Lito, lungkot, takot! Mababasa sa mga mata ng bawat Pilipino
At ng sangkatauhan saanmang sulok ng mundo. Pagsubok doon! Pagsubok dito, hinaharap araw-araw ng sinumang tao.
Bawat isa, anumang lahi! Anumang kulay!
Anumang antas mo sa buhay! Anumang antas mo sa lipunan! Bata man o matanda, mahirap o mayaman Ay di makakaiwas sa mabigat na hamon Ng pandemyang kinakaharap natin ngayon.
Matinding kahirapan! Kawalan ng trabaho!
Gutom ang hinarap sa pagtiklop ng mga negosyo, Sa limang buwan nating pakikipaglaban Hanggang sa kasalukuyan Malinaw na solusyon ay di pa rin matugunan!
Sino ang dapat sisihin? May dapat bang sisihin?
Sa pagdurusang kinakaharap ng bawat isa sa atin Ano ba ang dapat nating gawin? Tumunganga?! Maghintay?! Magsisihan?!
Kailan pa natin isa-katotohanan ang tunay na bayanihan at pagkakaisa?
Sa puso, sa isip, at sa gawa Kung sa simpleng alituntunin, ay di masunod at di magawa.
Hihintayin pa ba natin na tayo’y lubusang lamunin,
Lubusang sakupin ng pandemyang Covid-19? Tamang disiplina, wastong pag-iingat at pag-aalaga sa sarili Ang pinakamainam na dapat nating gawin Upang ang virus na ito ay sabay sabay nating pupuksain.
Tama na! tama na! lahat tayo ay nagdurusa
Kung katigasan ng ulo’y ang siyang mangingibabaw Mundong kinagisna’y, wala ng kabuluhan.
Tayo na! Tayo na’t magtulungan, huwag ng magsisihan
Pagkakaisa ang siyang ating kailangan Wikang katutubo ang ating gamitin Sa gayon maintindihan ng bawat isa sa atin Maka-Filipinong bayanihan ang lubhang kailangan Sa pamamagitan ng pagdadamayan ng bawat mamamayan.
Tara na ! Luzon, Visayas at Mindanao
himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan Sa pagsugpo ng pandemyang ating nararanasan Magbahagi ng mga datos o pabatid-publiko Na nasa mga katutubong wika at sa Filipino. At lagging paka-iisipin na ang “Disiplina sa sarili at Wikang katutubo ang kasangkapan sa lahat ng pangngailangan ng lipunang Filipino”.