You are on page 1of 5

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

013
[PAGPILI NG PAKSA]

PAGPILI NG PAKSA
LAYUNIN:
1. Naiisa – isa nga mga batayan sa pagpili at paglilimita ng paksa
2. Nababatid ang kalagahan ng paglilimita at pagpili sa paksa sa isang
pananaliksik
3. Nakabubuo ang mga mag- ng isang tentatibong paksa batay sa mga
batayang nailahad.

Panimula:
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin, dagdag pa rito ang pangangalap ng mga datos sa
isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplenasyon.
(E.Trece at J.W Trece, 1973).
Sa pagbuo ng isang mabisang pananaliksik, ang pagpili ng isang
makabuluhang paksa ang isa sa mahalagang bahagi nito. Ayon kay Bernales, et
.Al (2009) may mga parametro upang matalungan ang mananaliksik sa pagpili
at palilimita sa kanyang pagpili ng paksa sa isasagawang pananaliksik.

PAGPILI NG PAKSA

Dapat na isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang wastong pagpili ng


paksa
 Ayon kina Atienza atbp., mahalaga na sa simula pa lamanng ay nalimitahan na ang
mga paksang pipiliin, nararapat na ito ay hindi masaklaw. narito ang ilan sa mga
batayan sa pagpili ng Paksa:

1. Panahon – Saklaw ng panahon ang lawak o ang katiyakan ng panahong tinutukoy


ng paksa ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkakaroon nang mas tiyak na
panahon.higit itong nakatutulong sa mananaliksik upang ilapat ang kontekstong
iniikutan ng pananaliksik.

Course Module
Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang
Paksa

Libreng pamimigay ng Libreng pamimigay ng Libreng pamimigay ng


Condom ng DOH para Condom ng DOH sa Condom sa mga mag-
maiwasan ang Pambuplikong Paaralan aaral ng Senior High
lumalaking kaso ng HIV para maiwasan ang School sa pampublikong
sa Bansa lumalaking kaso ng HIV paaralan para
sa Bansa. maiwasan ang
lumalaking kaso ng HIV
sa Bansa

2. Edad – ito ay ang edad o age gap ng mga napiling respondent sa isasagawang
pananaliksik.

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa

Bilang ng mga Bilang ng mga batang Bilang ng mga batang


kalalakihang lalaking nasasangkot sa lalaki (edad 10-15) na
nasasangkot sa mga mga iligal na gawain, nasasangkot sa mga
iligal na gawain, problema ng kapulisan iligal na gawain,
problema ng kapulisan problema ng kapulisan

3. Kasarian – Tumutukoy sa tiyak na kasarian ng mga respondent o ang mga


gagawing paksa ng isang pananaliksik

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa

Ang mga magulang Ang mga Ama at Ina Ang mga Ina bilang
bilang unang gurong bilang unang gurong unang gurong
magpapaliwanag magpapaliwanag magpapaliwanag
kaugnay sa usaping kaugnay sa sekswalidad. kaugnay sa sekswalidad
sekswalidad
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
013
[PAGPILI NG PAKSA]

4. Lugar – Pagtukoy sa may Tiyak na paggaganapan ng pananaliksik

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa
Naiibang Tradisyon ng Naiibang tradisyon ng Naiibang tradisyong ng
mga Ilonggo piyesta sa Iloilo Piyesta sa Guimbal,
Iloilo

5. Propesyon/grupong kinabibilangan – Pagtukoy sa tiyak na grupo o propesyon


at kung ano ang magiging bahagi nila sa isinasagawang pananaliksik.

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa
Pag-aaral sa wikang Pag-aaral sa wikang Pag-aaral sa wikang
sinasalita ng mga Bakla sinasalita ng mga sinasalita ng mga
propesyunal na bakla baklang propesyunal sa
larangan ng Fashion .

6. Anyo o uri – Tumutukoy sa tiyak na anyo ng paksang sinasaliksik

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa
Paggamit ng mga taga- Paggamit ng mga taga- Paggamit ng mga taga-
bohol ng teknolohiya bohol ng teknolohiyang bohol ng teknolohiyang
pangkomunikasyon pangkomunikasyon:
Email, Cellphone at Fax

Course Module
7. Perspektiba, lapit o pagtingin – tumutukoy ito sa mas tiyak na perspektiba o ang
lapit ng pagtingin sa paksa ng pananaliksik.

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa
Epekto ng Cyber Epektong emosyonal ng Epekto ng Cyber
Bullying sa mga Cyber Bullying sa mga Bullying sa pagkatuto ng
kabataang biktima kabataang biktima mga kabataang biktima

8. Partikular na halimbawa / kaso – pagbibigay ng isang tiyak na kaso o kalagayan


sa isang lugar.

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa Lalo pang Nilimitang


Paksa
Epekto ng Epektong Epektong
pangkaligirang turismo pangkapaligiran ng mga pangkapaligiran ng mga
sa Pilipinas beach resort sa Pilipinas beach resort sa
Pilipinas: Kaso ng
Boracay

Ilan pang maaring bigyang tuon sa pagpili ng paksa


 Kasapatan ng Datos
 limitasyon ng panahon
 usaping pinansyal
 kabuluhan ng paksa
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
013
[PAGPILI NG PAKSA]

References
Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.
Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal

Online Supplementary Reading Material


http://www.filipinoscribe.com/pananaliksik101/pagpili-ng-paksa/
https://www.slideshare.net/AkoCiiJehu/pagtukoy-at-paglilimita-ng-paksa

Online Instructional Video


https://www.youtube.com/watch?v=nTerVECXcNo
https://www.youtube.com/watch?v=qlTxUB4CrgI
https://www.youtube.com/watch?v=wrT43GSjlMY

Course Module

You might also like