You are on page 1of 3

Mga Samahan ng Mandudula sa Pilipinas

Ang Philippine Educstional Theater Association (PETA) ay pinangungunahan nina Cecile


Guidote Alvarez at Lino Brocka. Simula noon nagtataguyod ng mga seminar-palihan sa iba’t
ibang panig ng Pilipinas na nagbigay daan sa iba’t ibang pangkat pandulaan na nakabase sa mga
paaralan, gayundin ang mga dulaang pampamayanan. Marami sa mga napatanyag na dula ng
PETA ay mga salin sa Filipino ng mga dula ni Bertolt Brecht at mga salin sa Filipino ng mga
dulang klasikal na banyaga.
 Ilan sa mga orihinal na dula sa wikang Filipino at mga dulang Ingles na isinulat ng mga
Pilipino at isinalin sa wikang Filipino na itinatanghal ng PETA ay ang mga sumusunod:
Canao (1967) ni Alberto Jr. Florentin, Hoy Boyet (1968) ni Tony Perez, Tubig (1968) ni
Estrella Alfon, lAgablab sa Karimlan (1968) dula sa wikang Ingles ni Alberto Florentino
na isinalin sa Filipino ni Marcelino Cavestany. Larawan, salin sa Pilipino ni Alfred
Yusin mula sa dulang Ingles na A PORTRAIT OF AN ARTIST AS A FLIPINO ni Nick
Joaquin.

 Ito’y paulit ulit na tinatanghal hanggang pumasok ang taong 1969. Sa mahigit na labing-
apat na taong pamamalagai ng PETA sa sining ng teatro sa Pilipinas, ito ay isa sa mga
tinitingalang haligi ng dulaan sa bansa

Ang TEATRO PILIPINO ay isang pamalagiang kompanya ng drama sa Sentrong Pangkultura


ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1987.
 Itinatag ito ng Pilipinong mandudula, mansasalinwika, direktor, at edukator na si Rolando
S. Tinio, na naglingkod dinbilang Direktor na Pangsining nito. Ang kompanya ay
nakatuon sa paglikha ng mga klasikong akda ng mundo na isinalinwika, pati na ang
natatanging mga dulang Pilipino, dahil mayroon itong layunin na itaguyod ang
kaunlarang pangkultura ng kabataan at ng wikang Filipino sa pamamagitan ng teatro.
 Pinatanyag ng Teatro Pilipino sa mga manonood na mga Pilipino ang maraming bilang
ng mga klasikong piyesa ng panitikan ng pandaigdigang tanghalan sa pamamagitan ng
pagsasalinwika ng mga panitikang ito papunta sa wikang Filipino. Naniwala si Rolando
S. Tinio na sa pamamagitan ng pagsasalinwika ng mga panitikang ito para sa mga
manonood na Pilipino ay naisasalinwika rin niya ang mga pilosopiya at mga ideolohiyang
nasa likuran ng mga dulang ito. Bilang ganito, ang produksiyon ng ganiyang mga dula ay
gumanap bilang mga sasakyan upang maturuan o mabigyan ng edukasyon ang mga
manonood na Pilipino.

Ang SENTRONG PANGKULTURA NG PILIPINAS (CCP) (Ingles: Cultural Center of the


Philippines) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas.
 Ito ay naglalangkap ng mga pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga
paglilingkod na tumutugon sa mga Pilipino at sa daigdig.
 Ang mga pinakamahusay na artista mula sa mga iba't ibang panig ng bansa at ng daigdig
ay binibigyan ng karangalan habang nagtatanghal sa mga tanghalan at galerya ng CCP,
kung saan nabibighani ang mga Pilipino sa katagalan ng panahon mula itinatag ito.
Matatagpuan ito sa lungsod ng Maynila at ayon naman sa ibang mga websayt, ito ay nasa
lungsod ng Pasay.

 Ipinagmamalaki ng CCP ang mga makasining tagumpay ng mga Pilipino sa pamamagitan


ng pagpapalabas, naghihimok ng paglikha ng mga gawang basal na nagpupukaw ng sigla
ng mga tikha at kaugaliang Pilipino at tumutulong na maging lapitan ang sining sa mga
sektor ng pamayanang Pilipino.

 Ito ay naglulunsad at sumusuporta rin ng pagtatatag ng mga sentrong pangkulturang


panrehiyon at lokal sa pakikipagtulungan ng mga pampook na pangkat (local groups) at
sama-samang nagdadala ng kanilang sariling artistang naninirahan at mga ibang artista
mula sa iba't ibang rehiyon sa pamamagitan ng Programang Pang-aabot ng CCP.

 Sumasaklaw rin ng CCP ang mga sining pampelikula at pambrodkast, ganundin sa mga
sining pampanitikan at biswal, naghihimok sa pagsisikat ng mga nagsisikap na artista sa
mga larangan sa pamamagitan ng mga palihan, seminar, antolohiya, eksibisyon,
simposyum, ganundin sa pagkakaroon ng mga paligsahan at mga gawad.

 Ang pasinaya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1969 ay simula ng


pagkakaroon ng tahanan para sa sining. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 30 na ang layunin ay itaguyod at pangalagaan ang mga sining at
kulturang Pilipino. Ang unang pangulo ng CCP ay si Jaime Zobel de Ayala na inatasan
upang magbuo ng organisasyon ng pamamahala. Ito'y pormal na napasinaya sa
pagbubukas noong 8 Setyembre 1969 nina Pangulong Ferdinand E. Marcos at Unang
Ginang Imelda R. Marcos sa pamamagitan ng pagbubukas ng pangmusikang palabas na
Gintong Salakot: Isang Dularawan, isang epiko na naglalarawan ng Pulo ng Panay at
pagsisimula ng tatlong-buwang pampasinayang pagdiriwang. Dinaluhan ang pormal na
pasinaya ng CCP ng mga mahahalagang panauhin, kabilang dito ay ang gobernador ng
California na si Ronald Reagan at ang kanyang maybahay, na kumakatawan para kay
Richard Nixon, pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado.

 Mula sa pagkatatag nito, ang CCP ay nagsusumikap na maabot upang malangkap ang
logo ng katotohanan, kagandahan at kabutihan. Dinisenyo ang logong ito na hinango sa
sinaunang pagsusulat na Alibata ni Carlos "Botong" Francisco, Pambansang Alagad ng
Sining para sa Sining Biswal.

Ang BROADWAY THEATER karaniwang kilala bilang Broadway. Ito ay tumutukoy sa mga
theatrical performance na ipinakita sa 41 mga propesyonal na mga sinehan ang bawat isa ay may
500 o higit pang mga upuan na matatagpuan sa Theater District at Lincoln Center sa kahabaan ng
Broadway, sa Midtown Manhattan, New York City. Kasama ng London ' s West End teatro,
Broadway theater ay malawak na itinuturing na kumakatawan sa pinakamataas na antas ng mga
komersyal na mga teatro sa mundo na nagsasalita ng ingles.
 Ang Teatro Distrito ay isang popular na-akit turista sa New York City. Ayon sa Mga
Broadway League, para sa 2017-2018 season (kung saan ang natapos na Mayo 27, 2018),
kabuuang pagdalo ay 13,792,614 at mga palabas sa Broadway ay US$1,697,458,795 sa
grosses, sa pagdalo ng hanggang 3.9%, grosses up 17.1%, at sa paglalaro ng linggo
hanggang 2.8%.

 Ang mahusay na karamihan ng mga palabas sa Broadway ay musicals. Mananalaysay


Martin Shefter argues, "'Broadway musicals,' culminating sa ang produksyong ng
Richard Rodgers at Oscar Hammerstein, naging sobrang sobra-maimpluwensyang mga
paraan ng mga Amerikano popular na kultura" at nakatulong gumawa ng New York City
ang kultural na kabisera ng bansa.

You might also like