalaysay
Pangangatwiran
 Isang anyo ng pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay
upang ang isang panukala ay maging katangap-tanggap o kapani-paniwala.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

 Layunin nitong bigyang-paliwanag ang paksa,at maipakilalang mabuti ang


paartikular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mga pruweba at
patunay.
 Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason.
 ito ay sining sa paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita na
nakatutulong upang mahikayat na pakinggan,tanggapin at paniwalaan ang
pangangatwiran.
 Prinsipyo ng ornaginsasyong pangkabatiran sa pamamaraang may pinag-
aralan ang idinudulog nito sa mambabasa, may dalwang batayang istruktura
na sinusunod: 1) isang pahayag na mapagtatalunan, at 2) ang katibayang
pansuporta sa binigyang-linaw na prosisyon sa pamamagitan ng pagrarason
base sa mga patunay sa lohikang sanhi at bunga.
Halimbawa:

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap
ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating
magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong
nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi
nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa
ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na
ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng
madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo
siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o
kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa
katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong
pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa,
kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang
mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba
“Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang
kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong
grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din
namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang
inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga
babae.

Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at
“pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik
lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung
anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi

Course Module
naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang
pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y
nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di
man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala
namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang
mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.

Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo
tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating
tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-
isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di
mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na
pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising
magaganap.

Dalawang bagay na dapat isaalang-alang para maging matagumpay ang


Argumentasyon
Matibay na paniniwala- Ang kaisipang ito ay nagmumula sa pagkakaroon ng
isang tao na malinaw na pag-iisip na maipamalas niya sa pagbuo na mahusay na
argumento upang magawa niyang umapila sa isipan ng tao.

Mahatak na Panghikayat- Ang kaisipang ito ay nakatuon sa damdamin ng


manunulat sa kanyang pinaninindigang argumento na kanya namang maipapamalas
sa kanyang argumento upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa.

Uri ng Maling Pangangatwiran (Bernales, et al. 2006)

Argumentum Ad Hominem
 Isang nakakahiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng katalo at
hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging
pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

Argumentum Ad Baculum
 Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maiplano ang
argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin
nang ganyan! Baka sampalin kita at ang makita mo ang hinahanap mo!

Argumentum Ad Misericordiam
 Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito
sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin
nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na mga
mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos bilang pantawid-gutom?

Non Sequitur
 Sa ingles ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa
kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang pinagmulan
niya. magulong paligid ang kanyang nilakhan. ano pa ang aasahan mo sa ganyang uri
ng tao kundi kawalang-hiyaan!
Ignoratio Elenchi
 Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ay kilala
sa ingles na Circular reasoning o paliguy-ligoy.
Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag ng aking
butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat naging mabuti
siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.

Course Module
Dilemma
 Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang
at wala nang iba pang alternatibo
Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa paligsahan sa talumpatian ganito na lamang gawin mo:
huwag ka nang pumunta at sa bihin mo sa iyong guro na masama ang iyong pakiramdam

Maling Paglalahat
 Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa:
Isang mag-aaral ng ADM ang nanakit ng kapawa nya mag-aaral, habang ang isa
naman ay nangikil ng piso sa mas batang mag-aaral, ay naku kahit kailan talaga mga
pasaway ang mag-aaral ng ADM.
Maling Paghahambing
 Karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri dahil mayroon ngang
hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
Halimbawa:
(sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? kung kayo nga ay gising pa!
Pagpapahayag
 Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin, maaaring ito ay nasa anyong
pasalita o pasulat.
 Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil
nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang
pakikinig sa pahayag ng iba.
 Nakapagbabahagi rin ito ng kaalaman sa iba.
 Ngunit, hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating makabuluhan, sapagkat
mayroong mga pahayag na hindi pinag-iisipan kung kaya’t naghahatid ito ng
negatibong impresyon para sa nagsalita.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
011
[PAGPAPAHAYAG NA PASULAT

May iba’t ibang uri ang pagsulat gaya ng:


 Akademik na Pagsulat
Ito ay may kinalaman sa akademikong sulatin na sinusuportahan ng
pagsusuri upang maipakita ang kinalabasan sa paghahanap ng mga
datos sa lipunan o kumonidad batay sa suliraning inihahanap ng
kasagutan. Ang awtor ay sumusulat ng isang particular na paksa
alinsunod sa iba’t ibang element ng kominikasyon.
 Teknikal na Pagsulat
Ang layunin ay makapagbigay kaalaman sa mga taong kaugnay ng
makabagong henerasyon sa paggamit ng napapanahong teknolohiya.
Ito’y isang pagsulat na madalas gamitin ng mga prpesyonal at
negosyante.
 Jornalistik na Pagsulat
Layunin nitong makakuha ng isang batayan na mambabasa sa
pahayagang naglalathala ng mga katotohanan sa mga pangyayari sa
simpleng kaparaanan ngunit kapaki-pakinabang.
 Referensyal na Pagsulat
Sa uri ng pagsulat na ito, maituturing na mabusisi sapagkat humihingi
ng aktuwal na katotohanan, pag-aanalisa at argumento ang halimbawa
nito ay mg research, case study, book review at iba pa.
 Informativ na Pagsulat
Sa uring ito ng sulatin, nililinaw at binibigyang paliwanag kung paanong
nabuo, gawin at gamitin ang isang bagay. Kailangan ito ay espesipik at
direkta ang mga terminong ginamit. Layunin nito ang magbigay
kabatiran at magturo sa mambabasa.

Course Module
References and Supplementary Materials
Books and Journals

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo sa
Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.
Tanawan-Sunga Dolores, et,.al(2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal
Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbasa at Pagsulat, Cacho
Hermanos Inc.

Online Supplementary Reading Material

https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html
https://beverleymendoza.wordpress.com/2013/08/16/mga-aralin-sa-
masining-na-pagpapahayag/

Online Instructional Material

https://www.youtube.com/watch?v=BDeMCd6qMFg
https://www.youtube.com/watch?v=u4PtBi5AY6A&t=46s

You might also like