You are on page 1of 4

ANG SAMPUNG DATU

Sa malayong pulo ng Borneo, ang naghaharing pinuno ay si


Sultan Makatunaw. Sa ilalim ng pamumuno ni Sultan Makatunaw ay mga
datu ang katulong niya sa pamumuno sa iba-ibang pook at pulo ng
Borneo.
Si Sultan Makatunaw ay naging malupit at masamang sultan.
Kakaiba naman ang ugali niya at asal sa mga datu. Ang mga datu ay
pawing mararangal at butihing mga tao. Hindi nila naibigan ang mga
gawaing masama ni Sultan Makatunaw.
Isang araw, kinausap ni Datu Puti ang iba pang mga datu
tungkol sa lumalaki nilang problema sapagkat lalong nagiging masama,
sakim at palagawa ng kahalayan ang malupit na sultan. Nag-usap-usap
ang mga datu.
“Papayagan ba natin si Sultan Makatunaw sa kanyang masasamang
Gawain? Labis na siyang makamkam sa kayamanan. Wala siyang galang sa
puri ng kababaihan. Ano ang gating gagawin?” tanong ni Datu Puti sa
mga kapulong na iba pang datu.
“Labanan natin siya. H’wag nating payagan ang kanyang mga
kasamaan!” anang isa pang datu.
“Ngunit kung maglalaban-laban ang mga kawal natin at mga kawal
niya, maraming mga tao ang mamamatay. Hindi dapat mangyari ang
gayon,” ang sabi ni Datu Puti.
“Alam ninyo, sa paglalakbay ko sa karagatan ay may narrating
akong isang pulo. Isang magandalng pulo, mayaman ang lupain at
mababait na mga Ati ang naninirahan. Mga Ati ang katutubong tao
roon. Umalis na lamang tayo rito sa ilalim ng pamumuno ni Sultan
Makatunaw. Tayo ay makipanirahan sa pulong iyon. Mababait ang mga
tao roon at alam kong tayo’y kanilang tatanggapin,’’ ang sabi ni
Datu Sumakwel.
Pumayag ang ibang datu sa mungkahi ni Datu Sumakwel. Sampung
datu silang nagkaisang iwan na ang pulo ng Borneo. Matagal-tagal din
naman ang ginawa nilang paghahanda. Gumawa sila ng malalking Bangka
na tinawag nilang balangay. Lihim silang umalis ng pulo ng Borneo.
Kasama ng mga datu ang lahat ng kanilang mga familya at mga kamag-
anak. Dala rin nila pati mga kagamitan, mga pananim, at mga hayop na
gamit nila sa paggawa sa bukid. Tumagal nang mahabang panahon ang
paglalakbay ng sampung malalaking bangkang barangay. Ang kanilang
pinuno ay si Datu Puti.
Dumating sila sa magandang pulo na binanggit ni Datu Sumakwel.
Ito ang pulo ng Aninipay o ang Pulo ng Panay. Ang mga nakatira sa
pulong ito ay mga Ati. Ang kanilang pinuno ay si Datu Marikudo.
Mababait sila at mapagbigay.
Dumaong sa Aninipay ang sampung malalaking barangay.
Nagbibigay-galang kay Datu Marikudo si Datu Puti at ang kasamang mga
datu. Naiwan muna sa Bangka ang kanilang mga kaanak.
“Kami’y mga kaibigan mula sa Pulo ng Borneo. Kung papaya kayo,
mahal na Datu Marikudo, nais naming manirahan dito sa inyong pulo,”
sabi ni Datu Puti.
“Sapagkat sinabi ninyong kayo’y mga kaibigan, at nakiusap
kayo na makapanirahan sa aming pulo, kayo’y malugod naming
tinatanggap,’’ ang pahayag ni Datu Marikudo pagkatapos na sumangguni
siya sa iba pang pinuno at mga mamamayan sa Pulo ng Aninipay.
“Maraming salamat, Datu Marikudo. Napakabait ninyo sa amin
kaya mananatili tayong magkaibigan. Tanggapin ninyo an gaming handog
sa inyo,’’ sabi ni Datu Puti, at inabot ng mga datu ang isang
salakot at isang batya na yari sa lantay na ginto. Tinanggap ni Datu
Marikudo ang mga handog.
Nagkaroon ng kasiyahan. Nagkaroon ng malaking piging. Nagdala
ang sampung datu ng mga pagkain galing sa Borneo. Nagsaya ang lahat—
ang mga dumating na mga Bisaya mula sa Borneo at mga Ati na
katutubong tao ng Pulo ng Aninipay.
Nanirahan sa may baybay-dagat ang mga bagong dating ngunit ang
mga Ati naman ay lumipat ng tirahan sa dakong loob ng pulo. Dito na
sa Pulo ng Aninipay nanirahan ang pitong datu, ang kanilang mga
kaanak at kasama. Samantala, ang tatlong datu na pawing binata pa ay
nagpatuloy sa kanilang paglalayag. Narating nila ang Look ng
Batangas. Dito naman sila nakipanirahan at dito na rin nagkaroon ng
familya sa Pulo ng Luzon. Itong Pilipinas na ang inari nilang bayan.
Namuhay silang mapayapa at matiwasay kasama ang mga katutubo. Sila
ang mga Pilipino.
Patak- Tubig
Ako si Patak-Tubig
Isa ako sa marami, milyun-milyun ang aming bilang
Dati kaming nasa lupa o sa dahon ng halaman
Nadadala ni Hangin kapat mainit ang araw
Kapag bumigat kami, dahil sa kalamigan,
Natutunaw kami’t bumabagsak bilang patak-ulan.
Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at
mararangal na datu.  Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo
sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-
Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito


ang mga pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si


Sultan Makatunao.  Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan.  Kanya ring
pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng
mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin
ng masamang sultan.  Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao.
Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao.  Nag-usap-
usap silang palihim.  Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino.  Alam niya ang kasaysayan ng


maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag.  Dinalaw ni Datu
Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.  Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na
nais nilang gawin.  Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti.  Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao.
Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.  Ipinasiya
nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo.
Hindi nila magagapi si Makatunao.  Maraming dugo ang dadanak at marami ang
mamamatay.  Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon.  Iiwan nila ang kalupitan
ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila
nang malaya at maunlad.  Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu.  Sila'y tatakas sa Borneo.  Palihim silang
naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay.
Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay.
Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng
halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain.  Madalas ang pag-uusap ni
Sumakwel at ni Datu Puti.  Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa
gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.  Silang dalawa ni Datu Puti ang
itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang
sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong.  Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang
binata.  Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay
Katorong na kapatid ni Sumakwel.  Ang mag-asawang si Datu Paiborong at
Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu
Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan.
Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

You might also like