You are on page 1of 4

San Gabriel Vocational High School

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

Pangalan:___________________________________ Y/S:___________ Iskor:_____________


Subject Teacher: JINKY O. GABINO
I. Maramihang Pagpipilian: Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
___1. Ano ang kahulugan ng salitang “Noli Me Tangere” sa obra maestro ni Dr. Jose Rizal?
A. Huwag Mo Akong Salingin B. Huwag Mo Akong Takutin C. Huwag Kang Matakot D. Huwag Kang Lumingon
___2. Ano ang pamagat ng aklat na pinagmulan ng ideya ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
A. The Wandering Jew B. El Filibusterismo C. Sa Aking Kabata D. Sa Kapwa Pilipino
___3. Sino ang nagsalaysay kay Ibarra sa mapait na sinapit ng kanyang ama?
A. Tinyente Guevarra B. Kapitan Heneral C. Alperes D. Guwardiya Sibil
___4. Sino ang mahigpit na kaagaw ni Padre Salvi sa kapangyarihan?
A. Don Saturnino B. Padre Sibyla C. Alperes D. Elias
___5. Saang bansa nag-aral si Crisostomo nang pitong taon?
A. Aleman B. Amerika C. Europa D. Madrid
___6. Saan tumuloy si Ibarra pagkagaling sa bahay nila Kapitan Tiago?
A. Fonda de Lala B. Intramuros C. Puerta de Isabell II D. Puerta Lala
___7. Kanino ipinagkasundo ni Kapitan Tiago si Maria Clara para magpakasal?
A. Damaso B. Crisostomo C. Lenares D. Sibyla
___8. Ano ang inalala nina Crisostomo at Maria Clara sa asotea?
A. Pag-aaway B. Pag-iibigan C. Pagkakaibigan D. Paglimot
___9. Sino ang naging piloto nina Maria Clara nang sila ay pumunta sa lawa?
A. Elias B. Albino C. Andeng D. Sinang
___10. Ano ang nagawa ni Elias kay Crisostomo Ibarra?
A. Iniligtas sa kamatayan C. Iniligtas sa mga makapangyarihan
B. Iniligtas sa mga kamay ng Alkalde D. Iniligtas sa mga taong mapang-api
___11. Saan naninirahan si Maria Clara?
A. Bahay ni Tiago B. Beateryo C. Fonda de Lala D. Simbahan
___12. Sino ang tunay na ama ni Maria Clara?
A. Don Rafael Ibarra B. Kapitan Tiago C. Padre Damaso D. Padre Salvi
___13. Sino ang inang nabaliw dahil sa mga problema sa buhay?
A. Donya Victorina B. Pia alba C. Sisa D. Tiya Isabel
___14. Ano ang ibinintang kay Crispin na ninakaw niya?
A. 2 onsa B. 3 onsa C. 4 onsa D. 5 onsa
___15. Sino ang asawa ni Sisa na lasenggo at sugarol?
A. Alperes B. Don Tiburcio C. Pedro D. Tinong
___16. Batay sa inyong pagkakaunawa, bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Dahil sa kamangmangan ng mga Indio C. Dahil sa pagnanais niyang yumaman ang Pilipinas
B. Dahil sa kalupitan ng mga kastila sa mga Indio. D. Dahil sa maling pananaw ng mga tao sa mga kastila.
___17. Bakit ibinilanggo si Don Rafael Ibarra?
A. Dahil sa pagtatanggol sa isang batang sinaktan ng isang tao. C. Dahil sa pagmamahal sa bayan ng San Diego .

C. Dahil hindi siya sang-ayon sa pamahalaan at simbahan D. Dahil sa labis na pagmamahal kay Ibarra
___18. Sa inyong pagkakaunawa, bakit may kaya sa buhay sina na Don Rafael at Crisostomo Ibarra?
A. Dahil sa kasipagan ng kanyang lolo. C. Dahil sa labis na pagmamahal sa bayan .
B. Dahil sa pagtutuligsa at pangungutong. D. Dahil sa pakikipaglaban sa mga espanyol.
___19. Pagkatapos magpakilala ni Juan Crisostomo Ibarra sa mga panauhin, nagpakilala naman ang mga kalalakihan nang may
kapita-pitagan. Ano ang kahulugan ng salitang kapita-pitagan?
A. Determinasyon B. Kagalang-galang C. Matipuno D. Nagdadalamhati
___20. Batay sa inyong sariling pagkakaunawa, anong kanser ng lipunan ang masasalamin sa Kabanata 1 ng Noli Me
Tangere?
A. Magarbong selebrasyon C. Magpagmataas ang mga tao
B. Kawalan ng katarungan D. Pagiging mainggitin ng mga tao
___21. Ano ang pagkakaunawa mo sa pahayag na” Kung ano ang puno ay siyang bunga” na halaw sa buhay ni Elias?
A. Kung ano ang inuutos ng magulang sa anak ay kanila itong ginagawa.
B. Ang isang amang mapagmahal ay minamahal nang lubos ang mga anak.
C. Kung ano ang ugaling mayroon ang magulang ay ganoon din ang kaniyang anak.
D. Walang tatalo sa kung ano ang ugali ng isa ama kundi ang kaniyang anak lamang.
___22. Batay sa iyong pagkakaintindi, bakit iniligatas ni Elias si Crisostomo sa tiyak na kamatayan?
A. Si Crisostomo lamang ang magiging kakampi at makakaintidi sa kaniya.
B. Si Crisosto lamang ang may sapat na kapangyarihan para siya ay maipagtanggol.
C. Si Crisostomo at Elias ay matalik na magkaibigan mula bata hanggang sa pagtanda.
D. Si Crisostomo ang gagamitin ni Elias bilang pain sa mga taong kaniyang paghihigantian.
___23. Batay sa iyong naunawaan sa Kabanata 7: Suyuan sa Asotea, anong pagpapahalaga ang ipinapahayag nito?
A. Ang wagas na pag-ibig kailanma’y hindi nakalilimot. C. Huwag limutan ang taong sinumpaang iibigin.
B. Ang taong nagmamahalaan ay kailangang mag-usap. D. Ipagsawalang bahala ang pag-ibig para sa ama.
___24.”Gumawa ng putong si Ibarra para kay Maria Clara at ipinatong niya sa ulo nito.” Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang
kahulugan ng salitang putong sa loob ng pangungusap?
A. Korona B. Kuwitas C. Panyo D. Suklay
___25. Batay sa inyong pagkakaunawa sa inyong binasa, ano ang sinisimbolo ni Sisa?
A. Larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa.
B. Larawan ng isang babaeng mapagmahala sa anak.
C. Larawan ng mga babaeng martir sa kanilang asawa.
D. Larawan ng tunay na kalagayan ng bansang Pilipinas
___26. Bakit ginamit ni Dr. Jose Rizal si Padre Damaso bilang tauhan sa Noli Me Tangere?
A. Dahil siya ay nagpapakita ng ugaling kagaya ng mga indio at kastila.
B. Dahil naglalarawan siya ng mga taong nagnanakaw ng kaban ng bayan.
C. Dahil kumakatawan si Padre Damso sa mga prayleng mapang-api sa mga Indio.
D. Dahil sumisimbolo si Padre Damaso sa mga Indio nagpapaalipin sa mga kastila.
___27. Kung ikaw si Ibarra at nalaman mo ang ginawa sa iyong ama, ano ang gagawin mo sa mga nagkasala?
A. Ipaglalaban ko ang aking ama gamit ang dahas nang matuto ang mga taong may sala.
B. Hahayaan ko na lamang ang Poong Maykapal na magbigay ng karampatang parusa.
C. Ipaglalaban ko ang karapatan ng aking ama para makulong ang mga nagkasala.
D. Hahayaan kong ang batas ang gumawa ng paraan para sa mga taong nagkasala.
___28. Paano mo pahahalagahan ang iyong mga magulang?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay-galang at pagmamahal sa araw-araw.
B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga pang-araw-araw na gawain.
C. Sa pamamagitan ng pagbibigay nga mga bagay na ikasisiya nila.
D. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa araw-araw na nabubuhay sila.
___29. Bilang isang mamamayan, ano ang gagawin mo para umunlad ang iyong bansa?
A. Gagawin ko ang aking tungkulin at responsibilidad para sa pag-unlad ng bansa.
B. Gagawin ko ang mga bagay na hindi makabubuti sa aking bansa.
C. Gagawin ko ang mga tungkuling nakaatang sa akin para sa bansa.
D. Gagawin ko ang mga bagay na tutol sa ikabubuti ng aking bansa.
___30. Paano ginunita nina Ibarra at Maria Clara ang kanilang pagmamahalan?
A. Sa pamamagitan ng pagsisi ni Maria Clara kay Ibarra sa matagal na panahonng wala siya
B. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ni Ibarra kay Kapitan Tiago na sila na lamang ang magdesisyon.
C. Sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa mga alaala ng lumipas at paano nabuo ang pagmamahalan
D. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ni Ibarra ng kaniyang pag-ibig at pagbabahagi ng sakit na nararamdan.
___31. Paano ipinakita nina Maria Clara ang kasiyahan sa kanilang piknik?
A. . Sa pamamagitan ng pagtula ni Albino C. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-awit ni Maria Clara
B. Sa papamagitan ng kanilang pagsayaw sa Bangka. D. Sa pamamagitan ng pagsayaw nina Ibarra at Maria Clara.
___32. Kung ikaw si Ibarra o Maria Clara hahayaan mo bang pakialaman ang inyong pagmamahalaan ng iyong mga magulang?
A. Oo, dahil sila ang bumubuhay sa akin at anak lang ako.
B. Oo, dahil sila ang mas nakakaalam ng aking ikabubuti at ikagaganda ng buhay.
C. Hindi, dahil may sarili akong puso at isip upang mamili kung sino ang aking mamahalin.
D. Hindi, dahil wala silang pakialam sa kung ano ang gusto ko at sino ang mamahalin ko.
___33. Ano ang gagawin mo kung ina mo sisa at alam mong sinasaktan ang iyong ama?
A. Hahayaan kong mag-away ang dalawa kahit pa magkasakitan sila.
B. Ipagtatanggol ko ang aking ama sa aking ina kahit pa nananakit siya.
C. Hahayaan ko lamang na gawin ng aking ama ang gusto niyang gawin sa aking ina.
D. Ipagtatanggol ko ang aking ina na nagsasakripisyo kahit pa masaktan ko ang aking ama.
___34. Kung ibabatay sa buhay ni Sisa, ano ang nararanasan ng kababaihan sa kasalukuyan bilang isang maybahay?
A. Ang mga babae ay palaban lalo na kapag sinasaktan sila.
B. Ang mga babae ay nagsasampa ng kaso para sa kanilang mga asawa.
C. Ang mga babae ay martir at nagpapaalipin sa mga lalaki kahit pa sinsakatan sila
D. Ang mga babae ay nagsasakripisyo para sa mga anak kahit pa sinsaktan ng asawa
___35. Kung ang isang ina ay mapagmahal at nagsasakripisyo, ano ang gagawin mo bilang isang anak?
A. Magsasakripisyo lamang sa tamang panahon.
B. Bibilhan ng mga mamahaling bagay na magpapasaya sa kanila.
C. Susuklian sa anumang paraan ang pagmamahal at sakripisyo nila.
D. Responsibilidad nila ang mahalin at magsakripisyo kaya dapat lang.
___36. Ano ang pagkakatulad ni Crisostomo Ibarra kay Dr. Jose Rizal?
A. Maraming alam na wika. C. Di sang-ayon sa pamahalaan at simbahan.
B. Maraming inibig na babae. D. Di sang-ayon sa edukasyon at karukhaan.
___37. Suriin ang pahayag na “Dito po’y kailangang mabilanggo upang maging marangal”. Ano ang nais ipahayag nito?
A. Kung sino pa ang gumagawa ng tama sila pa ang naaagrabiyado.
B. Kung sino ang nagmamahal ng kapwa at binabalewala.
C. Kung sino ang mga masasama sila ang nabibilanggo.
D. Kung sino ang nagmamalasakit sila ang ginagalang.
___38. Alin sa mga pagpipilian ang pagkakatulad ni Elias at Dr, Jose Rizal?
A. Nagmamahal sa inang bayan. C.Takot sa mga pamamalakad ng dayuhan.
B. Umiibig sa isang babae lamang. D. Ipinatanggol ang mga mahal na kapamilya.
___39. Alin sa mga pangungusap ang hindi makatotohanan tungkol kay Maria Clara?
A. Siya ang ideyal na babae ni Rizal. C. Siya ay isa sa mga larawan ng inang bayan.
B. Siya ay tunay na anak ni Padre Damaso. D. Siya ay pinaghihigpitan ng kaniyang ama-amahan.
___40. Lahat ng pangungusap ay patungkil kay Sisa maliban sa isa, ano ito?
A. Pabayang asawa at magulang. C. Larawan ng isang mapagmahal na ina.
B. Maalalahaning ina at asawa. D. Sumisimbolo sa mga tanong pinagkaitan ng katarungan.
___41. “Isinulat ni Rizal ang obra Maestrang Noli Me Tangere upang isiwalat ang kasamaan ng mga kastila at imulat ang mga mata ng
mga kababayan para maipaglaban ang Inang Bayan.” Tama baa ng ginawa ni Rizal? Bakit?
A. Tama, dahil dapat lang na maparusahan ang mga kastila.
B. Tama, dahil kung hindi sa kaniya alipin pa rin tayo ng mga kastila.
C. Mali, dahil maraming buhay ang napahamak at nawalan ng pamilya.
D. Mali, dahil kung hindi niya ginawa ito malamang siya ay buhay pa at marami pang magagawa.
___42. “Pinaalalahanan ni Elias si Ibarra na sa paglalagay ng unang bato sa paaralan ay tumabi lamang siya sa kura. Sinabihan ding
iwasan niya ang bumaba sa hukay at iwasang mapalapit sa batong ihuhugos dahil maaari siyang masawi.” Tama ba ang
ginawa ni Elias para kay Ibarra? Bakit?
A. Hindi, dahil nangingialam siya sa palano ng ibang tao.
B. Hindi, dahil masisira ang palano nilang pagpatay kay Ibarra.
C. Oo, dahil siya ay may tunay na pagmamalasakit sa kaniyang kapuwa.
D. Oo, dahil karaniwan lamang sa tao ang tumulong at makialam sa plano ng iba.
___43. “ Nakiusap si Elias na kapag magsisiyasat ang pamahalaan ay huwag niyang ipagsabi ang tungkol sa sinabi ni Elias na
pagpapaalala sa kaniya.” Kung ikaw si Ibarra, susundin mo ba siya? Bakit?
A. Hindi, dahil kahit utang ko ang buhay ko sa kaniya hindi ko naman siya kilala.
B. Hindi, dahil baka kasama siya sa mga kaaaway ng aking ama at maging ako.
C. Oo, dahil utang ko sa kaniya ang aking buhay at walang mai sa ginawa niya
D. Oo, dahil dapat lang na tumulong siya sa kanyang kapwa para walang mapahamak.
___44. “ Sumulat si Maria Clara kay Ibarra upang ipaalam ang kaniyang pag-aalala at pagmamalasakit dahil may sakit ang kaniyang
minamahal.” Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Maria Clara? Bakit?
A. Hindi, dahil wala akong pakialam sa kaniya.
B. Hindi, dahil hindi pa naming kami kasal o nagsasama.
C. Oo, dahil kawawa naman si Ibarra wala siyang kasama at kakampi.
D. Oo, dahil kapag mahal moa ng isang tao nararapat lamang na mag-aalala.
___45. “Pagkatapos malaman ni Sisa na naiwan sa kumbento ang kaniyang anak na si Crispin ay agad siyang nagtungo ditto upang
sunduin siya pauwi ngunit hindi niya ito nakita. At nang magtanong siya sa tagapagluto sa kumbento ay sinabi nitong kagaya
ni Crispin ang kaniyang.” Bakit kaya nasabi ng tagapagluto na kagaya ni Crispin ang kaniyang ama?
A. Dahil ang ama ni Crispin ay sugarol at walang kuwentang ama.
B. Dahil ang ama ni Crispin ay isang mabuting ehemplo sa mga anak.
C. Dahil ang ama ni Crispin ay mapagmahal na asawa ngunit walang kuwentang ama.
D. Dahil ang ama ni Crispin ay walang kuwentang asawa ngunit mapagmahal na ama.
___46. Mula sa mga tauhan ng Noli Me Tangere, ano ang mabubuo mong kaisipan sa kanila?
A. Sila ang mga tao napahirapan sa panahon ng pananakop ng kastila.
B. Sila ang mga tauhang bubuhay sa isang kasalukuyang pangyayari dito sa mundo.
C. Sila ang mga tauhang pinili ni Rizal na magrerepresenta sa mga kastilang mananakop.
D. Sila ng mga tauhang kumakatawan sa mga Indiong at Kastilang nanakop sa Pilipinas.
___47. “ Edukasyon ang tanglaw sa pag-unlad ng ating bayan.”Mula sa pahayag ano ang mabubuong kaisipan nito?
A. Ang pagkakaroon ng edukasyon o pinag-aralan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
B. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay paraan ng pag-unlad ng isang bansa
C. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay hindi mananakaw ninuman.
D. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay susi sa tagumpay.
___48. “Ang tao ay humihingi ng pagbabago sa pamahalaan sapagkat nais nilang umunlad ang bayan:”Mula sa pahayag, ano ang
mabubuo mong panukala para pagbigyan ka sa pagbabago ng pamahalaan?
A. Batas ay paigtingin upang katiwalian ay supilin.
B. Puksain ang mga miyembro ng gobyerno na gumamawa ng katiwalian.
C. Edukasyon para sa mga kabataan na magdadala at mag-aangat sa bayan.
D. One for all, all for one-tulong-tulong, sama-sama para sa magandang pamamahala.
___49. Ano ang mabubuo mong kaisipan mula sa pahayag na “Ang galit na nararamdaman sa isang tao ay maiwawaksi kung ang
pagpapatawad ay mananaig sa puso ng bawat isa”?
A. Magalit na sa mga tao huwag lang sa Poong Maykapal.
B. Gawin ang pagpapatawad sa mga taong karapat-dapa lamang.
C. Tanggalin ang galit sa puso upang ang kapayapaan ng kalooban ay makamtan.
D. Tanggapin ang anumang galit ng tao at ibalik din sa kanya upang maging masaya
___50. Kung ilalarawan mo si Sisa na tauhan sa Noli Me Tangere sa realidad, ano ang mabubuo mong paglarawan sa kanya?
A. Larawan siya ng mga magulang na nagtatrabaho para sa kanyang mga anak.
B. Larawan siya ng Pilipinas na pumupuri sa mga inang mapagmahal.
C. Larawan siya ng Pilipinas sapagkat pareho silang sawimpalad.
D. Larawan siya ng mga magulang na mapagpabaya sa mga anak.

You might also like