You are on page 1of 1

Alamat ng Katana

Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na pang protekta
sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon ay espadang patpat. Si Kiru
ang tinaguriang pinakamagaling na mandirigma at guro sa sining ng patpat.
Nakapangasawa si Kiru ng isang magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag
bunga ang kanilang pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama
ay nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang magmamana ng
kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma at guro sa nayon nila. Ngunit
dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng
palihim.
Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang kabilugan ng
buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at natutulog nilang mga
magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa kalagitnaan ng gabi ay may
dumakong barko sa baryo malapit sa Midea na may dalng mga metal at sakay na mga
pirata. Sinunog nila ang mga kabahayan at nakita ng kambal ang ilaw mula sa apoy, ng
makabalik sila ay nadatnan ng kambal ang nasusunog nilang bahay. Sa kanilang galit
ay sinugod nila ang barko at nakitang walang tao rito kaya naisipan nilang ito na ang
kanilang pagkakataon na gumanti habang wala pa ang mga pirata. Ninakaw at tinago
nila ang mga metal na nasa barko at sinunog nila ang barko bilang ganti sa kanilang
bahay at mga magulang. Bago paman sila maka takas ay naabutan sila ng mga pirata
at hinabol sila patungo sa lugar kung saan nakatago ang mga metal. Naiwan nila ang
mga patpat sa nasusunog na barko kung kaya’t naisipan nilang gamitin ang mga
mahahabang metal na ninakaw nila mula sa mga pirata at ginamit na pandepensa sa
kanilang mga sarili. Natalo nila ang mga pirata ngunit may ilang mga nakatakas.

Nailigtas nila ang Midea at ang bayan at hinirang silang mga bayani. Ipinangalan sa
kanila ang mahahabang metal na ginamit bilang armas, at ipinampalit ito sa kanilang
mga patpat. Kalaunan, ang Katana ay pinatulis upang mas medaling makasakit ng mga
kalaban at binalot din ang dulo nito upang gawing hawakan.

You might also like