You are on page 1of 59

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-

ugnayan.Ginagamit ito sa pang-araw araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa

pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang Paaralan ang nasisilbing pangalawang tahanan

at halos dito umiikot ang buhay natin tungo sa pangangalap ng mga karunungan at sa

pagpapadala sa agos ng panahong makabago o nakikipagsabayan sa mundo.

Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at

nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong

ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang

kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-kultural, ang kapaligiran o

sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila.

Dagdag pa niya na sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong

kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag-

uusap ay masusuri tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng hanap-

buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang mga nabanggit ay

lumilikha ng barayti ng wika. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa gawaing pasalita ay

barayti ng wika. Higit na maraming Ingles ang hiram na salita sa pagbigkas kaysa

pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang makapag-isip. Sa usapan ay

bigla, sa pasulat nama’y may mahabang oras upang mag-isip. Malaki ang kaugnayan ng
personalidad ng tao sa paggamit ng wika.

Ayon kay Galicia (2007) ang wika ay nag-uugnay at nagsasad ng kaisipan sa

bawat kilos at gawi ng lahat ng nilalang. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang

pagpapahayag, pagtatalakayan at pagkakaunawaan. Ito ay daan ng pambansang

pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ang wika ay pinakamahalagang

biyaya ng diyos sa tao, at ang paggamit nito ay isang katangiang ikinaiba nito sa iba

pang nilalang ng Diyos.

Ayon sa Websayt na www.wikipedia.com noong ika-2 ng marso (2010), ang gay

lingo ay bernakular na wikang hango sa wikang Ingles at wikang Filipino. Ito ay

ginagamit ng mga baklang Filipino kung saan pinagsama-sama dito ang elemento ng

Tagalog, Ingles, Ispanyol, manaka-nakang galing sa Nippongo, mga pangalan ng mga

artista, kilalang mga gamit kung saan nabibigyan ng panibagong kahulugan tungo sa

isang kontekstong kakaiba.

Ayon kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Ang Gay

Lingo sa Panahon ng Impormasyon ay sinasalamin ng wikang ginagamit ng isang tao

ang kanyang kinalalagyan sa lipunan o social status. Pansinin natin na sa gay lingo,

bagaman itinuturing na wika ng mga bakla, hindi naman lahat ng mga bakla ay

gumagamit nito at hindi rin naman limitado sa mga bakla ang paggamit nito, may mga

babae at babaeng bakla ring tumatangkilik sa gay lingo. Samantala, kapag may isang

lalaking gumamit ng gay lingo, maaari siyang husgahan agad ng mga tao o ‘di kaya’y

maging kontrobersyal at kwestyunin ang kanyang pagkalalaki.


Dagdag pa dito ang gay Lingo ay isa sa barasyon ng wika sapagkat sa panahon

ngayon ay hindi na maitatanggi na mayroon na itong espasyo sa loob at labas ng pang-

araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng

pakikipagtalatasan.

Ayon kay Rubrico (2001), Ang lenggwahe na ginagamit ng mga bakla o gay lingo

ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa hindi nila

kauri. Ito ay sekretong lingo o argot na dapat hindi maiintindihan ng mga taga-labas.

Ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang bukas na lenguwahe maging sa mga

hindi bakla, ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa mainstream --tulad ng

bading, tsimay, tsugi, jeproks, tsibug, chika, jowa at iba pa. Maliban sa katotohanan na

ang wikang bakla ay kasalukuyan nang nasa proseso ng pakikipagsabayan sa iba pang

wika sa Pilipinas sa paraang palabaybayan o sa balarila man, nagsaad din si Haughen

(1997) sa Standardisasyon ng Wika na ang pagsasalita ay basiko sa pagkatuto ng wika.

Dagdag pa ni Galicia (2007), Walang makapagsasabi kung saan at kailan

nagsimula ang mga salitang ito. Ipinapakita lamang na ang wikang Filipino ay buhay.

May nawawala at may napapa-litan tanda ng pag-unlad ng ating wikang pambansa.

Hindi maikakaila ang katotoha-nang ang mga salitang ito ay ginagamit sa kasalukuyan

na hindi gaanong binibigyan ng pansin ng mga mananaliksik-wika kung ano ang epekto

nito sa wikang Filipino. Kaya hindi dapat pagtakhan kung nakakarinig ng mga bagong

usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa isang pangkat o grupo ng mga taong

nasa ikatlong kasarian.


KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang wika ay napakahalaga para sa isang bansa, ito ay isang mahalagang salik sa

pansariling kaunlaran at pang-araw-araw na pamunuhay ng isang tao.(Mag-atas, 1998).

Ayon nga kay Henry Gleason (1979), isang Linggwista, ang wika ay masistemang

balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang

magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon sa nasabing pahayag ni Gleason (1979), ang wika ay ginagamit sa

komunikasyon kung saan pumapasok ang pakikipagtalastasan sa aspetong sosyal.

Ipinahayag rin niya ang wika ay nagbabago at kabuhol ng kultura kaya naman sa

pagbabagong ito ay naipasok na sa wikang mayroon sa Pilipinas ang pagsulpot ng

lenggwaheng nasa ikatlong kasarian o ang wikang sinasalita ng mga bakla o mas kilala

sa tawag na Gay Lingo.

Ayon sa Websayt na www.WikiPilipinas.com noong ika-27 ng Pebrero, 2010, Ang gay

lingo o tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward speak at

gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino, wikang Ingles at

iba pang wikang umiiral sa bansa. Ang wikang ito ay binuo ng mga taong nasa ikatlong

uri o mga bakla bunga na rin ng pangangailangan sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang baryasyong ito ay hindi kagaya ng ibang mga wika na may sariling sinusunod nang

sariling alituntunin pang-gramatika o balarila, ang gay Lingo ay walang sinusunod na

unibersal na tuntuning pang-gramatika.


Sa barasyong ito ng wika, ayon nga kay Bickerton (1975 sa Joan Russel 1982) ay

maaring magbago sa bawat panahon ngunit laging nakikita ang kanyang kaantasan.

Ayon naman kay Whitehead, isang edukador at pilsopong ingles ang wika daw ay

kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Isinaad naman ni Mangahis (1994) na

hindi mapapasubalian na ang wika ay pinakamabisang kasangkapan sa

pakikipagtalastasan. Ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang, higit dito ay

katangian, kalikasan at kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala ng ideya. Nahihikayat nito

ang ugali ng tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos nito. ang wika ay instrumento ng

paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip upang magamit nang sukdulang

kagamitan ang wika, dapat itong mahawakan nang buong husay at angking ganap.

Dagdag pa ni Santiago (1986):

“Tulad ng isa pang barayti ng Wikang Filipino, ang wika ng mga bakla o gay

language ay patuloy na namamayagpag sa ating Lipunan. Ginagamit ito sa iba’t

ibang paraan o uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan. Kadalasan ang mga gay

lingo ay nababasa sa mga pahayagang tabloid, naririnig sa radyo at naririnig sa

telebisyon.”

Ang mga mananaliksik ay naganyak ng kanilang mga sariling interes na tuklasin ang

pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa gay lingo na palasak na rin sa mga loob ng

paaralan. Naisip ng mga mananaliksik na ang gay lingo ay ginagamit ng mga mag-aaral

na hindi gaanong nabibigyang pansin kung ano ang nagiging dulot nito sa wikang

Filipino kabilang na rito ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa

lalawigan ng Quezon kung saan laganap na ang paggamit nito at mayroon na itong
puwang bunga na rin ng pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa

ibang tao.

Isa sa Pinagmamalaking paaralan sa Munisipalidad ng Infanta sa lalawigan ng

Quezon, ang Infanta National Highschool. Tahanan ito ng mga karunungan at patuloy

na bumubuo, humuhubog ng mga kabataan tungo sa isang ganap na lipunang may pag-

unlad. Patuloy ng pinaunlad ang paaralan. Binuo ang mga logo, ang mga alintuntunin at

ang pagsasaayos ng mga pasilidad. Taong 1994, Mula sa Infanta Junior Highschool ay

nakilala ito bilang Infanta National Highschool. Ito ay pinananahanan ng mahigit

kumulang dalawang libong mag-aaral mula sa unang taon hanggang ikaapat na taon.

Sa kabila ng limitadong pinagkukuhaan ng pinansyal na suporta mula sa gobyernong

nasyonal, ang paaralan ay patuloy na nagsisikap na gawin ang adhikain nitong

makapagbigay sa mga kabataan ng Infanta ng de kalidad na edukasyong nararapat sa

kanila. Napansin ng mga mananaliksik na ang mga lenggwaheng ito ay ginagamit ng

mga mag-aaral na hindi gaanong nabibigyan ng pansin kung ano ang nagiging epekto

nito sa wikang Filipino.

BALANGKAS TEORETIKAL

Magalang na binigyang-pansin ng mga mananalisik ang iba’t ibang teorya na

sumuporta sa ginawang pananaliksik.na paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon”. Tumalakay ito sa

pananaw sa paggamit ng Gay Lingo o wikang sinasalita ng isang grupo sa lipunan ng

Pilipinas kung saan nagkakaroon sila ng iisang aydentidad sa kanilang lipunang


ginagalawan o kilala sa tawag na bakla na nasa ikatlong kasarian ng lipunan at ipinasok

dito ang pananaw ng mga mag-aaral ng nasabing Paaralan.

Sa kalagayan ng gay lingo, umugnay ang iba’t ibang teorya o pag-aaral hinggil

sa mga sitwasyong pagkatuto ng wika katulad ng Teoryang Innative, Teoryang Kognitib

at De individuation theory.

Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto ng isang

wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging

nangangai-langang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na

impormasyon, alamin ang pumailaim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang

makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit

na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di kaya

nama’y naiilapat nang mali ang mga ito. Dahil dito, malimit nagaganap ang mga

kamalian sa paggamit ng wika. Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali sa isang

palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinasto.

Ang pagkakamali ay tinatanaw ng mga kognitibist bilang isang integral na bahagi ng

pagkatuto (Badayos, 1999).

Ang teoryang ito ni Piaget ay iniugnay sa wikang bakla sa aspetong ang wika ay

dinamiko o nagbabago. Ayon kay Siguitan ka kanyang ginawang dyornal na may titulong

A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo (2008) ang

gay lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang

wika, ang mga salita at termenolohiya nito ay mabilis na naipoproseso sa labi at hindi
makikita sa diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang

ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.

Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na Gayspeak in the

Nineties ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas,

isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang

pinaghahawakang alituntunin.

Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na

pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa

pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang

makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ng

dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa

paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa

paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teyoryang

kognitibist ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong

prosesong pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng

mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga

mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa kanilang dating

kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang sa implikasyon sa pagtuturo.

Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo

ng wika dahil likas niya itong matutuhan. Samantalng sa kampo ng mga kognitibist,

kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng

wika ( Badayos, 1999).


Bilang isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng

mga bata at paano sila natututo.

Ang De individuation theory ni Leon Festinger (Linguistic Divergence) ay hinggil

sa pagkawala ng idibidwal na pagkakakilanlan dahil sa napapalitan na ito ng identitad ng

isang grupo ng lipunan. Ang grupo ang nagdidikta ng mga istandard na dapat sundin ng

bawat indibidwal na pagkakakilanlan dahil nahahalinhan naman ito ng identitad ng

grupo. (Syque 2002-2010).

Sabi nga sa isang artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol

nina Jose at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay

gumagawa ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga

magulang na kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay

nasusuklam rin at ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila’y hindi tinatanggap at

waring hindi kabilang sa mundo. (Badayos, 1999)

Sa isa pa ring Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng

mga sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi

maipaliwanag na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta,

damdamin na parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian.

Wala silang masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang

kalooban narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay

lingo. sa ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik

nang walang nasasaktan.


Tunay na ang wika ay mabisang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, sapagkat

ito ay mabisang kasangkapan at nagbibigay ng kulay at buhay sa mga kaisipan upang

maisatinig sa pamamagitan ng sariling wika.

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay

Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay

binigyan ng konseptong konseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang

tutunguhin ng pag-aaral na ito.

-Propayl ng mga Pananaw


Teyoryang
mag-aaral sa
Innavative
Paggamit
- Ang gay lingo sa ng Gay
kasalukuyan bilang Lingo ng
wikang ginagamit mga Piling
ng mga mag-aaral Mag-aaral
Teyoryang
-Bentahe ng gay ng Mataas
Kognitb
lingo sa loob ng na
paaralan Paaralan
ng
-Disbentahe ng gay Infanta,
lingo sa loob ng Quezon
De
paaralan
individua-
tion Theory

Pigura Blg. 1: Paradigma ng Gay Lingo


Ayon sa Pigura, may tatlong prosesong binuo para maisakatuparan ang pag-aaral na

ito. Pumapasok sa unang kahon bilang input ang suliranin o layunin ng pag-aaral na ito

katulad ng Propayl ng mga mag-aaral, Ang gay lingo sa kasalukuyan bilang wikang

ginagamit ng mga mag-aaral,kahalagahan ng gay lingo sa loob ngpaaralan, hindi

kahalagahan ng gay lingo sa loob ng paaralan.

Makikita naman sa kasunod na kahon bilang proseso ang mga teoryang ginamit na

tapakan ng mga mananaliksik upang mabatid ang pagpasok ng mga wika batay sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika. Ito ay ang Teoryang Innavative, Teoryang

Kognitib at De- Individuation Theory. At sa panghuling kahon naman bilang output ay

lumabas ang Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo ng mga piling mag-aaral ng Mataas

na paaralan ng Infanta, Quezon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay

naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa Mataas na

Paaralan ng Infanta? Sa punto ng:

a. Edad

b. Kasarian

2. Gaano kalawak ang baryasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga


magaaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta?

3. Kailan/ Gaano kadalas ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas

na Paaralan ng Infanta?

4. Saan malimit naririnig ang Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na

Paaralan ng Infanta?

5. Ano-ano ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas

na Paaralan ng Infanta?

6. Sino-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral ng Mataas na

Paaralan ng Infanta?

7. Ano-ano ang bentahe at disbentahe ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng

Mataas na Paaralan ng Infanta?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay

makatutulong ng malaki sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng

wika sa ating lipunan. Kung patuloy na gagamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo,
magkakaroon ito ng epekto sa Wikang Filipino. Magmumulat rin ang pananaliksik na ito

sa kanila ng mga kaalaman hinggil sa kasaysayan at pinagmulan ng Gay Lingo.

Mababatid ng mga mag-aaral ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pag-usbong nito at

katanggapan para dito.

Sa mga manunulat

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat ay isang

kalayaan, kalayaang nagpipilit sa bawat isang indibidwal na ilahad ang tunay niyang

saloobin sa paraang pasulat man. Ang panitikan ang buhay ng mga manunulat at

makakapagsusulat lamang sila, kung sila’y may kalayaang gamitin ang wikang nais

nilang gamitin kung ito man ay Gay Lingo.

Sa mga mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanilang panibagong lakas upang

saliksikin nila ang higit na mahahalagang bagay o ideya na makatutulong upang

mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-aaral

hinggil sa Gay Lingo at ang epekto nito sa Wikang Filipino.

Sa mga magulang

Sa panig ng mga magulang, ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing paalala sa

kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalayaan sa pag-aaral ng

kanilang mga anak. Ito ay magpapabatid sa kanila bilang kasama o katuwang sa

pagbabago sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan.


Magpapaunawa rin ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang mabatid nila ang

mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pag-usbong ng gay lingo.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay

Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay

sumasaklaw sa pananaw ng dalawang daan at limampu’t dalawa (252) na mga piling

mag-aaral mula sa kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na

populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Mataas na Paaralan ng Infanta

at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok o respondente ng

pag-aaral. Ginamit ang Formyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa

pagkuha ng sampol.

Hindi sinasaklawan ng pag-aaral na ito ang anumang opinyon o pananaw ng

mga kaguruan, o maging mga nasa ikatlong kasarian na hindi naman mag-aaral ng

nasabing paaralan.

KATUTURAN NG TALAKAY

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito batay

sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing terminolohiya ay nasa paalbabetong

pagkakasunod-sunod:

 Baryasyon - pagkakaiba-iba ng anyo


 Balarila - ito ang hanay ng Lohikal at istruktural na mga alintunin na namamahala

sa komposisyon ng mga pangungusap, parirala at mga salita sa anumang Likas na

wika.

 Elementarya- ito ay isang institusyon kung saan ang mga bata ay naghahanap at

tinuturan ng mga bagong karunungan. Ito’y binubuo ng hanggang anim na taon sa

paaralan.

 Gay Lingo - tinatawag ding sward language, gay language, showbiz slang, sward

speak at gay slang ay mga katawagang bunga ng baryasyon ng wikang Filipino,

wikang Ingles at iba pang wikang umiiral sa bansa.

 Komunikasyon - isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na

ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling

pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang

komunikasyon.

 Lalawigan - ito ang lugar kung saan tinatawag ding rural o labas sa lungsod

 Linguistic convergence - ipinapakita na sa bawat ugnayan ng mga tao ay naroon

ang pakikipag-uganayan o katanggapan ng wikang iyon bilang simbolo ng pakikiisa

ng grupong iyon at pagtangkilik dito.

 Linguistic divergence- ang pagpapakita ng pagtutol o pagpapahayag ng pagiging

iba sa grupo at pagkakaroon ng sariling aydentidad.

 Wika - masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili sa paraang arbitraryo

upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

 Wikang Filipino - ang opisyal na wika ng Pilipinas at batay sa lahat ng wikang

umiiral sa bansa.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito na may paksang “Pananaw sa Paggamit ng Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon” ay

naglalaman ng banyagang literatura, banyagang pag-aaral, lokal na pag-aaral at lokal

na literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at hindi nailathalang tesis at iba

pang lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit ng mga mananaliksik

kaugnay sa nasabing paksa.

BANYAGANG LITERATURA

Sa aklat ni Weinrich na may titulong Language in Contact, ipinaliwanag ni Marine

(1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba (diversity) ay nagsimula sa sariling

lahi, sa katangian ng isang tao. Hindi kailangang sabihin na ang isang tao ay larangan

ng pagtutunggali sa panglinggwistikang uri at gawi.

Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o

pagkakatulad ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay dapat na

lubusang mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila at mga salita bilang pang-

unang kailangan sa pagsusuri ng mga balakid.

Ipinahayag ni Contreras noong 1994 sa kanyang nilimbag na lathalain na

naipalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang bakla. Sa

pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kailangang matamo ukol sa pagkakaroon sa

lipunan ng mga bakla o gay.


variety kadalasan pa ay mix-mix o Taglish Variety ang ginagamit.

Inilahad ni Phillips (1990) sa wikang Ingles na ang homosexual sa Amerika ay

mahilig gumamit ng mga swards lingo na kung saan kalimitan ay para lamang sa

kanilang pangkat na mamamayan. Ipinahayag ni Conteras (1994) sa kanyang nilimbag

na lathalain na ipinalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang gay o

bakla. Sa pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kinakailangang matamo ukol sa

pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla.

Sinabi naman ni Benjamin (1996) na ang swards lingo ay nauso lamang dahil

ang mga bakla ay nagnanais na matamo ang kalayaan at ang pang-unawang lipunan.

Ipinahayag ni Umali (1991) na ang ating wikang Filipino ang pinagbabayan ng

kaalaman na dapat maiukol at maipasok sa kaisipang ng bawat mag-aaral. Ito ay isang

mayamang batayan ng karunungan na maibabahagi sa bawat mag-aaral. Ito ay isang

mayamang pahayagan na naibahagi ang balita at kultura sa bunog kapuluan na

maunlad at nakararating sa pinakaabang nasa ng bansa. Ang mga babasahing nakikiisa

sa bawat nilikhang kayumanggi ay dapat pang bigyang diin upang mapalawak sa

pamamagitan ng wika. Sa wika madaling maipahayag ang nais na maipadaman at

maipahayag ng nagsasalita nito.

Ipinahayag naman ni Bay (1987) na ang nagsasalita ay isang masining na

paraan ng pagpapahayag ng iniisip, nadarama, niloloob at nakikita o naguguni-guni.

Samakatuwid, ang pagsasalita ay nagbibigay ng isang sitwasyong kinalalagyan ng

disiplinang intelektwal o pagkamalikhain.


Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin ng

mga mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahayag sa pamamagitan

kung paano sila lilikha ng mga talasalitaan o salita upang makabuo ng isang

pangunahing diwa.

Sa isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito:

“Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay ang

kasanayang magagamit ito ng buong bukas sa aktwal at angkop na

sitwasyon. Hindi lamang kaalaman sa mga kayariang panglinggwistika

ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kundi lalo’t higit ang

kasanayang magamit ito sa angkop na pagkakataon at tamang

paraan.”

Ayon naman kay Sebastian (1982), ang iba pang suliranin sa pagpapalaganap at

pagtuturo ng wika sa mga saligan at batayang aklat at karaniwang pagdampu’t- damput

ng mga guro sa pagbibigay ng paksang aralin.

Binigyang diin ni Paz (1993), na mula sa pagkabata ay may wikang katutubo

tayong natututuhan at ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan sa mga kamag-anak at

komunidad. Maaaring sa sa mga kamag-anak at komunidad. Maaaring isa sa mga

tagalog ,ilocano, cebuano, o mas maliit na grupo gaya ng bagobo, kalinga at iba pa. ang

karamihan ay marunong din ng wikang rehiyunal, gaya ng Ilocos na ginagamit sa norte.

Cebuano sa isang parte ng Bisayas at Mindanao, Tagalog sa Gitnang Luzon at iba pa.

Bukod dito, sila ay marunong ngayon ng wikang Filipino na ginagamit ngayon sa sentro

ng kalakalan.
Ang mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon ayon kay Sauco (1990) ay batay sa

kakayahan ng taong makibahagi sa karanasan ng kapwa, makipagpalitan ng ideya at

mag- ambag pa ng karanasan sa mga sumusunod pang saling-lahi.

Ang Gay Lingo ayon pa kay Talde (1993) ay para lamang sa mga minoryang

pangkat tulad ng mga gay na noo’y payak, tago at marunong mahiya subalit sa pagdaan

ng maraming panahon ay naging mapusok.

Sa isang Ingles na magasin, ang artikulo ni Fortich (1991) na nagsasaad ng mga

sitwasyon at reaksyon ng mga bakla bilang tao ay naglalarawan ng hindi maipaliwanag

na pag-iwas sa kapwa; takot sa mga pang-uuyam at pag-aalipusta, damdamin na

parang ang kanilang kaluluwa sa waring walang katapusang kapighatian. Wala silang

masilungan ni mahingan ng tulong. Kaya sa paghihimagsik ng kanilang kalooban

narerelease lamang ang kanilang damdamin kung sila’y magsasalita ng gay lingo. sa

ganitong paraan, naaalpasan nang nila ang mga alalahanin at paghihimagsik nang

walang nasasaktan.

Sa aklat ni Holmes (1993) inilahad niya sa pamamagitan ng kompilasyon

(compilation) ng mga liham ng mga momosekswal ang mga problemang kanilang

nararanasan tulad ng pagtatago sa kabinet o closet, pagiging biktima ng homophobia,

paghaharap ng katapat na relasyo at hindi pagtanggap ng lipunan at simbahan sa kanila.

Nasabi rin niya na dahil sa mga problemang nabanggit kaya nagawa nila ang mga

wikang nagkukubli ng kanilang hinanakit.

Sa isa ring artikulo ng magasin, ipinaliwanag at binigyang pagtatanggol nina Jose

at Meily (1984) ang kapakanan ng mga homosekswal, na kung sila man ay gumagawa
ng sariling daigdig na may sariling wika ay sa dahilang kahit ang mga magulang na

kanilang inaasahang mangangalaga at magtatanggol sa kanila ay nasusuklam rin at

ikinakahiya sila. Kaya nararamdaman nilang sila ay hindi tinatanggap at waring hindi

kabilang sa mundo.

Ipinaliwanag na nangingibabaw pa rin na ang pinagbabatayan ay ang

pagkakalalang sa unang lalaki at babae. Gayundin, kinokundina rin ng lipunan ang mga

salitang gay lingo ay hindi pinahihintulutan ng diyos na makapangyarihan dahil wala

itong orihinal na pinagmulan.

Gayunman, ang gay lingo na umiiral ngayon sa ngayon ay binigyang katwiran ni Galang

(1998) sa kanyang isang artukulong isinulat. Sinabi ng may-akda na:

“The gay language is a natural offshoot of the sub-culture

created by the members of the third sex. Just as the social outcasts of

England have given birth to the punk sub-culture as a form of rebellion

against the straight-laced English society to which they could not conform,

homosexuals, precisely because they belong to neither male or female sex,

have to create a world entirely their own to in order to feel even a

semblance of that elusive sense of belonging.”

Binigyang–diin ni Rogers (1990) na ang kaisipan ng isang indibidwal ukol sa sarili

ay binubuo ng lahat ng mga ideya, kakayahan at kahalagahang maaakalang nasa kanya

at ito’y nagbibigay imluwensya upang kumilos batay sa pananaw na ito. Ang ganitong

kaisipan ang humuhubog sa bakla upang magpahayag siya ng sarili na hindi maririnig o

mauunawaan ng karaniwang kasarian. Kaya gumagamit siya ng gay lingo na ang naka-
uunawa ay kapwa bakla o mga taong tumatanggap sa kanila.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon kay Ball (1998) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Dictionaries and

Ideology: The Treatment of Gays, lesbians and Bisexuals in lexicographic works na:

“There are two different but related approaches to the study of the

influence of language structure on cognitive processes and other symbolically

mediated behavior. One approach deals with the generic function of language in

shaping cognitive processes, while the other is concerned with the comparative

problem of how lexical and grammatical differences among languages

systematically relate to differences in the cognitive processes of their speakers.”

Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paano

naiimpluwensyahan ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang simbolikong

pagkilos. May pagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-iisip ang tagapagsalita

batay sa kanilang personalidad halimbawa na lamang ang tagapagsalita na nasa ikatlong

kasarian.

Ayon naman kay Baker (2000) sa kanyang papel na may pamagat na Construc-

ting Polari-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na:

“It has become descriptive of the overall experience of life in the gay

community, includes names for common words that have no exclusive relation to

the culture. Most of the middle aged gays seemed to be aware of gay life,

identity and culture in the West.”


Ayon dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng kmga karanasan sa

komunidad ng mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa pang

araw-araw na pamumuhay.

Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na

Becoming homosexuals. Research on acquiring a gay identity na:

“There are also people who still think of homosexuality as a disease and

therefore as contigious, even if this view has long been drunked…and by

studying sexuality and gender, they will be able to free themselves from their

prescribed roles in society.”

Ayon dito, sa pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan ang

bawat isa na gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan.

LOKAL NA LITERATURA

Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong “Language, Sex,

and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang pag-unlad ng wikang

bakla sa Pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defens mechanism na

makipagtalastasan sa paraang pasalita.

Ayon naman kay Siguitan (2008) sa kanyang ginawang dyornal na may titulong

“A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gay

lingo tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika

ang mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipopro seso at hindi makikita sa
diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito para

mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.

Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na “Gayspeak in the

Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa Pilipinas,

isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang

pinaghahawakang alituntunin. Buhat sa mga lumabas na pag-aaral tungkol sa wikang

bakla o gay Lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang gay Lingo ay wika ng

marginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005).

Kaugnay dito, sinabi ni Cruz (2006) sa kanyang column na may pamagat na “Don

we now our gay apparel” na na nailimbag ng Philippine Star press ay:

“...At ang mga paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap

ng ikatlong uri o mga bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sa

bandang university belt, napadaan sa harapan ko ang grupo ng mga

kalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa seryosong

paraan. Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita ay

laganap na sa paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70

habang ang mga estudyante ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihan

sa mga estudyante ay bakla at hindi ko ibig sabihing masaya ako.

Marahil ay naimpluwensyahan na sila ng mga palabas katulad ng

Brokeback Mountains, ang gawa sa Pilipinas o ating atin na Ang

Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer Eye for the Straight Guy at iba

pa.”
Sa pahayag na ito ni Cruz (2006) nilalaman na maging sa paaralan ay

laganap na rin ang paggamit ng wikang bakla. Idinagdag pa niya ang mga salik na

sa tingin niya ay nakaimpluwensya ng pag-usbong nito sa nasabing paaralan.

LOKAL NA PAG-AARAL

May mga pag-aaral din na isinagawa hinggil sa paksang may kinalaman sa Gay

Lingo sa Pilipinas. Sinasakop ng mga nasabing pag-aara ang suliranin, layunin at iba

pang may kinalaman sa Gay Lingo.

Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at

Agham ng University of the East ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L. Quezon University

taong 2001. Ayon sa kanyang pag-aaral:

“Ang salitang gay lengua na madalas gamitin ng mga mag-aaral

ay mga salitang repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isang

mag-aaral. Malaki ang papel na ginagampanan ng kasarian sa

paggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na popular ang

paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.”

Ayon naman sa pag-aaral ni Miko D. santos na may Pamangat na Ang Gay lingo

sa Panahon ng impormasyon taong 2007 ay nagsaad na :

“ Ang panahon ng Impormasyon at ang yumayabong na wika ng mga

bading, ang sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng

Pilipinas.”
Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy (1992) na may Pamagat na

“Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga Maricona na Resulta ng

Kanilang pakikipagsapalaran na naging bahagi ng pag-unlad ng Wikang Filipino” ay

naglalalaman ng:

“Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa pagkakamalikhain ng

mga Pilipino. Maraming paraan kung saan tayo angat sa nakararami

lalo na kung paglikha ng iba’t ibang bagay ang pinag-uusapan.sabi

nga ng karamihan, marami tayong pauso, pakulo, marami tayong

alam pagdating sa mga bagay-bagay,sa kalokohan man o seryosong

usapan. Iba tayong mga Pilipino, kahit saang bahagi man tayo ng

mundo ilagay.”

Batay sa pahayag na ito ni Sandy (1992), ang Gay Lingo ay sumasalamin sa

pagkamalikhain ng mga Pilipino. marami tayong mga pakulo,pauso at iba tayong

mga Pilipino saan man ilagay sa mundo.


KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang metodong ginamit ng mga

mananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang “Pananaw sa Paggamit ng

Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta,

Quezon” .

Uri ng Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng Deskriptibong pamamaraan.

Isinagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng kasalukuyang paggamit ng gay lingo

sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa lalawigan. Ang kaparaanang paglalarawan ang

tumutuklas sa kasalukuyang kalagayan ng isang tiyak na bagay o pangkat at ng mga

pangyayaring nagaganap sa isang pangkat. Sa pag-aaral na ito, inalam ng pananaliksik

ang mga gay lingo na ginagamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta sa

Lalawigan ng Quezon. Gumamit din ng kaparaanang pang-estadistika gaya ng prekwensi

at bahagdan.

Paglalarawan ng Respondente

Ang mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta na nagsilbing

respondente ng pananaliksik ay mga nasa ikaapat na taon ng panuruan, Taong aralan

2010-2011. Pinili ang mga mag-aaral sa kaisipang ang mga mag-aaral ay isa sa mga

nagsisilbing tagagamit ng anumang wika sa loob ng paaralan at nasa mga mag-aaral


ang desisyon kung anung wika ang nais nilang gamitin sa paraan mang pasulat o

pakikipagtalastasan sa loob ng paaralan.

Populasyon

Upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito, pumili ang mga mananaliksik

ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Infanta na nasa ika-apat na antas,

Taong panuruan 2010-2011 sa Lalawigan ng Quezon, ang bayan ng Infanta. Ang mga

mag-aaral sa ika-apat na antas ng Mataas na Paaralan ng Infanta ay may kabuuang

bilang na 686. Pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang mga naging respondente

ng Pag-aaral. Ang mga piling mag-aaral ng nasa ika-apat na antas na naging

respondente ay may bilang na Dalawang daan at limampu’t dalawa (252). Sila ang

naging tagasagot sa mga katanungan upang masuri ang mga gay lingo na ginamit ng

mga mag-aaral.

May dalawangdaan at limampu’t dalawa (252) na mga piling mag-aaral mula sa

kabuuang bilang na animnadaan at limampu’t anim (686) na populasyon ng nasa

ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National Highschool at pinili sa pamamagitan

ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag-aaral na ito.


Nasa ibaba ang Pormyula ni Slovin upang ilahad ang teknik na kinasangkapan sa

pagkuha ng sampol:

n= __N__

1+ Ne ²

Na ang:

n= ay tumutukoy sa Sampol N= ay tumutukoy sa populasyon

e= ay tumutukoy naman sa tinatayang datas ng kamalian

n= 686

1+ 686 (.05)²

n= 686

1+ 686 ( .0025)

n= 686

1+ 1.715

n= 686

2.715

n= 252.67

n=253
Pagkuha ng Proposyon na Sampol

Proposyon na sampol (%)= _n_= 253 = .3688

N 686

Ang .3688 ay ini-round off sa .37 o 37% para sa maayos na komputasyon ng mga

mananaliksik.

Mga Seksyon Bilang ng mga Bahagdan Bilang ng


mag-aaral Respondente

DMU 58 37% 21

LEU 58 37% 21

NSD 58 37% 21

MBM 54 37% 20

JEB 58 37% 21

JMS 59 37% 22

CGP 59 37% 22

RJB 55 37% 20

RVT 61 37% 23

EML 57 37% 21

BPB 58 37% 21

AMD 51 37% 19

Kabuuang 686 37% 252


Bilang ng
Respondente

Ang kabuuang sampol ng pananaliksik ay 252.


Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik gumamit ng simpleng estadistika gaya ng pagkuha ng

bahagdan upang makatuwang sa ikalilinaw at ikadadali ng pagpapaunawa sa mga

inilarawang kalagayan. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap sa mga library, sa

pamamagitan ng impormal na pagtatanong, obserbasyon at pag-aaral sa resulta ng

questionnare na tinugunan ng mga respondente. Ang mga Instrumentasyon ay

ipinamahagi nang personal ng mga mananaliksik matapos

mapahintulutan ng Prinsipal ng paaralan na kasangkot at tiniyak na ang bawat sampol

ay natamo at maayos na nasagutan ng respondente.

Instrumentasyon

Upang makalikom ng kinakailangang datos, ginamit ng mananaliksik ang

talatanungan o researh questionnaire. Isang talatanungan ang inihanda ng mananaliksik

para sa mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral.

Nilalaman ng isang talatanungan ang sampu (10) na tanong. Ang una at

pangalawang ay naglalaman ng demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng Mataas

na Paaralan ng Infanta. Pangatlo, Ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng

mga mag-aaral. Pang-apat, Ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral

at Pang-lima ang dalas ng paggamit ng Gay Lingo. Sa Pang-anim at pang-pitong tanong

ang lugar na kadalasang naririning ang Gay Lingo at dahilan ng paggamit nito. Pang-

walo, ang kasariang Kinariringgan ng Gay Lingo. Nasa ika-siyam at ika-sampung tanong

ang bentahe at disbentahe ng paggamit ng gay lingo. Ito ay naging batayan ng


mananaliksik upang malaman kung ano pananaw sa paggamit ng gay Lingosa mga

mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay tinukoy ang mga kasangkapang ginamit sa

pangangalap ng mga datos, impormasyon ukol sa kabatiran at kahandaan ng mga guro

ng Mababang Paaraalan ng Bacnar sa pagpapatupad ng Multilingual Education na

nagsilbing daan upang mabigyang linaw ang mga isyung nakapaloob sa paksa.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey gamit ang talatanungan na kung saan ay

may pagpipiliang sagot sa pamamagitan ng checklists.

Kompyutasyong Estadistikal

Upang malapatan ng karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at

impormasyon sa isinagawang sarbey ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na

gamitin ang mga sumusunod na pormula:

Kung saan:

P= Bahagdan

R= Bilang ng sagot

N= Kabuuang bilang ng respondente.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng mga kabatiran mula sa

nakalap na mga datos sa mga respondente na mga piling mag-aaral na nasa ikaapat na

antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta, lalawigan ng Quezon sa bayan ng Infanta na

nauukol sa mga salitang bakla o gay lingo na ginagamit at dinadala kahit sa paaralan.

Ang mga datos ay inlilahad sa pamamagitan ng mga talahanayan, inanalisa at binigyang

pakahulugan upang matuklasan at magkaroon ng resulta.

Ang mga datos ay nalikom mula sa mga kasagutang nakuha sa mga taga tugon

na ang pinagbatayang pinagkunan ay ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ang mga ito ay

ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na respondente ayon sa edad, kasarian.

Ang barasyon ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral. Ang panahon na

ginagamit ang gay lingo, dalas ng paggamit ng gay lingo, lugar na kadalasang naririnig

ang gay lingo, dahilan ng paggamit ng gay lingo at kasariang kadalasang kinariringgan

ng gay lingo. Ang Bentahe ng paggamit ng gay lingo at ang Disbentahe sa paggamit

nito sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta, Quezon.

Makikita mula sa mga talahanayan ang mga bilang at bahagdan ng mga

respondente na kumakatawan upang tumugon sa mga talatanungang ipinamahagi at

ipinamudmod sa mga mag-aaral. Una, ang Demograpikong Propayl ng mga

respondente na kalahok sa pag-aaral ayon sa edad at Kasarian.


Talahanayan Blg. 1.

Edad ng mga Respondente

Edad ng respondente Bilang ng mga Bahagdan


sumagot

11-12 0 0%

13-14 7 3%

15-16 222 88%

17- Pataas 23 9%

Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 1 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang

edad. Nangunguna ang mga nasa gulang 15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17-

pataas 0 9 % at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang

11-pababa.

Sa kabuuan, ang unang opsyon na batay sa edad ay may kinalaman sa

demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15-16 o 88%,

nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral

ng nasabing paaralan.
Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng Kasarian ng mga

Respondente na may kaugnayan parin sa Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral.

Talahanayan Blg. 2

Kasarian ng mga Respondente

Kasarian ng respondente Bilang ng mga Bahagdan


sumagot

Babae 163 65%

Lalaki 86 34%

Ikatlong kasarian 3 1%

Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 2 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa kanilang

kasarian. Nangunguna ang bilang ng mga Babae sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may

bilang na 86 mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3

mag-aaral o 1%.

Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na batay sa kasarian ng mga respondente

ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas

na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa babae,

nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-

aaral ng nasabing paaralan.


Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Distribusyon ng baryasyon ng

Wikang Filipino na ginagamit sa bahay ng mga Respondente na may kaugnayan parin sa

Demograpikong Propayl ng mga mag-aaral.

Talahanayan Blg. 3

Baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay

Wikang ginagamit ng respondente Bilang ng mga Bahagdan


Sumagot

Tagalog 185 73%

Taglish 65 26%

Gay Lingo 2 1%

Kabuuang Bilang 252 100%

Makikita sa Talahanayang 3 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Baryasyon ng

wikang Filipino na ginagamit nila sa Bahay. Nangunguna ang mga gumagamit ng

Tagalog sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag-

aaral o 73%, sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral

o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag-aaral o 1%. Sa

kabuuan, ang pangatlong opsyon na batay sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay

ay may kinalaman pa rin sa demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng Mataas

na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog,


nangangahulugang ito ang baryasyon ng wika na ginagamit bahay ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Panahong Ginagamit ang Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Talahanayan Blg. 4

Panahong Ginagamit ang Gay Lingo

Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga Bahagyan


sumagot

Sa malayang oras 64 25%

Kapag kasama ang barkada 158 63%

Kapag nasa labas ng paaralan 26 10%

Sa oras ng talakayan 4 2%

Kabuuang Bilang ng Sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 4 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa panahong

ginagamit nila ang Gay Lingo. Nangunguna ang kapag kasama ang barkada sa may

pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%,

sumunod ang sa malayang oras na may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng

kapag nasa labas ng paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng


Talakayan na may bilang na 4 mag-aaral o 2%.

Sa kabuuan, ang opsyon na Panahong Ginagamit ang Gay Lingo ay may

kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay

Lingo sa Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon

sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang panahong ginagamit ang Gay

Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ng

mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Talahanayan Blg. 5

Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo

Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan

Palagi 12 5%

Madalas 63 25%

Minsan 158 63%

Hindi kailanman 19 7%

Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 5 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Dalas ng

Paggamit nila sa Gay Lingo. Nangunguna na minsan nila ito ginagamit sa may

pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 158 mag-aaral o 63%,


sumunod na madalas sa may bilang na 63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi

kailanman nila ginagamit sa may bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang

na 12 mag-aaral o 5%.

Sa kabuuan, ang opsyon na Dalas ng Paggamit ng Gay Lingo ay may kinalaman

sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral at paaralan ang paggamit ng Gay Lingo sa

Mataas na Paaralan ng Infanta. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa

minsan, nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Lugar na kadalasang naririnig ang

Gay Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng

Infanta.
Talahanayan Blg. 6

Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo

Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng mga sumagot Bahagdan

Sa paaralan 55 22%

Sa bahay 0 0%

Sa palengke 4 1%

Sa parlor 193 77%

Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 6 ang tugon ng mga mag-aaral batay sa Lugar

nkadalasan nilang naririnig ang Gay Lingo. Nangunguna na sa parlor nila ito naririnig sa

may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 193 mag-aaral o 77%,

sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sumunod na sa

paaralan sa may bilang na 55 mag-aaral o 22%, sinundan na sa palengke na may bilang

na 4 mag-aaral o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag-

aaral o 0% ito.

Sa kabuuan, ang opsyon na Lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay may

kinalaman sa kung paano nakaaapekto sa mag-aaral ang ang lugar kung saan nila

naririnig ng Gay Lingo. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor,

nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng infanta.


Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Dahilan ng paggamit ng Gay Lingo

ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Talanahayan Blg. 7

Dahilan ng paggamit ng Gay lingo

Pagpipilian/ Opsyon ng Lugar Bilang ng mga sumagot Bahagdan

Kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan 11 4%

Kapag kausap ang gumagamit din nito 110 44%

Kapag nagkakaroon ng malayang 32 13%


talakayan

Sumusunod lamang sa uso 99 39%

Kabuuang Bilang ng sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 7 ang tugon ng mga mag-aaral na dahilan ng

paggamit ng Gay Lingo. Nangunguna sa mga dahilan na kapag kausap ang gumagamit

din nito sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 110 mag-

aaral o 44%, sumunod na dahilang na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99

mag-aaral o 39%, sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may

bilang na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan na may

bilang na 11 mag-aaral o 4%.


Sa kabuuan, ang opsyon na dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay may

kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na

Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na

tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito, nangangahulugang kapag kapag

kausap ang gumagamit din ng gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infantal.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Kasariang Kinariringgan ng Gay

Lingo ng mga Piling Mag-aaral sa ikaapat na antas sa Mataas na Paaralan ng Infanta.

Talahanayan Blg. 8

Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo

Piagppipilian/ Opsyon Bilang ng mga Bahagdan


Sumagot

Sa mga kababaihan 11 5%

Sa mga kalalakihan 6 2%

Sa mga bakla at tomboy 86 34%

Kahit kanino 149 59%

Kabuuang bilang ng Sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 8 ang tugon ng mga mag-aaral sa kasariang kinari-

ringgan ng Gay Lingo. Nangunguna sa Kahit Kanino (binubuo ng Kababaihan,


kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na

may bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may bilang na 11

mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag-aaral o 4%.

Sa kabuuan, ang opsyon na Kasariang kinariringgan ng Gay Lingo ay may

kinalaman sa kung paano nakaaapekto ang paggamit ng Gay Lingo sa Mataas na

Paaralan ng Infanta sa mga mag-aaral at paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral na

tumugon na kahit kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan,

kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng kahalagahan ng paggamit ng gay

Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan

ng Infanta.
Talahanayan Blg. 9

Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo

Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang nga Bahagdan


mga
sumagot

Masayang gamitin sa paraang pasalita man o 44 17%


pasulat

Nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla 68 27%


at iba pang gumagamit nito

Nakakabuo ng mga salitang kayo lamang ang may 42 16%


alam

Nagagamit para sa enterteynment sa loob ng klase 32 13%

Nagagamit saan mang larangan, sa mga talakayan 34 14%


at mas nauunawaan ng ibang tao o kaklase

Natututong makibagay sa mga nasa ikatlong lahi o 27 11%


bakla na siyang nagpauso nito sa loob ng paaralan

Napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y 5 2%


hango rin sa wikang Filipino

Iba pang kasagutan 0 0%

Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 9 ang tugon ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng

Paggamit ng gay Lingo.Nangunguna ang tumugon na sa paggamit ng gay lingo,

nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may

pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%,

Sumunod ang tumugon na masayang gamitin ang gay lingo sa paraang pasalita man o

pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang tumugon sa paggamit ng
gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring kayo lamang ang may alam na may

bilang na 42 mag-aaral o 16%, sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo,

maaari itong magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng

ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%, sumunod ang nagsaad

na nagagamit ang gay lingo para sa enterteynment sa loob ng klase na may bilang na

32 mag-aaral o 13&, habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong

makibagay sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na may

bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na sa paggamit ng

gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y hango rin sa wikang Filipino

na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %.

Sa kabuuan, ang opsyon na Kahalagahan sa paggamit ng Gay Lingo ay may

kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng

Infanta sa Pag-usbong ng gay Lingo sa Paaralan. kung. Dahil sa napakaraming mag-

aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha

sa mga bakla at iba pang gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa

pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino ang Bentahe ng

paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-

aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

Ang susunod na talahayan ay naglalahad ng Disbentahe ng paggamit ng gay

Lingo sa pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa ika-apat na antas sa Mataas na Paaralan

ng Infanta.
Talahanayan Blg. 10

Disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo

Mga pagpipilian/ Opsyon Bilang ng Bahagdan


mga
sumagot

Hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lingo sa loob ng 33 13%


klase

Hindi magamit sa mga pormal na usapan lalo na sa 125 50%


pagsagot sa guro

Hindi mailagay ang sarili sa usapang gamit ang gay 9 4%


lingo sa loob ng klase

Hindi madaling matutunan ang gay lingo kung hindi mo 21 8%


alam ang salitang ito at walang ugnayan dito

Hindi kaagad maintindihan sa karaniwang usapan gamit 27 11%


ang gay lingo lalo na sa diskusyon

Hindi karaniwang ginagamit sa loob ng paaralan lalo na 21 8%


sa pagtuturo ng guro

Hindi magamit sa mga pormal na talakayan kaharap ang 16 6%


guro

Iba pang kasagutan 0 0%

Kabuuang bilang ng sumagot 252 100%

Makikita sa Talahanayang 10 ang tugon ng mga mag-aaral sa hindi kahalagahan ng

Paggamit ng gay Lingo. Nangunguna ang mga tumugon na hindi magamit ang gay lingo

sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na hindi

nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may bilang na 33 mag-aaral
0 13%, sinundan ito na hindi kaagad maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan

o diskusyon na may bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang

magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo ng guro na

may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling matutunan ang gay lingo kung

hindi ka bakla o walang uganayan sa mga ito na katulad din na bilang na tumugon na

21 mag-aaral o 8%. Sinundan na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama

ang guro na may bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang

ng tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng gay lingo sa

loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%.

Sa kabuuan, ang opsyon na hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo ay

may kinalaman sa kung paano tumutugon ang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan

ng Infanta sa Pag-usbong ng Gay Lingo sa Paaralan. Dahil sa napakaraming mag-aaral

na tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa

guro, nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa

pagsagot sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan

sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.


KABANATA V

PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay nakatala ang mga paglalagom, natuklasan,

kongklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na bahagdan

ng mga kasagutan na may kaugnayan sa Ikaapat na kabanata. Ang mga sumusunod na

talata ay ibinatay ng mga mananaliksik sa interpretasyon ng mga nakalap na datos mula

sa isinagawang pag-aaral:

PAGLALAGOM

Ang pananaliksik na ito na may paksang “PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY

LINGO NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA,

QUEZON” ay naglalayon na malaman kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil

sa paggamit ng Gay Lingo. Mabatid ang Demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa

Mataas na Paaralan ng Infanta sa punto ng Edad at Kasarian; mabatid ang baryasyon

ng Wika na ginagamit sa bahay ng mga mag-aaral; malaman kung kailan/Gaano kadalas

ginagamit ang Gay Lingo ng mga mag-aaral; malaman kung saan malimit naririnig ang

Gay Lingo ng mga mag-aaral; mabatid ang dahilan ng Paggamit ng Gay Lingo ng mga

mag-aaral; matukoy kung sinu-sino ang kinariringgan ng Gay Lingo ng mga mag-aaral

ng Mataas na Paaralan ng Infanta at mabatid kung anu-ano ang bentahe at disbentahe

ng Gay Lingo sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.


Sinaklaw ng pananaliksik na ito ang dalawang daan at limampu’t dalawang

(252) mga piling mag-aaral mula sa kabuuang bilang na anim na daan at limampu’t

anim (686) na populasyon ng nasa ikaapat na antas sa sekondarya ng Infanta National

Highschool at pinili sa pamamagitan ng Random Sampling ang naging kalahok ng pag-

aaral na ito. Gumamit ng pamamaraang deskriptibo ang pananaliksik na ito at ng

talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos.

NATUKLASAN

1. Na nangunguna sa edad ng mga respondente ang mga nasa gulang

15-16 sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na

222 mag-aaral o 88%, sumunod ang mga nasa gulang 17-pataas 0 9 %

at ang mga nasa gulang 13-14 o 3%. Walang Mag-aaral ang nasa gulang

11-pababa. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa gulang 15-

16 o 88%, nangangahulugang ito ang edad ng karamihan sa ikaapat na

antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

2. Na nangunguna sa kasarian ng mga Respondente ang bilang ng mga

Babae sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang na

163 mag-aaral o 65%, sumunod ang mga lalaki na may bilang na 86

mag-aaral o 36% at ang mga nasa ikatlong kasarian na may bilang na 3

mag-aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa

babae, nangangahulugang ito ang kasarian ng karamihan sa ikaapat na

antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.


3. Na nangunguna sa baryasyon ng wika na ginagamit sa Bahay ng

mga respondente ang mga gumagamit ng Tagalog sa may pinakamataas

na bahagdan na tumugon na may bilang na 185 mag-aaral o 73%,

sumunod ang mga gumagamit ng Taglish na may bilang na 65 mag-aaral

o 26% at ang mga gumagamit ng Gay Lingo na may bilang na 2 mag-

aaral o 1%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Tagalog,

nangangahulugang ito ang barasyon ng wikang ginagamit sa batay ng

karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

4. Na nangunguna sa panahong ginagamit ang Gay Lingo ang kapag

kasama ang barkada sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na

may bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod ang sa malayang oras na

may bilang na 64 mag-aaral o 25%, sinundan ng kapag nasa labas ng

paaralan na may bilang ng 26 mag-aaral o 10% at sa oras ng Talakayan

na may bilang na 4 mag-aaral o 2%. Dahil sa napakaraming mag-aaral

na tumugon sa kapag kasama ang Barkada, nangangahulugang ito ang

panahong ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa ikaapat na antas ng

mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

5. Na nangunguna sa dalas ng paggamit ng Gay Lingo na minsan nila

ito ginagamit sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may

bilang na 158 mag-aaral o 63%, sumunod na madalas sa may bilang ng

63 mag-aaral o 25%, sinundan na hindi kailanman nila ginagamit sa may

bilang na 19 mag-aaral o 7% at palagi sa may bilang na 12 mag-aaral o


5%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa minsan,

nangangahulugang minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng

karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

6. Na nangunguna sa lugar na kadalasang naririnig ang Gay Lingo ay

sa parlor na may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang

na 193 mag-aaral o 77%, sumunod na sa paaralan sa may bilang na 55

mag-aaral o22%, sinundan na sa palengke na may bilang na 4 mag-aaral

o 1% at sa bahay naman ay hindi kariringgan nito sapagkat 0 mag-aaral

o 0% ito. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa Parlor,

nangangahulugang sa Parlor kadalasang naririnig ang gay Lingo ng

karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan

ng Infanta.

7. Na nangunguna sa dahilan ng paggamit ng Gay lingo na kapag

kausap ang gumagamit din nito sa may pinakamataas na bahagdan na

tumugon na may bilang na 110 mag-aaral o 44%, sumunod na dahilang

na sumusunod lamang sa uso na may bilang na 99 mag-aaral o 39%,

sinundan na kapag nagkakaroon ng malayang talakayan na may bilang

na 32 mag-aaral o 13% at kapag kailangan sa pagpapahayag ng kaisipan

na may bilang na 11 mag-aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral

na tumugon na kapag kausap din ang gumagamit nito,

nangangahulugang kapag kapag kausap ang gumagamit din ng

gumagamit ng gay lingo ang dahilan ng karamihan sa ikaapat na antas


ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

8. Na nangunguna sa kasariang kinariringgan ng Gay Lingo sa Kahit

Kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa ikatlong

kasarian) sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na may bilang

na 149 mag-aaral o 59%, sumunod sa mga bakla at tomboy na may

bilang na 86 mag-aaral o 34%, sinundan sa mga kababaihan na may

bilang na 11 mag-aaral o 5% at sa kalalakihan na may bilang na 11 mag-

aaral o 4%. Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon na kahit

kanino, nangangahulugang sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan,

kalalakihan at maging nasa ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng

karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan

ng Infanta.

9. Na Nangunguna sa Bentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang tumugon

na sa paggamit ng gay lingo, nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa

mga bakla at iba pang gumagamit nito sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon na may bilang na 68 mag-aaral o 27%, Sumunod

ang tumugon na masayang gamitin ang Gay Lingo sa paraang pasalita

man o pasulat na may bilang ng 44 mag-aaral o 17%. Sunod dito ang

tumugon sa paggamit ng gay lingo, nakakabuo ng mga salitang maaaring

kayo lamang ang may alam na may bil Lang na 42 mag-aaral o 16%,

sinundan ng mga tumugon na sa paggamit ng gay lingo, maaari itong

magamit saan mang larangan, sa mga talakayan at mas nauunawaan ng


ibang tao o mga kaklase na may bilang na 34 mag-aaral o 14%,

sumunod ang nagsaad na nagagamit ang gay lingo para sa

enterteynment sa loob ng klase na may bilang na 32 mag-aaral o 13%,

habang ang nagsaad na sa paggamit ng gay lingo, natututong makibagay

sa mga nasa ikatlong kasarian o kung sino man ang nagsasalita nito na

may bilang na 27 mag-aaral o 11% at may pinakamamabang tumugon na

sa paggamit ng gay lingo, napapaunlad ang wikang Filipino sapagkat ito’y

hango rin sa wikang Filipino na may bilang na 5 mag-aaral o 2 %. Dahil

sa napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng gay lingo,

nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang

gumagamit nito, nangangahulugang nailalagay ang sarili sa

pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang gumagamit nito kahit kanino

ang kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo sa pananaw ng karamihan sa

ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

10. Na nangunguna sa disbentahe ng Paggamit ng Gay Lingo ang mga

tumugon na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa

pagsagot sa guro sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon na

may bilang na 125 mag-aaral o 50%. Sumunod ang mga tumugon na

hindi nakakatuwang pakinggan ang gay lnigo sa loob ng klase na may

bilang na 33 mag- aaral 0 13%, sinundan ito na hindi kaagad

maintindihan ang gay lingo sa karaniwang usapan o diskusyon na may

bilang na 27 na mag-aaral o 11%. Sumunod na hindi karaniwang

magamit sa mga pormal na talakayan ang gay lingo lalo na sa pagtuturo


ng guro na may bilang na 21 mag-aaral o 8% at hindi madaling

matutunan ang gay lingo kung hindi ka bakla o walangugnayan sa mga

ito na katulad din na bilang na tumugon na 21 mag-aaral o 8%. Sinundan

na hindi magamit sa mga pormal na talakayan kasama ang guro na may

bilang na 16 mag-aaral o 6% at nakakuha ng pinakamababang bilang ng

tumugon sa hindi mailagay ang sarili sa usapan ng mga gumagamit ng

gay lingo sa loob ng klase sa bilang na 9 mag-aaral o 4%. Dahil sa

napakaraming mag-aaral na tumugon na sa paggamit ng Gay lingo, hindi

magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa guro,

nangangahulugang hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo

na sa pagsagot sa guro ang hindi kahalagahan ng paggamit ng Gay Lingo

sa pananaw ng karamihan sa ikaapat na antas ng mga mag-aaral ng

Mataas na Paaralan ng Infanta.

KONGKLUSYON

Sa pananaliksik na ito na may paksang “ PANANAW SA PAGGAMIT NG GAY LINGO

NG MGA PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALAN NG INFANTA,

QUEZON ”, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga kongklusyon batay sa mga

natuklasan sa isinagawang pag-aaral.

1. Na nasa gulang 15-16 ang edad ng karamihan sa mga mag-aaral ng

Mataas na Paaralan ng Infanta.

2. Na babae ang Kasarian ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na

Paaralan ng Infanta.
3. Na Tagalog ang baryasyon ng wika na ginagamit sa bahay ng karamihan

sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

4. Na kapag kasama ang barkada ang panahong ginagamit ang Gay Lingo ng

karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

5. Na minsan lamang ginagamit ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-

aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

6. Na sa Parlor kadalasang naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga

mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

7. Na ang dahilan ng paggamit ng Gay Lingo ay kapag kausap ang

gumagamit din nito ng karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na

Paaralan ng Infanta.

8. Na sa kahit kanino (binubuo ng Kababaihan, kalalakihan at maging nasa

ikatlong kasarian) naririnig ang Gay Lingo ng karamihan sa mga mag-aaral

ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

9. Na nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang

gumagamit nito kahit kanino ang bentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa

karamihan sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.

10. Na hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot

sa guro ang Disbentahe ng paggamit ng Gay Lingo sa karamihan sa mga

mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Infanta.


REKOMENDASYON

1. Ipaunawa ng mga guro, magulang, punungguro sa kanilang mag-aaral na

nasa tamang edad ang Gay Lingo bilang bunga ng pakikisalamuha sa

kapwa at ang maaaring maging epekto nito sa wikang Filipino.

2. Mahalagang pagtuunan ng mga guro ang papel ng kasarian sa Paggamit

ng Gay Lingo sa paaralan. Siguraduhing hindi magkakaroon ng tinatawag

ng Gender Discrimination.

3. Maglaan ang mga guro ng isang komprehensibong talakayan hinggil sa

Gay Lingo at Ipatuklas sa mga mag-aaral ang maidudulot ng mga salitang

ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa bahay.

4. Magkaroon ng malinaw na talakayan sa loob ng klase hinggil sa

panahong ginagamit ang Gay Lingo partikular na kung magkakasama ang

mga barkadahan sa paaralan.

5. Alamin ng mga guro ang dalas ng paggamit sa Gay Lingo ng mga mag-

aaral at ipaunawa ang epekto ng mga salitang ito sa wikang Filipino.

6. Bigyang pansin ng mga guro ang lugar na kadalasang naririnig ang Gay

Lingo partikular na sa parlor at unawain ang kalayaan ng mga mag-aaral

hinggil sa pakikisalamuha sa kapwa.


7. Magkaroon ng talakayan sa klase sa kahulugan ng Gay Lingo at alamin

ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit ito ginagamit, isa na dito ang

kapag kausap din ang gumagamit nito.

8. Pagtuunan ng pansin ng mga guro ang kasariang kinariringgan ng Gay

Lingo lalo na’t kahit kanino ito naririnig at ipabatid sa mga mag-aaral ang

epekto nito sa ating wikang Filipino.

9. Maglungsad ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa

mga mag-aaral ang bentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang

nailalagay ang sarili sa pakikisalamuha sa mga bakla at iba pang

gumagamit nito at kung paano ito nakaapekto sa wikang Filipino.

10. Magsagawa ang mga guro ng mga talakayan kung saan ipababatid sa

mga mag-aaral ang disbentahe sa paggamit ng Gay Lingo katulad nang

hindi magamit ang gay lingo sa pormal na usapan lalo na sa pagsagot sa

guro at kung paano ito nakaaapekto sa wikang Filipino.


BIBLIYOGRAPIYA

Mga Aklat

1. Baytan, Ronald. Language, Sex, and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The

Gay Dict. Ruptures and Departures: Language and Culture in Southeast Asia.

2002.

2. Baylon, Norma. Pamamaraan sa pagsulat ng komposisyon. Handout in seminar-

workshop, makati, metro manila.1987

3. Blackburn, Mollie V. Agency in Borderland Discourses: Examining Language Use in

a Community Center with Black Queer Youth. Teachers College Record.

Ateneo de Manila University, 2007

4. Fishman, Joshua A. The Sociology of Language. Sociolinguistics A Reader and

Coursebook. Macmillan,London. 1997.

5. Bickerton, Derek. Dynamics of a Creole System. Cambridge University Press.

London, 1975.

6. Giles, Howard. et al. The Psychological and Linguistic parameters of speech

Accommodation Theory: Advances in the social Psychology of Language.

Cambridge University Press. Cambridge, 1982


7. Labov, William. Sociolinguistic Patterns. University of Pennsylvania Press.

Philadelphia, 1972.

8. Lindgen, Henry Clay and Lingren, Fedia. Current Readings in Educational

Psychology. 2nd edition N.Y John meily and Sons Inc. 1981.

9. Red, Murphy. Gay speak in the Nineties.Ladlad 2: An Anthology of Philippine Gay

Writing, Anvil, Pasig. 1999

10. Haughen, Einar. Language Standardization, Sociolinguistics A Reader and Course

book. Macmillan, London. 1997.

11. Montgomery, Martin. An introduction to language and society. London and New

York. I986.

Mga Dyornal

1. Casabal, Norberto V. Gay Language: Defying the structural limits of English

Language in the Philippines. Kritika Kultura: Issue 11. P.89-120. August 2008

2. Cruz, Isagani. Don we now our gay apparel Philippine Daily Inquirer. Page A10

August 12, 2006.

3. Remoto, Danton. On Philippine Gay Lingo. May 8, 2008.

4. Tan, Micheal. The English Divide Philippine Daily inquirer. August 29, 2007
5. Santos, Miko D. Ang Gay Lingo sa Panahon ng Impormasyon. 2007

6. Suguitan, Cynthia Grace B. A Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in

Philippine Gay Lingo. June 7, 2008.

Tesis/ Disertasyon

1. Del Mundo, Elena. “katangian ng Wikang Filipino sa Komunikasyong pasalita ng

mga mag-aaral sa unang Taon, Antas Terserya: Isang Pagsusuri: Di

nalathalang master tesis. 1994

2. Galicia, Rosalie M. Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo

ng Sining at Agham Pamantasan ng Silangan. Manuel L. Quezon University,

2001.

3. Santiago, Teresa L. The self-concept, adjustments, and interpersonal values of

college male homosexuals unpublished Masteral Thesis, Manila 1987

Mga Websayt

1. http://www.wikipedia.com. March 2, 2010

2. http://www.gayDictionary.com. Feb.25, 2010

3. http://www.wikipilipinas.com.February 27, 2010

You might also like