Professional Documents
Culture Documents
Danny dela Cruz at sa kanyang kabiyak na si Gng. Ofelia dela Cruz, sa mga naggagandahan at
naggwagwapuhang mga guro, sa mga mag-aaral, sa mga kapwa ko opisyales, sa mga bisita - isang
mapagpalang araw sa inyong lahat.
Isang karangalan ang tumayo sa inyong harapan at magsalita upang maipahayag ko ang
taos-puso kong pasasalamat sa inyong lahat. Agosto ang buwan na kung saan muli na naman
nating gugunitain ang Buwan ng Wika. Ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika upang magbigay
pugay sa kadakilaang ginawa ng ating dating Pangulo na si Manuel Luis Quezon. Layunin ng
programang ito na ikintal sa ating mga isipan na dapat nating mahalin ang ating wikang
pambanasa. At sa pamamagitan ng ibat ibang talento na ipapakita sa atin ng mga mag-aaral ay
nasisiguro kong mabubuhay ang ating pagka-Pilipino.
Bago ko wakasan ang aking maikling talumpati ay hayaaan niyo akong magpasalamat
sapagkat binigyan niyo ako ng pagkakataon na maging lider ninyo para sa taong panuruan 2017-
2018. Natitiyak kong magiging matagumpay tayo kung tayoy magtutulung-tulong at magkakaisa.
Naway maging masaya kayo sa inihandang presentasyon ng bawat baitang. Muli isang
mapagpalang araw at maraming salamat!