You are on page 1of 16

Ika-2 Markahan

Filipino 10
1. Ano ang kahulugan ng rurok na
mithiin sa taludtod na “Narating ko’ng
rurok na mithiin”?
a.pagiging pinakamataas na pinuno
b.pagkamit ng kapangyarihan
c. pagkamit ng isang pangarap
d. pagkamit ng ginto at kayamanan
2. Siya ang pangunahing tauhang naging
tagapagligtas ng kanyang pamilya subalit
nagdala rin ng maraming kapahamakan
sa iba dahil sa kanyang pagiging mainitin
ang ulo at labis na pagseselos.
a. Pele b. Hi’iaka
c. Namaka d. Haumea
3. Ang magulang ng magkakapatid ay mga
diyos at diyosa rin. Diyos at diyosa sila ng
ano-anong bagay?
a. karagatan at kalangitan
b. buwan at araw
c. kalupaan at kalangitan
d. mga bituin at kailaliman ng lupa
4. Ang mitolohiya ay mga sinaunang
kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o
pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng __________
mortal.
a. di-pangkaraniwan
b. pangkaraniwan
c. tao
5. Ang tema o paksa nito’y mabigat o
nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos
ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa
kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan
at maging sa kamatayan.
a. Tragikomedya
b. Komedya
c. Melodrama
d. Trahedya
6. Bakit hindi maaaring magmahalan sina
Romeo at Juliet?
a. pakakasal na si Juliet kay Paris
b. magkaaway ang kanilang mga angkan
c. labag sa kultura ng mga Capulet na
mapakasal sa isang Montague.
d. wala sa nabanggit
7. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at
Juliet ay nagpapahiwatig ng _______.
a. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
b. pagtataksil ni Juliet kay Paris
c. pagsaway sa utos ng kanilang angkan
d. lahat ng nabanggit
8. “Pangalan mo lamang ang masasabi
na kaaway ko, ikaw ay ikaw rin kung
hindi ka man Montague.” Ano ang
namamayaning damdamin kay Juliet sa
pahayag na ito?
a. pagkapoot c. pagtataksil
b. pang-aaway d. pag-ibig
9. Mula sa binasang tulang “Ang
Aking Aba at Hamak na Tahanan”,
anong uri ito ng tula?
a. pandamdamin
b. pasalaysay
c. patnigan
d. pantanghalan
10. Ito ay may sukat na
a. 8
b. 12
c. 16
d. 18
11. Ang mga simbolismong ginamit
sa tula ay ang mga
a. puntod, katre, araw
b. katre, ligaya
c. pakpak ng tuwa, ligaya
d. imortal na sinag
12. Nang mapawi ang matinding unos ng
dalamhati ay agad siyang nagkulong sa
kaniyang silid.
a. binagyo amg kaniyang isipan
b. nagluwag nang bahagya ang kaniyang
damdamin
c. naging masaya na siya
d. nabuksan ang mga kinikimkim niyang
galit
13. Bakit kaya mas madalas na nabibiktima
ng diskriminasyon at pang-aabuso ang
kababaihan?
a. dahil sa kanilang kasarian tulad ng isang
kaugalian mula sa iba’t ibang bansa na
tinututulan ng mundo
b. dahil sa di pantay na pagtrato ng lipunan
c. dahil sa mas mababa ang pagtingin ng
lipunan sa kanila
d. lahat ng nabanggit
14. Ang ulam na masarap ay
niluto ni nanay para sa amin. Ito
ay nasa pokus na _______.
a. tagaganap
b. layon
c. pinaglalaanan
d. sanhi
15. Si Eric ay nagtalumpati nang
buong husay sa harap ng madla. Ang
pokus ng pandiwa ay
______.
a. tagaganap
b. pinaglalaanan
c. sanhi
d. layon

You might also like