You are on page 1of 17

EPEKTO NG MADALAS NA PAGGAMIT NG WIKANG BALBAL SA

PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG 11-STEM SA COLEGIO DE SAN


JUAN DE LETRÁN, INTRAMUROS A.Y. 2022 - 2023

Isang Papel Pananaliksik na iniharap sa Departamento ng Senior High School,


Colegio de San Juan de Letrán

Bilang pagtupad sa pangangailangan sa Asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura

Ipinasa nina:
Agas, Marianne N.
Albios, Amiel A.
Castellano, Louis Justin T.
Ferrer, Carlos Miguel M.

STEM11B / PANGKAT 3

Ipinasa kay:
Binibining Mary Grace Delos Reyes
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I - ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO


A. Panimula
B. Konseptwal na Balangkas
C. Paglalahad ng Suliranin
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Terminolohiya

KABANATA II - MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


A. Lokal na Literatura
B. Banyagang Literatura
C. Lokal na Pag-aaral
D. Banyagang Pag-aaral

KABANATA III - PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


A. Disenyo ng Pananaliksik
B. Instrumento ng Pananaliksik
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang wika ay dinamiko, ayon sa maraming mga dalubwika. Kasabay ng


pagtanda ng panahon ang pag-unlad ng wika. Sa modernong panahon kung saan ang
teknolohiya ay bahagi na ng sistema na nagiging sanhi ng pagsulpot ng mga bago at
nauusong salita. Makikita sa henerasyon na ang mga makabagong salita ay madalas
nilang ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon. Ang pag-unlad ng at
pagkagawa ng mga makabagong teknolohiya ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng
mga salita at wikang balbal na siyang kadalasan ng ginagamit ng henerasyon ngayon
sa kanilang pang-araw-araw na pakikisalamuha.

Ang komunikasyon ay ang sistematikong pagsasaayos ng mga balangkas na


upang ipinamahagi sa iba, ito ay pakikipagtalastasan o bigayan ng ideya at
impormasyon. Ang komunikasyon din ay mahalaga sapagkat dito nabubuo ang
pundasyon ng bawat relasyon. Dahil madalas ang paggamit dito, umunlad ito sa
wika na ginagamit sa kasalukuyang araw. Ngunit, kasama ng pagtanda ay ang
pagkupas ng nasabing wika. Maraming mga nadagdag na bagong salita, kung kaya’t
nalilimot na ng iba ang kahulugan ng ibang matatalinhagang salitang Filipino.
Maaaring marami ang mga epekto ng madalas na paggamit ng wikang balbal sa
komunikasyon kaya’t nawawala ang orihinal na kahulugan dahil sa pagsasalin-salin
at pag-iiba ng mga salita nito na malayo sa tunay na kahulugan ng salita.

Maaaring maging dahilan ng pagkalimot ng mga orihinal na salita ang


madalas na paggamit ng wikang balbal, maaaring makasanayan nila ang paggamit
nito at mabigyan ng bagong kahulugan ang tunay na kahulugan nito, at maaari rin
magbunga ng hindi pagkakaunawaan para sa mga naunang henerasyon na
kinalakihan ang tunay na kahulugan ng salitang iyon.
Konseptwal na Balangkas

Pigura I

Makikita sa input ng pananaliksik na ito ang propayl ng mga mag-aaral. Nakapaloob


proseso sa pagsasagawa ng sarbey kwestyoneyr upang tukuyin kung ano-ano ang mga
epekto ng madalas na paggamit ng wikang balbal sa pakikipagkomunikasyon ng mga
mag-aaral ng 11-STEM. Sa output nakapaloob ang resulta na tumutukoy sa pag-aaral na ito.
Inaasahang sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga mananaliksik ang epekto ng
madalas na paggamit ng wikang balbal sa mga mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San
Juan de Létran-Intramuros A.Y. 2022-2023. Dagdag pa rito ay malalaman din kung totoo ba
na nalilimot ang mga kinagisnang lumang salita dahil sa paglitaw ng mga makabagong
salita.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

1. Matuklasan ang demograpikong profayl ng mga respondente batay sa:


a. Edad
b. Kasarian

2. Ano-ano ang iba’t ibang wikang balbal na ginagamit ayon sa panlipunang uri ng
mga mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán-Intramuros?

3. Gaano kadalas ang paggamit ng wikang balbal sa pakikipagkomunikasyon ng mga


mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán-Intramuros?

4. Ano ang epekto ng madalas na paggamit ng wikang balbal sa


pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de
Letrán-Intramuros sa pakikipagkomunikasyon?

5. May makabuluhang pagkakaiba ba ang epekto ng madalas na paggamit ng wikang


balbal sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San
Juan de Letrán-Intramuros kapag ito’y pinangkat ayon sa:
a. Edad
b. Kasarian

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay mapapakinabangan ng mga mag-aaral


upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa wikang balbal at sa mga paksang
kaugnay nito. Matututuhan din ng mag-aaral kung paano nagbabago ang ating wika
sa modernisasyon.

Guro. Ito ay makakatulong sa mga guro sa kanya-kanyang asignatura.


Magagabayan ang mga mag-aaral sa wikang balbal upang maturuan ang tamang
paggamit nito.
Magulang. Bilang magulang na laging nakakasama ang kanilang mga anak,
ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mas lalong maunawaan ang wikang
balbal na kadalasang ginagamit ng kanilang mga anak.

Kagawaran ng Edukasyon. Ang pag-aaral ng wikang balbal ay may malaking


importansiya sa Kagawaran ng Edukasyon upang mas maunawaan ang pagbabago
ng wikang Filipino sa modernisasyon. At para magabayan ang mga mag-aaral sa
paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon.

Mga mananaliksik sa hinaharap. Maaari gamitin ng mga susunod na


mananaliksik ang pananaliksik na ito upang magsagawa ng sariling pag-aaral o
upang ipagpatuloy ang pag-aaral na hindi sakop ng pananaliksik na ito. Ang
pananaliksik na ito ay maaaring gamitin upang maging gabay at basehan ng ideya
na maaaring makatulong sa kanila sa pagsasagawa ng kanilang sariling pananaliksik
na may kaugnayan sa paksang ito.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang para sa layuning malaman ang


epekto ng madalas na paggamit ng wikang balbal sa pakikipagkomunikasyon ng mga
mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán, Intramuros sa
pakikipagkomunikasyon. Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay aanalisihin
din kung ano-ano ang epekto ng madalas na paggamit ng wikang balbal sa
pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de
Letrán, Intramuros sa pakikipagkomunikasyon.

Ang napiling respondente para sa pananaliksik na ito ay lahat ng mga


mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán, Intramuros sa taong
2022-2023.

Terminolohiya
Balbal - Isa itong leksiyon ng mga hindi istandardisado ng salita. Ito rin ay
isang impormal na wika na ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon.

Dinamiko - Ito ay tumutukoy sa pagbabago o pag-unlad ng isang bagay.

Epekto - Kinahinatnan, resulta, pagtatapos, o konklusyon.

Filipino - Ang pambansang wika ng Pilipinas. Ang Filipino ay binase sa


diyalektong Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon at iba pang diyalekto sa Pilipinas.

Komunikasyon - Ang pagpapalitan ng mga salita sa pagitan ng dalawa o higit


pang tao.

Moderno - Kamakailan o kasalukuyang panahon.

Pagkupas - Pagkawala o paglaho ng dating kalidad.

STEM - Ito ay isa sa mga kurso na pinipili ng mga estudyante sa Senior High
patungo sa kolehiyo at ang pinag-isang salita ng Science, Technology, Engineering and
Mathematics.

Tagalog - Isa sa mga pinaka ginagamit na diyalekto sa Pilipinas. Ito ang


pinagbasehan na diyalekto upang mabuo ang wikang Filipino.

Wika - Isang masistemang balangkas na isinasaayos sa anyong arbitraryo


upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan o komunikasyon sa iba.
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Lokal na Literatura

Ayon sa Editorial Team (2022), ngunit sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na ng


napakaraming pagbabagong teknolohiya, kasabay nito ang pagsabay ng wika sa digital na
mundo. Dahil sa pagbabago rin ng kaugalian ng maraming Pilipino sa paggamit ng
pambansang salita sa mga makabagong teknolohiyang ito ay nagdudulot ito ng kalituhan sa
mga batang henerasyon sa ngayon gaya na lamang ng pagpapaiksi (shortcut) ng mga
baybayin ng mga salita.

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon sa sinabi ng Editorial Team na dahil sa


pagbago ng panahon ang kultura din ay nagbabago pati ang teknolohiya na ginagamit na ng
mga kabataan ngayon, nakakabuo sila ng mga salita na tinatawag na salitang balbal ito ay
naging parte na rin ng wikang Filipino dahil ito rin raw ay mas madali sa
pakikipagkomunikasyon sa ibang mga Pilipino.

Ayon kay Professor Igno (2020), hindi masama gumamit ng salitang balbal, ito ay
bahagi ng natural na katangian ng wika at ang wika ay nagbabago dahil sa pagdating ng
panahon. Ang pagkakaroon ng mga ganitong salita ay produkto siya ng pagkamalikhain ng
mga Pilipino. May kakayahan silang gumawa o makabuo ng pagpapahayag na produkto rin
ng umiiral na salita.

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon sa sinabi ni Professor Igno na hindi


masama ang pag-gamit ng salitang balbal at natural lang ang paggamit ng wikang balbal
dahil sa pagdating ng panahon nagbabago rin ang kultura, at dito rin naipapakita ng mga
Pilipino ang pagkamalikhain nila sa pagbabago o pagbaliktad ng salita pero pareho pa rin
ang ibig-sabihin.
Ayon kay Arjohn Gime at Cristina Macascas, ang pamamaraan ng komunikasyon ay
sumasabay sa pagbabagong ito. Binibigyang-buhay ng komunikasyon ang pagyabong ng
kultura, lipunan lalo na ng wika. Sa patuloy nitong pagbabago, umuusbong ang mga salita
na tangi sa isang pangkat ng to. Ang dimensyong sosyal ang nagbubunsod sa pagkakaroon
ng mga register, jargon, o sosyal na barayti tulad ng wika ng bakla (gaylingo), wika ng
LGBTQ+, wika ng kabataan, wika ng mag-aaral, wika ng kababaihan, register ng guro, wika
ng isports, at iba pa. Pinapatunayan nito na ang wikang pantao ay isang arbitraryo.
Gayundin, ito ay buhay dahil sa pagbabanyuhay ng mga salita. Tulad ng isang ilog,
sumasabay ito sa agos ng pagbabago sa ating lipunan, positibo o negatibo mang
manipestasyon. (2020)

Para sa mga mananaliksik, ang pagbabago ng panahon ay natural lang kaya sa


paglipas ng panahon ay kasabay nito ang pagbago rin ang kultura ng pilipino ang mga
salitang balbal ay naging parte nadin ng wikang Filipino at madalas ginagamit ng mga
kabataan.

Banyagang Literatura

Ayon sa artikulo ni Gabby Gilmore (2021), ang paggamit ng mga mag-aaral sa


wikang balbal sa internet araw-araw, ay maaaring magbunga ng kahirapan sa
pakikipagkomunikasyon sa klase. Kapag ang mag-aaral ay magbibigay ng e-mail o
makikipag-usap sa isang guro, maari ang kanilang pananalita o panunulat ay impormal.
Maaari din mahirapan ang mga nakakatanda unawaan ang mga mag-aaral. Maaaring
ipagdebate ng mga kritiko na hindi dapat ang mga mag-aaral ang magbago ng kanilang
pananalita ukol sa balbal, bagkus ang mga nakatatanda dapat ang mag-aral upang
maintindihan ang mga mag-aaral. Ito raw ay hindi angkop, sapagkat dapat alam ng
mag-aaral na hindi dapat ginagamit ang wikang balbal sa silid-aralan dahil hindi ito
ginagamit sa workforce ngayon.

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon sa sinabi ni Gabby Gilmore na ang


paggamit ng mga mag-aaral sa wikang balbal sa internet araw-araw, ay maaaring magbunga
ng kahirapan sa pakikipagkomunikasyon sa klase. Ang paggamit ng wikang balbal sa hindi
angkop na sitwasyon, tulad ng pakikipag-usap sa guro sa loob ng silid-aralan ay maaaring
hindi magmukhang propesyonal o magbunga ng hindi pagkakaunawa. Kahit na sumisikat
na ang paggamit ng balbal, nararapat lamang na alamin natin ang angkop na tao, lugar, at
okasyon upang gamitin ang wikang balbal.

Ayon sa artikulo ni Alastair Arran (2017), ang paggamit ng wikang balbal sa internet
ay lumaganap na sa silid-aralan. Dahil sa madalas na paggamit nila nito sa internet ay
maaaring maapektuhan ang kanilang pag-aaral, tulad ng pagsulat sa takdang aralin at
eksam dahil sa kasanayan ng paggamit ng wrong grammar o wrong spelling. Ang dahilan
nito ay ang madalas na pagbabad ng mga mag-aaral sa social media upang makipag-usap sa
kanilang kaibigan gamit ang balbal.

Ang impluwensiya ng social media upang gamitin ang wikang balbal, lalo na sa
kabataan. Kaya naman sumasang-ayon ang mga mananaliksik kay Alastair Arran, sapagkat
madalas ginagamit ang wikang balbal sa pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan. Ngunit,
hindi nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral, bagkus ito ay nakakapahamak.
Maaaring malimutan na ng mag-aaral ang wastong pagbuo ng mga pangungusap at
pagbaybay.

Ayon sa artikulo ni Hayley Jarvis (2020), para kay Dr. Ian Cushing, pakiramdam daw
ng mga nakatatanda ay nababanta sila sa pananalita ng kabataan. Ngunit, ang pananalita ng
kabataan ay isang parte ng kanilang pagkakakilanlan at paano sila nakikipagkomunikasyon
sa iba. Ngunit, ginagawan ng malaking problema ang pananalita na ito. Ang kabataan ay
magaling sa pagpalit ng impormal na pananalita sa medyo impormal na pananalita depende
sa kontektso. At hindi dapat tinataguriang mali o hindi angkop ang non-standard English.

Ang wika ay malaking parte ng pagkakakilanlan sa isang tao. Naipahahayag nila ang
kanilang sarili gamit ang wika, kaya para sa kabataan, ang paraan nila upang maipahayag
ang kanilang sarili ay ang paggamit ng wikang balbal. Sumasang-ayon ang mga
mananaliksik kay Hayley Jarvis dahil hindi dapat pinaparamdam sa kanila na mali ang
paggamit ng wikang balbal, sapagkat maapektuhan din ang kanilang pagkakakilanlan. Ang
wika ay dinamiko, kaya naman ang wikang balbal ay parte na rin ng wikang Filipino.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nina Espera, L. et al. (2017), ang wika ay kontrolado at patuloy na
lumalago dahil sa patuloy na pag-unlad ng lipunan. Ang isang wika ay maaaring
nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Ang malikhaing pagpili at paggamit ng isang
salita sa loob ng isang parilala sa isang nakakaintriga at kasiya-siyang pagpapahayag ng
diwa. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang wikang balbal at pangkabataan.

Ang mga mananaliksik ay sumasan-ayon sa sinabi ni Espera, L. et al na ang wika ay


patuloy na nagkakaroon ng mga bagong salita bunga ng pagiging malikhain ng tao. Ang
napapadalas na paggamit ng wikang balbal sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon
ang nagiging sanhi ng kahirapan sa paggamit ng purong Filipino dahil sa madalas na
paggamit ng mga salitang makabago na malayo sa orihinal na kahulugan, pagpapaiksi ng
mga salita, at paghahalo ng wikang Filipino at Ingles.

Alinsunod sa pag-aaral na isinagawa nina Quia, Rustia et al. (2018), ang wika ay
makapangyarihan na madaling makaimpluwensiya sa maraming tao na gamitin ito. Ang
pagiging malikhain ng tao ang nagsilbing dahilan kung bakit ang isang wika ay
nadadagdagan ng mga panibagong salita na hindi umiiral noon na nagiging dahilan kung
bakit may mga salita na maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

Ang wika ang pangunahing dahilan ng mabilis na pagkaimpluwensiya ng mga tao.


Para sa mga mananaliksik ang wikang balbal ay maituturing na mga salitang
mapanghikayat higit lalo sa mga kabataan. Masyadong malawak ang saklaw ng wikang
balbal kung kaya ay madalas na ring naririnig ang mga ito sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon. Ang madalas na paggamit ng mga makabagong salita ang nagiging
dahilan ng paunti-unting pagkawala at pagkalimot sa mga lumang salita dahil sa kahiligan
at kasanayan ng mga tao sa paggamit ng mga nauuso at makabagong mga salita.
Malaki ang ginampanang papel ng modernisasyon upang mapaunlad at
maipalaganap ang wikang Filipino. Ayon kala Albay at Tiamzon nakatutulong din ang iba’t
ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram sa pagyabong ng
wikang Filipino. Bagamat ang ilang mga bunga ng modernisasyon din tulad ng social
networking sites, text messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto ng
pagkabaon sa limot ng mga kinagisnang salita. (2022)

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon sa sinabi ni Albay at Tiamzon na


nagsasabi na ang paggamit ng mga iba’t-ibang social networking sites ang isa sa dahilan
kung bakit tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod
ng modernisasyon ng wikang Filipino.

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Dini Apriani Zainuddin (2017), ginagamit ang


balbal upang maging komportable ang bibig sa tuwing sila ay nagsasalita. Dahil sa madalas
na paggamit nito sa komunikasyon, hindi na nila nalalaman kung ito ba ay salitang balbal.
At dahil na rin dito ay hindi na namamalayan ng mga mag-aaral na ang kanilang salitang
ginagamit sa klase ay may kahalong salitang balbal.

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon kay Dini Apriani Zainuddin, dahil ang
paggamit ng salitang balbal ay naging kasanayan na. Dahil dito hindi namamalayan na ang
ginagamit nilang mga salita ay patungkol sa wikang balbal na. Tulad ng salitang “astig”,
marami ang hindi alam ang salitang ito ay isang salitang balbal na binaligtad na salitang
“tigas.”

Ayon sa pag-aaral ni Legazpi (2019), sa pagdaan ng panahon, mapapansin ang


mabilis na paglago ng Swardspeak o Gay Lingo. Ang tinagurian noong “lihim na wika” ng
mga bakla ay madalas na ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang
mang-aliw at magpatawa. Maging sa ibang mga lathalain ay ginagamit na rin ito sa
gayunding kadahilanan. Sa ngayon, hindi na rin lamang mga bakla ang maririnig na
nagsasalita ng gay lingo. Ito ay dahil pati na rin ang mga babae, mga bata at ibang mga
kalalakihan ay natututo na ring gumamit ng kakaibang lenggwaheng ito.

Sumasang-ayon ang mga mananaliksik sa pag-aaral na isinagawa ni Legazpi na kung


saan dahil sa mabilis na pagdaan ng panahon, ang gay lingo o kaya ang salitang balbal ay
mas nagagamit na rin ng mga babae pati na rin ng mga kabataan ngayon at ang paggamit
nito ang maaaring nakakaapekto sa patuloy na pagbago ng kultura at lipunan ng Pilipinas.

Ayon sa Pag-aaral nina Emrah Boylu at Demet Kardaş (2022), napagpasyahan na ang
karamihan ng mga guro at mag-aaral sa pangkalahatan ay may positibong opinyon tungkol
sa pag-aaral at pagtuturo ng mga salitang balbal at napag-isipan na ang mga mag-aaral ay
gustong matuto ng mga salitang balbal dahil sa "mas mahusay na komunikasyon sa mga
tao", "makarinig ng napakaraming salitang balbal sa kalye", "pagiging mausisa" at
"pag-aaral pa lang ng mga salita".

Ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Emrah


Boylu at Demet Kardaş kung saan sinasabi rito na ang mga estudyante at mga guro ay
gustong pag-aralan at matutunan ang iba’t-ibang uri ng mga salitang balbal upang mas
pagandahin at padaliin ang pakikipagkomunikasyon sa isa’t-isa. Tulad ng mga pilipino ay
dito rin nila naipapakita kung gaano sila kahusay sa paggawa ng mga salitang balbal. Mas
napapadali ang pakikipagkomunikasyon ng mga filipino sa araw-araw ng paggamit ng
salitang balbal dahil sa mas madali sabihin ang ibang mga salita sa wikang ito.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, makikita ang mahahalagang impormasyon ukol sa pagkakagawa


ng pananaliksik. Nandirito ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, populasyon,
o sampling na pamamaraan, at ang instrumento ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong uri. Ito ay uri ng


pananaliksik na kung saan ang ginamit na uri ng disenyo ng pananaliksik ay nakatulong sa
mga mananaliksik sa pag-iipon ng mga datos batay sa mga impormasyong nakalap sa mga
mag-aaral nang hindi manipulahin ang mga nasabing impormasyon. Ang pag-aaral na ito
ay may disenyo ng pamamaraang deskriptibo na pananaliksik. Naglalayong ilarawan at
suriin ang kaligiran, epekto at maging mga halimbawa ng mga salitang balbal sa
kasalukuyang panahon. Pinili ng mananaliksik ang paggawa ng ganitong uri ng papel
mananaliksik dahil ang pamamaraang deskriptib sarbey ay angkop na gamitin sa pag-aaral
na ito dahil sinusukat nito ang lawak ng iba't ibang kondisyon at sitwasyon ng isang tiyak na
paksa, na sa kasalukuyang pag-aaral ay ang epekto ng madalas na paggamit ng wikang
balbal sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang Instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay sarbey-kwestyoneyr upang


maipakita ang mga datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral ng mga
mananaliksik. Ito ay binubuo ng mga katanungan ukol sa demograpikong profayl ng mga
respondente, kadalasan at epekto ng paggamit ng wikang balbal upang mas maunawaan
ang pagbabago ng wikang Filipino.
Pamamaraan sa Pagkuha ng Datos

1. Pagpaplano at paglikha ng Instrumentong Pananaliksik


Ito ang unang proseso sa pagkuha ng datos ay ang pagbuo ng mga suliranin
ng pananaliksik sa paghahanda ng sarbey-kwestyoneyr.

2. Validation
Ito ay ang pinagtibay ng tagapayo ng pananaliksik ang mga instrumento na
sarbey-kwestyoneyr at maging ang kaalaman ng mga punong guro ng Senior High
School tungkol sa pagsasagawa ng sarbey-kwestyoneyr sa mga mag-aaral ng
11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán-Intramuros.

3. Paggawa ng Sarbey at Kwestyoneyr


Nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik at ipinamahagi sa mga
mag-aaral ng 11-STEM sa Colegio de San Juan de Letrán-Intramuros bilang mga
napiling respondente.
Talasangunian

Albay, J. at Tiamzon, J. (2022). Epekto ng Modernisasyon ng wikang Filipino sa


pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan.
Unpublished dissertation, PHINMA-University of Pangasinan, Arellano Street,
Dagupan City, Pangasinan.

Editorial Team. (2022, Agosto 30). Epekto ng Digitalization sa Wikang Filipino.

GiyaPay. Retrieved Nobyembre 29, 2022. Mula sa:


https://blog.giyapay.com/epekto-ng-digitalization-sa-wikang-filipino/

Deyto, N, Marbella, F. (2021, Marso). Filipino-Tadbalik: Wika ng Milenyal. Asia Pacific


Journal of Management and Sustainable Development. Unpublished
dissertation, Sorsogon State College, Paaralang Gradwado, Lungsod Sorsogon,
Pilipinas.
Gilmore, G. (2021, Abril 16) Internet slang affects students in the classroom. Retrieved,
Nobyembre 22, 2022, mula sa website:
https://eagleeye.news/21145/opinion/opinion-internet-slang-affects-students-in-t
he-classroom/

Boylu, E., & Kardaş, D. (2020). The views of teachers and students on slang in teaching

Turkish as a foreign language. Journal of Language and Linguistic Studies, 16(1),


73-88, İstanbul Aydin University, , Turkey b Gazi University, Turkey

Gime, A. & Macascas, C. (2020, Hunyo). WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa
Pilipinas. International Journal of Research Studies in Education. Unpublished
dissertation, Philippine Normal University, Manila, Philippines.

Jarvis H. (2020, Enero 10) Slang bans don't make kids talk proper, basically. Retrieved,
Nobyembre 21, 2022, mula sa website:
https://www.brunel.ac.uk/news-and-events/news/articles/Slang-bans-don't-make-
kids-talk-proper-basically

Legazpi, M. A. (2019, Mayo 24). Gay Lingo: Pananaliksik na troolaloo, Walang Halong
Eklavoo. Retrieved Nobyembre 25, 2022, mula sa website:
https://markisblogging.wordpress.com/2019/05/24/105/
Quia, J. et al. (2018). Pag-aaral tungkol sa Epekto ng Paggamit ng mga salitang Balbal
sa piling mag-aaral ng 11 ABM. Unpublished dissertation, University of Perpetual
Help System Dalta, Las Piñas City, Metro Manila, Philippines.
Arran, A. (2017, Agosto 2) How does social media slang affect learning? Retrieved
Nobyembre 21, 2022, mula sa website:
https://www.empowerwomen.org/en/community/stories/2017/08/how-does-soc
ial-media-slang-affect-learning#:~:text=Students%20show%20poor%20performan
ce%20in,performance%20on%20reading%20as%20well
Espera, L. et al. (2017). Antas ng Kahirapan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga
mag-aaral sa grade 10 ng UB-HS Department: Munkahing Kaparaang
Pampagpabuti. Unpublished dissertation, Pamantasan ng Bohol, Siyudad ng
Tagbilaran.
Zainuddin, D. A. (2017). Slang Usage Analysis on Students’ Daily Communication
(A Descriptive Research at the Eleventh Grade of SMA Negeri 7 Soppeng).
Unpublished dissertation, Muhammadiyah University, Makassar, Indonesia.

You might also like