You are on page 1of 4

AKO, BILANG ANAK

ni Teresita F. Fortunato

Talaga! Ako ay isang anak, bunga ng pagmamahalan ng mga nilalang na


nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga magulang, dahil sa
pagmamahal na ito ay naging ganap akong kabataan. Isang kabataang mulat
sa katotohanang akoy may halaga bilang isang kaanib ng aming masayang
sambahayan

Sinasabing akoy siyang aliw ng tahanan, sa maraming pagkakataon ay


napapasaya ko ang nalulungkot ina sa kanyang pag-aalala. Sa katabilan kot
mga bagong pulot na salita sa paaralan bunga nga pakikisalamuha ko sa
mga kalaro ay napapahalakhak ko si ama kung siyay labis na pagal sa
maghapong paghahanap-buhay. Napapatawa ko rin ang mga kapatid ko sa
mga oras ng aming paglalaro at pagtitipon-tipon kung hapon o gabi matapos
an gaming hapunan.

Matalik kaming magkaibigan ng aking mga magulang, tinatanggap nila ako


bilang ako at sila man ay tinatanggap ko rin bilang mga indibidwal na iba sa
lahat. Sapagkat alam kong mahal nila ako at hindi nila ako hahayaang
mapariwara. Bukas ako sa kanilang mga puna at pagbibigay payo lalo na
kung ako ay namamali.

Naniniwala akong walang magulang ang magnanais na mapasama ang anak


bagkus ay hinahangad pa nga nila na maipagkaloob ang lahat ng mabubuti
para sa kanila.

May mga pagkakataon nga na sa pagsasbi nila ng aking mga kahinaan ay


npapamulagat ako at nagkakaroon ng bahagyang pagdaramdam sa kanila
Bakit nga ba? Hindi ba masakit ang katotohanan? Subalit kung itoy pagiisipan ng malimi ay mkabubuti ang mga ito para sa akin. Makikilala ko ang
aking sarili at ang aking mga kahinaan upang lalo ko pang mapalutang ang
aking mga kalakasan.

Talaga! Ako ay isang anak, anak na magiging gabay ng mga magulang sa


susunod na salin lahi. Anak na gabay , pag-asa at ligaya ng tahanan. Paano
ako magging gabay kung hindi ako magsisikap sa aking pag-aaral? kung
magpapabaya ako sa aking sariling kalusugan at hindi gaganap sa mga
tungkulin sa aming tahanan? Magiging bigo ang aking mga magulang at
kapatid sa akin kung hindi ko magagampanan ang mga tungkuling iniaasa sa
isang anak.

Ang bawat magulang ay nkadadama at nakababatid na bigyan ng sapat na


edukasyon ang anak. Sa katotohanan pa nga ay inaasam nila, ang
pinakamataas na antas ng karunungang maipagkakaloob sa anak.
Bilang isang anak, mainam naman na huwag ninyo silang biguin sa mga
pangarap nila sa akin, sapagkat ito ang makapagbibigay sa kanila ng labis na
kaligayahan.

Hindi naman ito nangangahulugan ng pangkaisipan na lamang tulad ng pagaaral ang haharapin ko kung hindi bagkus ay kailangang tugunin ko rin ang
pangangailangang pampisikal, pang-emosyonal, pang sosyal at pangespiritwal.

Ang pangangalaga at kalusugan ay paulit ulit na ipinaaalala sa akin ng mga


magulang ko. Huwag magpupuyat ng walang kapararakan, Iwasan ang
biglang paliligo pagkagaling sa initan, Bawas-bawasan ang labis na
paglalaro ng nakakapagod. Iyan ang mga karaniwang diyalogo maririnig
mula sa kanila.

Ang pakikipagkapwa ay bahagi ng pagiging ganap na anak. Hindi ako


nabubuhay ng mag-isa o ako at ang aking sambahayan lamang. Ang matuto
ako sa pakikisalamuha sa ibat isang uri ng tao ay makatutulong upang ako
ay maging palagay hindi kimi.

Panatag ang kalooban na ako ay tinatanggap ng lipunan bilang isang anak


na may maibabahaging mabuti sa kaunlaran nito.

Ang pananalangin ng madalas sa ibat ibang pagkakataon ay gawaing bahagi


ng pagiging anak ko. Minana ko ang relihiyon ng aking mga magulang at ang
tinuturo ko ay hindi ko katatagpuan ng mga bagay na masama. Itinuturo ng
pananampalataya ko na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kung
hindi sa bawat salita ng Diyos.

Walang hinihintay na kabayaran mula sa akin si ama at si ina sa pagganap


nila ng tungkulin bilang mga magulang. Sapat na sa kanila ang makatapos
ako sa pag-aaral, maging matapat, masunurin, mapagmahal at maalalahanin
ako sa aking kapwa. Mga katangiang hindi mahirap unawain ang kahulugan
sapagkat ang mga itoy maaga nilang itinuro sa akin.

Ngayong may isip na ako bagamat mura pa ay sinisikap kong maging


magandang halimbawa ako para sa aking mga kapatid at kaibigan. Lagi nang
sinasabi ni ina na ang anak ay hiyas ng tahanan na kakikitaan ng mga bagay
na kapuri-puri.

Sapagkat akoy tao, may mga pagkukulang din. Pinipilit kong iwasan ang
mga kamalian ko sa tulong ng aking mga mahal sa buhay at sa malimit kong
pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Bilang isang anak, ako ay naghahangad din na makaabot ng mataas na


pinag-aralan upang makatulong sa kapwa ko lalo na sa mga kapatid ko. Ang
pagsisikap kong ito ay magsilbi man lang na inspirasyon nila tulad ng naging
inspirasyon ko mula sa mga magulang ko. Umaasa ako na hindi magiging
malayo ang aking minimithi sapagkat akoy hindi nag-iisa sa pagtahak ng
landas tungo rito, sa tagumpay na inaasam ko.

Kayo, Kapwa ko kabataan? Ano ang hamon sa inyo bilang anak?

You might also like