You are on page 1of 9

KABANATA I: ANG SULIRANIN

SANDIGAN NG PAG-AARAL

Ang wika ang siyang pinakamahalagang elemento ng pakikipagkapuwa at pakikiisa. Sa


pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba o pakikipagkomunikasyon ng bawat Pilipino,
nagagamit ang wika na siyang dahilan kung bakit ito yumayabong. Yumayabong sa paraang
nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo o mga bagong likhang salita sa bawat panahong
lumilipas. Dahil maraming naging pagbabago sa lipunang ating ginagalawan gayundin ang wika
sa paglipas ng panahon. Nagkakaroon ito ng maraming barayti at nadaragdagan ng mga bagong
likhang lengguwahe. Hindi maikakaila na likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain hindi
lamang sa larangan ng sining, musika, panitikan, agham at iba pa kung hindi pati sa sariling wika
- ang Wikang Filipino. Ang mga moderno o makabagong salita na nabubuo dahil sa
pagkamalikhain ng Pilipino ay tanda na ang lipunan ay nagbabago at umuunlad.

Ang wikang Filipino ay mayroong dalawang antas: Ang pormal at di-pormal. Binubuo
ang pormal na salita ng pambansa at pampanitikan o ito yaong mga salitang may pamantayan at
kalimitang ginagamit sa pangkapaligirang intelektwal. Ang mga di-pormal na salita naman ay
mga salitang karaniwang nababanggit sa pang-araw araw at ito ay binubuo ng lalawiganin,
kolokyal, at balbal. Ngunit kasabay ng paglipas ng panahon ang mga pagbabagong ginagamit na
mga salita ngayon. Lingid sa ating kaalaman, marami ng mga bago o modernong salita ang
nabubuo. Ang mga “millennials” sa kasalukuyang panahon ay nakalilikha ng mga bagong salita
na karaniwan ay binabaliktad sa orihinal nitong anyo katulad na lamang ng mga salitang: idnis
(sindi), petmalu (malupit), werpa (power), etneb (bente), dehins (hindi), igop (pogi), sakalam
(malakas), netmai (mainit), pusam (sampu), takwarents (kwarenta), lam-a na dis (alam na this),
tosgas (gastos), lespu (pulis), lodi (idol), ikalam (malaki), atabs (bata), matanda (tanders), yorme
(mayor) at marami pang iba. Mga modernong salita na karaniwang ginagamit ng mga kabataan
katulad na lamang ng mga salitang: sana all, edi wow, owrayt! at maraming pang iba.

Ang mga modernong salita ay nagpapatunay sa pagiging malikhain ng mga Pilipino. Sa


mga nabuong bagong salita, nagpapakita lamang na ang mga Pilipino ay may makulay na
persepyon pagdating sa mga wika sapagkat nakalilikha ng mga kawili-wili at nakalilibang na
mga salita. Ngunit sa kabilang dako naman sa bawat panahong lumilipas nakaliligtaan na ng
maraming Pilipino ang sariling wika. Ang patuloy na pag-usbong ng mga makabagong salita ang
mag-uugat sa pagkakaroon ng hindi sapat na kamalayan sa mga bokabularyong wikang Filipino.
Samakatuwid, ang mga modernong salitang nalikha ay may positibo at negatibong epekto, taglay
nito ang kapangyarihang magpapatunay na umuunlad ang lipunan o hindi kaya ay tanda ng
pagkawasak ng pagkakaisa at identidad at hindi pagkakaunawaan ng bawat mamamayan sa
Pilipinas.

Ayon kay Aldaca at Villarin (2012), “ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan na


lubhang makapangyarihan kaya naman maraming tao ang madaling maimpluwensiyahan sa mga
moderno o makabagong salita. Ang salitang balbal ay tinatawag ding slang sa Ingles.
Nanggagaling ang mga salitang ito sa grupo ng mga tao na ginagamit ang mga salita upang
magkaroon ng sariling codes.” Dagdag pa nila, ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng
mga bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakakalilikha ng
mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga makabagong salita at
pangkabataang pananalita.

Iwinika naman ni Bienvenido Lumbrera (2007), “Parang hininga ang wika, sa bawat
sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit
tayo ng wika upang makamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga politiko, propesyonal, at mga simpleng
mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha at
makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan.
Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng
modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang
ipinagmamalaki ng Pilipinas.
Ayon naman kay Ocampo (2013), ang salitang balbal o modernong salita ay naging
bahagi na ng bokabularyong Filipino na tumutugon sa kinakailangan ng lipunan. Masasabing ang
wikang ito ay pampersonal na pakikipagkomunikasyon na tinatawag ding “salitang kalye”.
Isinalaysay naman nina Kazuhiro et al. (2009), ang balbal na salita ay ang di-pamantayang
paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Isang lipunan na
lalong nanghimok sa kabataan na nakasanayang bigkasin ng madalas ang mga salitang ito gaya
ng lipunang mabubuo sa social media.
Ang Wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay kung hindi ito gagamitin. Ang isang wika ay
maaaring madagdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng tao.
Maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay
ang mga salitang balbal o pangkabataan. Isinaad naman nina Hill at Gleason (2000) Ang ating
wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiral o lumitaw noon ngunit sa
kasalukuyan ay malaki ang impluwensiya nito sa bawat tao. May mga salita ring maaring
nawawala sapagkat hindi na ito ginagamit.
Isinalaysay naman ni Mabanta (2011), na ang Wikang Filipino ay mayroong iba’t ibang
antas na nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang pambansa at
pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa edukasyon, korte o maging sa iba’t ibang
propesyon. Sa kabilang banda, ang impormal na salita ay kinabibilangan ng lalawiganin,
kolokyal at balbal. Halimbawa ng lalawiganin ay Tagalog sa Batangas at Cebuano sa Cebu na
ginagamit sa isang partikular na lugar. Samantala, ang mga salitang sa’kin (sa akin), sa’yo (sa
iyo), meron (mayroon), wag (huwag) at iba pa ay halimbawa ng kolokyal na ginagamit natin
araw-araw. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mga salitang balbal.
Ang paglaganap ng mga modernong salita sa kasalukuyang panahon ay dulot na rin ng
mga sitwasyong pangwikang dinadanas ng tagapagsalita kasangkot ang malikhaing
pagpapahayag ng mga kaisipan at mga ideya patungkol sa isang tiyak na paksa. Kasangkap ng
malikhaing pagpapahayag ng mga ito ang malikhaing paghahabi ng mga salita sa makabuluhang
pamamaraan sa pagbuo ng mga modernong salita o balbal sa kasalukuyang henerasyon. Hindi
maipagkakaila ang kasabay na pag-usbong ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago
rin ng wika, kabilang na rito ay ang wikang ating nakasanayan. Isa sa mga salik na siyang
nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga
makabagong salita na kung minsan ay nagbubunsod ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.
Tulad na lamang ng paglaganap ng Jeje words, Beki Language at marami pang ibang nauusong
mga salita na nagiging kadahilanan ng mga orihinal na termino at kahulugan nito.
Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas, isang Journalist at taga-ulat ng
GMA network na may pamagat na “Jejemon and The Filipino Language.” Sa dokumentasyong
ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng mga Filipino ang Wikang
Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng partikular na mensahe na nakasulat sa
Wikang Jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda ay nahirapang basahin ang mensahe dahil
sa sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong
naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang Wikang Jejemon ay uso at pamilyar na
sa kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang alamin kung kaya ng mga kabataan ang tamang
pagbabaybay sa Wikang Jejemon. Dito nadiskubre nilang higit na binibigyang pansin ng ibang
mga kabataan ang pagiging malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan
nito sa iba. Pinaalala rin sa dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit
may limitasyon din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang pagbabaybay ng pantig ng salita
kung iilan lamang ang nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita. Samakatuwid,
Malaki ang kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga
salita sa lipunan.
Ayon naman kay Prof. April Perez (2014), ng University of the Philippines-Filipino
Department higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon
dahil ito ay mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon.
Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for
Literature, Virgilio Almario: “Hindi naman mamamatay ‘yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in
currency, parang fashion lang ‘yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi
sumunod sa uso, mamamatay (ito)” Binanggit pa ni Almario na buhay ang wika kapag
nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.
Sa kabilang banda, bagama’t mabilis ang pag-usbong ng makabagong mundo,
modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at
social media, hindi na maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o
nalilipasan na ng panahon. Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa
Pandacan, Manila. Ayon sa isinagawang eksperimentong ito ng GMA News, kung saan
sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan
ng lumang salita kagaya ng alimpuyok, papagayo, anlowage, at sakalat na nagresulta na wala sa
mga modernong kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit
may isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito, masasabi nating
mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wika mula sa
ating kasaysayan.
Sa patuloy na pag-usbong ng modernong teknolohiya at iba’t ibang paraan ng
komunikasyon tulad ng social media sites na facebook, youtube, at iba pa hindi maiiwasan na
may mga salitang Filipino na hindi na gaanong binibigyan ng pansin dahil sa mga patuloy na
paglikha ng makabagong salita ng mga malikhaing tao na nauuso kung kaya ang sinaunang mga
salita ay nalilipasan na ng panahon at nababaon na sa limot. Ang makasining na paraan ng
wastong pagpili at akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap ay sa kawili-wili at
kasiya-siyang pagpapahayag ng diwa at nagpapakita ito ng tunay na pagka-Pilipino.

Alin sa mga positbong epekto ng modernong salita ay naipapakita na likas ang pagiging
malikhain ng mga Pilipino, nasasabi na umuunlad ang ating wika, nadaragdagan ang ating
kaalaman patungkol sa mga makabagong salita, nagiging basehan na ang lipunan ay nagbabago
at umuunlad, napapakita na ang mga Pilipino ay may makulay na persepsyon pagdating sa mga
wika, nangangahulugan na ang mga kabataan ay malayang nailalahad ang kanilang damdamin
buhat sa paglikha ng mga makabagong salita, naiiwasang sumali ng mga matatanda sa usapan
sapagkat nagkakaroon ng sariling code ang mga kabataan na sila lang ang nakakaintindi,
nakikilala ang ating bansa, nagiging aktibo ang isipan ng mga kabataan kung makabagong salita
na ang pinag-uusapan, at nagpapakita na mas mabilis na matutunan o maintindihan ng mga
kabataan ang makabagong salita kaysa sa malalim na salita sa wikang Pilipino.

Narito naman ang ilan sa mga negatibong epekto ng modernong salita: Nalilimutan na
ang tunay na kahalagahan ng ating wika dahil sa makabagong salita na nauuso, nalilimutan na
ang wastong pagbaybay ng mga salita, nagkakaroon ng maling paggamit sa Wikang Filipino,
nag-uugat sa pagkakaroon ng ‘di sapat na kamalayan sa mga bokabularyong Wikang Filipino,
nag-uugat ng ‘di pagkakaunawaan ng bawat mamamayan sa Pilipinas, nagiging dahilan ng
pagkawasak ng pagkakaisa’t identidad ng bawat Pilipino, nalilimutan na ang tamang pananalita o
pagbigkas ng mga salita, nalilipasan na ng panahon at nababaon na sa limot ang mga sinaunang
salita, nagpapakita ng hindi pagbibigay ng pansin sa kagandahan ng kahulugan ng mga
malalalim na salita, at nagkakaroon ng kalituhan sa mga matatandang hindi mkasabay sa
modernong henerasyon.

BATAYANG KONSEPTUWAL O TEORETIKAL NA GABAY


Ang teoryang gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang Functional Theory ni Michael
Alexander Kirkwood Halliday na magsisilbing gabay sa kabuuan ng gagawing pag-aaral.

Ang Functional Theory ni M.A.K Halliday (1994) ay naglalayong sabihin na ang wika ay
nagbabago ayon sa pangangailangan ng tao. Ito ay tumutukoy sa leksikal na pagbabago ng wika.
Ito rin ay maaaring nasa anyong balbal, salitang teknolohikal, at mga bagong imbensiyon o
likhang salita. Sa teoryang ito makikita na ang mga makalumang salita ay hindi na masyadong
nagagamit at pinapalitan na ng mas makabagong salita. Dahil na nga sa modernisasyon, patuloy
na nagbabago at nadadagdagan ang Wikang Filipino.

Ang teoryang ito ang pinakaangkop sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik dahil sa
teoryang ito makikita ang epekto ng mga modernong salita.

Input Proseso

Ilagay ang SOP dito Ilagay ang SOP dito


maliban ang #3 maliban ang #3 Awput

Positibong Epekto ng Mabatid ang Positibong Ilagay ang SOP #3 dito


Modernong Salita sa mga Epekto ng Modernong
Magbibigay ng
piling mag-aaral ng Salita sa mga piling mag-
maimungkahing
Junior High School sa aaral ng Junior High
Estratehiya ng mga guro
Panpacific University School sa Panpacific
upang umunlad ang
North Philippines- Tayug University North
Wikang Filipino.
Campus Philippines- Tayug
Negatibong Epekto ng Campus
Modernong Salita sa mga Mabatid ang Negatibong
piling mag-aaral ng Epekto ng Modernong
Junior High School sa Salita sa mga piling mag-
Panpacific University aaral ng Junior High
North Philippines- Tayug School sa Panpacific
Campus University North
Philippines- Tayug
Campus
Paradigma ng Pag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na “Epekto ng Modernong Salita sa mga piling Mag-aaral ng Junior High
School sa Panpacific University North Philippines-Tayug Campus” ay naglalayong masagot ang
mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ano ang mga positibong Epekto ng Modernong Salita sa mga piling mag-aaral ng
Junior High School sa Panpacific University North Philippines-Tayug Campus?
2. Ano ano ang mga negatibong Epekto ng Modernong Salita sa mga piling mag-aaral ng
Junior High School sa Panpacific University North Philippines-Tayug Campus?
3. Ano ano ang maimungkahing mga estratehiya ng mga guro upang umunlad ang Wikang
Filipino?

May mga tuntunin at limitasyon ang pag-aaral na ito na dapat isaalang-alang upang
mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik na ito. Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito
ay upang malaman ang negatibo at positbong epekto ng mga makabagong salita sa mga piling
mag-aaral ng Junior High School sa Panpacific University North Philippines-Tayug Campus.
Saklaw rin nito ang iba’t-ibang mga makabagong salita.

Sa kabilang punto naman, nililimitahan ang pananaliksik na ito mula kaligiran, epekto ng
modernong salita, hanggang sa maaring mungkahing estratehiya upang mapanatili ang paggamit
ng wikang Filipino. Ang sampol na bilang ng mga respondante o mag-aaral ay dalawampu (20).
Ang pagkalap ng mga impormasyon ay isasagawa sa PUNP at kukuha rin ang mga mananaliksik
sa internet.

Ang pananaliksik na ito ay makabuluhan sa pangkat ng mga tao na maaaring may kaugnayan sa
pangunahing pokus ng pag-aaral:

Estudyante mahalaga ang pag-aaral na ito upang mamulat ang mga mag-aaral sa mga
negatibo at positibong epekto ng paggamit ng mga makabagong salita. Ang paggamit ng
modernong salita ay parte ng pagbabago ng panahon at dahilan lamang upang ang mga
estudyante ay makasabay sa bawat pagbabagong ngaganap mapa salita man o pangyayaring
pisikal.

Magulang mahalaga ang pag-aaral na ito upang magabayan ng mga magulang ang
kanilang mga anak kaugnay sa paggamit ng modernong mga salita at upang mapayuhan nila ang
kanilang mga anak ng kahalagahan ng Wikang Filipino. Sa karagdagan, upang mas maunawaan
at maintindihan ng isang magulang ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kaalaman sa mga makabagong salita kung siya ay makakasunod sa pagbabago ng panahon.

Mamamayan ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang makapagsabayan ang mga


naunang henerasyon sa mga makabagong henerasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kamalayan at paggamit ng mga makabagong salita. Mahalaga rin ito upang bigyan ng limitasyon
ang mga mamamayan sa paggamit ng naturang mga salita.

Bagong mananaliksik ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magsisilbi itong gabay sa


paggawa ng kanilang sariling pananaliksik. Maari silang kumuha ng mga ideya at impormasyon
kaugnay ng kanilang pag-aaral.

MAHALAGANG TERMINOLOHIYA

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita
ay binibigyang-katuturan:
Anlowage- tao na gumagawa ng mga estruktura o kasangkapan na ginamitan ng kawayan o
table.
Alimpuyok- amoy o singaw ng kanin na nasusunog
Balbal- di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng
lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o kalye.
Facebook- isang social networking site na ginagamit ng halos karamihan ng tao rito sa mundo.
Pag-aari ng Facebook Incorporated na isang pampublikong kompanya.
Jejemon- isang uri ng salitang balbal na kung saan pinapaiksi at iniiba ang bawat baybay ng mga
salita.
Konyo- isang uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang salitang Filipino at Ingles
upang maging sosyal itong pakinggan.
Kolokyal- mga pangkaraniwang salita na ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na
mga salita.
Lalawiganin- mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
Pambansa- mga salitang ginagamit sa mga aklat, wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang
panturo sa mga nagsisipag-aral.
Pampanitikan- mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at mga salitang ginagamit ng
mga manunulat at dalubwika.
Papagayo- saranggola na hugis ibon.
Salakat- pag-krus ng mga binti.
Social media- isang lipunang dihital na ginagamit ng karamihang tao saan mang panig ng
mundo. Nabibigyan ang sinoman ng pagkakataong makilahok rito o di kaya’y makibahagi sa
anumang paksa o usaping pinag-uusapan.
Youtube- isang website na nagbabahagi ng mga bidyu at nagbibigay daan para sa mga tagagamit
o user nito.

You might also like