You are on page 1of 2

Kahirapan: Hamon sa Bawat Mamayang Pilipino

Iba’t- ibang isyu ang kinakaharap n gating lipunan, kung kayat kaming mga kabataan ay
dapat na may sapat na kaalaman tungkol dito upang hindi na madagdagan ang mga
suliraning ito.
Sa lahat ng isyung ating sinusuong; ang kahirapan ay isa na dito. Kahirapan ang kadalasang
problemang ating pinag-uusapan. Dahil sa korupsyon sa pamahalaan at dahil sa kawalan ng
trabaho maraming tao ang nakasadlak sa problemang ito. Isa ito sa naging dahilan upang
makagawa ng kasalanan ang isang tao. Maraming kabataan ang walang natutunan dahil
hindi nakapag-aral dahil lamang sa kahirapan; walang pera na maipangtustosang kanilang
magulang sa kanilang mga baon, uniporme, at gamit sa paaralan. Sa halip, ang mga
kabataang ito ay natututong magtrabaho kahit wala pa sa wastong eda, ang iba ay
namamalimos sa lansangan, nagsusugal, nagnanakaw, at iba pang d kaaya-ayang gawain.
Ang mga nasabing gawain ay hindi karapat dapat dahil ito ay dumadagdag lamang sa mga
suliranin na ating kinakaharap.
Ang mga suliraning ito ay masusolusyunan kung nabibigyang pansin ang pagkakaroon ng
oportunidad sa mga magulang na magkaroon ng marangal na trabaho o ang pagbigay ng
puhunan sa mga magulang sa pagsisimula ng kanilang maliit na negosyo na makapagbibigay
ng tulong upang masuportahan ang kanilang pang araw-araw na gastusin at ang nararapat
na tulong para sa libreng edukasyon ng mga kabataan. Para sa akin ito ay malaking tulong sa
mga kabataan na makapag-aral upang magkaroon ng kaalaman kung ano ang tama sa mali
at mabigyan sila ng sapat na talino at abilidad sa pag hubog ng kanilang potensyal na
makakatulong sa kanilang paglalakbay tungo sa isang maunlad na Pilipino at bansa.
Kahirapan hamon sa bawat mamamayang Pilipino, isang hamon na kayang lagpasan ng
isang Juan sa pamamagitan ng edukasyon. Itoay isang kayamanan na hindi kailanman
mananakaw sa atin, kaya ating pahalagahan dahil ito ay isa sa mga epektibong sandata at
susi sa ating kinabukasan upang makamit natin ang tagumpay sa buhay.

You might also like