You are on page 1of 33

Mga Dula sa Iba’t ibang

Panahon
Panahon ng Kastila;

 May tatlong uri ng dula;


 Pantahanan-isinasagawa sa tahanan.
Hal.pamamanhikan
 Panlansangan-isinasagawa sa lansangan
Hal.panunuluyan
 pantanghalan-isinasagawa sa loob ng tanghalan
Hal.opera
Paksa ng mga dulang pinapalabas

 Pangkagandahang asal
 Pangwika
 Panrelihiyon
Karagatan

 Itoay tinuturing na matandang anyo ng panitikan.


Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay
nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng tauhan.
 Ito ay isang larong paligsahan sa tula.
 Ang kwento ay batay sa isang alamat ng singsing ng
isang dalaga na nahulog sa gitna ng karagatan
 Karaniwang nilalaro sa lamay ng mga binata at dalaga.
Duplo;

 Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring
mauring tulang patnigan.
 Duplero at duplera ang tawag sa mga gaganap sa isang duplo.
 Bilyako at bilyaka naman ang tawag na kapag sila ay nagtatanghal na.
 Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari at kayanaman
nagsumbong ang isang bilyako sapagkat hinamak ito ng isang bilyaka.
Juego de prenda

 Nilalarorin ito kapag pasiyam o tinatawag na


bilasayon. Maraming paraan ang paglalaro nito.
Ang mga kasali ay magkakabit-kabit ng pabilog
kaharap ang hari ng laro.
moriones

 Ginagap o ginagawa ito tuwing mahal na araw sa Mindoro.


Ang moriones ay nagsusuot ng mga maskarang kulay rosas.
Maitim na mga mata sobra ang tangos ng ilong, bibig na
animo’y pampain sa isda-ito ay gawa mula sa kahoy ng
dapdap.
pangangaluwa

 Ang gabi ng bisperas ng undas o bisperas ng araw ng mga


patay.
 At tulad ng mga nangangaroling, bibigyan din ng mga
barya ang mga bata at maliit na salapi ang matatanda.
Walang humpay itong pangangaluluwa sa dalalawang gabi,
sunod-sunod. Tila nagkakabalitaan pa nga, tulad sa
caroling, kung sino ang madamot at mapagbigay.
panunuluyan
 Ang panunuluyan ay isang kaugaliang kristiyanismo ng mga Filipino na
magtatanghal ng masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng
Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem upang maghanap ng
matutuluyan na magpagsisilangan kay hesukristo. Ito ay hango sa
salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag-anyaya o pagpapatuloy
ng panauhin sa loob ng tahanan.
Tibag

 Ang tibag ay ang pagsasadula ng krus sa pinagpakuan ksy


kristo nina Reyna Elena at Prinsepe Constantino. Ang
duplong ito’y ginaganap kung buwan ng mayo, sa mga
lalawigan ng Bulakan, Nueva Eciya, Bataan, Rizal at
nanggaling sa patibag ng mga bundok sa paghahanap ng
krus ni Reyna Elena at Prinsepe Constantino.
santakrusan

 Halos nakalimutan na ang tibag at napalitan ng


santakrusan. Ang paghahatid ng krus sa simbahan. Ito’y
isang marangyang parada ng mga sagala at mga konsorte
na lumilibot sa mga kalye. Ang mga sagala ay
nagrerepresenta ng iba’t ibang tauhan sa bibliya.
Flores de mayo

 Ang dalit ay ginagawa bilang parangal sa mga santo at


santa. Isa sa mga dalit na nagging kaugalian na sa mga
lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, Quezon, Nueva Ecija,
Mindoro at Marinduque ay inihahandog kay birheng Maria.
Ito ay alay na ginaganap tuwin buwan ng mayo.
Moro-moro

 Ang moro-moro ay isang dulang maka-rehiyon na


kinagigiliwan ng mga Pilipino noong panahon ng mga
kastila. Ang mga pangunahing tauhan ng dula ay mga
kristiyano at mga muslim.
senakulo
 Ang senakulo ay palasak sa Luzon at kabisayaan tuwing
kuwaresma o mahal na araw. Dinaraos ito sa mga bakanteng
lote at hiligang aliwan ng mga Pilipino kapag gabi na. Kung
minsan, gumagawa sila ng tanghal na gawa sa kahoy o
kawayan. Amg mga tao’y nagdadala ng sarili nilang upuan.
karilyo

 Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-


pirasong karting hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw.
sarsuwela

 Isang komedya o melodramang may kasamang awit at


tugtog. May tatlong yugto at nauukol sa mga masisidhing
damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
salubong

Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling


pagkabuhay ni panginoong hesukristo
at ni maria.
panubong

 Mahabang tulang paawit bilang handog at


pagpaparangal sa isang dalagang may
kaarawan. Ito’y laganap sa Marinduque.
Mula ito sa salitang tagalog na “pamutong”
na ang ibig sabihin ay lalagyan ng putong o
korona ng mga bulaklak ang dalagang may
kaarawan.
opera

 Ang opera ay isang anyo ng sining na binubuo ng mga


madramang pagganap sa entablado na nakalapat sa
musika.
 Tinatanghal ang drama na ginagamit ang karaniwang
elemento ng teatro katulad ng mga tanawin, mga
kasuutan, at pag-arte. Bagaman, inaawit ang mga salita sa
opera, o libreto, sa halip na sinasalita. Sinasamahan ang
mga mangaawit ng samahan ng mga musikero (musical
ensemble) mula sa maliit na mga instrumentong samahan
hanggang sa kumpletong orkestra.
Pamanhikan

 sa bahaging ito naghahandog ng awit ang isang


binata sa kanyang napupusuan upang ipakita ang
katapatan ng kanyang hangarin.
 1.ito ay isang palasak sa Luzon at kabihasnan tuwing kuwaresma o mahal na
araw.
 2.ito ang pagtatanghal ng muling pagtatagpo ni maria sa muling pagkauhay ni
hesukristo.
 3.Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong may hugis sa isang
putting kumot.
 4. Ito ay tinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag itong tulang
padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng
tauhan.
 5.sa bahaging ito naghahandog ng awit ang isang binata sa kanyang napupusuan
upang ipakita ang katapatan ng kanyang hangarin.
 6. Ang _______ay isang dulang maka-rehiyon na kinagigiliwan ng mga Pilipino
noong panahon ng mga kastila. Ang mga pangunahing tauhan ng dula ay mga
kristiyano at mga muslim.
 7-9.tatlong uri ng dula.
 10-12. tatlong paksa ng dulang pinapalabas.
13. ang mga kasali ay magkakabit-kabit ng pabilog kaharap ang hari.
 14. ang dalit ay ginawa upang parangalan o bilang parangal sa mga santo at
santa.
 15. ang mga naglalaro nito ay nagpapagalingan sa pagbigkas ng berso at
nagpapatayugan ng nalalaman.
 16-17. ito ang tawag sa mga gumaganap sa dulang duplo kapag ito’y
nagtatanghal na.
 18-19. tawag sa mga gaganap sa dulang duplo kapag ito’y hinde pa
nagsisimula.
 20-25

You might also like