You are on page 1of 7

TUNAY AT WAGAS NA PAG-IBIG

nina Jemmalyn D. Fontanilla at Joanallyn D. Asuncion

TAGAPAGSALAYSAY: Ang bawat matatamis na ngiti, katumbas man minsan ay pait - bawat pangarap
na binuo sa ngalan ng pag-ibig, napagtatagumpayan dahil ikaw ay umiibig. Makulay ang paligid. Masaya
ang bawat sandali. Matatag ang mga puso. Wagas at dalisay na pagmamahalan, yaong nagpapakasakit at
nagtitiis. Handang maghintay at magtiyaga dahil sa pag-ibig. Sa gitna ng mga pasakit, buong tapang na
lumalaban. Hindi alintana ang mga sagwil na hatid ng dakilang pakikipagsapalaran - sa ngalan ng pag-ibig,
oo... Sa taglay na mahika at kapangyarihan, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

TAGAPAGSALAYSAY: Noong hindi pa uso ang teknolohiya


Pagsungkit sa inaasam na oo dinadaan sa awit at seremonya
Panliligaw, panghaharana at pamamanhikan, isinasagawa bago magsumpaan
sa dambana.

DALAGA: Ina, ako poy may sasabihin


Nawa po akoy inyong unawain
May isang binatilyo akong nakilala
Gusto niya po na ditoy pumunta.

INA: Salamat sa iyong pagiging tapat


Kahit na kabuhayan natiy salat
Hindi ako nagkamali na ikay pagkatiwalaan
O siya sige, siyay papuntahin dito at nang makaliskisan.

TAGAPAGSALAYSAY: Binatang puno ng sigla ay nakipagkita sa mahal na dalaga


Ang pagpayag ng mga magulang sa pagdalaw nito kaniyang ipinamalita
Puno ng kasabikan ang mga puso nila
Ito ay kasagutan sa panalangin nilang dalawa

BINATA: Magandang gabi ang aking pagbati


Sa pinakamamahal na ina ng aking binibini
Ako ngayoy nandirito
Upang sabihin ang nilalaman nitong puso.

INA: Umupo ka binatilyo


Akoy may sasabihin sa iyo
Bago ibigay ng aking anak ang kanyang matamis na oo
Ako munay pagsilbihan mo

BINATA: Ora mismo, lahat ay gagawin


Upang siyay maging akin
At nang mapatunayan ko
Na minamahal ko siyang totoo

IMPORMASYON: Ang ligawan o panliligaw ay ang paraan ng panunuyo ng isang lalaki sa


kaniyang nagugustuhang babae.

1
TAGAPAGSALAYSAY: At ito ngang masigasig na binatay nagsimula nang gumawa
Alas-kuwatro pa lamang ng umaga ay pupunta na sa bahay ng kaniyang
sinisinta
Nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy at tumutulong sa gawaing bukid --
lahat-lahat ng itoy magiliw niyang ginagawa
Upang pagsintang tunay, kaniyang maipakita

BINATA: Sibak dito, sibak doon


Igib dito, igib doon
Hay, sandamakmak na pawis ang sa akiy naalis
Pupunta pa pala ako sa bukid

(PUMUNTA SA BUKID)

BINATA: Ina, ako na po diyan.


INA: Sige at akoy mangunguha ng meryenda.

(AWIT: Magtanim ay Di Biro)

IMPORMASYON: Ang pagsubok sa mga kalalakihan ay nakagawian nang gawin ng mga


magulang ng babaing inaakyat ng ligaw. Ito ay isang paraan upang malaman nila kung tunay nga ba
ang idinudulog na pag-ibig ng binatang nanliligaw sa kanilang anak.
BINATA: Manang Biday, buksan mo naman
Ang bintanang dinudungawan
At tunghayan yaring umiibig
Akoy mamamatay pag di kinaawaan

DALAGA: Sino kang padaan-daan


Sa hardin kong pinaglalaruan
Alam mong akoy isang dilag
Bulaklak ng liryoy di pa namukadkad

IMPORMASYON: Ang harana ay ang tradisyunal na pagkanta ng isang lalaki sa may ibaba ng
bintana ng bahay ng babaeng kaniyang nililigawan. At ang Manang Biday ay patungkol sa pag-ibig
na dinudulog ng isang binata sa dalagang sinisinta na karaniwang kinakanta ng mga kalalakihan.

BINATA: Alam kong alam mo


Ang isinisigaw nitong puso
Hindi ako nagkulang
Na sa iyoy iparamdam

DALAGA: Halikat pumanhik


Sa aming munting tahanan
At nang makausap mo ang aking ina

BINATA: Ako poy muling narito


Upang sa inyoy magsumamo
2
Lahat na ng bagay ay aking ginawa
Mapatunayan lamang na siyay labis na sinisinta

INA: Alam ko ang iyong pakay


Nakikita ko ang pagkadalisay
Akoy napahanga mo
Sa iyong mga sakripisyo

Pagsuporta ko ay inyong asahan


Lagi ninyo akong masasandalan
Patnubay at gabay ang aking alay
Para sa inyo na nagmamahalang tunay

BINATA: Salamat ina


Sa inyong tiwala
Wag mag-alala
Nasa mabuting kamay ang inyong dalaga

(BABALING SA DALAGA)

Irog ko, basbas ng iyong ina ay kanya nang ibinigay


Nakita niya na ang pag-ibig koy tunay
Mahal na mahal kita
Ako bay mahal mo rin, aking sinta?

DALAGA: Napakasakit sa dibdib ang makita kang naghihirap


Pero ikay nagsakripisyo
Kaya irog ko, oo, ikaw rin ay mahal ko
Ibinibigay ko na ang matamis kong oo

BINATA: Salamat, akoy napakasaya


Sa wakas ang pag-ibig koy tinumbasan mo na
Akin itong ibabalita
Sa pinakamamahal kong ama

TAGAPAGSALAYSAY: Masayang umuwi ang binata


At agad-agad niyang ibinalita sa kanyang ama
Ang pagsagot sa kaniya ng dalaga

BINATA: Ama, ako poy may magandang balita


Tungkol sa ikinuwento kong dalaga
Siguro poy hindi kayo maniniwala
Ako poy sinagot niya na

AMA: Talaga anak? Nagagalak ako sa iyong ibinalita


Alam ko naman na ang nilalaman ng puso mo ay siya
Ang tanong, iyan ba ay kasalan na?
Sabihin mo lang at nang tayoy makapaghanda na

3
BINATA: Sigurado ka ama?
Akoy nagagalak sa inyong mga salita
Wala na akong hihilingin pa
Kundi ang siya ay makasama

AMA: Oo anak, para sa ikaliligaya mo


Lahat ay gagawin ko
O siya, ikay humayo
At nang maipabatid ang ating plano

TAGAPAGSALAYSAY: Dali-daling nagtungo ang binata


Sa bahay ng kaniyang sinisinta
Upang sabihin ang pinaplano nilang mag-ama

INA: Napasyal ka ginoo


Sandali at aking tatawagin ang anak ko

(TATAWAGIN NG INA ANG KANYANG ANAK)

DALAGA: Irog, kay aga mo yatang napasyal


Ano ang nagtulak sa iyo at ikaw ngayoy naparito?

BINATA: Huwag po sana kayong mabibigla


Hindi ko po kakayanin kung mawawala ang inyong dalaga
Kaya ako poy naparito, upang hingin ang kamay ng anak ninyo
Sana po akoy pahintulutan ninyo

INA: Biglaan naman yata ang iyong desisyon


Ikaw bay nakasisiguro? Ikinunsulta mo na ba ito sa iyong ama?

BINATA: Opo at siyay natutuwa


Balak ko pong mamanhikan bukas ng umaga

INA: Ako may nagulat sa iyong sinabi


Natitiyak kong totoo ang namumutawi sa iyong mga labi

(BABALING SA ANAK)

Anak, ano man ang iyong magiging desisyon


Susuportahan kita, ang aking magiging tugon

IMPORMASYON: Ang pagsang-ayon ng mga magulang para sa desisyon ng anak na magpakasal ay


nangangahulugang ipinagkakatiwala niya ang kaniyang anak sa lalaking mapapangasawa nito.

DALAGA: Salamat ina sa pang-unawa


Batid kong alam mo ang magiging desisyon ko

(BABALING SA BINATA)

4
Kaya irog ko , oo
Akoy magpapakasal sa iyo

BINATA: Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya


Maraming salamat ina sa iyong suporta
Ako munay uuwi na
At nang kamiy makapaghanda.

TAGAPAGSALAYSAY: Naghanda ang mag-ama ng kanilang dadalhin para sa pamamanhikan


Mga masasarap na pagkain na kanilang pagsasaluhan
Pati na rin ang ibibigay nilang regalo sa dalagang napupusuan

BINATA: Sa harap ng aking ama


Pormal ko pong hinihingi ang kamay ng inyong dalaga
Pangako ko sa inyoy pakahawakan
Sapagkat pag-ibig koy walang hanggan

IMPORMASYON: Ang pamamanhikan ay isinasagawa kapag ang babae at lalake ay nagkasundong


magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili
niyang magulang.

AMA: Sa wakas at akin na ring nakilala.


Ang nakapagbigay-saya sa aking binata
Tanggapin nyo sana itong regalo
Na sa akiy ipinamana

IMPORMASYON: Ang dote o bigay-kaya ay isang handog na ibinibigay sa pamilya ng babae. Ito ay
maaaring lupa, alagang hayop, mahahalagang bagay o di kaya naman ay salapi.

DALAGA: Ako rin poy nagagalak na kayoy nasilayan


Napakalaking bagay
Itong inyong ibinigay
Pagyayamanin ko itot pakaiingatan

BINATA: Irog ko, iyong tanggapin


Itong munting singsing
Ibinigay iyan ng aking ama sa aking ina
At ngayoy sa iyo ipinamamana

DALAGA: Salamat irog ko


Napakagandang singsing
Kahit saan ako magpunta, itoy aking susuotin
Tanda ng wagas kong damdamin

INA: Kamiy nagpapasalamat sa inyong mga inihandog


O siya, balae tayoy kumain na
At akoy natatakam sa pagkaing inyong inihanda

(Ilalabas ang mga pagkaing binaon at ang bote ng basi)


5
IMPORMASYON: Ang Basi.. Habang nag-aawitan ang dalaga at binata ay pinapasa ang basi. Isang lokal na alak ng mga
Ilocano na naggaling sa tubo. Ito ay isang malaking parte sa buhay ng mga Ilocano. Ang basi ay nakapagsimula ng pag-aalsa
sa Piddig, Ilocos Norte nang sinubukan ng mga Espanyol na pigilin ang paggawa nila ng alak. Isa itong pampalakas ng loob
sa pagbigkas ng dallot.

TAGAPAGSALAYSAY: Ay dal dallot,dali ni dallang


Ay dal dallot,dumini dallang
At natapos nga ang pamamanhikan
Pag-iisang dibdib, napagkasunduan

TAGAPAGSALAYSAY: Ay dal dallot,dali ni dallang


Ay dal dallot,dumini dallang
Mahahalagang tao sa inyong kasal
Maingat na paghahandaan

IMPORMASYON: Ang Dallot ay ang tradisyunal na awit ng mga Ilokano na karaniwang isinasagawa tuwing bago at
pagkatapos ng kasal, lalung-lalo na tuwing pamamanhikan. Sa pagsasagawa ng dallot, karaniwang nagpapasimula ng pag-
inom ng basi ang partido ng kalalakihan.

TAGAPAGSALAYSAY: Ang lahat ay naghanda


Ang lahat ay naging abala
Inaabangang araw ay sumapit na
Pagsasamang panghabambuhay ay itatalaga

IMPORMASYON: Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa at isipan ay iginagawad at
ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao.

Sa seremonya- may singsing, aras, bibliya, kandila, belo, at kord

IMPORMASYON: Ang singsing ay simbolo ng walang hanggang pag-ibig ng mag-asawa. Tulad din ng pag-ibig ng Diyos
sa atin.

IMPORMASYON: Ang aras o pera ay simbolo ng kayamanan. Ang kayamanan ay hindi lamang tumutukoy sa seguridad
kundi sa pagiging malaya, masaya at masaganang buhay. Kaya hindi lamang ito tungkol sa kung magkano ang ipon niyo
kundi kung paano kayo mabubuhay ng marangal.

IMPORMASYON: Ang bibliya ay sumisimbolo ng pagtanggap ng lalaki sa kaniyang tungkulin bilang haligi ng tahanan.
Ang Panginoon ang siyang sentro ng bawat desisyon at naisin sa buhay.

IMPORMASYON: Ang kandila ay sumisimbolo sa liwanag na galing kay Kristo. Ito ay nagpapatunay na ang pag-iibigan
ng mag-asawa ay may basbas at gabay ng Panginoong Diyos. Ang pananatili ng liwanag sa pagsasama ng mag-asawa ay
nangangahulugang masaya, mapayapa at masaganang pamumuhay.

IMPORMASYON: Ang belo ay sumisimbolo na dinamitan ang mag-asawa bilang iisang nilalang. Pagkatapos na
magpalitan ng singsing ang mag-asawa ay luluhod para ibigay ang belo.

6
IMPORMASYON: Ang kord o tali ay ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa. Ang mag-asawa ay iisa na at hindi na
mapaghihiwalay ninuman o ng anuman. Tulad ng pag-ibig ni Kristo sa Iglesia o simbahan.

PARI: Lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging kabiyak sa hirap at ginhawa?

LALAKI: Opo Father.

PARI: Babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging kabiyak sa hirap at ginhawa?

BABAE: Opo Father.

PARI: Maaari mo nang hagkan ang iyong asawa.

IMPORMASYON: Ang halik sa harap ng altar ay itinuturing na sagradong seremonya na isang pagpapatunay sa paggalang
at kadalisayan ng pag-ibig ng lalaki sa babae.

(lalakad palabas ang bagong kasal at hahagisan ng bigas)

AMA: Mabuhay ang bagong kasal.

TAGAPAGSALAYSAY: Saksi tayo sa kanilang pagmamahalan. Sadya nga namang ang pag-ibig nila ay
wagas at dalisay. Sila ang makapagpapatunay na ang pag-ibig ay walang hangganan.

- WAKAS -

You might also like

  • 1st PT
    1st PT
    Document2 pages
    1st PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT
    4th PT
    Document5 pages
    4th PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Least Mastered Learning Competencie
    Least Mastered Learning Competencie
    Document4 pages
    Least Mastered Learning Competencie
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    100% (1)
  • 1st PT FILIPINO 11 - 100items
    1st PT FILIPINO 11 - 100items
    Document4 pages
    1st PT FILIPINO 11 - 100items
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Best Group (Whole) ...
    Best Group (Whole) ...
    Document10 pages
    Best Group (Whole) ...
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT
    4th PT
    Document5 pages
    4th PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 3rd PT
    3rd PT
    Document4 pages
    3rd PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Maikling Kuwento
    Maikling Kuwento
    Document2 pages
    Maikling Kuwento
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 3rd PT
    3rd PT
    Document4 pages
    3rd PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Tita Matet
    Tita Matet
    Document1 page
    Tita Matet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Guro Lathalain
    Guro Lathalain
    Document2 pages
    Guro Lathalain
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    88% (8)
  • K Ka Lang
    K Ka Lang
    Document1 page
    K Ka Lang
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Updated PT
    Updated PT
    Document2 pages
    Updated PT
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Tita Matet
    Tita Matet
    Document1 page
    Tita Matet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Seven Sundays
    Seven Sundays
    Document1 page
    Seven Sundays
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    50% (10)
  • 4th PT Fil 9bc
    4th PT Fil 9bc
    Document4 pages
    4th PT Fil 9bc
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Legal
    Legal
    Document1 page
    Legal
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Rebolusyong Pilipino
    Rebolusyong Pilipino
    Document25 pages
    Rebolusyong Pilipino
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Wika
    Wika
    Document2 pages
    Wika
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Ampon
    Ampon
    Document1 page
    Ampon
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • INFORMANCE
    INFORMANCE
    Document7 pages
    INFORMANCE
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT Fil 9
    4th PT Fil 9
    Document3 pages
    4th PT Fil 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Activity Sheet
    Activity Sheet
    Document10 pages
    Activity Sheet
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 4th PT Fil 9bc
    4th PT Fil 9bc
    Document4 pages
    4th PT Fil 9bc
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • 1st PT Fil 9
    1st PT Fil 9
    Document3 pages
    1st PT Fil 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Achievement Test Sa Filipino 9
    Achievement Test Sa Filipino 9
    Document6 pages
    Achievement Test Sa Filipino 9
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    100% (3)
  • Filipino Certificates
    Filipino Certificates
    Document11 pages
    Filipino Certificates
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet
  • Quiz Pang Ugnay
    Quiz Pang Ugnay
    Document1 page
    Quiz Pang Ugnay
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    90% (10)
  • Best Group (Whole) ...
    Best Group (Whole) ...
    Document11 pages
    Best Group (Whole) ...
    Jemmalyn Devis Fontanilla
    No ratings yet