Professional Documents
Culture Documents
Sa simulat sapul ng aking pagkamulat sa mundong aking kinagisnan. Hindi ko lubos maisip
kung bakit tila napakalupit ng aking kapalaran. Wari buo kong pagkataoy nilamon ng kadiliman sa di ko
maipaliwanag na dahilan. Bakit nga ba masalimuot ang buhay? Ganito nga ba ang mabuhay? Ang
magdanas ng lumbay? Ng hirap? Ng pasakit? Wala na nga bang pag-asang lumigaya ang mga di
tinadhana? Mga katanungang bumabagabag sa aking isipan na hindi ko lubos maintindihan kung paano at
bakit?
Sa modernisadong lipunang ating ginagalawan, malaking hamon ang kinakaharap ng mga batang
ampon. Mga bata na may karapatang mabuhay nang matiwasay at itrato nang tama. Mga bata na uhaw sa
pagmamahal at kalinga. Ngunit may mga bata na puro panlalait at pangungutya ang kanilang sinapit. Mga
bata na kung ituring ay isang busabos. Kabaliktaran ito sa aking naranasan.
Naranasan kong mabuhay nang payapa at pagsilbihan na parang prinsesa. Sa lahat ng desisyon na
aking ginagawa ay palagi silang nandiyan at handa akong gabayan. Sinusuportahan nila ako sa lahat ng
bagay. Ibinibigay nilang lahat ang aking luho cellphone, tablet, laptop, alahas, sasakyan, pera,
masasarap na pagkain, magagarang damit at higit sa lahat pinag-aral nila ako sa prestihiyosong paaralan.
Kung tratuhin nila akoy tila isang paralisado. Ipinaramdam nila sa akin na akoy hindi iba sa kanila.
Itinanim nila sa aking isipan na akoy kanilang tunay na anak. Siniguro nila na napunan nila ang kulang
sa akin. Hindi sila nagkulang na iparamdam sa akin ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa aking
tanang buhay. At muli, nabuo ang nagkapira-piraso kong pagkatao. Muli, nakilala ko ang aking sarili.
- jdfontanilla