You are on page 1of 4

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _______________

Baitang 3
FIRST QUARTERLY EXAM – FILIPINO 3
I. Basahin ang kuwento. Isulat ang titk ng wastong sagot sa bawat tanong.
Ang Pamamasyal sa Parke
 
Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kaming magkakapatid ay ipinapasyal ng
aming mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito ng habulan,
taguan, pagpapalipad ng saranggola, at kung ano-ano pang laro na aming maisip. Tapos, kakain
kami ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay. Samantala si Tatay naman ay abala sa pagkuha
sa amin ng mga larawan.

_____1. Ano ang unang ginagawa ng mag-anak tuwing Linggo?


A. Nagsisimba B. namamalengke C. nanonood ng sine
_____2. Saan sila namamasyal pagkatapos magsimba?
A. Sa bukid B. sa parke C. sa mall
_____3. Alin ang hindi ginagawa ng magkakapatid sa parke?
A. Naglalaro ng habulan
B. Kumakain ng ice cream
C. Nagpapalipad ng saranggola
_____4. Anong pagkain ang inihahanda ng Nanay?
A. Matatamis na pagkain
B. Maaalat na pagkain
C. Masasarap na pagkain
_____5. Ano ang ginagawa ng Tatay?
A. Natutulog
B. Kumukuha ng larawan ng magkakapatid
C. Tumutulong sa nanay
Basahing mabuti ang mga panuto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____6. Gumuhit ng isang malaking bilog at tatlong maliit na bilog

A. B. C.
_____7. Isulat ang limang patinig sa alpabetong Filipino. Salungguhitan ang bawat titik.

A. a e i o u B. a e i o u C. a, e. i.o, u
_____8. Gumuhit ng isang bulaklak na may pitong talutot. Lagyan ng dalawang dahon sa
tangkay.

A. B. C.

_____9. Gumuhit ng bituin. Sa loob nito, isulat ang titik “A”.


A. B. C.
Piliin ang pangungusap na angkop sa kahulugan ng salitang ibinigay. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____10. paso – taniman ng halaman
A. Inayos niyang Mabuti ang hilera ng paso sa kanilang hardin.
B. Namamaga ang paso niya sa daliri.
_____11. tubo – daluyan ng tubig
A. Tubo ang itinanim na halaman ni Mang Kardo.
B. Malakas ang tagas ng tubig dahil butas ang tubo.
_____12. saya- damit pambabae
A. Ang saya ng lahat ng dumalo sa piyesta.
B. Masyadong mahaba ang saya na suot ni ate.
_____13. pito – bagay na gumagawa ng tunog kapag hinipan.
A. Nabingi ang lahat sa lakas ng tunog ng pito.
B. Pito ang natirang bata sa silid-aralan.
Piliin ang panghalip panao na angkop na gamitin sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

__________14. (Ako, Akin, Ko, Kanya) ang nagmungkahi na maglinis sa labas habang wala
pa si Mam Jane.
__________15. Pumunta (tayo, ninyo, niya, atin) sa kanila upang malaman natin ang tunay
na pangyayari.
__________16. (Siya, Mo, Nila, Niya) ba ang may ari ng aklat na ito?
__________17. (Kayong, Ikaw, Mo, Ako) tatlo ang binanggit na nanalo sa paligsahan.
__________18. Nakita daw nila ( ikaw, siya, kami) na naglalakad nang sabay-sabay pauwi.
Piliin ang wastong titik ng magagalang na salita na angkop gamitin sa bawat sitwasyon.

_____19. Oras na ng hapunan at ang buong pamilya ay nasa tapat na ng hapag- kainan.
Masarap ang inihain na ulam ni nanay ngunit ito ay nakalagay sa mesa na
medyo malayo sa iyo at si ate ang katabi mo. Ano ang sasabihin mo kay ate?
A. Abutin mo nga ang ulam. C. Iabot mo sa akin ang ulam.
B. Usog at aabutin ko ang ulam. D. Ate, makikiabot sa akin ng ulam.
_____20. Inutusan ka ng iyong guro na pumunta sa tanggapan ng punongguro upang
kunin ang libro. Pag pasok mo sa tanggapan, ano ang sasabihin mo sa
punongguro?
A. Inutusan ako ng aking guro, kunin ko daw ang libro niya.
B. Nasaan na ang libro ni Ma’am Faye? Akin na nga at ipinakukuha niya.
C. Pinakukuha ni Ma’am Faye ang kaniyang libro.
D. Magandang umaga po! Sir Jaypee, inutusan po ako ni Ma’am Faye na kunin ko daw po ang
kaniyang libro.

_____21. Naglakad kayo ng iyong mga kaklase pauwi. Sa tapat ng tindahan ni Aling
Ingga na inyong dadaanan ay may mga nanay na nagkukuwentuhan. Ano
ang magalang na salita ang sasabihin mo?
A. Makikiraan po! C. Tabi at dadaan ako
B. Magsiuwi na kayo. D. Magandang magsialis kayo sa daan!
Piliin at isulat sa patlang ang titik ng angkop na tagpuan sa bawat tauhan.

_____22. mangingisda
A. bukid B. tabing-dagat C. siyudad
_____23. mga mag-aaral
A. ospital B. parke C. paaralan
_____24. magsasaka
A. bukid B. estasyon ng tren C. simbahan

Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

_____25. Alin sa mga sumusunod na salita ang dapat isinusulat sa malaking letra?
A. paaralan B. araw C. lapis D. juan dela Cruz
_____26. Alin sa mga sumusunod na salita ang dinaglat?
A. Binibini B. Gng. C. doktor D. halimbawa
_____27. Si Bb. Dela Cruz ay ang aking mabait na guro. Aling salita ang dinaglat ng
wasto?
A. Guro B. Dela Cruz C. Mabait D. Bb.
_____28. Ano ang tawag sa mga salitang inihahalili sa mga pangngalan?
A. pangngalan B. panghalip C. panghalili D. pandiwa
_____29. Ano ang panghalip na pamatlig na ginagamit kapag ang
itinuturo ay malayo sa nag-uusap?
A. ito B. iyon C. nito D. niyan
_____30. Handa nang magluto ang nanay. _____ ang mga sangkap na
gagamitin niya. Anong panghalip pamatlig ang bubuo sa pangungusap?
A. ako B. Iyan C. Nito D. Niyan
Basahin ang teksto. Isulat ang titk ng wastong sagot sa bawat tanong.

Isang Sabado masayang binabaybay nina Tatay at Marlon ang taniman ng palay at mababatong
daan bago nila narrating ang malawak na bahagi ng bukid.
Masaya sa pangyayaring ito si Marlon.

_____31. Alin ang nagsasaad kung kalian at saan nangyari ang kuwento?
A. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon.
B. Malawak na bahagi ng ukid
C. Isang Sabado, taniman ng palay, mabatong daan

_____32. Alin sa sumusunod ang Hindi tumutukoy sa pangngalan na makikita sa


maikling talata.
A. Tatay at Marlon C. malawak
B. Daan D. bukid
_____33. Saan pupunta sina Tatay at Marlon?
A. Sa dagat B. sa bukid C. sa palaisdaan
_____34. Ano ang naramdaman ni Marlon sa karanasang ito?
A. Malungkot B. natatakot C. masaya
_____35. Sino ang kasama ni Tatay papunta sa bukid?
A. Si Marlon B. si Miko C. si Marvin

You might also like