You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGTATAYA SA FILIPINO
Unang Baitang
Pangalan:_________________________________________________________
Baitang at Seksyon:_________________________________________________

PANUTO: Basahin mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik


ng tamang sagot.

1. Alin ang mga salitang magkatugma?


A. baboy - kahoy
B. bahay - sako
C. pula - piso
D. kama – puno

2. Ano ang katugma ng salitang kahon ?


A. bulaklak
B. dahon
C. okra
D. sanga

3. Alin ang angkop na salitang kilos sa bawat larawan?

____________________ang bata.
A. Nagdidilig
B. Nagsusuklay
C. Nagtatanim
D. Nagwawalis

4. Ang mga bata ay ______________________.


A. naglalakad
B. naglalaro
C. nagluluto
D. natutulog
Pasyente: Dok, masakit po ang aking ulo.
Doktor: Sige inumin mo itong gamot na ito pero kailangan mong
magpahinga muna sa bahay.

5. Anong mga salitang kilos ang ginamit sa pag-uusap ng pasyente at doktor?


A. masakit, gamot
B. inumin, magpahinga
C. gamot, bahay
D. gamot, magpahinga

6. Alin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa


ibaba?
Natutuwa ang lahat sa napakagandang tanawin.
A. nagagalak
B. nagagalit
C. naiinis
D. nalulungkot

7. Matatag ang pagkakagawa ng kanilang bahay. Ano ang kasingkahulugan


ng salitang matatag sa pangungusap?
A. mahina
B. marupok
C. matibay
D. sira

8. Napadaan ang bata sa may punong mangga at nasiyahan sa


nakita. Hitik sa bunga ang puno ng mangga. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang hitik?
A. bubot
B. konti
C. iisa
D. marami

9. Dumilim ang paligid at biglang umihip ang malakas na hangin.


Ano kaya ang susunod na mangyayari?
A. Maglalaba ang mga tao.
B. Maglalaro ang mga bata.
C. Sisikat ang araw.
D. Uulan ng malakas
10. Ano kaya ang mangyayari kapag kumain ng maraming kendi si Mokmok?
A. Gaganda ang kanyang ngipin.
B. Puputi ang kanyang ngipin.
C. Sasakit ang kanyang ngipin.
D. Titibay ang kanyang ngipin.

11. Si Trishia ay tamad gumawa ng mga homework o gawaing bahay.


Ano kaya ang mangyayari sa kanya?
A. Bababa ang kanyang marka.
B. Magiging mapagmalaki siya.
C. Makikipag-away siya.
D. Tataas ang kanyang marka.

12. Taimtim na nagdarasal ang mag-anak. Paano nagdarasal ang


mag-anak?
A. magulo
B. maingay
C. malakas
D. taimtim

13. Aling pangkat ng mga salita ang tumutukoy ng pook o lugar?


A. atis, ubas, bayabas
B. Lunes, bukas, mamaya
C. papel, lapis, pambura
D. simbahan, palaruan, paaralan

14. Sina Lolo at Lola ay umalis kahapon. AnO ang salitang may salungguhit?
A. salitang naglalarawan.
B. salitang nagsasabi ng lugar.
C. salitang nagsasabi ng panahon.
D. salitang nagsasabi ng pangyayari.

15. Alin sa sumusunod ang wastong pagkakasulat ng pamagat?


A. ang bata at ang ibon
B. Ang bata at ang Ibon
C. ang Bata at ang Ibon
D. Ang Bata at ang Ibon

16. Alin sa mga pangungusap ang tama ang pagkakasulat?

A. Si ginang MIclat ay isang mahusay NA guro


B. Si Ginang Miclat ay isang mahusay na guro.
C. Si GNG. Miclat ay isang mahusay na GURO.
D. Si Gng. MICLAT ay ISANG mahusay na guro.
17. Paano isusulat nang tama ang pangalan ng paaralan sa ibaba?
A. San Matias Elementary School
B. san Matias elementary SCHOOL
C. San Matias elementary school
D. SAN MATIAS ELEMEntary SChool

18. Aling pang – uri ang angkop gamitin sa pangungusap? Ang


regalo ni Kim ay ______________.
A. maganda
B. pangit
C. malayo
D. matapang

19. Ang balita ay tungkol sa malakas na bagyo. Ano ang pang-uri nabanggit
sa pangungusap?
A. bagyo
B. balita
C. malakas
D. tungkol

20. ____________ PAG-ASA lumalakas ang paparating na bagyo sa Pilipinas.


A. Ayon sa
B. Para kay
C. Para sa
D. Sa

21. Lunes, pagdating mo sa paaralan ay tumunog na ang bell para sa pagtataas


ng watawat sa umaga. Alin sa sumusunod ang dapat gawin?

A. Makipagkuwentuhan sa kaklase.
B. Isumbong ang kaklaseng naglalaro.
C. Pumila nang maayos at awitin ang Lupang Hinirang.
D. Tumayo at panoorin ang mga kaklase.

22. Gumuhit ng tatlong bola sa loob ng isang parihaba.


Alin ang sumusunod sa panuto?
A.

B.

C.

D.
Nagpaalam sa iyo ang kapatid mong si Sabina noong nakaraang
Sabado na pupunta siya sa SM. Nagkita kayo ng kanyang kaibigan
kinabukasan at tinanong kung ano ang ginawa ni Sabina noong
Sabado.

23.Anong pangungusap ang mabubuo mo para sabihin sa kaibigan niya?

A. Nagpunta si Sabina sa SM noong Sabado.


B. Natulog sa bahay si Sabina noong Sabado.
C. Nakipaglaro si Sabina sa akin noong Sabado.
D. Nakipagkuwentuhan si Sabina noong Sabado.

PANUTO: Basahin mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga tanong at bilugan
ang titik ng tamang sagot.

Tara ng Mamasyal sa Baguio


Bakasyon noon. Nagpunta ang buong mag – anak ni Mang Herman at
Aling Pising sa Baguio. Namasyal sila sa mga iba’t – ibang tanawin doon.
Nagpunta sila sa Burnham Park at nagbisikleta ang mga bata habang
namamangka sina Kuya at Ate. Pumunta rin sila sa Mines View upang
matanaw ang ganda ng Baguio. Habang namamasyal, dama nila ang
sariwa at malamig na klima sa Baguio. Masayang umuwi ang buong pamilya
at bakas sa kanilang ngiti ang ganda at lamig ng panahon sa Baguio.

24. Kaninong mag – anak ang namasyal sa Baguio?


A. Mang Ben at Aling Belen
B. Mang Dante at Aling Marian
C. Mang Herman at Aling Pising
D. Mang Lito at Aling Nena

25. Saan-saan sa Baguio namasyal ang buong mag - anak?


A. Burnham Park, Mines View
B. Mines View, Groto
C. Baguio, Burnham Park
D. Mines View, Mansion

You might also like