You are on page 1of 2

Jasper M.

Villanueva PANANALIKSIK
BSED 3 BLK 2 FILIPINO MAJOR Activity #2

Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino Kaugnay


Ng Kanilang Akademik Performans

Paglalahad ng Suliranin:
Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga
responente hinggil sa asignaturang Filipino at kaugnayan nito sa kanilang marka sa
Filipino.
Ninanais na masagot ang sumusunod na ispisipikong suliranin;
1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa sumusunod
1.1. kasarian;
1.2. departamentong kinabibilangan;
1.3. paboritong asignatura; at
1.4. kinagigiliwang uri ng babasahin?
2. Ano ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang
Filipino batay sa sumusunod:
2.1. interes/kawilihan sa asignatura;
2.2 motibasyon sa pag-aaral;
2.3 paggawa ng mga kursong pangangailangan; at
2.4 paggamit ng wikang Filipino?
3. Ano ang marka/grado ng mga respondente sa kanilang asignaturang Filipino?
4. May kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga
respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang marka/grado?
5.May kaugnayan ba sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak
ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na
indibidwal o grupo:
Sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng
bawat estudyante ang kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa asignaturang
Filipino bilang daan sa katatasan at kabuuang pagkahubog ng sarili hinggil sa konteksto
ng asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabibigyang linaw
ang mga salik na maaring makaapekto sa pagpapahalaga ng asignaturang Filipino at
maging basehan nila upang matukoy at masuri ang sariling lawak ng pagpapahalaga.
Sa mga guro. Sila ang matitiyagang tagapagbahagi ng mga kaalaman sa mga mag-
aaral at makatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng bawat guro ang
kadahilanan ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagpapahalaga sa asignaturang
Filipino at mag-udyok sa kanila upang makabuo at makagamit ng mga estratehiyang
magpapataas sa pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino.
Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik ay
mahihikayat na bumuo ng isang pananaliksik na maaaring may kaugnayan sa
pananaliksik na ito at makatulong sa pagpapa-unlad ng sistema ng edukasyon sa
bansa.

Saklaw ng Pag-aaral
Saklaw. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa lawak ng pagpapahalaga ng mga
respondente hinggil sa asignaturang Filipino. Saklaw nito ang mga estudyanteng
nakakuha ng Filipino11/21 sa lahat ng kurso ng Unibersidad ng Foundation sa Unang
Termino ng Unang Semestre ng Akademikong Taon 2014 – 2015.
Limitasyon. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nakakuha lamang
ng Filipino11/21 sa lahat ng Kurso ng Unibersidad ng Foundation.
Isa ring limitasyon sa pag-aaral na ito ang mga estuyante na nakakuha ng mga grado
na INC at mga nag-Dropped na hindi na isinali ng mananaliksik.
Nakasalalay rin sa katapatan ng mga respondete ang pagsagot sa sarbey kwestyoneyr.

You might also like