You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI Western Visayas


Division of Kabankalan City
District of Kabankalan II
KABANYOHAN ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2


S.Y. 2022-2023
I. Piliin ang titik ng mensahe ng mga sumusunod na pahayag.
_____ 1. Hindi ko kinakalimutan ang magtungo sa simbahan tuwing araw ng
Linggo.
A. madasalin B. magpapasalamat sa Diyos C. mabait

_____ 2. Mahilig akong kumain ng gulay, maaga akong natutulog at maaga


akong gumigising.
A. Ako ay malusog. B. Ako ay sakitin. C. Ako ay tamad.

_____ 3. Ang mag-anak na Delfin ay naglilinis ng bahay at bakuran tuwing


walang pasok. Masarap ang inilulutong ulam ni nanay, at sama-sama silang
kumakain.
A. Mahirap ang kanilang pamilya.
B. Mahigpit na ama si Delfin.
C. Masaya ang pamilya ni Mang Delfin.

_____ 4. kapag may natira akong baong pera. inihuhulog ko ito sa aking
alkansiya.
A. masinop B. matipid C. kuripot

_____ 5. Maaga akong pumapasok sa paaralan. Nagwawalis na ako at inaayos


ang mga upuan.
A. masipag mag-aral B. matulungin C. mabait

II. A. Isulat sa patlang ang MS kung magkasingkahulugan at MK kung


magkasalungat ang pares na mga salita.
_____ 6. Mataas – mababa

_____ 7. Tahimik – payapa

_____ 8. Tulak – hila


_____ 9. Sigaw – Hiyaw

_____ 10. Maulan – maaraw


III. Basahin mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat
lamang ang titik nito.
_____ 11. Kausap ni Luis si Cris. Sabi niya, _____ ba ang bago naming
kamagaral?
A. ako B. siya C. ikaw D. kami

_____ 12. Kausap ni Bb. Reyes ang mga bata na kaharap niya. Sabi niya, _____
ay bibigyan ko ngayon ng matataas na marka.
A. siya B. Si C. Sila D. kayo

_____ 13. Kilala ko si Aling Luisa. _____ ay nanay ni Carlo.


A. Sila B. Siya C. Kami D. Si

_____ 14. Hawak ni Mila ang kanyang payong. Sabi niya _____ ay aking
payong.
A. ito B. iyan C. iyon D. doon

_____ 15. Nakatira si Ben sa bahay na ito. _____ siya maaring dalawin.
A. Dito B. Doon C. Diyan D. Sa likod

_____ 16. Angmga bata ay naglalaro sa palaruan. Ang salitang kilos ay:
A. naglalaro B. mga bata C. Ang D. palaruan
_____ 17. Pagmasdan ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata?
A. sumasayaw C. Nagsusulat
B. umiiyak D. tumatawa

_____ 18. Alin ang pangungusap na nagsasabi ng kilos na ipinapakita sa


larawan?
A. Siya ay naglalaro ng aklat.
B. Siya ay gumugupit ng aklat.
C. Siya ay naglalagay ng takip ng aklat.
D. Siya ay nagbabasa ng aklat.
_____ 19. Alin ang salitang nabubuo kapag pinalitan ang unang pantig sa
salitang (lakas)?

A. Lakad B. Wakas C. Lata D. Labas


_____ 20. Alin ang maaring ipalit sa pantig na pa sa salitang panga upang
makabuo ng ibang salita?
A. tu B. ku C. bu D. gu

_____ 21. Ito ay kilalang salita sa loob ng salitang pamasko.


A. masko B. pamas C. ama D. asko

_____ 22. Alin ang salitang tambalan?


A. pawid B. bahay-kubo C. kisame D. kuwarto

_____ 23. Alin sa mga sumusunod ang magkakaugnay?


A. kalabaw, pinto, bintana C. mangga, bayabas, pinya
B. papel, lapis, kutsara D. tinapay, papel, lapis

_____ 24. Alin sa mga sumusunod na salita ang mauuna kapag inayos na pa-
alpabeto?
A. sisiw B. payong C. walis D. lapis

_____ 25. Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?


A. sabaw B. ulap C. tilapia D. bukid

_____ 26. Alin sa mga sumusunod ang nakaayos ng pa-alpabeto?


A. mangga B. mangga C. ulap D. puno
tilapia puno tilapia tilapia
puno tilapia puno ulap
ulap ulap mangga manga
______27. Uso ang trangkaso dahil sa pagbabago ng panahon. Ang salitang
may kambal-katinig sa pangungusap ay?
A. Uso B. trangkasoC. Dahil D. panahon
______28. Sino ang kasabay mo pagpasok sa paaralan? Alin sa mga
sumusunod ang panghalip na pananong?
A. sino B. kasabay C. pagpasok D. paaralan
______29. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot
ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari tungkol sa Wastong
Pamamaraan ngpaghahanda ng Pagkain.
1. Bumili siya ng gulay, manok at prutas.
2. Niluto at inihanda niya ang kanyang pinamili.
3. Pumunta ang nanay sa palengke.
4. Masaya kaming kumain magkakapatid.
A. 3,1,2,4 B. 1,2,3,4 C. 2,4,3,1 D. 4,3,2,1

30. Isulat ang buo mong pangalan ng kabit-kabit.

You might also like