You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

I. A. Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.


1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
2. Ang sagisag ni Rizal sa panulat ay:
a. Laong-laan b. Lola Basyang c. Basang Sisiw d. Pepeng Agimat
3. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa:
a. GOMBURZA b. kasintahan c. pamilya d. Inang Bayan
4. Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si:
a. Leonor Rivera b. Segunda Katigbak c. Josephine Brachen d. Maria Clara
5. Ang tulang isinulat ni Rizal sa edad na walo ay:
a. Sa Aking mga Kabata b. Ang Pag-ibig c. Inang Wika d. Ang Batang Gamugamo
6. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere.
a. Paciano Rizal b. Ferdinand Blumentrit c. Maximo Viola d. Valentin Ventura
7. Naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere.
a. The Roots b. Iliad and Odyssey c. Ebony and Ivory d. Uncle Tom’s Cabin
8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV b. Kanser c. Dengue d. Tuberculosis
9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay:
a. mangmang b. tamad c. erehe d. indiyo

B. Isulat ang titik S kung ang nasalungguhitang salita ay sanhi, at B naman kung ito’y bunga.
10. Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
11. Sinagip ng ketongin ang isang batang nahulog sa mababaw na kanal.
12. Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara dahil sa paghihiwalay nila ni Crisostomo.
13. Naging iskomulgado si Ibarra dahil sa paglaban niya kay Padre Damaso.
14. Namundok si Tandang Pablo para takasan ang mga nang-uusig sa kanya.

C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A – E.


15. Hinimok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kaniya.
16. May dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago tungkol sa pagdating ng kapitan heneral.
17. Nakipagkita si Elias kay Ibarra upang ipaliwanag ang nangyari sa paghuhugos.
18. Nagbigay ng kani-kaniyang opinyon ang mga tao sa nangyari kay Ibarra at Padre Damaso.
19. Bumagsak ang panghugos na ginawa ng taong madilaw.

D. Piliin ang tamang sagot batay sa sumusunod na pahayag.

“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan! Kayong nakamamalas
sa kanya, batiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”

20. Binibigyang diin sa pahayag na binasa ang:


a. naghihingalo b. kaliwanagan c. mga bayani d. inaasahang alayaan
21. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
a. kinabukasan ng bayan c. kaluwagan ng bayan
b. kalayaan ng bayan d. kuwentong bayan
22. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay:
a. namamaalam b. naghahabilin c. nanghihinayang d. nanunumbat
23. Sa pahayag ay binanggit ang nangabulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
a. mga sundalo b. mga bayani c. kabataan d. matatanda
24. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng:
a. pambansa b. pang-espirituwal c. panlipunan d. pangkalikasan
25. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
a. maka-Diyos b. makabansa c. makatao d. makakalikasan
26. Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang:
a. matalino b. matatag c. mapagmahal d. maalalahanin
27. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:
a. bata b. kabataan c. matatanda d. mamamayan
28. Sa kabuuan ng pahayag ay nanaig sa mambabasa ang:
a. pagkaawa b. pagkalito c. pagkatakot d. pagpapahalaga
29. Ano kaya ang pinakaangkop na pamagat sa pahayag na binasa?
a. Huling Panawagan c.Tagubilin sa Kabataan
b. Paalam sa Inang Baya d. Ang mga Nangabulid
30. Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa:
a. kabiguan b. kasawiaan c. kamatayan d. kadakilaan

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw,lalong
pagingata’t kaaway na lihim.” - Pilosopo Tasyo
31. Ang ideya/kaisipang lumulutang sa pahayag ay:
a. pampamahalaan b. pampamilya c. panlipunan d. pansimbahan
32. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?
a. matulungin b. matalino c. mapagmalasakit d. mapanakot
33. Anong katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag?
a. kaingatan b. kainggitan c. kaligtasan d. kataksilan
34. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
a. nagpapanggap b. nagpapasaya c. nagpapahanga d. naghahambog
35. Binigyang diin sa pahayag na:
a. ang tao’y di dapat magtiwala c. ang tao’y laging may pasalubong
b. ang tao’y laging may kaaway d. ang tao’y pinagpapakitaan ng giliw

II. PAGTATAPAT-TAPAT. PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katugma ng mga salita sa Hanay A.
HANAY A HANAY B
36. napawi a. paglakad
37. pagyao b. nasasapinan
38. nalalatagan c. makikita
39. mababakas d. maliit, pandak
40. bansot e. nawala
41. paratang f. braso
42. ulirat g. utos
43. tagubilin h. akusasyon
44. bisig i. malay
45. ginunita j. inalala

III. PAGPAPALIWANAG (5 PUNTOS)

Bilang isang kabataan na kabilang sa mga millennials, paano mo hihikayatin ang mga
kabataang katulad mo na basahin ang obra maestrang Noli Me Tangere?

Inihanda ni:
CLAIRE JOY B. RARANGOL
Student Teacher

Ipinahanda ni:

JEMMALYN D. FONTANILLA
Cooperating Teacher

You might also like