You are on page 1of 22

FILIPINO 6

PRE-TEST
I. Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa pangungusap
1. Ate Minda, talaga bang bigay ng Nanay mo ang lapis na ________(malapit sa
kausap)?
a. Ito b. dito c. iyan
2._________naman ang hinihintay (malapit sa nagsasalita) mong regalo mula sa
Tatay mo.
b. Heto b. Iyan c. hayun
3._________(malayo sa nagsasalita) ang karterong nag-abot niyan sa akin.
c. Hayun b. Doon c. Ito
4._________(malapit sa kausap) si Kuya, may dalang paborito mong cake.
d. Heto b. Hayan c. Hayun
5.Mamayang gabi pa darating __________(malapit sa kausap) ang padala ng
Ninang mo.
e. dito b. diyan c. doon
II. Piliin ang tamang titik ang maging hinuha ng mga
sumusunod pangyayari.
6. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog
A.Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa
pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D.Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira
malapit sa ilog.
7.Paglanghap ng makapal at maitim na usok na
ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan
sa mga tao
B.Maraming magkakasakit sa baga.
C.Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok
na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging
malusog.
7.Paglanghap ng makapal at maitim na usok na
ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan
sa mga tao
B.Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok
na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging
malusog.
8. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa
bangka at pumalaot na ang mag-ama.
A.Ang mag-ama ay mangingisda sila sa dagat
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
D.Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat
9.. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga
ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
A. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay
B.Ipamimigay niya sa mga nangangailangan
C.Itatago niya ito habambuhay
D. Ipapakain niya sa mga alaga niyang hayop.
10. Nagluto ng mga kakanin ang nanay.
Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro
at kababata ni Cris.
A.Nais lang ng nanay makakain ang kaniyang mga
kapit- bahay
B. Nais ng nanay na ipagyabang na sila ay
maraming pagkain
C. Kaarawan ni Cris
D.Masaya ang nanay na makita maraming tao sa
kanilang bahay.
III. Piliin ang angkop na panghalip
11. (Ano, Saan, Kanino) ang gusto mong
kainin mamaya?
12. (Ano, Saan, Kanino) mo itinapon ang
basuta?
13. (Ilan, Ilan-ilan, Anu-ano) ang mga
sasali sa palaro?
Piliin ang tamang pang-uri na angkop sa pangungusap.
14. { Matayog , Mas matayog , Magkasingtayog }ang pangarap ng ina at
ang pangarap ni Rolly.
15. Ang Pilipinas ang {unang, mas unang, pinaka unang } bansang
Kristyano sa Asya.
16. { Malayo, Magsinglayo, Pinaka malayo } ang maynila at Cagayan
mula sa amin.
17. {Matapang, Parehas na matapang ,Pinaka matapang } sina Macario
Sakay at Antonio Luna.
18. Si Jhon Lloyd ay {mahusay, mas mahusay, pinakamahusay } na
actor.
19. Sina Bea at Lyza ay (maganda, magkasingganda, pinakamaganda)
20. (mabagal, mas mabagal, pinakamabagal) ang pagong kung
Panuto: Pillin ang titik ng pinakawastong sagot.
21.Gusto mong lumabas kasama ng iyong mga
kaibigan, ano ang sasabihin mo sa iyong mga
magulang?
a.Maari po ba akong lumabas kasama ng aking mga
kaibigan?
b.Payagan ninyo akong lumabas kasama ng aking
mga kaibigan.
c.Hayaan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga
kaibigan.
22.May lakbay-aral ang inyong klase at nais
mong makasam. Paano ka magpapaalam sa
iyong mga magulang?
a.“Aalis ako sa Sabado dahil may lakbay-aral an
gaming klase.”
b.“Dapat ninyo akong payagan sa lakbay-aral
naming.”
c.“Maaari po ba akong sumama sa lakbay-aral
namin?”
23.Humingi ka ng pahintulot sa iyong nanay upang
makipaglaro sa labas subalit hindi ka pinayagan dahil
umaambon. Ano ang dapat mong gawin?
a.Aayain ko ang aking kapatid na makipaghabulan sa
akin sa hardin.
b.Titigil na lang ako sa bahay at gagawa ng aking
takdang aralin.
c.Magpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko ang
aking nanay.
24.Nais mong hiramin ang lapis ng
iyong kaibigan. Paano mo ito sasabihin
sa kanya?
a.“Akin na muna ang iyong lapis.”
b.“Maaari ko bang gamitin ang lapis
mo?”
c.“Ipahiram mo sa akin ang lapis mo”
25.Ugaliin ang pagpapasalamat
kung hinihingi ng pagkakataon.
a.Mali
b.Tama
c.Ewan ko
PANUTO: Sabihin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa
bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
_______26. Mabilis niyang iniligpit ang hinigaan.
a. pamaraan b. pamanahon c.pamilang d. panlunan
_______27. Ikaanim ng umaga nang gumising siya.
a. pamanahon b. panlunan c. pamaraan d. pamilang
_______28. Naglaro sila sa bakuran ng paaralan.
a. pamanahon b. pamilang c. pamaraan d. panlunan
A. Isulat sa papel ang sanhi sa bawat pangungusap.
29. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan
magmaneho pauwi.
30. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
B. Isulat sa papel ang bunga sa bawat pangungusap.
31. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
32. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming
tubig.
PANUTO: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
_______33. Walang pagkakamali na hindi maitutuwid ______ ikaw ay nagsisi.
a. at b. kung c. dahil d. nang
_______34. Matagal na siyang naghihintay _____ hindi pa dumating ang kaibigan.
a. dahil b. habang c. subalit d. kapag
_______35. Aalis ka ba ____ mahihintay ka sa akin.
a. o b. at c. kung d. dahil
_______36. Iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang
nanay.
a. g b. na c. ng d. sa
_______37. Ang enerhiya geothermal ay malinis dahil
hindi ito nagbubuga ng usok _____ nakakasama sa
katawan.
a. ng b. g c. at d. na
_______38. Si Andrew ay mahilig kumain ng mga
pagkain _____ masasarap.
a. na b. g c. ng d. o
Isulat ang PS kung pasalaysay. PT kung patanong,
PU kung pautos at PD kung padamdam, ang mga
sumusunod na pangungusap.
________ 39. May nakita ka na bang trabaho?
________ 40. Ay, muntik na akong madulas!
________ 41. Dahan-dahan ka at maputik ang
lupa.
_______ 42. Hayun na pala ang nanay!
________ 43. Malakas ang hangin kaninang
umaga.
Basahin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang titik ng
salitang maiuugnay rito.
44. sasakyan: ___________
a. transportasyon b. komunikasyon c. telepono
d. liham
45. uling: __________
a. panggatong b. pagkain c. gulay d. prutas
46. dagat: __________
a. magsasaka b. mangingisda c. mag-aararo d.
manananim
Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-ibang seleksyon. Suriin
kung ito ay piksyon o di-piksyon. Isulat ang sagot sa patlang.
_____________ 47. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong
mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang
globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.
_____________ 48. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga
hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon
at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok.
_____________49. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa
lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR
(Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal
nang suliraning ito.
_____________50. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang
pangulo ng Republika ng Pilipinas.

You might also like