You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan:______________________________________________________________________________
Baitang/Antas: ________ Seksyon:__________________________ Petsa: _________________________
Guro: Gng. Ma. Lalaine Paula Z. Manatad Iskor: _______________________________

PANUTO: Piliin ang tamang pamatlig na kukompleto sa pangungusap. Bilugan lamang ang titik ng tamang
sagot.

1. Pumunta sa palengke si Ate Joy. _______ siya bibili ng mga gulay at karne.
A. diyan C. doon
B. iyan D. dito
 
2. Bumili ako ng bagong damit. Isusuot ko _____ sa party.
A. iyan C. roon
B. iyon D. ito

3. Kumain ka na ba? Ano ________ dala-dala mong pagkain?


A. iyan C. iyon
B. ito D. diyan

4. Pumunta tayo sa bahay ni Myla. Maglaro tayo ______.


A. doon C. riyan
B. roon D. diyan

5. Malapit na ang aming pagsusulit. _______ nalang ako mag-aaral sa bahay namin.
A. rito C. dito
B. riyan D. ito

PANUTO: Basahing mabuti ang mga panuto sa bawat ilang. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

6. Gumuhit ng bilog sa loob ng parisukat. Alin ang tamang larawan?


A. b. c.

7. Alin ang panuto na dapat sundin kapag nasa loob ng silid-aklatan?


A. Makipag-usap sa katabi.
B. Magbasa ng tahimik.
C. Kumuha ng maraming aklat.

8. Tumingin sa ilaw trapiko bago tumawid ng daan. Saang lugar sinusunod ang panutong ito?
A. SIMBAHAN C. KALSADA
B. PAARALAN

9. Aling larawan ang nagpapakita ng tamang pagtataas ng kamay upang sumagot sa guro?
A. b. c.
10. Nagsasalita ang guro at nagtuturo. Ano ang tamang gawin ng mga mag-aaral?
A. Kumain ng baon.
B. Maupo at makinig nang mabuti.
C. Magtanong sa katabi.

PANUTO: Alin sa kanila ang iyong gagamitin upang masagot ang mga sumusunod na tanong? Bilugan
lamang ang titik ng tamang sagot.

11. Ang kahulugan ng kapayapaan.


A. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

12. Kontinenteng katatagpuan ng bansang may pinakamalaking produksiyon ng sigarilyo.


A. pahayagan b. almanac c. diksyunaryo d. magasin

13. Nagwagi sa palarong boxing.


A. Atlas b. pahayagan c. diksyunaryo d. almanac

14. Mga kwentong bayan.


A. Mga aklat b. encyclopedia c. magasin d. atlas

15. Taunang mahalagang nangyayari sa isang bansa.


A. Atlas b. almanac c. mga aklat d. pahayagan

16. Tamang bigkas ng cilia.


A. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

17. Buhay ng idol mong artista


A. Magasin b. encyclopedia c. pahayagan d. atlas

18. Ang direksyon mula Cuba papuntang Estados Unidos.


A. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

19. Balita tungkol sa pagtaas ng halaga ng piso.


A. pahayagan b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

20. Heograpiya at klima ng isang lugar.


A. Encyclopedia b. atlas c. diksyunaryo d. almanac

PANUTO: Piliin pang-uri sa bawat pangungusap. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

21. Mabait na anak si Jordan.


a. mabait b. anak c. Jordan

22. Masarap ang ginawang tinapay ni Nanay.


a. Nanay b. tinapay c. masarap

23. Ang lapis ni Maria ay mapurol.


a. lapis b. Maria c. mapurol

24. Gusto ko uminom ng malamig na tubig.


a. uminom b. malamig c. tubig
25. Ang mga gulay na ito ay sariwa.
a. gulay b. ito c. sariwa

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang panghalip pananong na kukumpleto sa pangungusap

26. ____________ang maghahatid ng tanghalian mo sa paaralan?


a. ano c. sino
b. sinu-sino d. anu-ano

27. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip pananong?


a. Sino ang kumain ng tsokolate?
b. Kunin mo na ang mga aklat.
c. Ang iba ay umalis na kahapon.
d. Ito ang dalang bag ni Mike.

28. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan ng iyong kaibigan?
a. Ano c. Saan
b. Kailan d. Magkano
 
29. Anong panghalip pananong ang dapat gamitin upang malaman mo ang katangian ng isang tauhan?
a. sino c. ano
b. kailan d. bakit

30. Bumili ng bag si Addie sa Mall of Asia. Anong tanong ang maaari para sa pangungusap?
a. Kailan bumili ng bag si Addie?
b. Magkano ang bag na binili ni Addie?
c. Paano bumili ng bag si Addie?
d. Ano ang binili ni Addie?

PANUTO: Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

31. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.
32. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
33. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro.
34. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si Tatay.
35. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.

PANUTO: Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.


36. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
37. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
38. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
39. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod.
40. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.

PANUTO: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin ang titik L kung ang
kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o PS kung ito ay pasukdol.

41. ____ Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.


42. ____ Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.

43. ____ Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa.

44. ____ Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.

45. ____ Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.

46. ____ Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya!

47. ____ Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.

48. ____ Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.

49. ____ Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.

50. ___ Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.

51. ____ Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon.

52. ____ Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang iyong resistensiya.

53. ____ Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha.

54. ____ Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo!

55. ____ Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan.

You might also like