You are on page 1of 2

1.

Bikal at Balak
Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit
ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga
manonood. Sa mga berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o
kapangitan ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga
manonood ay may kanya-kanyang kakampi.

            Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit


na umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa
pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani-kanilang niloloob at
damdamin.

2. Bayok o Embayoka
Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang
babae na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas. Ang mga kasali rito ay
dapat na mahusay sa berso sapagkat ang kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng salita
ay maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging
dahilan ng pag-aaway ng mga pami-pamilya.

3. Kasayatan
Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na tinatawag na kasayatan.
Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang
mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng
talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng
pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan.
Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng
bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.

Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sa


pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-
usap sa mga binata habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng
isang binata ang isang panyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at
ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumentong
kudyapi, kulintang, agong at kubing. Ang kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng
kanilang mga ninuno.

4. Dallot
Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig
at ito’y sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng,
gitara ng mga Ilokano. Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.

            Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang uri ng alak. Kapag
ang babae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at itatakda ng mga magulang ang
kasal.

            Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay
ginagawa sa saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan.
            Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

5. Dung-Aw

Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na binibigkas sa


piling ng bangkay ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ng
naulila at paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

            Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina Natividad,
Simbulan at Academia.

            Ako’y kaawaan o aking kapatid


ako’y kaawaan o aking asawa
ikaw namatay o aking kapatid
ikaw namatay o aking asawa
ano ang natira’t sa akin naiwan
sa abang buhay kong walang kapalaran?
Ang lahat sa akin ay nakalilimot
pagkat parang sanggol sa iyo umiirog
ang mga mata ko pugto sa luha
ang abang puso ko babad sa luha.

6. Hugas-Kalawang
Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng
palay, ang mga magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng
premyo ang may-ari ng lupa para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay
naghuhugas ng kamay at susundan ito ng kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan,
nagsasayawan, nagkukuwentuhan at nagtutuk-suhan.

Ang hugas-kalawang ay nagtataglay rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay
mga magsasaka at may-ari ng lupa.

7. Dalling-Dalling
Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu.
Nangangahulugang “Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga
manonood na umawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw.

Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga


niloloob. Kadalasan, ang mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na panunudyo

You might also like